Necronomicon

Reading Time: 18 minutes

Topics

Kapag sinabing necronomicon, kilala na ito ng mga book worm, ung mga mahilig magbasa ng mga libro. Hindi pocket book ha. Ang necronomicon ay isa sa pinakapopular na libro na ginawa ni HP Lovecraft. May mga nagsasabi na totoo daw ang libro na ito at hindi kathang isip may iba naman na nagsasabi na isa lamang itong gawa ng imahinasyon ni lovecraft.


The Author:

H. P. Lovecraft - Wikipedia

Bago natin kilalanin ang libro, kilalanin muna natin kung sino nga ba ang sumulat nito. Kilalanin natin si Howard Phillips Lovecraft o mas kilala bilang si H.P Lovecraft. Si Lovecraft ay ipinanganak sa Providence,Rhode Island noong August 20,1890 at nag-iisang anak ng mag-asawang Winfield Scott Lovecraft and Sarah Susan Lovecraft.

Ayon sa research , noong bata pa si Howard naimpluwensyahan ito ng isang American businessman na si Whipple Van Buren Phillips na nakilala niya sa kanilang lugar.Ang lalaking ito ang nagbigay ng impluwensya sa kanya upang magbigay ng kakaibang atensyon sa mundo ng literatura, at hindi lamang basta-basta literature ngunit ang atensyon niya ay natuon sa classical literature at English poetry.

Sa tulong ni Whipple, ang batang Howard ay natutong gumawa ng mga classics, pero hindi lang yan natuto din syang gumawa ng mga wirdong kwento na naglalaman ng iba’t ibang mga nilalang. You see si whipple ang pinaniniwalaang nagkwento kay lovecraft at ito rin ang naging isa sa mga inspirasyon nya sa kanyang mga nagawang kwento.

Posibleng ang mga kwento ni whipple ay maaring galing sa mga classic Gothic novelists. Ang lalaking nagbigay sa batang Howard ng inspirasyon upang gumawa ng mga nakakatakot na kwento ay namatay dahil sa stroke noong 1904.

Pitong taon pa lamang ang batang ito ay nagsisimula na itong gumawa ng mga tula at nagbibigay ng bagong bersyon ng ilang mga odessy at ilang mga mythological stories. Ang mga karakter na nasa libro ni Lovecraft ay mga taong naghahanap ng kasagutan sa isang bagay. Gagawin ng mga ito ang lahat maabot lamang ang kaalaman na kanilang matagal nang hinahanap. Ayon sa ilang mga kritiko, ang mga ganitong karakter na ginagawa ni Lovecraft ay base sa mundo na kanyang ginagalawan, ibig sabihin ang tao o karakter sa kanyang libro ay naghahanap din ng mga kasgutan sa madaming bagay.

Si Lovecraft ay nagpabalik balik sa pag-aaral noong ito ay elementary pa lamang at tanging home tutor lamang ang nagiging dahilan upang makuha niya ang mga nadaanang taon na hindi niya nakuha. Walang eksaktong sagot kung bakit nag pa home tutor si lovecraft, marahil dahil sa sakit o sa iba pang dahilan.

Noong 1936 na diagnosed si lovecraft ng sakit na terminal cancer of the small intestine. Huli na ng malaman ni lovecraft ang kanyang sakit dahil 1 buwan matapos nyang magpacheck up ay namatay na ito dahil malala na ang kanyang cancer. Dala ni lovecraft kanyang diary hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay at namatay noong March 15, 1937.

The book of Dead:

The Necronomicon: The sinister and forbidden "Book of the Dead ...

Sa lahat ng naisulat na kwento ni Lovecraft, ang katagang “Necronomicon” ay ilang beses na nabanggit at nagamit ng mga karakter na kanyang nagawa. Ang Necronomicon ay tinatawag ding Book of dead na mula sa orihinal na Arab title nito na “Kitab al-Azif”. Una itong nabanggit ni Lovecraft sa kanyang maikling kwento na “The Hound” noong 1924.

Ang tunay na Author nito na si “Mad Arab” Abdul Alhazred, ay kanya ding nabanggit ng ilang beses sa kanyang kwento na pinamagtanag “The Nameless City”. Nabanggit din sa “Old One” na kwento ni Lovecraft ang Necronomicon, ang libro na ginamit upang matawag ang ilang mga deities o ilang mga diyos diyosan.

Ang salitang necronomicon ay mula mismo sa isa sa panaginip ni Lovecraft. Ayon sa paniniwala, si Lovecraft ay naimpluwensyahan din ng isang pang fiction writer na si Robert W. Chambers na kung saan ang mga isinusulat nito ay mga kakaiba at misteryosong mga kwento din.

Ayon kay Donald R. Burleson, ang ideya ni Lovecraft para sa librong Necronomicon ay base sa gawa ni Nathaniel Hawthorne na isa ring manunulat ng mga dark stories. Ayon naman mismo kay Lovecraft, ang libro na ito ay isang “mouldy hidden manuscripts” na isang stock feartures ng Gothic literature.

Ang arabic text ay itrinaslate sa Greek noong A.D 950. Ang ilang kopya ng libro ay sinunog dahil na din sa ilang mga insidente na nagawa nito sa mga taong ginagawa itong gamit upang makausap ang ibang nilalang. Noong 1228, isang pari na kinilala bilang si Olaus Wormius ang nagtranslate nito sa salitang Latin. Ang pope noon na si Pope Gregory IX ay ipinabanned ang librong nakasulat sa latin at griyego, ang ilang mga church officials ay sinunog ang lahat ng kopya na kanilang nakita at nakuha. Bakit kaya? Anong meron sa necronomicon at ganun na lamang ang paguutos ng pope?

Noong 1568 isang Englishman at isa ding magician na kinilala bilang si Dr.John Dee ang nakakuha ng ilang nawawalang kopya ng libro na naisulat sa latin. Ayon na din sa ilang pang mga research, ang tao na ito kasama pa ang kanyang asssistant na kinilala bilang si Edward Kelly ay nagtulungan upang isalin ito sa salitang Ingles.

Ang kanilang gawa ay hindi na print dahilan upang hindi din ito mailabas sa madla. Ang pinaniniwalaan na gawa ng dalawa ay makikita sa Bodleian Library sa Oxford, England. Ang kinikilalang Dr. John ay hindi isang magician kung hindi isang mathematician at isang alchemist na naging advisor ni Queen Elizabeth I.

Ang ilan ay naniniwala din na ang Arab text na libro na ito ay naisalin din sa salitang Hebrew pero hindi pinaniniwalaan ng ilang mga tao lalo na nang mga taga suporta ni Lovecraft. Ang ilang kopya ng Necronomicon na nakasulat sa iba’t ibang lengwahe ay makikita sa mga lugar katulad ng Bibliotheque Nationale at Paris; British Museum at iba pa.

Ang ilang pang mga libro na gawa ni Lovecraft ay hindi tinatanggap ng ilang mga political organization at ng ilang mga religous group. Ayon sa paniniwala, ang mga gawa ni Lovecraft ay nagdadala ng kabaliwan at ilang mga masasamang pangyayari saan man ito naroroon. Well, ang lahat naman ng gawa ni Lovecraft ay galing lamang sa kanyang isipan na kanya lamang ibinabahagi o baka naman mayroong bumubulong sa kanya nung sinulat nya ang mga kwento? Kayo ano sa tingin nyo?

Real or Just a book:

Evil Dead - Book of the Dead - YouTube

Ayon sa paniniwala, ang libro ay naglalaman ng mga spells. Ilang mga pag-aaral patungkol sa pagtawag ng ilang mga nilalang, mababasa ang mga propesiya at ilang mga incantations na maaring makapatay o maging dahilan upang ang isang tao ay mabaliw.

Ayon pa sa ilang mga paniniwala, ang ilang mga natitirang kopya ng libro na ito ay maingat na itinabi upang hindi mapasakamay ng ilang mga tao. Kahit na ganito ang paniniwala patungkol sa libro na ito, maraming mga tao pa din ang nagtatangakang mabasa o masulyapan man lamang ito.

Ang libro na pinaniniwalaang magbibigay ng gabay upang mas lalo pang makilala ang mga nilalang na nabuhay noong nakaraang panahon. Naniniwala ang ilang mga tao na ito ay magiging daan upang maintindihan ng mabuti ang mga kakaibang namuhay sa mundo na hindi na naabutan ng mga modernong tao. Ang mga nilalang na maaring maging dahilan ng pagkawasak ng mundo. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang ilang mag grupo ay ipinabanned ang libro na ito.

Ngunit ayon sa ilang mga research, ayon mismo kay Lovecraft ang kwento na ito ay gawa lamang ng kanyang imahinasyon at ppurong kathang isip lamang na mula sa kanyang utak .Si Lovecraft mismo ang nagsabi na walang katotohanan ang mga nakalagay sa libro na kanyang ginawa.

Ang ilan ay naniniwala na si Lovecraft ay mayroong alam patungkol sa nakatagong sikreto ng mundo na hindi dapat ipaalam sa mga tao. Ayon mismo kay Lovecraft, ang mga nakalagay sa na pangyayari sa kanyang libro ay walang katotohanan. Ngunit matibay ang paniniwala ng iilan na ang mga nakalagay na ritwal, mga spells, mga karakter ay totoo.

Ang ilang mga paranormal expert ay matibay rin ang paniniwala na totoo ang mga nakalagay sa libro, dahil ang ilan sa mga nakasulat ay makikitang nangyari sa iba pang mga literatura at iba pang paniniwala. Ang libro na ito na pinaniniwalaan na nanggaling mismo sa Middle East, na naipasa sa bayang ng Griyego at naisalin na din sa salitang Latin at nadala na din sa Europa. Ang sulat ni Lovecraft ay nanatiling misteryo para sa iilan.

Kung hindi man ito totoo bakit ito pinabanned ng ilang mga religous at political group at sinunog pa ang mga kopya na kanilang nakita? Maraming tao ang naghahanap ng kasagutan at hinahanap ang tunay na gawa ni Lovecraft patungkol sa libro.

The simon necronomicon:

Amazon.com: The Simon Necronomicon eBook: Unknown Author: Kindle Store

Ayon sa ilang research, ang tinatawag na Simon Necronomicon ay isa ding grimoire o isa din itong libro na naglalaman ng mga kakaibang kaalaman patungkol sa dark magic. Ang sumulat ng libro na ito ay hindi kilala ngunit ang nakalagay lamang sa harapan ay ang pangalang “Simon” kung kaya’t ito ay tinatawag na Simon Necronomicon. Just to be clear, iba ito sa ginawa ni lovecraft.

Ang laman lang naman ng libro ay mga ilang pangyayari at paniniwala noon sa ancient Middle East at ilang mga kwento patungkol kay Lovecraft at sa taong nagngangalang Aleister Crowley na kung saan gumawa ng kwento patungkol sa isang lalaki na kinilala bilang “The mab Arab”

Ayon sa research, ang libro ay inilabas ng Schlangekraft, Inc noong 1977. Ang libro na binubuo lamang ng halos 263 pages, ngunit walumpo lamang ang pahinang sinulat ni. Ayon sa libro, ang kinikilalang author na simon kasama pa ang ilan niyang mga kaibigan o kakilala ay nakilala ang greek translation ng Necronomicon mula sa isang misteryosong monghe.

Ayon kay Simon, matapos nilang basahin at gawin ang ilang mga nakasulat sa libro na ibinigay sa kanila ng isang misteryosong tao, napatunayan niya patin na din ng kanyang mga kasama na ito ay naglalaman ng kakaibang impormasyon . Puno ito ng mga kakaibang ritwal at nakalagay din sa paunang salita ng “Simon Necronomicon”. Ang libro ay mapanganib at maaring makapag palabas ng mga masasamang elemento at nilalang.

Mababasa din sa paunang salita ng libro ang pagkaka konekta ni Lovecraft at ni Crowley at ng ilang ancient mythology at ilang ritwal mula sa Sumerian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean. Isinama din ng manunulat ang ilang mga relihiyon katulad ng Kristyanismo, Wicca, Satanism at ang Hudyo.

Laman din ng introduction ang isang frame story o ang paunang istorya na binigyan ng titulo na “The Testimony of the Mad Arab” na mayroong dalawang bahagi. Isang prologue at isang epilogue na inilaarawan mismo ng manunulat na siya ang Mad arab. Ayon sa prololuge, Nakita at nadiskubre ng Arab na ito ang mga kakaibang ritwal at mga pangyayari na hindi inaasahan.

Habang ang nakalagay naman sa epilogue ng libro ay ang pagkakakita ng iba’t ibang mga vision o premonition ng taong ito patungkol sa kanyang sariling pagkamatay. Naniniwala ang Arab na nasa libro na ang nakakatakot na libro ng Necronomicon ay naghahanap ng pagkakataon upang makaganti dahil sa ginawa ng lalaking arab na ipakilala ang kayang gawin ng libro. Kung baga ayon sa libro na simon necronomicon, ang necronomicon na ginawa ni lovecraft ay may buhay.

Karamihan sa laman ng libro ay mga magic rituals, mga conjuration o ang pagpapasanib ng ilang mga bagay sa isang tao o hayop. Ilang mga incantations at mga seals ang naipakilala sa libro. Ang ilan sa mga incantations ay upang mapaalis ang mga masasamang nilalang at pagtawag sa mga nakakataas at mababait na Diyos diyosan.

Ang ilang mga spells ay pinaniniwalaan na maaring gamitin na pangsumpa sa kaaway ng isang tao na kung saan isinulat ito sa salitang ingles at mga makalumang salita. Ang ilan ay maaring misspell lamang ng mga romanization ng ilang archaic words. Ang ilang mga salita na nakita sa libro ay hindi maintindihan dahil hindi ito nakikilala na ginamit na salita ng mga nagdaang panahon.

Ang ilang mga magical seals ay magagamit upang matawag ang ilang ilang Diyos at ilang mga demonyo upang makausap ng tumawag dito. Nakalagay din sa libro kung paano gawin o iguhit ang mga seals at ilang amulets, nakalagay din ang ilang mga bagay na kailangan gamitin, ang oras at araw ng paggawa.

Ang ilang mga ritwal ay nagsasaad ng mga human sacrifice. Halimbawa na lamang ang pumatay ng labin isang lalaki upang na kasama ng isang espesyal na kutsilyo para matawag ang diyos na kinikilala bilang si Tiamat. Ang mga ganitong laman ng libro ay sapat na upang katakutan ito ng ilan at makapagbigay ng babala na ang maari lamang bumasa nito ay ang mga taong nasa tamang pag-iisip at malakas ang loob.

Nakalagay din sa libro ang isang sumpa sa kung sino man ang mga taong tumulong upang ilaban ito sa madla at nakalagay din ang mga ginagawang bagay ng samahang Golden Dawn na pinaniniwalaan secret society na gumagawa naman ng iba’t ibang ritwal.

Nakalagay din sa libro na ang mga diyos at mga masasamang nilalang na nabubuhay noon ay hindi pa patay ngunit naghihintay lamang na magising sa paraan ng ilang mga ritwal at mga sakripisyo. Kumbaga nasa deep sleep sila if you will. Naisama din dito ang katapusan ng sangkatauhan kung saan ang nilalang na Leviathan ang ialalay sa mga nilalang na natira sa malakihang laban.

Ayon sa ilang mga tumingin sa libro na ito isa itong hoax at ang mga nakasulat dito ay pananakot lamang. Ayon kay Owen Davies na isang manunulat, isa itong “well-constructed hoax” na kung pinagsama-sama ang ilang mga kwento upang makabuo ng isang maganda at kapanipaniwalang kwento na tatangkilin ng mga manbabasa.

Ang libro na ito ay naisama din sa ilang mga kaso. Isa sa pinaka kilala ay ang kaso ni Rod Ferrel na pumatay ng tao upang gumawa ng isang ritwal. Ang taong mismo na ito ay umamin na ginamit niya ang libro upang maisagawa ang ilang ritwal.

Necronomicon Movies And Others:

Necronomicon: Book of Dead (1993) - IMDb

Dahil na din sikat ang libro na ito, madaming mga movie maker ang ginawa itong inspirasyon upang makagawa ng isang nakakatakot na palabas. Nariyan ang palabas na “The Evil Dead’s Necronomicon” na kung saan ang balat ng tao ang ginamit upang magawa ang libro na ito para gamitin at tawagin ang iba’t ibang nilalang.

Ang palabas na “The Cabin in the Woods” na kung saan patungkol sa mga magkakaibigan na college student na napunta sa isang cabin na nasa gitna ng gubat at doon ay nakita nila ang isang libro na naging dahilan upang isa-isa silang mamatay.

Ang Necronomicon ay nagamit din sa isang episode pinamagatang “Brawl in the Family” na mula sa series na palabas na The Simpsons. Ang libro na Necronomicon ay nabasa ng isang lalaki at doon aksidente na napalabas ang isang halimaw. Ang Book of the Dead na ginamit sa palabas na The Mummy, na kung saan ginakit upang matalo ang kalaban na kanilang kinakaharap.

Hindi lamang sa mga palabas nagamit ang lilbro ngunit pati na din sa ilang sikat na Video games na nilalaro ng karamihan. Ang laro na Crusader Kings II at Suikoden V’s ay makikitang ginamit ang libro upang mabuo at matapos ang laro na ito.

Sa maraming mga libro na nagkalat sa mundo. Ang ilan dito ay naglalaman ng kung ano-anong bagay na mula sa utak ng mga magagaling na manunulat.. Totoo ba na masama ang libro? Sa tingin ko depende sa tao yan. Dahil kagaya nga ng nabanggit dito, may mga taong susubukan ang ilang mga bagay na inaakala nilang totoo. Ikaw, naniniwala ka ba sa necronomicon?

Sources

Sources

  1. https://www.ranker.com/list/necronomicon-depictions/melissa-brinks?ref=search
  2. https://www.wikiwand.com/en/Simon_Necronomicon
  3. https://infinityexplorers.com/necronomicon-dangerous-forbidden-book-dead
  4. https://entertainment.howstuffworks.com/arts/literature/necronomicon2.htm
  5. https://en.wikipedia.org/wiki/Necronomicon
  6. https://en.wikipedia.org/wiki/H._P._Lovecraft#Last_years_and_death

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip natin?

Bakit tayo nag kakaroon ng Phobia