Nagteleport sa manila hanggang mexico sa isang kisap mata

Reading Time: 8 minutes

Naniniwala ka ba sa teleportation?

Sa internet makikita natin ang iba’t ibang kuha ng camera mula sa ibang bansa, kung saan ang mga ito ay nahuhuling nawawala na lamang bigla. Ang iba naman ay naaktuhan na lumilitaw na lamang bigla. Ilang litrato na din ang lumabas at makikita dito ang ilang mga tao na nakasuot ng mga damit na makikita sa unang panahon, gamit na ginagamit na sa makabagong panahon at iba pa.

Mula sa mga palabas, gamit ang isang bagay o isang makina ay magagawa na nang mga tao na makapunta sa hinaharap o hindi naman sa nakaraan. Maari din sa kasalukuyan kung saan isang pikit mo lamang ay makakapunta kana sa isang lugar ng hindi sumasakay sa kahit anong sasakyan.

Sa dinami-dami ng kwento na nagkalat, isa sa pinaka kilalang kwento at paniniwala ay ang taong ito. Si Gil Perez.Kilalanin natin kung ano ba ang kwento ng taong ito,at kung mayroon nga bang katotohanan sa likod ng kanyang istorya.

History:

Ancient Teleporter or Errant Soldier? The Curious Case of Gil Perez

Bago natin alamin kung ano ang nagawa ni Gil Perez, kilalanin muna natin kung ano bang klaseng tao ito noong unang panahon. Si Gil Perez ay isang 16th century soldier at gwardya. Isa itong ordinaryong Spanish ngunit siya din ay miyembro ng Guardia Civil na ang kanyang gawain ay maging isa sa gwardya ng palasyo ng gobernador heneral sa Manila dito sa Pilipinas.

Pinaniniwalaan na ang taong ito ay kilala bilang tapat sa kanyang trabaho at sa iba pang bagay na ipinapahawak sa kaniya. Ngunit noong ika-dalawampu’t lima ng oktubre taong 1593, na siya ding taon ng pagkamatay ng gobernor na si GOmez Perez Dasmarinas, nagbago din ang kapalaran ni Gil Perez. Ang dating simpleng mamamayan dito sa pilinas ay biglang nakilala sa bayan ng Mexico. Dito na nagsimula ang mga kwento at paniniwala, sa tagal ng panahon ay hindi pa din alam kung totoo ba ang nangyari sa taong ito o hindi.

The Mysterious story of Gil Perez:

Gil Perez The Filipino Time Traveler | Paranormal Amino

Ayon nga sa kumalat na kwento, noong taong un at saktong araw din na iyon ay ang pagpatay ng isang Chinese pirates kay Governor Dasmarinas. Dahil isa si Gil sa tagapagbantay ng palasyo ng Gobernador, kailangan nilang banatayan ang lugar hanggang sa maihalal ang papalit sa pwesto ni Governor Dasmarinas. Dahil sa buong gabi at walang tulog ang gwardang ito, unti-unti itong nahilo at panandaliang sumandal sa pader at pumikit.

Dito ay hindi niya inasahan ang sumunod na pangyayari.

Isang spanish soldier ang nakitang nakatayo bilang gwardya sa harap ng Plaza Mayor ng Mexico City sa mexico si Gil Perez. Ang kwento ay, nakita itong maayos na nakatayo sa lugar at parang alam niya ang kanyang ginagawang pagbabantay, ngunit ang kakaiba lamang ay ang kanyang suot na uniporme. Ang suot ng lalaki ay uniporme ng isang gwardya mula sa kolonya ng Espanya sa Manila sa Pilipinas. Dahil dito, ang lalaking ito ay ipinatawag at kinausap ng kapitan ng mga gwardya sa lugar.

Dito ay nakilala ng mga tao si Gil Perez. Ayon sa panayam sa taong ito, noong idinilat niya ang kanyang mata mula sa panandaliang pagpikit, napagtanto niya na siya ay nasa ibang lugar na. Si Gil ay nakatawid lang naman ng halos libo libong kilometro sa Pacific ocean at nakapunta sa Mexico nang isang pikit lamang. Doon ay dinala ito sa isang lokal na tanggapan at ikunwento niya kung paano siya napunta sa lugar na iyon.

Dahil hindi kapani-paniwala ang kwento ng isang estranghero na nakasuot ng kakaibang kasuotan, hindi ito pinaniwalaan ng mga tao. Sino nga ba naman ang maniniwala sa kwento na pagpunta sa isang lugar ng ganon kabilis di ba?. Ilang mga opisyal na din ang kumwestyon kay Perez ngunit iisang kwento lamang ang kanyang ikinukwento. Doon ay ipinatawag ang isang religious expert, isang Franciscan friar na si Gasper de San Augustin.

Dito ay naisulat ng friar ang bawat kataga na inilathala ni Perez sa kanilang pag-uusap. Nagpakilala ito bilang Gil Perez, noong umaga at inutusan itong bantayan ang pinto ng governor’s palace sa Manila. Alam niyang ang kanyang kinatatayuan noong nakita siya ng mga tao ay hindi na ang palasyo sa Manila at hindi niya alam kung paano ito nangyari. Noong nga daw kinagabihan ay napalakol sa ulo ang kanilang gobernador na si Don Gomez Perez Dasmarinas.

Dahil sa kanyang kwento, natakot ang friar at iminungkahi na ipinadala si Gil mula sa Mexico papuntang Santo Domingo sa Caribbean at doon kinulong ang lalaki at kinilala bilang “Servant of the Devil”. Habang nasa kulungan si Gil, maayos itong nakikitungo sa iba pang mga otoridad at sinabi na mas mabuting nakakulong ito kumpara sa makipaglaban sa kabundukan ng Pilipinas.

Pinaniniwalaan na si Gil ay isang makadiyos na tao at mayroon ding mabuting kalooban at pag-uugali. Ngunit hindi ito dahilan upang pakawalan na lamang ang lalaki at tumagal ito ilang buwan sa kulungan. Lumipas ang dalawang buwan, dumating ang mga Spanish galleon sa Acapulco at doon ay dala nila ang balita tungkol sa pagkamatay ng Gobernador ng Manila na si Dasmarinas.

Muli ay ipinadala si Gil sa Mexico upang ipakita sa mga Espanyol na dumating, doon ay nakilala nga ito ng ilang sakay ng barko bilang gwardya sa palasyo ng gobernador sa Manila. Dahil sa pagpapatunay ng ilang tao na totoo ang sinabi ni Gil, sya ay pinalaya at hinayaang sumakay sa barko pabalik ng Manila.

Mula noon ay kumalat na ang kwento nito at nakilala sa iba’t ibang lugar. Mula noong pinabalik ito sa Pilipinas ay wala na muling naibalita patungkol sa taong ito na nakapunta muli sa ibang lugar. Ang kwento ni Gil ay naisulat na mula sa iba’t ibang llibro at maging ang ating pambansang bayani ay pinaniniwalaan na nagsulat din ng kwento patungkol sa lalaking ito.

Is it True:

Gil Perez and His Legendary Spontaneous Teleportation | Paranorms

Ayon sa ilang mga nagsilabasan na libro, ang ilan ay hindi na mahahanap. Ngunit ang isang libro na isinulat ni Frank Edwards noong 1964 pinamagatang “Stranged World”, mula mismo sa manunulat na ito ay nakita ang pruweba mula sa mga official records ng Mexico. Ang ilang mga historian tulad na lamang ni Mike Dash ay naniniwala na hindi ito totoo. Dahil na rin ang kwento at ilang record ay kumalat lamang noong 17th century, makalipas ang daang taon.

Ngunit noong ayon din sa ilang research, noong taon na iyon o panahon na iyon ay wala pa sa isip ng tao ang patungkol sa pagte-teleport o wala pa silang ideya dito. Ang ilanf mga forum kung saan pinag-uusapan ang kwento na ito ay nagsasabing maaring mayroong kakambal ang lalaki na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa din alam kung ano ba talaga ang katotohanan at kung paano nangyari ang ganitong bagay.

Isa pa din ang bagay na ito bilang unsolve mysteries sa ating mundo,na hanggang ngayon ay hindi na nahanapan ng matibay na ebidensya.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/GpxtX4D-jBU (at the end of the video)

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang mga kwento tungkol sa HAARP

Philhealth Tech Billion Scam