Mars One

Reading Time: 20 minutes

Topics

Dahil nga gumagawa na nang paraan ang mga eksperto upang ang Planetang Mars ay matirahan at malipatan ng mga tao. Ilang tao na din ang naghahangad na makapunta at makapag sagawa ng isang bagay na matagal nang nasa isip ng mga eksperto.

Napag-usapan na natin kung ano ba ang mayroon at anong matatagpuan sa pulang planeta na ito, kung ito ba ay kayang baguhin ng mga tao. Sa tagal ng panahon, maraming paraan, sasakyang panghihimpawid na nasira at sumabog at ilang mga tao ang nagtangkang makapalapag sa planetang ito ngunit mahirap.

Ilang palabas na din ang nagsilabasan patungkol sa planetang ito, kung napanuod mo na ang palabas na the Martian, malamang ay nagkaroon ka ng ilang pag-asa na siguro ay maari ngang tumagal ang mga tao kung makakgawa ito ng ilang paraaan upang mabuhay. At kung napanood mo ang isang video na ginawa ko na Terraform Mars, tiyak na may idea ka na sa bagay na ito.

Pero Kilalanin natin ang isang Grupo at isang proyekto kanila nang matagal na pinaghahandaan,ano ba ang layunin ng grupong ito,

Bago tayo magsimula, nakasubscribe ka na ba, kasi kung hindi pa, magsubscribe ka na. Madaming topics tayong ididiscuss at punong puno ito ng impormasyon. Isa pa may mga livechat din tayo minsan kaya wag mong kalilimutang iturn on ang bell notification.

Kilalanin at alamin natin ang Mars One Project.

Mars One:

Para sa mga tao na gustong makapunta sa pulang planeta na ito, ang maliit at isang pribadong samahan ng isang Dutch organization ay naghihintay sa inyo. Ito ang Mars One, nilalayon nito ang makapaglapag, makapag-tayo, at makapamuhay sa planetang Mars. Ang samahan na ito ay tumatanggap ng kahit anong sponsor o donation mula sa iba’t ibang samahan upang matupad ang kanilang layuinin.

Mula sa mga matataas na tao na makapag bibigay ng pondo, ito ang gagamitin upang makuha ang mga bagay, gamit , pagkain , na kakailanganin ng mga taong lalapag dito.

So, sino ang mga kasama sa proyektong ito ?

Hindi mga eksperto, tulad ng isang scientist, astronomer o kahit anong eksperto ang makakasama dito ngunit isang simpleng tao na namumuhay at naghahangad na makapunta sa Mars. Mula sa mga nagpresinta, ang mga ito ay papasok sa isang training period kung saan tuturuan sila ng lahat ng bagay na kailangan nilang gawin mula sa pagpapalipad ng spaceship, paggamit ng mga mahahalagang bagay, kung paano gumamit ng mga devices at kung ano pang kailangang gawin kung sakaling makalapag sa planetang ito.

Ayon sa samahan na ito, mabuti nilang pinagplanuhan, pinag-aralan at pinaghandaan ang mga maaring mangyari sa pagsasagawa ng bagay na ito. Mula sa paghahanap ng tao na mula sa iba’t ibang parte ng ating mundo, ito ang inaasahan na unang tao na makatapak sa pulang planeta.

Ayon sa mga taong magsasagawa ng proyekto na ito, alam nila ang panganib at mga problema na maaring mangyari. Mula sa paglabas sa mundo at paglipad papuntang mars na aabutin ng halos siyam na buwan. Ang grupo na ito ay matagal nang nakikipag-usap at humihingi ng tulong sa mga aerospace companies upang makagawa ng mga bagay na kanilang kakailanganin. Ang plano ay makapag-padala ng mga paunang gamit na kakailanganin ng mga tao na lalapag dito.

Mars One Timeline:

Low on Funds, Mars One Delays Dubious Crewed Mission to Red Planet ...

Kilalanin muna natin ang mga taong nasa likod at bumuo ng proyekto na ito. Nariyan ang Chief Executive Officer at co-founder na si Bas Lansdorp na siyang nangunguna sa grupo, isang Chief Technical Officer at isa ding co-founder na si Arnold Wielders, Chief Medical Officer Norbert Kraft, Mission Concept Artist Bryan Versteeg, Senior Marketing Strategist KC Frank, at ang Chief Information Officer na si Tom Van Braeckel.

Ayon sa plano ng mga nasa likod ng proyekto, ang mga ito ay magpapadala ng isang robobotic mars lander at isang Mars orbiter bago pa pumasok ang taong 2020. Ayon sa ilang research, pagkatapos na maipadala at mailapag ang mga bagay na ito sa planetang Mars, apat na tao ang kanilang sunod na ipapadala makalipas ang apat na taon (2024), dalawang taon ang lumipas (2026); ang tatlo ay uuwi sa Earth at ang isa naman ay maiiwan .

Dahil sa ganitong layunin ng mga taong nasa likod nito, halos lahat ng mga eksperto ay tinitignan ito bilang isang “Suicide Mission Trip”. Ang mga eksperto ay nag-aalala sa mga kalusugan ng mga taong sasama, sa mga bagay na kanilang gagamitin na walang kasiguraduhan na ito ba ay tunay na maayos at hindi basta-basta sasabog.

Mula sa mga scientists at engineers, kasama na ang mga taga aerospace industry, ang planong ito ay mariin nilang hindi pinahintulutan. Ayon sa mga ito, ang Mars One ay walang sapat na pera at kagamitan para sa mga life support, electrical power supply at proteksyon sa radiation na mayroon ang space.

Ang proyekto na ito ay ipinakilalala sa mga tao noong taong 2012. Noong 2013, inanunsyo at pinakita ng grupo ang konsepto ng kanilang gagawin na robotic precursor mission. Ang gamit na ito ang gagamitin ng grupo upang paunang ipadala sa Mars para matignan ang lupain na kanilang paglalapagan at pamamahayan. Ang bagay na ito ay planong ipadala sa Mars sa taong 2020.

Noong magmula itong inanunsyo sa madla, nakuha na nito ang atensyon ng maraming tao naumabot sa halos 200,000. Ngunit ang paunang bilang ay nagkaroon ng kaunting problema. Isang tao na kinilala bilang si Joseph Roche ang nagcheck kung gaano nga ba karami ang mga taong nakakumpleto ng paunang application.

Ayon sa lalaking ito, ang totoong bilang lamang ng mga taong nakakumpleto ay aabot lamang sa halos 2,761. Ito ang dahilan kung bakit inulit ng Mars one ang pagpili at pagtanggap ng mga application. Noong nagkaroon ng pangalawang poll ay umabot sa halos 418 na lalaki at halos 287 na babae na katao ang nakapasok bilang mga kandito. Ang halos 705 ay naging 660 matapos dumaan sa medical at physical requirement.

Noong 2014, humingi at nanawagan ang grupong Mars One para sa mga tao at sa mga malalaking kompanya na gustong mag-invest sa kanilang plano, at maaring dalhin ng grupo ang gustong gawin ng mga ito sa paglapag ng ipapadalang grupo sa Mars. Nangako din ang grupo na ito na ilalagay ang pangalan ng kung sino man kumpanya sa robotic lander na kanilang ipapadala sa Mars sa taong 2018.

Dumaan muli sa piliian ang mga kandidato noong 2015. Dito ay umabot na lamang sa 50 na babae at 50 na lalaki ang mga natira at umabot sa pinaka huling round ng pilian. Ngunit sa dulo ay halos 40 na katao lamang ang napili ng grupo.

Noong 2015 din ay nagpost ng isang Video ang grupo ng Mars One na mula sa Founder at CEO nito na si Bas Lansdorp. Ayon sa video, ang pondo para sa pagpapagawa at pagsasagawa sa robotic precursor mission ay nadelay, dahilan upang ang grupo ng mga tao na napili ay makakalapag pa sa Mars sa taong 2027.

Noong 2016, nagbago muli ng taon ang Mars One na nagsabing ang grupo ng mga tao na kanilang napili ay makakarating Mars sa taong 2032.

Ayon sa Mars One, ipapadala nila sa taong 2022 ang Robotic lander sa Mars upang maging gabay ng mga taong lalapag sa taong 2027.Sa taon din na ito ay ipapadala na din ang communication satellite upang magamit ng mga maninirahan at makausap ang mga tao na nandito sa mundo.

Sa taong 2024, anim na cargo mission ang sinabing nasa pangangalaga na nang grupo upang magamit ng mga tao sa mars. Dalawang living unit, dalawang unit para sa life support at dalawang unit para sa mga supply na kanilang gagamitin.

Ang Mars One ay hinahawakan ng dalawang grupo, ito ang non-profit Mars One Foundation at ang isa naman ay para sa profit Mars One Ventures.

Bago tayo magpatuloy, nakasubscribe ka na ba, kasi kung hindi pa, magsubscribe ka na. Madaming topics tayong ididiscuss at punong puno ito ng impormasyon. Isa pa may mga livechat din tayo minsan kaya wag mong kalilimutang iturn on ang bell notification.

Money:

Money Has No Meaning Anymore - Bloomberg

Magkano nga ba ang kakailanganin ng ganitong proyekto upang maisakatuparan ang kanilang kagustuhan? Ayon mismo sa grupo, ang pera na kanilang kakailanganin ay aabot ng halos US$ 6 billion. So, para saan ang 6 billion ?

Ayon sa mars one.com ang US$ 450 million ay para sa unang bagay na kailangan ipadala sa mars, US$ 425 million para sa mga communications satellite at US$ 900 million para sa pinaka unang rover mission.

US$ 2,300 million para sa iba pang outpost hardware at mga supplies bago ang pinaka unang human mission ,US$ 1,250 million para sa pagpapadala ng first crew o ang pinaka unang grupo ng tao sa Mars. US$ 582 million na para sa operations, kasama na din dito ang pagpili ng mga astronaut at gastos para sa training ng mga nito.US$ 93 million na para sa mga ground stations at para sa iba pang gastos.US$ 1,850 million per year para sa mga susunod na ipapadalang tao sa Mars.

Parang ang laki diba? Pero hindi, ang pera na ito ay mababa kumpara sa sinasabi ng ibang eksperto. Ang pera na kakailanganin ay aabot o lalagpas pa sa halos $1 trillion. Ayon sa grupo ng Mars one, dahil mahirap hindi naman kailangan na bumalik kaagad ng mga tao na kanilang ipapadala, ang mga ito ay mamumuhay ng matagal sa mars. Dahil hindi kailangan ng mga gamit upang makabalik kaagad ang mga taong ito, ang gastos nila ay bababa. Ngunit ayon sa grupo, maari pa din itong magbago o hindi naman ay tumaas base sa mga bagay na kanilang gagamitin.

Ito ang lahat ng kailangan at kailangan gastusin upang makapunta ang pinaka-unang tao sa Mars. So, bakit hanggang ngayon ay wala pang nagyayari?

Dahil ito sa kawalan ng pondo, at kawalan ng pera upang maisagawa ang lahat ng kanilang plano. Ngunit ayon sa research, magmula noong ipinakilala ang proyekto na ito ay nakaipon at nakakuha na sila ng halos $1 million. Ang mga ito ay mula sa mga donation, mga pagbebenta ng mga merchandise, mula sa mga private investments mga astronaut applications, sponsorships at mga partnerships, at speaking engagements.

Mula sa pera na ito, ito ay patuloy na kanilang ginagastos para makapagpatayo ng mga aerospace companies upang makagawa ng mga gamit na kanilang kakailanganin, sa paghahanap ng mga tao na gustong sumama, at iba pang bagay na kanilang pinasisimulan.

Ngunit neto lamang February 2019, naglabas ng statement ang Mars one patungkol sa bankruptcy at nagkaroon pa nang utang na aabot sa €1 million. Ayon sa Mars one

“We are currently working with the administrator and an investor to find a solution moving forward, though at this moment that is all we can share. We will release subsequent press releases as more information is available. I would only like to add that this bankruptcy concerns the commercial arm, Mars One Ventures AG, and does not affect the non-profit Mars One Foundation.”

Dahil sa ganitong dahilan, ang oras at eksaktong taon kung kailan lilipad at magpapadala ng isang bagay ang grupong ito ay palagi na lamang nauusog.

Kayo ba naman isipin nyo suntok sa buwan este suntok sa mars ang kanilang proyekto. Tapos hindin pa backed up by government talagang magfafail sila, buti sana kung katulad sila ni elon musk na mayaman.

Critism:

7 Tips To Give Constructive Criticism In eLearning - eLearning ...

Dahil sa sobrang gulo, at sobrang tagal masagawa ng proyekto, ilang kontrobersya at kritisismo na ang naglabasan patungkol dito. Mula sa paano nila ilalapag ang mga tao sa mars, ano ang sasakyan na kanilang gagamitin, paano madadala ng maayos ang mga pagkain, at madami pang paano ang bato sa grupo.

Ayon sa mga engineers na mula sa MIT na sobrang delikado ng bagay na ito.Ayon sa MIT “… If all food is obtained from locally grown crops, as Mars One envisions, the vegetation would produce unsafe levels of oxygen, which would set off a series of events that would eventually cause human inhabitants to suffocate.”

Ayon pa sa isang German Former astronaut na si Ulrich Walter, hindi iniisip ng Mars One ang buhay ng mga taong sasama sa proyekto. Dagdag pa ni Ulrich, 30 percernt lamang ang posibilidad na makarating ng buhay ang isang tao sa Mars, kung makarating man ito at naka land ng maayos; halos 20 percent lamang ang posibilidad na mabubuhay ito ng matagal sa planetang ito.

Balikan natin ang kontrobersya na inilabas ng isang sa mga naunang napili na maaring makapunta sa Mars. Si Dr.Joseph Roche na isang assistant professor sa Trinity College’s School of Education in Dublin. Nasabi ko naman kanina na ito ang naglabas ng katotohanan na ang tunay na bilang ng mga taong nagpasa ng aplikasyon upang boluntaryong makapunta sa Mars ay halos 2,761 lamang kumbaga duon pa lamang may makikita na tayong pagsisinunganling ng mars one project.

Ayon kay Roche, ang mga taong nakakapasok at napipili ay base sa mga naibibigay nitong donsasyon sa grupo. Dagdag pa ni Roche, kung ang isang tao ay napili ng Mars One upang maging isa sa posibleng tao na makasama sa Mars ay sisimulan itong bigyan ng puntos. Ano ang puntos I hear you ask. Ito ung points. Ano ang points I hear you ask, ito ung puntos…. Teka trinanslate lang eh, loko tong dockument na ito ah.

Ang puntos ay makukuha sa tuwing ang isang tao ay makakapasok at patuloy na mapipili ng Mars One, maari din itong makuha sa pagbili ng mga merchandise o hindi naman ay sa pabibigay ng donasyon sa grupo. See the issue here? Kumbaga kapag napili ka at gusto mo talagang makapaunta sa mars, abay mag donate ka. Husay.

Ayon din sa ilang interview ni Roche, ang grupo ay nanghihingi ng malaking solicitation mula sa supporter nito. Idinagdag pa nito ang ilang pakikipagsundo sa mga finalist o sa mga taong nakapasok sa grupo ng Mars One Project na kung saan ang mga ito ay aalukin ng bayad mula sa isang interview na mula sa kahit sino ay huwag mahiyang tanggapin, ngunit kailangang mapunta ang 70 percent ng bayad sa grupo ng Mars One. Kumbaga sympre nga naman sikat dahil nga kunwari sila ang pupunta sa mars, tapos tong mga reporter may interview, kapag may interview, may bayad at ung bayad sympre hati. Brainy.

“They made us sign a non-disclosure agreement if we wanted to be interviewed, and then all of a sudden it changed from being a proper regional interview over several days to being a 10-minute Skype call.”

Mula sa pakikipag sa skype, nagbibigay ng ilang katanungan na kailangan sagutin ng mga tao, at kailangan din magpakita ng isang medical examination. Mula dito ay magtatanong pa ng kung ano-ano at masasabi na kung ang tao ba na iyon ay makakapasok sa proyekto ng grupo.

Scam:

Coronavirus Scam Alert: 7 Tips for How Seniors Can Avoid Them ...

Mula sa gamit, sa pera at sa lahat ng bagay ang Proyekto na ito ay wala nang mapupuntahan. Ayon sa mga tumitingin dito, ang buong proketo ay isang malaking scam upang makapang loko ng maraming tao.

Ngunit kung ito man ay mayroong katotohan, ang grupo na ito ay maraming iniiwasan na katungan at hanggang nagyon ay hindi pa din naglalabas ng update patungkol sa kanilang plano. Ayon sa mga research, ang perang kailangang ng grupong ito ay hindi basta basta nakukuha sa maikling panahon.

Ang mga teknolohiya upang panatilihing buhay ang tao sa isang mundo na halos -67 degrees Fahrenheit ang temperatura, mayroong regular na pagdaan ng dust storm at isang mundo na sobrang lakas ng radiation at napakahirap gawin.

Sa umpisa pa lamang ay hindi na posible ang proyekto dahil wala pang gamit na naimbento upang tagalan ang ganitong uri ng lugar. Walang sapat na pag-aaral upang masiguradong mabubuhay ang mga tao sa planetang ito.

At ang pinaka huli, ang Mars One ay pinaniniwalaang nawalan na nang mga investor, wala na itong media appearance at dahilan upang paniwalaan na wala nang pera ang grupo.


Nalaman natin kung ano ang plano at layunin ng grupo,
Kung ikaw ang tatanungin.
Ang plano ba ng grupo ay posible?
Kaya na nga ba ng mga tao na makapunta at tumira sa planetang ito?
Hanggang kailan tayo tatagal?
Sapat ba ang gagamitin na pera upang makagawa ng mga bagay at gamit na kakailanganin ng mga tao?

Napakaraming tanong na hindi pa nasasagot.

Posible ba ang lahat ng ito o isa lamang malaking kalokohan na ginawa ng mga matataba ang utak, para lamang makakuha ng malaking pera>

Well, nasa iyo yan, ikaw na nanonood ng programa ko, nasa sayo kung gusto mo itong paniniwalaan. After all we have establish the fact that it’s all about the money. Kung mayroon kang pera at kung hindi ka takot mamatay, maari kang makasama sa proyekto ng grupo at maging unang tao na makatapak o hindi naman unang tao na sumabog bago pa makalapag sa Mars.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content. Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mon a din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Nabusog na naman kayo ng impormasyon sa hinanda kong video. Tandaan kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://medium.com/matter/mars-one-insider-quits-dangerously-flawed-project-2dfef95217d3
  2. http://news.mit.edu/2014/technical-feasibility-mars-one-1014
  3. https://www.wikiwand.com/en/Mars_One#/Bankruptcy
  4. https://www.mars-one.com/faq/finance-and-feasibility/what-is-mars-ones-mission-budget
  5. https://www.mars-one.com/about-mars-one/current-mission-status
  6. https://www.theverge.com/2019/2/11/18220153/mars-one-bankruptcy-bas-lansdorp-human-settlement
  7. https://www.wikiwand.com/en/Mars_Onehttps://www.mars-one.com/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit kulay green background screen karaniwang ginagamit sa mga video editing or video screen play?

Bakit tayo nakukuryente pag nasasagi ng ibang tao?