Kapag namatay ang araw natin, ganito ang mangyayari

Reading Time: 21 minutes

Ang supernova ay ang pinaka malaking pagsabog na nagaganap sa labas ng kalawakan. Mula sa pagsabog ng isang bituin, makikita ang malaki at maliwanag na pagsabog sa kalangitan. Ang isang supernova ay mula sa pagkamatay ng isang malaking bituin. Ito ay nangyayari kung ang mass ng isang malaking bituin ay limang beses na mas malaki ang mass kumpara sa araw natin ay sumabog.
Ano ba ang super nova at bakit ito nangyayari?

Supernova

Astronomers Spy Brightest Supernova Ever Seen | Smart News | Smithsonian  Magazine

Ang malaking bituin na ito ay pinapainit ang malaking amount ng nuclear fuel na nakalagay sa kanilang core o hindi naman ay sa gitna nito. Dahil sa ganitong pangyayri, makakagawa ito ng tons of energy at ang gitnang bahagi ng bituin na ito ay magiging sobrang init. Dahil nga ang nuclear fuel ay labis nang umiinit, ang init na ito ay nakakagawa ng isang pressure. Sa patuloy na pangyayari na ito, unti-unting nasisira ang isang bituin.

Ayon sa research, ang balanse ng isang bituin ay nagmumula sa dalawang magkaibang force. Ang gravity na mayroon ang isang bituin ay gumagawa ng paraan upang mapaliit ang bituin, ngunit ang nuclear fuel na nasa core nito ay gumagawa din ng paraan upang makagawa ng isang malakas na pressure. Sa nagagawa ng nuclear fuel nito, natatagalan nito ang pag-ipit na ginagawa ng gravity.

Sa tuwing ang fuel nito ay nawalan na nang lakas at unti-unti nang humihina, mawawala din ang init nito na sya namang dahilan upang ito ay lumamig at ang dating mataas na pressure nito ay bababa na lamang. Dahil sa nawala na ang fuel, wala nang pipigil sa gravity at ito ang magiging dahilan kung bakit magco-collapse ang isang bituin.

Ang mabilisang pagbagsak ng bagay na ito ang nagiging dahilan upang makagawa ng isang malaking shock wave na magiging dahilan naman upang ang outer part ng isang bituin ay tuluyan nang sumabog. Ayon sa mga eksperto, kadalasan ang naiiwan mula sa pagsabog na ito ay ang natunaw na core kasama ang ilang mga ulap ng maiinit na gas na matatawag na Nebula. Ang pagsabog ng isang malaking bituin ay mag-iiwan ng iba’t-ibang tunaw na bagay sa kalawakan at dahilan upang mabuo ang isang black hole.

Lifecycle of a massive star :

Life Cycle of a Star | National Schools' Observatory

Ayon sa pag-aaral, ang lahat ng bituin ay nagsisimula sa isang nebula. Ang nebula ay isang malaking ulap ng gas at ng dust. Dahil sa gravity, ang dalawang bagay na ito ay nahahatak at naipagsasama at dito mabubuo ang nebula. Ang nabubuong ulap na ito ay ang matatawag na protostar. Ito ang pinaka unang stage ng isang mabubuhay na bituin.

Ang bagay na ito ay unti-unting iinit hanggang ang nuclear fusion nito ay tuluyan nang gumana, ang pangyayari na ito ang pagsisimulan ng buhay ng isang bituin at matatawag na main sequence star. Katulad na lamang ng nasabi ko kanina, kung ang isang bituin ay nawalan na nang fuel, ito ay magiging isang red giant o hindi naman ay magiging isang super red giant.

Sa pagkakataon na maging isang red giant ang isang bituin, ang outer parts nito ay mas lalo pang lalaki at maglalakbay lamang sa kalawakan. Habang ito ay umiikot ikot sa kalawakan, makakagawa ito ng isang ulap ng gas na tatawagin namang planetary nebula.

Ang mainit na core na lamang ang maiiwan hanggang sa mawala ang init at tuluyan na maging isang white dwarf. Habang ang white dwarf naman ay nawawalan din ng fuel, mamatay ito at magiging isang black dwarf na hindi na nakakapaglabas ng enerhiya.

Habang ang isang red supergiant na malapit nang mamatay ay bigla na lamang sasabog at ito ang matatawag na super nova. Sa pagsabog ng red supergiant, posible syang maging neutron star o isang blackhole matapos ang supernova, ito ay nakadepende sa kung gaano kalaki ang isang super red giant.

Ang neutron star ay ang remnant o natitira ng patay na bituin at ang solar masses nito ay 1-3. Habang ang blackhole naman ay nasa 3 pataas ang solar mass.

History:

Supernova - Wikipedia

Ayon sa ilang mga research, bago pa madiskubre ang mga bagay na makakatulong upang makita ang mga liwanag sa kalangitan, maraming supernova na ang nakita ng mga sinaunang tao. Isang chinese astronomer noong A.D 185 ang nakapatala ng pinaka matandang record ng supernova at tinawag itong RCW 86. Ito ay nakita sa kalangitan ng halos walong buwan.

Ayon sa isang kilalang astronomer na si Tycho Brahe na matagal nang nag-aaral patungkol sa mga supernova, makikita ang ilang record ng malaking pagsabog ay noong 393, 1006 , 1181, 1572 at noong 1604. Mula sa isang libro na isinulat mismo ni Brahe na pinamagatang “De nova stella”, nakapaloob dito ang isang obserbasyon patungkol sa isang bagong bituin na kaniyang nakita.

Ang terminong “Supernova” ay ginamit lamang magmula noong 1930’s at ito ay ginamit nina Walter Baade at Fritz Zwicky. Ginamit nila ang salitang ito sa Mount Wilson Observatory upang ilarawan ang relasyon ng isang pagsabog na kanilang nasaksihan na kanila ding tinawag na S Andromedae.

Bago pa dumating ang 17th century, mayroong halos pitong supernova ang naitala ng mga eksperto. Ang isa sa pinaka kilalang supernova ay ang kinikilala ng mga tao bilang Crab Nebula. Ito ay nairecord ng isang Chinese at Korean astronomer noong 1054, dahil sa ilang mga guhit na makikita sa bato na mula sa Arizona at New Mexico; naniniwala ang mga eksperto na ang pagsabog na ito ay nasaksihan din ng mga southwestern Native Americans.

Ang malaki at malakas na pagsabog ang naging dahilan upang mabuo ang Crab Nebula at sa sobrang liwanag nito, kahit na umaga ay nakikita ito ng mga astronomer. Ang ilang mga eksperto sa panahon ngayon ay patuloy na pinag-aaralan ang isang supernova na nangyari noong lamang 1987.

Ang pagsabog na ito ay tinawag nilang SN 1987A. Nagpapakita ng pagbabago ang supernova na ito makalipas lamang ang ilang dekada noong ito ay sumabog. Dagdag pa nang ilang bagong pag-aaral patungkol sa isang supernova, nakakapaglabas ito ng isang hum o isang tunog bago pa ito sumabog.

Nasaksikahan noong 2008, nangyari ang pinaka unang supernova na nasaksihan mismo ng mga eksperto. Nakita ang isang kakaibang liwanag na halos tumagal ng limang minuto na naglalabas ng xrays. Ang supernova na ito ay kanilang pinangalanan na SN 2008D. Ayon pa sa kanilang pag-aaral, ang isang supernova ay kanilang nakikitaan ng mga kakaibang bagay. Hanggang ngayon ay kanila pa ding pinag-aaralan ang supernova.

Types of Supernova:

He Took a Picture of a Supernova While Setting Up His New Camera - The New  York Times

Hindi porket supernova un na un, may dalawang klase ito at ito ang tinatawag na Type II at Type I Supernova. Ang type II na supernova ay ang kanina ko nang ipinaliwang, ito nga ung pagsabog ng isang malaking bituin na mas malaki pa mismo sa araw.

Ang Type I supernova ay binubuo ng isang white dwarf at ng isa pang bituin na maaring red giant o hindi naman ay isa ding white dwarf. Ang isa sa dalawang bituin na ito ay magiging taga kuha ng enerhiya mula sa isa pang bituin na kaniyang kasama. Dahil sa sobrang enerhiya na nakukuha ng white dwarf. Ito ang magiging dahilan ng kanyang pagsabog.

Kung ang enerhiya na nakuha ng white dwarf na ito ay umabot sa halos 1.4 na mas mataas pa kumpara sa mass ng araw; isang supernova ang magaganap at magiging dahilan upang ito ay matunaw na lamang.

Ang Type 2 supernova ay nangyayari sa kataupsan ng buhay ng isang bituin. Kapag ang bituin ay naubusan na ng nuclear fuel, ang ibang mass nito ay pupunta na sa kanyang core at magiging mabigat ang core na ito na syang dahilan para hindi matagalan ang sariling gravitiational force at makakalikha nga ng supernova.

Ang ilang mga telescope na kanilang ginagamit ay nagagamit upang obserbahan ang ilang mga liwanag na nagmula mismo sa pagsabog.Ang Hubble Space Telescope nag NASA at ang X-ray Observatory, ang Chandra ay nakakuha na nang ilang larawan mula sa isang supernova.

Noong taong 2012, naglaunched ang NASA ng pinaka unang orbiting telescope at nakafocus lamang ito sa liwanag mula sa high-energy region ng isang electromagnetic spectrum. Ang tinawag na NuSTAR mission ay naglalayong maghanap ng isang sirang bituin at naglalayon din upang makahanap ng isang black hole.

Antimatter and Supernova:

Our galaxy produces 9 trillion kilograms of antimatter a second—how? | Ars  Technica

Kung ang isang bituin ay namatay na, ito ay dadaaan sa isang malaking pagsabog. Matapos ang malaki at maliwanag na pagsabog nito, unti-unting mawawala at maglalaho. Pero ayon sa ilang mga eksperto, mayroong isang bituin na dumaan sa isang pagsabog pero hindi katulad ng isang normal na supernova, ito ay paulit-ulit na sumasabog sa kalawakan.

Noong 2014 ang isang Palomar Transient Factory ay nakakita ng isang supenova na halos 500 million light-years ang layo sa ating mundo. Pinangalanan ito ng mga eksperto bilang ” iPTF14hls” at inakala nilang normal na supernova lamang.

Inaasahan nilang mawawala na lamang ang liwanag matapos ang ilang araw, linggo o hindi naman ay buwan. Pero ang bagay na ito na unti-unting nawawalan ng liwanag ay nagpapakita muli ng pagliwanag at pinaniniwalaan ng mga eksperto na muli itong sumabog.

Ang report na ito ay isinulat ng mga astronomer sa kanilang pag-aaral na pinamagatanag “Journal Nature”. Nalaman din nila na hindi lamang isa o dalawang beses sumabog ito ngunit dumaan din ito sa pagsabog noong taong 1954. Ayon sa NASA, sinira ng bagay na ito ang inakala ng mga eksperto na kilala na nila ng tuluyan ang isang supernova.Ang ganitong pangyayari ang nagbigay ng panibagong problema at misteryo para sa mga eksperto na kanilang hahanapan ng kasagutan.

Upang mas lalo itong mapag-aralan, ginamit ng mga eksperto ang twin telescopes ng Keck Observatory sa Maunakea, Hawaii. Nakakuha sila ng ilang spectroscopic data mula sa afterglow na mula naman sa supernova at ilang obserbasyon sa galaxy na kinalalagyan nito.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang bituin na ito ay pinaniniwalaan na halos 50 times ang laki kumpara sa araw at ang pagsabog nito noong 2014 ay maaring ang pinaka-malakas na pagsabog na naitala ng mga eksperto. Ang bagay na ito ang nagpaniwala sa mga eksperto na ang malaking bituin na ito ay ayaw pang mamatay at maglaho, kung kaya nakakagawa ito ng kakaibang pangyayari.

Ayon sa ilang teorya ng mga ekperto, maaring may kinalaman ang antimatter na hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita. Ayon kay Daniel Kasen na mula sa University of California, Berkeley


“According to this theory, it is possible that this was the result of star so massive and hot that it generated antimatter in its core, That would cause the star to go violently unstable, and undergo repeated bright eruptions over periods of years.”

Pero ayon sa ilang mga teorya ng ilang mga eksperto, maaring ang pagsabog ay mula lamang sa ilang bituin na nakapalibot mismo dito. Hanggang ngayon ay naghahanap ang mga ekperto ng ilang supernova na nakakagawa ng ganitong pangyayari upang malaman kung mayroon nga bang kinalaman ang antimatter sa ganitong pangyayari.

Supernova and earth’s extinction:

Did a supernova cause Earth's mass extinction 360 million years ago? | Space

Kung sobrang lakas ng isang supernova, posible kaya na tamaan ang ating mundo?
Ayon sa ilang mga pag-aaral ng mga eksperto, noong makalipas ang 2.6 million yeas ago, pinaniniwalaan na isang malaking liwanag ang bumisita mundo at tumagal ito ng ilang linggo o hindi naman ay ilang buwan.Ayon sa mga eksperto, ang liwang na ito ay mula sa isang supernova na halos 150 light-years ang layo sa mundo.

Ayon sa ekperto, matapos ang ilang tao pagkatapos maganap ang bagay na ito. isang tsunami ng cosmic energy mula mismo sa pagsabog ng bituin ang tumama sa ating mundo.Dahil sa iba’t ibang mga particles na pumasok at tumama sa ating mundo, ang klima ay nagbago dahilan upang maganap ang iba’t ibang kalamidad.

Naniniwala ang mga eksperto na ang pangyayari na ito ang pumatay sa mga malalaking nilalang katuld na lamang ng megalodon na kung saan isang pating na pinaniniwalaan na kasing laki ng isang bus.Isang pag-aaral noong 2018 ang inilabas patungkol sa ganitong pangyayari.Hindi lamang ang nilalang na ito ang napatay ng pangyayari ngunit maging ang mga marine megafauna na kung saan pangatlo sa pinaka malaking nilalang na nabuhay sa mundo ng karagatan.

Ayon kay Adrain Mellot na siyang nanguna sa pagsusulat ng pag-aaral, mayroong ilang mga ebidensya na maaring ang isang malapit na supernova nga ang pumatay sa malalaking hayop,at nagdala pa ng ibang pagbabago sa ating mundo. Maari ding iba’t-ibang supernova ang tumama sa mundo noong unang panahon at naging dahilan upang matuyo ang mundo dala ng radiation. Ngunit hindi alam ng mga eksperto kung ilang supernova ba ang tumama sa mundo noong unang panahon.

Dahil na din sa radiation, naniniwala sina Mellot na ito din ang dahilan upang maganap ang iba’t-ibang mutation at ilang mag cancer na tumama sa fauna na nabubuhay sa lupa. Habang ang mga nilalang na ito ay patuloy na naabsorb ang mga radiation na ito, ang kanilang buhay ay unti-unti na ding umiikli.

Ayon sa kay Mellot,

“We estimated the cancer rate would go up about 50 percent for something the size of a human — and the bigger you are, the worse it is, For an elephant or a whale, the radiation dose goes way up.”

Noong 2016 ay nakahanap sila ng isotope iron-60. Ang iron na ito ay pinaniniwalaan na isang radioactive na uri ng iron kung saan ang tanda ay aabot sa 2.6 million. Ang bagay na ito ay natagpuan nila sa isang anceint seabed.

Ayon sa grupo nila Mellot, kung ang mga radioactive isotopes na ito ay nabuo sa mundo maaring hindi na ito makita sa panahon ngayon. Dahil sa kaisipan na ito, naniniwala ang mga eksperto na ito ay bumagsak lamang sa mundo noong makalipas ang ilang milyon na taon. Dagdag pa nang mga eksperto, maaring ang mga radiation na ito ay isa ding naging sanhi upang mabuo ang tinatawag na “Muons”.

Ang moun ay isang mabigat na electron na pinaniniwalaan na nabuo noong nagsama ang cosmic ray at ilang mga particles na mula naman sa atmosphere ng mundo. Dahil nga ang isang moun ay mas malaki pa kumpara sa isang electron, mayroon itong kakayahan na lumubog ng halos hundreds of miles underground o hindi naman ay sa pinaka malalim na parte ng karagatan.

Naniniwala ang mga ekperto na noong nangyari ang supernova, umulan ng moun sa mundo dahilan upang ang malalaking nilalang ay nagkaroon ng direct contact sa radioactive particle na ito. Ang resulta nito ay mga mutation, cancer at malakihang pagkamatay ng mga nilalang.

Supernova and the Evolution of Human kind:

Alam nyo ba na maaring ang isang supernova ang dahilan kung bakit nagkaroon ng tao sa mundo?
Maaring ang isang supernova na naganap lamang malapit sa mundo ang naging dahilan upang umulan ng malalakas na cosmic rays sa ating mundo noong unang panahon.

Dahil sa panyayaring ito, naganap ang matataas na frequency ng mga kidlat. Dahil sa malalakas na kidlat, nagkaroon ng malalaking pag-apoy sa kalupaan. Dahil sa malakihang pag-apoy, ang mga puno na siyang nagiging taguan ng iba’t ibang nilalang ay nasira at naging madali na lamang para sa ibang nilalang na mahanap ang kanilang pagkain.

Nagkaroon ng ilang mutation kung saan ang mga ninuno ng tao ay nagkaroon ng kakayahan upang makatakbo ng maayos at mahuli ang kanilang pagkain. Ayon sa paniniwala ng ilang mga eksperto, maaring nagkaroon ng gene mutation sa chromosome 17 na nagbigay ng kakayahan sa tao upang maglakad.
Kung baga kung hindi nagbago ang paligid walang evolution na magaganap. After all, evolution happens para makaadapt ang isang nilalang sa bagong kapaligiran nito.


What is hypernova :

Nova...Supernova...Hypernova - Simulated and Explained - YouTube

Ang tinatawag na hypernova ay isang malakas na supernova na pinaniniwalaan na nagmula sa isang malakas na core collapse scenario. Isang malaking star ang nagcollapse upang makabuo ng isang rotating black hole na nakakapaglabas ng kambal na energetic jets na pinalilibutan ng isang accretion disk. Ang pagcollapse na ito ay nangyayari ng mabilis kung saan ang outer parts ng isang bituin ay hindi alam na ganito na ang nangyayari.

Dahil sa nagagawang hangin na mula sa accretion disk, ito ang magiging dahilan upang sumabopg ang bituin at ang shock waves ay mabubuo mula sa paghiwa-hiwalay ng mga jets. Ang liwanag na nabubuo ng hypernova ay mula sa radioactive decay na mula mismo sa pagsabog ng bituin.

Will our sun explode like a supernova:

 

Ayon sa mga ekperto, dahil nga ang araw na mayroon tayo ay isa din bituin, hindi malayong mamatay ito at maging isang white dwarf at di magtatagal ay sasabog pero hindi ito makakagawa ng supernova dahil hindi ganuon kalaki ang araw natin.

Kung ang araw ay sasabog at pupunta na sa planetary nebula, ang unang dadating sa ating mundo ay ang mga neutrino na hindi natin alam na dumapo na pala sa ating katawan, dahilan upang mahuli ang lahat at mamatay na ang lahat ng tao sa mundo. Hindi naman sa tinatakot kita, ngunit ang pangyayari na ito ay inaasahan nang mangyari ng mga eksperto.

Walang bituin na ang layo sa mundo ay halos 50 hanggang 100 light years ang makakagawa ng isang Type II supernova. Gayunpaman, ayon sa din sa mga eksperto, ang isang pangyayari kung saan nagaganap ang isang Type I na supernova na mula sa isang maliit at patay na bituin.

Ang mga bituin na ito ay hindi madaling makita at mahanap dahil sa kanilang liwanag na hindi makita ng mga eksperto. Naniniwala ang mga ekperto na mayroong halos isang daan bituin na 50 light years lamang ang layo sa ating mundo.

Ang mga bituin na ito ay patuloy na hinahanap at inoobserbahan ng mga eksperto upang mas lalo pang makilala ang mag ito. Mula sa maraming pag-aaral, maaring malaman ng mga tao ang pagsabog bago pa ito maganap at mula dito ang mga tao ay makakapaghanda.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/JT6DwcFatSc

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Posibleng sumabog ang cellphone sa gas station kapag ginamit?

Ito talaga ang ibig sabihin ng panaginip