Ito ang taong mas mayaman pa kay Bill Gates at sa pinakamayamang tao sa mundo

Reading Time: 15 minutes

Kung inaakala mong nakilala mo na ang pinaka mayamang tao nabuhay sa buong mundo, nagkakamali ka. Jeff Bezos na Founder ng Amazon at mayroong Net Worth na 116.9 billion dollars at si Bill Gates na Co-Founder ng Microsoft at mayroong Net worth na aabot sa 99.9 billion dollars. Ang dalawang tao na ito ang kinikilalang pinaka mayamang tao na nabubuhay sa mundo.

Ngunit bago pa man ang dalawang ito, kilala mo na ang taong minsang namuno sa Africa noon? Kung hindi pa, kilalanin natin ang kinikilalang pinaka mayamang taong nabuhay sa mundo. Si Mansa Musa.

History:

Not Jeff Bezos, or Bill Gates: Mali's Mansa Musa was the richest man ever

Ayon sa mga historian, si Mansa Musa I ay siyang nanguna o naging ruler ng Mali Empire mula sa Western Africa mula 1312 hanggang 1337 CE. Si Mansa Musa na mismo ang komukontrol sa mga lugar na mayaman sa mga ginto at tanso. Ang taong ito na din ang nagkakaroon ng malaking bahagi sa ilang mga kalakalan na nagaganap sa loob at sa hilagang bahagi ng kontinente na kanyang kinasasakupan.

Dahil sa ganitong mga gawain at pinanghahawakan, ang mga pinaka-magagaling na Mali empire ay umusbong din at nagtaglay ng kakaibang yaman. Si Masa Musa na mismo ang pinaka unang African Ruler na nakilala sa buong Europa at Middle East at kinilala din bilang pinaka mayamang taong nabuhay sa mundo.

Ang Mali Empire na kinikilala bilang pinaka malaki at pinaka mayaman na emperyo na nabuo sa West Africa ay binuo ng kinikilalang si Sundiata Keita noong 1230 hanggang 1255 CE na siyang tito ni Mansa Musa. Ang pinaka mahalagang lugar sa Mali ay ang tinatawag na Timbukto dahil ito ang sentro ng kalakalan sa kanilang bayan. Makikita ang Timbukto malapit sa Niger River.

Dahil nga ang ang Timbukto ang sentro ng kalakalan ng mga taga loob ng kanilang bansa at mga taong mula sa southern coast ng West Africa at maging taga North Africa. Ito ang naging dahilan upang lumaki ang kanilang kita. Mula sa mga asin na siyang isa sa pinaka mahalagang bagay noon na ipinangkakalakal ng mga taga North at mga ginto naman at mga ivory na mula sa mga taga South.

Ang emperyo ng Mali ay lalo pang lumaki at umabot na ito sa Ghana, Walata, Tadmekka at maging ang Kingdom ng Songhai at ilang bahagi ng Atlantic Coast ay kanila na din naabot. Dahil dito, ang ilang mga Indigenous lider ay nakuha ang ilang paniniwala ng Islam dahil sa kanilang pakikipag kalakal sa mga Arab Merchants, habang ang mga Mali naman ay nagkaroon ng malaking parte sa pagkalat ng Islam mula sa West Africa.

Habang tumatagal ay parami ng parami ang mga taong nagpapalit ng kanilang paniniwala, ang mga taong ito ay nagtayo na din ng mga komunidad na siyang nakapag bigay ng atensyon sa ilang lider ng mga muslim na taga norte. Dahil sa ganitong pangyayari, mas lalong tumibay at lumakas ang relihiyon ng islam sa lugar.

Mansa Musa:

Mansa Musa - An African Empire Builder Whose Wealth Awed Medieval Europe

Mahirap maghanap ng mga impormasyon bago pa ito maging hari ng Mali Empire. Nakilala lamang ito noong 1312. Kung saan ipinasa ng kanyang ama na si Abu Bakr II ang trono nito at napasakamay ang pagiging “Munsa” o Hari. Mansa Kanku Musa.

Ang ama ni Munsa na si Abu Bakr II ay naglayag sa Atlantiko sakay ng isang malaking barko ngunit noon din ay hindi na muling nakita pa. Ito na nga ang naging dahilan upang maipasa ang trono sa kanyang anak na si Musa. Noong panahong napakasakamay ni Musa ang kanyang trono, ito din ang panahon kung saan naghihirap ang Europa dahil sa nagaganap na giyera.

Sa ilalim nang pangangalaga at pamumuno ni Musa, lumaki at mas lalo pang yumaman ang mga tao sa lugar na kanyang nasasakupan. Mas lalong nakilala si Musa at maging ang emperyo ng Mali noong ang mga ito ay nagsimulang maglakbay papuntang Mecca taong 1324 hanggang 1325.

Halos 4,000 miles ang nilakbay ni Musa kasama pa ang ilang mga mandirigma, mga alipin at ilan pang matataas na opisyal na nakasuot ng isang Persian Silk at bawat isa sa mga ito ay mayroong hawak na ginto.

Wala man tiyak na bilang sa mga tao at sa mga kayaman na dala ni Musa papuntang Mecca, may ilang paniniwala na halos 60,000 na katao ang kanyang kasama sa paglalakbay at silang nagdadala ng pagkain at gamit. Bukod pa dito, dala pa ni Musa ang halos limang daang alipin na bawat isa ay mayroong dalang ginto.

Bukod pa sa mga ginto na dala ng mga alipin, dinala din sa paglalakbay ang halos ilang daang camelyo at kabayo na nagdadala ng ilang pounds pa ng ginto. Ang paglalakabay na din na ito ang naging daan upang maikalat pa mismo ang relihiyon ng islam sa bawat lugar na kanilang hinihintuan. Dahil na din si Musa ay isang debotong Muslim, nagpatayo ito ng ilang paraalan upang maituro ang Qur’an sa ibang mga tao.

Pinaniniwalaa din na kada biyernes mula sa kanilang paglalakbay, nagpapatayo ito ng mosque sa bawat lugar na kanilang pinagpapahingahan. Sa lahat ng kanilang napuntahan, mas nakilala at naipasa ang kwento patungkol sa nagawa ni Musa noong ang mga ito ay makarating sa Ehipto.

Mula sa sulat ng isang Ancient historian na kinilala bilang Shihab al-Umari, naikwento nito kung ano ang nangyari sa pagitan ng pinuno ng Cairo na si Al Malik al-Nasir at ni Mansa Musa. Labis ang pagtanggi ng Musa noong siya ay paanyayaan ni al-Nasir sa kanyang kaharian upang makilala din ang ilan pang matataas na tao pero hindi pumayag si munsa ay sinabing sila ay dadaan lamang.

Ayon sa ilang mga dokumento mula sa kanilang pagkikita, ipinaliwanag ng isang tao na pinangalanan na Emir Abu na si Musa ay inoobliga na papuntahin kay al-Nasir upang ito ay makapagbigay ng pagpugay na paghalik sa lupa at sa kamay ng nasabing pinuno ng Cairo. Doon ay nakipag-kita si Musa kay Al-Nasir ngunit hindi niya ginawa ang paghalik sa kamay at paa nito.

Ang isang kaugalian sa Ehipto noong unang panahon ay ang paghalik sa paa at kamay ng Sultan na namumuno dito ng mga taong bumibisita o dumadaan sa kanilang daan. Ngunit ito ay tinanggihan ni Musa at sinabi na wala siyang ibang bibigyan ng pugay kundi ang kanyang Diyos lamang.

Dahil sa ipinakitang katapangan ni Musa, malugod siyang tinanggap ng Sultan sa kanilang lugar at binigyan pa ang Hari at lahat ng kasama nito sa kanyang paglalakbay ng tutuluyan sa loob ng tatlong buwan. Noong una ay nagbigay si Musa ng ginto sa mamamayan ng Ehipto, hindi lamang iyon ngunit halos maubos ang laman ng palengke sa pagbili at pagpakyaw ni Musa sa mga pagkain, gamit at iba pang mahahalagang bagay na kanyang makita sa lugar.

Noong una ay natutuwa ang mga tao dahil sa dami ng kanilang benta at ginto na kanilang nakukuha. Kahit na kulang sa ginto ang bayan ng Cairo noong panahon na iyon, ang regalo at pamimigay ng ginto ni Musa ay naging dahilan upang bumama ang halaga ng bullion at naging dahilan upang magkaroon ng problema sa pera ang lugar.

Ito ang naging dahilan ng pagbaba ng metal sa lugar na naging dahilan ng lalong pagbagsak ng ekonomiya. Dito ay naiwang patay at mahirap ang Ehipto. Noong dinaanan muli ito ni Musa, binili ni Musa ang ginto na umiikot sa Cairo sa malaking halaga. Pero ang tulong na ito ay wala pa din nagawa upang maiahon ang bayan ng Ehipto. Pinaniniwalaan na tatagal ng isang dekada bago muling makaahon sa hirap ang Ehipto.

Si Mansa Musa ay kinilala bilang mabait at mapagbigay na hari sa kanyang mga nasasakupan. Nagbibigay sya ng pera at tulong sa ilang samahan na sya namang tumutulong sa mga tao at maging pagbili ng ilang lupain. Ang mga lupain na kanyang binili ay ginawa nyang pahingahan ng kanyang mga tauhan nuong sila ay pabalik na.

Sa pagbili ng ilang lupain mula sa Gao, isang lugar sa Songhai Kingdom, pinatayuan niya ito ng ilang gusali at ilang mga Mosque, mga palasyo at iba pa. Bukod nga sa kayamanan na mayroon ang hari na ito, naghanap ito ng mga kaalaman patungkol sa kanyang pananampalataya at ang mga kaalaman na kanyang nakuha ay itunuro niya sa kanyang mga nasasakupan.

Hindi nito pinilit ang mga taong nasasakupan na maniwala sa kanyang paniniwala ngunit hinayaan niya ang ibang mga tao na paniwalaan at gawin kung ano ang kanilang sariling paniniwala. Sa paglaki ng kanyang nasasakupan, nagpadala ito ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang probinsya upang maging tagapagbigay ng impormasyon patungkol sa nangyayari sa mga lugar na ito.

Sa pagbabalik mula sa kanyang paglalakbay, isinama niya pauwi ang isang Andalusian architech na si Abu Ishaq Ibrahim Al-Sahili upang gumawa ilang gusali, paaralan at mosques sa Timbuktu. Isang arkitekto din mula sa Granada, Spain ang pumunta sa Timbuktu upang gawin ang pinaka kilalang Mosque na tinawag na Djinguereber Mosque noong 1327. Hanggang ngayon ay nakatayo pa din ang Djinguereber at ginagamit pa din ito ng mga tao. Pinaniniwalaan na ang pitong daang taong mosque na ito ay ginastusan ni Musa ng halos 200 kilograms na ginto. Sa panahon ngayon ay nagkakahalaga ng 8.2 million US dollars. Pinaniniwalaan na dito din inilibing ang bangkay ng magiting na hari na si Mansa Musa.

Umabot sa mga taga Europa ang nagawang paglalakbay at nagawa ni Musa mula sa Ehipto. Dahil dito, noong 1375 nagawa ang pinaka unang detailed map ng West Africa na ginawa ng isang mapmaker mula sa Spain. Makikita sa mapa ang larawan ni Musa na nakalagay sa isang parte ng Catalan Atlas. Makikita dito na si Musa ay nakaupo sa trono suot ang isang napakagandang damit at mayroon itong hawak na mga ginto sa magkabilang kamay.

Pinaniniwalaan na aabot sa 900 billion dollars ang net worth na mayroon si Mansa Musa at hanggang ngayon ay kinikilala pa din bilang pinaka mayamang tao na nabuhay sa mundo.

Downfall:

Mansa Musa (Musa I of Mali) | National Geographic Society

Mula sa kanyang asawa na si Inari Kunate, nailabas ang kanyang anak na si Mansa Maghan(1337 hanggang 1341 CE) na siya din nangalaga sa mga Malian noong naglakbay ang kanyang ama papuntang Mecca.

Matapos mamuno ni Maghan sa Mali Empire, pinalitan ito ng kanyang tiyuhin na kapatid ng kanyang ama na si Mansa Sulayman. Pinaniniwalaan na nagkaroon ng anumalya noong napunta sa kapatid ni Musa ang trono na ipinasa niya sa kanyang anak, ngunit walang matibay na ebidensya na nangyari nga ito.

Sa pamumuno ni Mansa Sulayman, ipinagpatuloy nito ang gawain ng kanyang kapatid na ipalaganap at ipakilala ang paniniwalang Muslim. Sa pagtagal ng panahon, unti-unti nawala sa kamay ng mga Mali ang paghawak sa kalakalan na nagaganap sa buong rehiyon. Bago pa man mawala sa kamay ng mga Mali ang paghawak sa kalakalan, umusbong pa ang kanilang yaman bago magkaroon ng bagong ruta para sa pakikipag-palitan ng mga Portugese.

Pinaniniwalaan na mid-15th century CE bago pa mawala ng tuluyan sa mga Mali ang pagiging gitna ng monopolyo sa kanilang rehiyon. Nagkaroon din ng isang civil war sa mga Mali dahilan upang ang emperyo na ito ay magkagulo at mawalan ng pagkaka-isa. Dahil din dito, unti-unti na ding nasakop ng ibang bansa ang kanilang lugar.

Tulad na lamang noong sila ay inatake ng Tuareg na pinamumunuan ni King Sunni Ali 1464-1492, inatake ang Timbuktu at umabot na din ang pagsakop sa Songhai Kingdom at iba pang teritoryo na pinamumuhayan ng mga Mali. Ayon sa ilang mga historian, noong 1610 ay tuluyan nang natuldukan ang emperyo ng mga Mali noong mamatay ang pinaka huling Mansa na namuno sa kanila, ito ay si Mansa Mahmud IV.


Sa panahon ngayon, ang lugar ng Mali ay isa sa pinaka mahirap na lugar sa mundo na hindi mo aakalain na minsan ay humawak ang lugar na ito ng napakalaking yaman na hindi na halos mabilang. Kung inyong matatanong kung mayroon pa bang natitirang kamag-anak ang pamilya nila Musa asy mayroon pa naman. Ito ay ang pinaniniwalaang si Kankou Musa Keita pero hindi sigurado kung talaga bang direct descendant ito dahil wala namang sapat na ebidensya. Who knows baka magkaapelyido lang sila.

May ilang paniniwala na ang mga nabubuhay na “Keita” sa panahon ngayon ay ang mga natitirang linya ng pamilya ng ni Musa. Dahil nga ang nakabuo sa Mali Empire ay ang kanyang tiyuhin na si Sundiata Keita, ang mga nabubuhay na Keita ngayon ay matibay ang paniniwala na sila ay kamag-anak ng mayamang pamilya.

Ang isang Malian Musician na si Salif Keita ay naniniwala na direct descendants sila ni Sundiata Keita, pero ang kanilang pamilya ay walang isinagawang DNA test dahil nga din sa walang tiyak na bagay na mapagkukunan ng DNA ni Musa.

Magpasa hanggang nagyon ay si Mansa Musa pa din ang kinikilalang pinaka mayamang taong nabuhay sa mundo. Ang ginto na minsan napasakamay ni Mansa Musa ay makikita sa ilang central banks vault mula sa buong mundo. Ang mga ginto na ito ay napunta na sa kamay ng iba pang bansa mula noong siya ay mamatay at mula noong bumagsak ang emperyo ng Mali noong 1610.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/pUzpajF5gpo

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Isang butas ang patuloy na lumalaki sa siberia

Takot ka ba sa kidlat o kulong? Ito ang dapat mong malaman..