Ito ang dahilan kung bakit nagmumulto ang sakay ng Flight 401

Reading Time: 13 minutes

Ang isang tao ay mayroong 1 sa 144 chances na siya ay mamatay mula sa sasakyan. Kung ito naman ay sasakay sa eroplano ay mayroon itong 1 sa 9,821 chnaces na siya ay mapapahamak sa pagsakay nito. Dahil hindi naman tayo palagi sumasakay sa isang eroplano at isa pa napakalawak ng himpapawid, isa ito sa mga dahilan kung bakit napakakakaunti ng aksidente sa himpapawid kumpara sa lupa. Imaginine mo na lang paano huhuluhin ang pilotong driver under the influence of alchol sa gitna ng himpapawid diba? Sympre bago pa magpalipad nacecheck up na yan. Pero may mga pagkakataon na hindi inaasahan.

Tulad na lamang ng mga nakaraang pangyayari, ang pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ni Kobe Bryan at ang pag crash ng eroplano sa NAIA na siyang nagdadala ng mga gamit sa ospital. Ang mga ganitong pangyayari ay kailangan ng mabuting pag-iimbestiga upang malaman kung ano ba talaga ang sanhi ng pagbagsak at pagsabog nito.

Dahil sa hindi malaman ang eksaktong dahilan, ilang haka-haka na ang lumalabas at kumakalat kung bakit nangyari ang ganitong trahedya. Kung tayo ay babalik sa nakaraan, isa sa pinaka kilalang plane crash na nangyari ay ang Flight 401 na naganap noong 1972. Alamin natin kung ano ba ang kwneto patungkol dito at kung ano ba ang tunay na nangyari sa loob ng eroplano.

Eastern Air Lines Flight 401:

The Ghosts That Followed Flight 401 - OZY | A Modern Media Company

Ang flight 401 ay nakatakdang lumipad mula New York hanggang Miami. Nuong December 29, 1972 ang eroplanong Lockheed L-1011-1Tristar o Flight 401 ay nag crashed sa Florida Everglades. Mula sa 176 kataong sakay ng eroplano, 101 dito ay namatay at nasawi sa aksidente. Kasama na dito ang dalawa sa sampong flight attendants at maging ang piloto nito at ang flight engineer ng eroplano. 75 lamang ang nakaligtas mula sa pangyayari.

Ayon sa mga imbestigasyon, ang aksidente ay dahil sa hindi pagkapansin ng mga crew na ang autopilot ng eroplano ay nakapatay dahilan upang walang kumontrol dito. Ayon sa ilang report na lumabas, abala ang mga crew sa pag-aayos ng pumutok na ilaw mula sa kanilang sasakyan kaya’t hindi nila ito napansin. Ito ang pinaka-unang malalang pag crash ng eroplano noong panahon na iyon.

Ang flight ay nasa pangunguna ni Captain Robert Albin Loft na isang veteran pilot at nasa 50th ranked ng seniority mula sa airlines. Ayon sa report, ang kapitan na ito ay nakagawa na nang halos 29,700 flight hours magmula noong ito ay nagsimula sa pagiging piloto. Mula naman sa kanyang pinatakbo na L-1101, ito ay nakapagrecord na nang 280 hours flight mula dito. Kasama niya ang isa pang flight officer na si Albert John Stockstill na 39 years old noong panahon na iyon. Si Albert ay nakagawa na nang halo 5,800 hours flight at 306 hours mula sa L-1011. Kasama din nito ang flight engineer na si Donald Louis Repo, 51 years old at mayroong 15,700 hours flight at 53 hours naman mula sa L-1011.

Ang L-1011 o flight 401 ay idinilever sa eastern air Lines noong August 18 at nagsimulang paliparin noong August 21 at noong ngang December ay apat na buwan na itong ginagamit ng mga pasahero. Pinakita na ang eroplano na ito ay hindi nalalampasan ng maintinance inspection at hindi din nakitaan ng kahit anong problema mula dito. Base dito mga experienced na ang mga piloto at mga crew nito kaya’t hindi na bago sa kanila ang paliparin ang isang eroplano.

The Crash:

Flight 401 – The Ghost Crew of Eastern Air Lines | Paranorms

Dahil sa black box nalaman ng mga imbestigador kung ano ang naging dahilan upang bumagsak ang eroplano.

Ayon sa report, ang lahat ng flight crew ay nakatuon ang atensyon sa landing gear light na ayaw magbukas, pinaniniwalaan na ang ilaw na ito ay sira. Ito ang dahilan upang ang piloto ay magrequest ng pabalik na flight upang ayusin kung ano man ang sira na mayroon sa kanilang eroplano. Habang ang mga ito ay pabalik, ang maliit na problema ay nagdulot ng nakakatakot na pangyayari.

Ang mga professional na piloto at kapitan at maging ang ibang pang professional crew ay hindi namalayan na ang auto pilot ng eroplano ay hindi nabuksan at nanatiling nakasarado. Habang tumatagal ang gabi, dahil na din sa dilim nang kapaligiran sa labas ay hindi namalayan ng mga crew na ang kanilang altitude ay unti-unting bumababa. Dahil na din sa patuloy na pagtunog ng warning alarm sa loob ng eroplano, huli na noong mapansin ng mga ito na sila ay pabagsak na sa isang malaking damuhan sa bilis na 200 miles per hour.

Dito ay hindi nakaligatas ang dalawang piloto na sina Loft na agad namatay mula sa aksidente, samantalang si Repo ay namatay naman habang ito ay sinusubukang gamutin mula sa ospital na pinagdalhan sa kaniya. Lumabas na imbes na itapon na lamang ang ilang parte ng bumagsak na eroplano, ang ilang parte nito ay ginamit pa upang ilagay sa ibang eroplano. Maging ang ilang kagamitan nang ilang pasahero ay ibinalik sa mga kapamilya ng mga may-ari ng gamit na ito.

The story:

Eastern Airlines Flight 401 — Astonishing Legends

Dito ay nagsimula na din ang mga kwentong katatakutan. Dalawang taon ang makalipas, isang libro ang lumabas na pimagatang “The ghost of Flight 401” na isinulat ni John G. Fuller. Ayon sa manunulat na ito, ang buong nakasulat sa libro ay hindi haka-haka at totoo lahat ng ito. Pinaniniwalaan na ang mga eroplanong nakatanggap ng dating parte ng bumagsak na eroplano ay nakakakita ng mga multo.

Hindi lamang basta multo ngunit ang mga namatay na piloto nito. Ang mga kwento ay mula sa mga flght attendant at pasahero na tumangging ibigay ang kanilang pangalan at dahilan na din upang makumpirma kung totoong mula ba sa mga taong ito ang kwento.

Ang ilan ay naniniwala na si Loft ay hindi matahimik. Samantalang ang flight engineer naman na si Repo ay pinaniniwalaan na iniwanan ang kanyang posisyon upang imbestigahan ang landing gear light at naging dahilan upang hindi mapansin na ang eroplano ay malapit nang bumagsak.Ayon nga sa kwento na nakalagay sa libro,ang dalawang multo na ito ay makikia lamang sa mga eroplano na pinagkabitan ng dating parte ng Flight 401.

Ang kwento na ito ay nakikipag-usap sa mga crew o hindi naman ay sa mga pasahero at bigla na lamang maglalaho kung sakaling mayroon mang makakilala sa kanila. Ang ilang kwento din ay mayroong crew na nakakakilala dito mula sa litrato, kahit na kailan ay hindi nila nakilala ang mga ito. Base sa kwento ng mga nakakakita sa mga multo na ito, para itong tunay na tao at hindi isang multo.

Ang buong katatakutan ay kumalat na sa buong airline community at ilang tao na din ang nakapagpatunay nito. Ang manunulat na si Fuller ang siyang nag compile ng lahat ng kwento mula sa mga airline personel. Ayon sa ilang report, kahit na itanggi at umiwas ang eastern airline sa ganitong balita, maraming researchers at mga paranormal expert pa din ang gumagawa ng mga pagtatanong sa ilan nitong trabahador.

Ang isa sa pinaka kilalang kwento ay mula sa isang flight captain at dalawang flight attendant. Ayon sa kwento, nakita nila si Loft at nakausap bago ang take-off ng kanilang flight noong araw na iyon. Nakita din ng mga taong ito kung paano naglaho ng parang bula ang namatay na piloto.

Dahil sa pangyayari, ang flight ay kinansela dahil na din sa takot ng tatlo. Idagdag pa ang pagrereklamo ng isang pasaherong babae mula naman sa isang flight. Ayon sa kwento, ito ay nagreklamo sa flight attentdant dahil sa tumabi sa kanyang isang tahimik na lalaki at nakapang uniporme ng eastern airline. Doon ay pinaniniwalaan na nakita ito ng flight attendant at iba pang pasahero kung paano naglaho ang lalaki.

Noong ipakita nga ang litrato ni Repo ay nakilala ito ng pasahero na nakatabi nito. Ito pa ang isang nakakatakot, well maging ako ay kinalibutan, isang passenger plane naman na mayroong parte ng nasirang eroplano ang iinspeksyunin bago ito ilipad. Noon ay isang flight engineer ang pumunta dito at doon ay nakita niya si Repo at nagsabi na “You don’t need to worry about the pre-flight, I’ve already done it.” Isipin mo na lamang kung kinausap ka ng isang multo.

Bukod pa nga sa pagpapakita ni Repo sa flight engineer, nadagdagan pa ito ng kwento kung saan isang flight attendant naman ang nakakita kay Repo na nag-aayos ng galley oven. Mas lalong tumibay na si Repo ang nakitang engineer dahil noong araw na iyon ay walang ibang crew at walang ni isang flight engineer ang nagsabing nag-ayos ng galley oven tulad ng nakita ng flight attendant.

Dagdag pa dito ang pagpapakita muli ni Repo mula sa isang flight attendant ng Tri-star 318. Nakita muli si Repo sa kitchen ng eroplano habang nakatayo sa oven nito. Ang witness na si Faye Merryweather ay agad na tumawag pa ng dalawang kasamahan upang tignan ang lalaking nakatayo sa oven. Doon ay nakilala ng isang babae si Repo at doon ay nagsalita ito at sinabing ”Watch out for fire on this airplane”.

Di kalaaunan ay nagkaroon ng problema mula sa engine ng eroplano at ang huling flight nito upang makarating sa paroroonan ay agad din kinansela. Nalaman na ang Tri-star 318 ay nabigayan din ng ilang parte mula sa bumagsak na flight 401. Mula sa mga kwento na ito, may ilang report pa din hanggang 1990’s ang pinaniniwalaan na nakita nila sina Loft at Repo mula sa opisina at maging mismo sa eroplano. Ang Eastern Airline ay tuluyan na ngang nagsarado noong taong 1991.

May ilang report na ang ilang mga aircraft na nakatanggap ng parte ng L-1011 ay inayos muli at pinalitan ng bagong parte ang mga eroplanong ito. Marahil ay natakot na din ang ilan at tinanggal na ito upang maging sigurado.

Psychometry:

What You Need To Know About Psychometry

Kung mayroon mang fan ng Supernatural dito, makikita natin sa palabas na yun kung paano ang mga multo ay maaring kumapit sa ilang bagay na kanilang pinahahahalagahan noong ang mga ito ay nabubuhay pa. Ayon sa mga eksperto, ang ganitong ideya ay matatawag na Psychometry. Maraming tao na din ang naniniwala sa bagay na ito dahil sa kanilang mga kwento.

Pinaniniwalaan na ito ay isang phenomena kung saan ang kaluluwa ng isang tao ay mananatiling naka attached sa mga bagay na minsan ay naging kanila o kanilang pinapahalagahan ng sobra.Tulad nga nang dalawang multo na sina Loft at Repo. Naniniwala ang ilan na maging sa kabilang buhay ay nais nilang tumulong at ingatan ang kanilang mga pasahero. Ngunit marami din ang naniniwala na ang mga “Multo” na nasa kwento ay isa lamang haka-haka at walang katotohanan.

Ang libro patungkol sa fligh 401 ay isa lang libro na mula sa sariling paniniwala ng author nito. Ang loob ng libro ay mananatiling kwentong katatakutan na isa na lamang parte ng nakaraan.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/TTBpIe9cZ9c

Sources at the end of youtube video

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ganito ang mangyayari sa mundo kapag umikot ng pabalik

Ito ang dahilan kung bakit mayroong BCE at CE