Isang mundo, isang kontinente – PANGAEA

Reading Time: 16 minutes

Ayon sa paniniwala, noong unang panahon ay iisang kontinente lamang ang lahat ng bansa. Ang lahat ng lugar sa mundo ay magkakadikit at nagkahiwa-hiwalay lamang. Ito nga ang tinaawag na Super continent noong unang panahon. Ngunit ang ilan din ay naniniwala na hindi totoo na minsan ay naging magkakadikit ang buong bansa.

Alamin natin kung ano ba ang mga pag-aaral at research na isinagawa upang makilala pa mismo ang super continent na ito. Ang Pangea.

The Super Continent:

Supercontinent Images, Stock Photos & Vectors | Shutterstock

Kapag sinabi nating “Super” ang ibig sabihin nito ay hindi lamang basta-basta at hindi maliit. Ang supercontinent nga ay isang salita na nangangahulugan ng isang malaking kalupaan na binubuo ng iba’t ibang bansa. Ito na nga ang tinawag na Pangea at pinaniniwalaan na ito ay nabuo noong lumipas ang halos 225 million years ago. Pinaniniwalaan nga na ito ang mga major continent, ang Africa, America, Antartica, Asia, Australia at Europe.

Isang Scientist na kinilala bilang si Alfred Wegener ang nagpasimula sa paniniwala sa malaking kontinente na ito. Pinaniniwalaan din na ang Pangea ay pinalilibutan naman ng iisang karagatan na binigyan naman ng katawag na Panthalassa. Ayon sa ilang mga ekseprto na naniniwala sa teorya na ito, maaring may kinalaman ang teorya ng tectonic plates sa pagkakahiwalay ng kontinente.

Dahil na din sa tagal ng ating mundo, na siyang nagpapakita din ng ilang ebidensya na mayroon ngang pagkasira ng ilang kontinente ay mas napapatibay pa ang paniniwala patungkol sa Pangea. Ayon kay Brendan Murphy na isang geology professor sa St.Francis Xavier University, Antiginish sa Nove Scotia. Mapapansin sa mga accurate map ng ating mundo na ang mga kontinte ay parang pinaghiwa-hiwalay na puzzle.

Ang ilang patunay pa na magpapatibay dito ay ang mga coal deposit na makikita sa Pennsylvania na makikita din sa Poland, Great Britain at Germany at ang tanda ng mga coal na ito ay magkakaparehas. Dito ay ipinapakita at naniniwala ang ilan na ang North America at Europe ay iisang land mass lamang noong unang panahon. Makikita sa ilang fossil record ang pagkakatulad ng ilang halaman sa ibang bansa.

Nariyan na nga ang tinatawag na Glossopteris na isang extinct seed fern. Pinaniniwalaan na ito ay makikita sa Australia, Antartica, India, South Africa at south America na silang nasa Soutern continents. Maging ang mga matataas na kabundukan na pinapipiwalaan na iisang parte lamang noong buo pa ang Pangea. Nariyan ang Appalachians sa United States at ang Atlas Mountains sa Morocco na siyang buong parte ng central Pangea. Pinaniniwalaan nga ng mga eksperto na ang Pangea ay isang buong kalupaan na nabuo din ng paunti-unit sa mundo.

How did Pangea Break:

Pangea Breakup and Continental Drift Animation - YouTube

Pinaniniwalaan nga na ang Pangea ay nagsimulang magwatak-watak noong nangyari ang tatlong malalakas na paggalaw ng lupa sa pagitan ng Africa, South America at North America. Ayon sa teorya, dahil sa unti-unting pag-angat ng magma dahilan upang magkaroon ng malakas na pagsabog. Dahil sa pag-erupt ng bulkan na ito, pinaniniwalaan na ang mga ash at ang mga bato na inilabas nito ay malalaki dahilan upang ang pagbagsak nito sa iba’t ibang lugar ay nagbigay ng malaking pinsala.

Ang pinsala nga ay ang paghihiwalay ng mga kalupaan sa malaking kontinente na ito. Naging dahilan nga ng paghihiwalay ang pagkabuo ng panibagong karagatan, ang Atlantic Ocean. Ang rift zone ng mga naghiwalay na kontinente ay kinikilala bilang mid-atlantic ridge.

Ayon sa research, ang North America nga ay unti-unting naitulak pa west mula sa rift zone. Ang mga makakapal na crust mula sa mga kontinente na tinamanan ng malalaking bato ay naging east coast. Ayon sa research, noong una ay ang faulted edge ng ng kontinente ay mainit ba dahilan upang ito ay mataas at nakalutang sa bagong karagatan, habang ang pinakadulo ng North America ay patuloy na lumalayo sa mainit na rift zone, nagsimula na din itong lumamig at nanatiling katabi ng bagong atlantic ocean.

Dahil sa paghihiwalay ng kontinente, ang Atlantic Ocean ay patuloy ding lumaki at ngayon nga ay siyang tinuturing na pangalawa sa pinaka malaking parte ng karagatan sa mundo.

Plate Tectonic Theory:

What is the influence of plate tectonic theory on the natural occurrence of  rocks? - Quora

Ang tectonic plates o ang lithosphere ay ang outer shell ng ating mundo. Ito ay binubuo ng upper crust at ng uppermost mantle. Pinaniniwalaan na ito nga ay ang nagdidikit sa Pangea noong unang panahon at dahil sa ilang pangyayari ay unti-unting naghiwalay at tuluyan nang naalis sa pagkakabit sa isa’t isa. Mayroong pito hanggang walong major plates ang ating mundo at mayroon din itong maliliit na plates.

Dahil sa init at dahil sa makapal na mantle, kada taon, ang mga plates ay naghihiwalay sa layong 0 hanggang 100mm. Dahil sa paghihiwalay ng mga plates, nagkakaroon ng lindol, ilang volcanic activity, pagbuo ng mga matataas na bundok at nagkakaroon din ng mga oceanic trench mula sa mga bounderies ng plate. Mayroong tatlong uri ng plates bounderies.

Ang una ay ang Convergent bounderies, ang dalawang plate ay nagsama o nagkasalubong. Ito ay nabubuo kung ang isa sa mga plate o maari din naman ang parehong plate ay binubuo ng oceanic crust. Ang mas malambot na plate ay papailalim sa isa pang plate kung saan ito ay mas matigas at mas matibay. Katulad na lamang ng mayroon sa Marianas trench, ang isang plate ay nakapailim habang ang isa naman ay nakapaibabaw.

Kung ang isang oceanic crust ay sasalubong sa isa pang oceanic crust, ito ay maaring makabuo ng isang island arcs at ilang ocean trench. Maari din magkaroon ng ilang lugar kung saan ang ilang active seafloor ay kumakalat at maaring maganap sa likod ng isang Island arc, matatawag naman itong back-arc basin, na sila ding may kinalaman sa mga submarine volcano.

Kung ang isang Ocean crust naman ay nakalubog o ang isang continental crust, maaring magkaroon ng isang malaking kabundukan kung ang oceanic crust ay mas malambot kumpara sa continent crust. Isa na ngang halimbawa dito ay ang Andes na makikita sa western side ng South America. Kung ang dalawang continental crust naman ay nagsama, maari itong makabuo ng isang napakalaking kabundukan. Pinaniniwalaan na ang Himalayas ang patunay sa bagay na ito at isa itong resulta ng continent to continent collision.

Ang pangalawang uri ng plate bounderies ay ang Divergent boundaries. Ang mga space na nabubuo mula sa dalawang plate ay maaring makabuo ng panibagong crustal material na mula sa mga magma na nabubuo sa ilalim nito. Ang mga divergent bounderies ay maaring mabuo sa pagitan ng dalawang kontinente at hindi magtatagal ay bubuka pa ito at tuluyan na lalayo sa isa’t isa at makakagawa ng daaanan ng tubig. Katulad nga nang nangayri sa Atlantic ocean.

Nariyan ang On land divergent bounderies na dahil dito ay nagkakaroon ng mga rifts at ito naman ang nakakabuo ng mga rift valleys. Ang pangalawa naman ay ang under the sea divergent bounderies. Ito ang pinaka active na divergent plate bounderies na matatawag ding mid-oeanic ridges. Ang pangatlong uri naman at ang pinaka huling plate bounderies ay ang Transform bounderies.

Ito ay isang uri ng boundary kung saan ang dalawang plates ay magkakasalubong ngunit iiwas lamang sa iisa’t isa. Ang pag-galaw ng plates ay horizontal at maari itong mangyari sa ilalim ng karagatan o hindi naman ay sa ibabaw ng lupa. Kung sakaling mangyari man ito, ang crust nito ay maaring masira o maari ding mabuo.

Friction nga ang sinisising dahilan kung kaya’t ang dalawang plates ay hindi basta-basta makakalampas sa isa’t isa. Dahil dito ay magkakaroon ng stress sa parehong plates at kapag narating na nito ang maximum level ng mga bato, maglalabas ito ng enerhiya na siyang pagmumulan ng lindol.

Climate Change and Pangea:

Supercontinents and Climate - Plate Tectonics - Climate Policy Watcher

Pinaniniwalaan na bukod sa pagbabago ng kalupaan sa mundo, nagsimula din magbago ang klima noong mag hiwa-hiwalay ang kontinente ng Pangea. Bago pa man mabuo ang Pangea, mayroong kinikilalang Gondwana na maaring nabuo noong 600 – 500 million years ago at Rodinia na nabuo noong bilyong taon ang lumipas. Ang Gondwana at ang Rodinia ang dalawang super continent bago ang Pangea.

Dahil sa pagkasira ng mga kontinenteng ito, nagkaroon ito ng apekto sa klima ng buong mundo sa loob ng 100 milyong taon at ito ay nangyari ng paulit ulit sa loob ng bilyon taon sa kasaysayan ng mundo. Ang cycle na naganap sa supercontinent ay nagbigay ng isang prediksyon. Pinaniniwalaan na maaring ang ating mundo ay nagkakaroon ng global warming na siyang may kinalaman sa paghihiwalay ng mga supercontinents at ang global cooling naman ay maaring dahilan ng mga pagbuo ng ilang bahagi ng kalupaan.

Dahil nga sa cycle na ginagawa ng supercontinents, naapektuhan nito ang level ng dagat ,ang pagkakaroon ng ilang yelo sa mundo, pagpapalit ng kilima mula sa mainit hanggang sa malamig at maging ang salinity o ung alat ng dagat kasama na din ang naibibigay na nutrients ng dagat ay labis din naapektuhan. Sinisisi nga ang plate tectonics na siyang labis na nakaapekto sa mundo.

Kung titignan ang mga mapa kung paano ang ayos ng kontinente noon sa malamig at mainit na panahon, makikita dito ang relasyon ng klima at ang tectonic sea levels na siyang nagbabago. Ito ay nagbabago base sa phases na pinagdadaanan ng supercontinent at makikita nga na ang sea level ay nagbabago dahil sa klima. Ang global volume ng mga mid-ocean ridges ay maaring agarang nagbago, mula sa length o hindi naman ay sa rate ng pagkalat ng seafloor nito.

Ang mga ganitong pnagyayari ay maaring makagawa ng mga bulkan, pagtaan ng level ng tubig sa dagat at maari ding maglagay ng extra Carbon dioxide sa atmosphere at pataasin ang tempereatura sa buong mundo. ang total length ng mga ridges ay mas lalo pang lumalaki sa tuwing ang mga kontinente ay naghihiwalay. Ang bawat continent to continent collision naman ay maaring pabbain ang level ng tubig sa dagat dahil sa pagkabuo ng marami pang lugar.

Pre historic:

Dinosaurs. Prehistoric Pangaea. | Illustrated map, Ancient maps, Historical  maps
Noong panahon ng mga dinosaur, pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang Pangea ay buo pa. Ayon sa ginawang pag-aaral patungkol dito, mula sa pagsasma-sama ng mga data at mga records, nalaman ng mga eksperto na ang mga dinosour ay mula sa Europe at ito ay naglakbay na lamang sa iba’t ibang parte pa ng mundo. Mula sa kanilang ginamit na “Network theory”, dito ay makikita nila ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga fossils na kanilang mga nahukay.

Ang mga fossils na mga nahukay sa Utah sa United States ay pinaniniwalaa na makakatulong sa mga eksperto upang kilalanin pa ang mundo. Dito ay nakita din ang mga buto sa northern Africa at noong pag-aralan ang mga ito ay parehas ang tanda, dahilan upang masabi na ang fossil na nahukay ay nabuhay ng sabay sa iisang era.

Dagdag pa nito, ang mga fossils na nadiskubre ay nagpapakita na ang mga land ridges ay nakakonekta sa bawat rehiyon na siyang nakadikit dati sa Pangea. Dahil sa ganitong mga ridges, ang mga hayop noong unang panahon ay nagpunta sa iba’t ibang lugar upang mabuhay.

Flora and Fauna:

Ang mundo natin ay binubuo ng mga living at non-living things o ang “Biotic” na siyang nakatuon sa mga bundok at mga ilog, at ang “Abiotic” na siyang nakauton naman sa buhay na mayron sa mundo at tinatawag nga itong “FLora at Fauna”. Kung ang isang tao ay nais na alagaan ang mundo at gawin itong mayaman sa puno, kailangan muna nitong intindihin ang flora at fauna.

Ano nga ba ang Flora at Fauna? Ang Flora at fauna ay magakaiba ngunit ang dalawang ito ang pinakamahalagang components ng ating enviroment at ecosysytem. Ang flora ay ang buhay ng mga halaman at ang fauna naman ang buhay ng mga hayop sa mundo. Ang “Avifauna” ang siyang ibinigay na term para sa mga ibon, ”Piscifauna” para sa mga isda at para naman sa iba pang microorganism na nabubuha noon ay tinatawag na “Microfauna”.

Ang pagkilala sa flora at fauna ay nakabase sa lugar o rehiyon, sa klima na pinamumuhayan nito, sa tagal at maging sa enviroment na kanyang pinamamahayan.

Simula nga noong mahati ang Pangea, ang mga halaman at hayop ay sumama na din dito. Isa na nga dito ang kinikilalang Cycad na siyang makikita sa Australia, South Africa, Malaysia at America. Ayon sa mga eksperto,misteryo pa din sa mga ito kung paano pa kumalat ang buto nito sa iba pang kontinente ng mundo. Sa pag-aaral sa buto nito, nalaman na ang mga cycads na pabilog at malaki ang buto ay tumutubo sa mga kalapit na lugar base sa gravity na mayroon ito at ang kakayhan nga na gumulong gulong kung sakaling matangal sa kaniyang puno.

Pinaniniwalaan nga na karamihan sa uri ng Cycads ay tumutubo sa mga rehiyon na malapit sa dagat,at ilang lamang lugar ang maari nitong pagtubuan.Ang mga buto ito at lumulubog sa tubig o sa dagat dahil na din sa laki at bigat na mayroon ito.Ito ang dahilan upang magtaka ang mga eksperto kung paano ito nadala sa ibang lugar at ibang kontinente noong unang panahon.

Dito ay makikita na din ang magkakaparehang uri ng mga puno na nabubuhay at nag-iwan ng mga bakas mula sa iba’t ibang arte ng bansa tulad na lamang ng ilang puno sa America at Africa. Ngunit naniniwala ang mga eksperto na maaring ang mga buto ng puno o ang mga kahoy nito ay tumubo na lamang sa iba’t ibang bansa. Idagdag na din ang isang daang uri ng coral trees o Erythrina na makikita sa Mexico, Central at south America at Africa.

Base sa mga nakuhang mga ebidensya ng mga eksperto, maari ngang buong kontinente ay minsan naging buo at tabi-tabi. Ngunit marami pa din ang hindi naniniwala na ang ganitong mga pangyayare ay hindi makatotohanan. Well,iiwan ko na saiyo ang katanungan na iyan. Kung ikaw ba ay naniniwala o hindi.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/DQ_o2polrgM

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Takot ka ba sa kidlat o kulong? Ito ang dapat mong malaman..

Patunay na may kaluluwa ang hayop?