Ganito ang mangyayari sa mundo kapag umikot ng pabalik

Reading Time: 10 minutes

Isa na sa kinalakihan nating palabas ay ang Superman at isa mga ginawa ni superman ay ang pagbalik sa ikot ng mundo. Para sa mga bata pa at hindi na naabutan ang lumang superman, pinaikot lang naman ni Clark Kent ang mundo ng pabalik upang mailigatas ang pinaka mamahal niyang si Loiuse Lane. Malamang ay nabuo na din sa iyong isipan, paano kung iikot nga ng pabaliktad ang mundo, babalik ba talaga ang oras?

Ano nga ba ang mangyayari kung bumalik sa pag-ikot ang mundo? Ang tanong na ito ay mula kay alexis the great at ito ang ask bulalord.

Rotation of The Earth:

Earth's Rotation Animation - YouTube

Ayon sa research, ang ating mundo at maging ibang planeta ay umiikot sa isang imaginary line na tinatawag na axis. Ang axis ang imaginary line na siyang naka-aligne sa North at South poles ng ating mundo. Ang tawag nga ng mga eksperto dito ay ang axis of rotation. Ang mundo ay umiikot sa axis na ito kada araw sa loob ng dalawampu’t apat na oras.

Kung titignan naman ang rotation natin base sa mga bituin na lumalabas tuwing gabi. Ang tawag sa period na ito ay ang sidereal day, kung tayo ay titingin naman sa oras ito ay 23 hours at 56 minutes. Ngunit dahil ang ating oras ay base sa 365 days na pag-orbit ng earth sa araw, ang oras ng sidereal na mula sa bituin at solar time na mula naman sa araw ay magkaiba.

Naguluhan ba? Well, kada 365 days o 365 plus 4 minutes ang ating mundo ay babalik sa harapan ng araw kung saan ito tunay na nakapwesto. Kumabaga makukumpleto na nito ang kanyang rotation. Mas ginagamit natin oras na mula sa araw dahil mas mahalaga ang paglubog nito kumpara sa pagpapakita ng mga bituin tuwing gabi.

Kung hindi mo nararamdaman na umiikot ang mundo, maari mong subukan na humiga sa isang open field nang matagal. Sa sobrang tagal na pagtingin sa kalangitan, mapapansin mo na ang langit ay umiikot kahit na ikaw ay hindi gumagalaw. Ang tawag dito ng mga eksperto ay “Apparent Diurnal Motion”.

What Will Happen:

Rotation Of Earth Mentioned In Quran | The Last Dialogue

Magmula nga noong magawa ang mundo at nagsimula itong umikot, hindi na ito nagabago simula pa noong unang panahon. Kung sakaling ang mundo ay umikot ng pabaliktad, ang lahat ng mga nangyayari dito ay magbabago ng tuluyan.

Ang mundo ay mablis na umiikot nguniit hindi natin ito namamalayan dahil na din sa gravity. Ayon sa mga eksperto, ito ay umiikot ng halos 460 meters o 1,509 feet kada segundo. Ito ay nasukat ng mga ekseprto mula sa equator ng ating mundo.

Pinaniniwalaan na kung sakaling magbago ang ikot ng mundo at bumaliktad ito, magkakaroon ng kakaibang panahon, paglakas ng hangin at pagkakaroon ng matataas na alon. Ang mga ganitong pangyayari ay maaring makasira sa ibabaw ng ating mundo ng ilang oras lamang. Hindi lamang ito, ngunit magkakaroon din ng labis na pagbabago sa mga lugar.

Maaring ang inaapakan mong lupa ngayon o disyerto ay buong katubigan na at ang mga lugar na karagatan ngayon ay magmimistulang disyerto kung sakaling mangyari ang pagbabago ang ikot ng mundo. Maging ang pagsikat ng araw at ang pagpapakita ng buwan ay mababago din ng biglaan. Ang mga ito ay sikaikat na sa west at lulubog na sa east.

Ang reverse spin ng mundo ay maaring maging tulong upang tubuan ng puno ang mga tuyong lugar sa ibang bahagi nito. Dahil nga ang karagatan ay mayroong ginagampanan na malaking parte para sa klima ng mundo, ito din ang nagpapalaganap ng init mula sa araw sa buong lugar ng ating mundo.

Sa reverese spin nito ay makakapagbigay ito ng mahinang pag-ulan sa mga tuyong kagubatan. Dito ay mawawala din ang kinikilalang climate driving current na AMOC o Atlantic meridional overturning circulation na siyang pinaka-importanteng current sa Atlantic Ocean. Ito ay mapapalitan ng panibagong current na siya namang magpapalalat ng init sa buong mundo.

Pinaniniwalaan na mas dadami ang mga pananim ng mga gulay at prutas sa mundo at maaring tumubo ang napakadaming puno. Ngunit ang ilang bansa ay daraan sa malaking pagbabago, tulad na lamang ng Western Europe na labis na iinit ang kanilang lugar. Ang mga mayeyelong lugar ay matutunaw dahilan upang mas lalong lumalim ang karagtan at maari ding gumuho ang ilang kalupaan sa Russia dahil sa mga permafrost na nandito. Ito ung pag gising kinubukasan iba na ang ikot ng mundo. Pero kung sakaling dahan dahang magbabago ang ikot ng mundo, darating ito sa puntong hihinto ito muna. Ano nga bang mangyayari kapag huminto ang pagikot ng mundo?

What will happen if the Earth stop spinning:

What If the Earth Stopped Spinning? - Full Documentary - YouTube

Kung sakaling ang mundo ay titigil sa kanyang pag-ikot. Maraming buhay at bagay ang masisira nito at mapapatay. Ang atmosphere na mayroon ang earth ay patuloy na gagalaw sa bilis na 1100 mile per hour na siyang bilis ng pag-ikot ng mundo sa equator.

Ang lahat ng bagay na nasa lupa ay liliparin at tatangayin ng hangin. Bahay, puno, mga halaman,hayop at iba pang bagay na hindi nakadikit ng maigi at matibay sa lupa ay liliparin dahil sa nagagawa ng atmosphere. Ayon sa mga ekseprto, kung sakaling mangyari ito ng tuluyan na hindi na talaga iikot ang mundo ng kahit isang beses sa loob ng isang taon, ang mga tao ay makakaranas ng isa’t kalahating taong tag-araw at isa’t kalahating taong gabi lamang ang tanong eh kung buhay pa kaya tayo nun.

Ang magnetic field ng ating mundo ay pinapagana ng tinatawag na “Dynamo Effect” na mula din sa pag-ikot ng mundo. Kung tumighil na ang pag-ikot ng mundo, ang magnetic field ay hindi na muling gagana at mawawalan ng saysay. Idagdag na din ang pagkawala ng tinatawag na Northern Lights at Van Allen Radiation belt, kasama na ang mga proteksyon natin mula sa cosmic rays at iba pang masamang particles mula sa labas ng kalawakan na papasok sa ating mundo.

Pero huwag mag-alala, dahil ang pagtigil ng pag-ikot ng mundo ay hindi mangyayari sa loob ilang bilyong taon. Makakahinga pa tayo ng maluwag habang tayo ay nabubuhay sa mundong ibabaw.

Is it possible for earth to Spin Back:

What if Earth stopped spinning? | HowStuffWorks

Nadiscuss na natin ang pagtigil at pagikot ng pabaliktad, ang tanong, posible nga bang umikot ng pabaliktad ang ating mundo?

Ayon kay Robert Walker na isang Mathematician, ito ay malabong mangayari pero posible. Pero patay na rin tayo nuon dahil para mapaikot ng pabaliktad ang mundo, kailangan may sumalpok ang isang asteroid na mayroong kalahati ng mass ng ating buwan.

Kung sakaling ito ay tumama sa ating mundo, ang impact nito ang maaring maging dahilan upang mapabaliktad ang ikot ng mundo. Hindi lamang pag-ikot ng mundo ang maapektuhan nito ngunit maari ding itong maging dahilan ng pag-kulo ng tubig sa karagatan, ang pagka tunaw ng ilang bahagi ng crust ng mundo at ilan pang malalang epekto na madalas ay nakikita sa mga science fiction na movie. In short goodbye.

Ang imahinasyon ng utak ng isang tao ay masyadong malawak upang isipin na ang mundo ay maaring umikot ng paballiktad. Maari na lamang natin hayaan ang ating mundo sa kinagisnan nitong pag-ikot hanggang sa pagtatapos ng panahon. Sa ganitong paraan ay mabubuhay tayo ng matiwasay at mabuti.

Sana ay nasagot naming any iiyong katanungan alexis the great.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time. Marami po kayong nagttype ng tanong sa comment section pero again po hindi ko po makukuha yang request nyo, kaya po nagtayo ako ng website para nanduon lahat ng request.

Paalala lang po, hindi porket nakapagrequest ay magagawa agad. It will take months po dahil sa dami ng nakapila at hindi lahat ng request eh napapagbigyan lalo na ung mga out of the blue questions.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/-6r_PytHJI8

sources at the end of youtube video

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo ba na nilalason tayo ng chemtrail?

Ito ang dahilan kung bakit nagmumulto ang sakay ng Flight 401