Ganito ang ginawa ni Holmes para matago ang kanyang mga pinatay

Reading Time: 13 minutes

Sa dinami-dami ng mga kilalang mamatay tayo sa bansang America. Isa na yata sa pinaka kilala ay ang kinikilalang si H.H holmes. Ngunit bakit nga ba ito kilala at ano ba ang nagawa ng taong ito.

H.H Holmes:

H. H. Holmes - Wikipedia

Herman Webster Mugett. Ang lalaking ito ay mas kilala bilang H.H Holmes at kinikilala bilang con-artist, bigamist at pinaka-unang serial killer na kinilala sa America. Kinikilala din ito bilang “Beast of Chicago”.

Ayon sa Biography.Com, si Holmes ay ipinanganak sa Gilmaton, New Hampshire noong May 16,1861. Ito ay lumaki sa isang maayos na pamilya. Kinilala ito bilang isang batang nakukuha ang kanyang gusto at is din itong matalinong bata.

Ito ay nagkaroon ng interes sa mundo ng medisina dahilan upang pagtuunan nito ng pansin ang pangagagmot ng mga hayop at maging ang pag-gawa ng surgery sa mga ito. May paniniwala din na maaring si Holmes ay mayroong kinalaman sa mga pagkamatay ng ilang kaibigan at kaniyang mga kakilala.

Nakilala nga si Holmes mula sa kanyang mga panloloko sa mga tao. Noong ito ay isang medical student sa University of Michigan, ito ay nagnanakaw ng mga bangkay mula sa ospoital upang makagawa ng fake identity at doon ay para makagawa ng pekeng insurance claims. May paniniwala din na ginagamit ni Holmes ang mga ninanakaw niyang mga bangkay upang pag-eksperimentuhan. May mga kwento din na isang batang costumer ang kanyang pinagbentahan ng gamot noong siya ay nagtatrabaho bilang pharmacist sa Philadelphia at namatay ito noong inumin ng bata.

Nagkaroon ng asawa at anak si holmes, ngunit ang mga ito ay iniwan niya taong 1885 at lumipat ito sa Illinois. Noong siya ay makalipat, nagpalit ito ng pangalan na Henry Howard Holmes. Pinaniniwalaan na ito ay nakuha nya sa isang fictional detective character na si Sherlock Holmes na siyang isinulat ni Sir Athur Conan Doyle.

Noong ito ay makarating sa Chicago, kumuha ito ng trabaho sa isang pharmacy na malapit sa Jackson Park. Makalipas ang walong taon, ang Jackson Park ay pinag ganapan ng World’s Fair. Ang kinikilalang Columbian Exposition ay dinisenyo naman ng ilang mga kilalang arkitekto mula sa america at pinag-ganapan din ng iba’t ibang mga exhibits sa loob ng 40 centuries.

Ang ganitong uri ng okasyon ay nakakuha sa atraksyon ng halos 27 million na tao na pumunta sa Chicago. Ang ilan sa mga taong pumunta sa Fair na ito ay niloko ni Holmes lalo na ang mga dalagang babae na naghahanap ng trabaho.

Nagkaroon din ng report na si Holmes ay nasangkot na sa iba’t ibang Fraud schemes, dahilan upang ito ay hulihin noong 1894. Naging suspect din ito sa pagpatay sa kanyang scam partner na si Benjamin Pitezel upang makakuha ng life insurance. Pinaniniwalaan na noong mapatay niya ito, sinunod naman nito ang mga anak na nasa edad na 7 at 14. Pinaniniwalaan na ginawa niya ito upang mapagtakpan ang kanyang pagpatay sa ama ng mga bata.

Murder Castle:

Escape H.H. Holmes' Murder Castle In VR - VRScout

Taong 1887 noong si Holmes ay bumili ng isang lupa na katabi lamang ng kanyang pinagtatrabahuhan na pharmacy sa Chicago. Sinimulan niyang bumuo ng isang three story building na ayon sa kanya ,gagawin niyang apartment at lalagayan din ng shop.

Ang kanyang building ay halos sinakop ang buong lupa na kanyang binili at naglalaman ito ng isang daang kwarto. Ang mansion na ito ay plinano ng mabuti ni Holmes. Ang unang palapag ay gagamitin niya para sa kanyang negosyo na ipaparenta niya sa iba’t ibang negosyante upang pagtayuan ng kanilang negosyo.

Ang pangatlong palapag naman ang naglalaman ng mga kwarto na maari niyang iparenta sa mga taong nagtatrabaho sa lugar at maging sa dumadaming tao na napupunta sa Chicago. Ang ibang mga renters na nag check in o tumira dito ay naging biktima ni Holmes.

Ang pangalawang palapag ay ang lugar kung saan napupunta ang lahat ng kanyang nabibiktima. Pinaniniwalaang nga na ang pangalawang palapag ng kanyang mansion ay puno ng mga sikretong daanan at lagusan at doon niya itinatago ang bangkay ng kanyang mga nabibiktima.

Hindi napirmi si Holmes sa iisang arkitekto, dahilan upang iba’t ibang tao ang bumuo ng kanyang mansion at maitago niya ang kanyang mga binabalak na pagpatay. Taong 1892 noong ang buong kastilyo ay tuluyan nang nabuo at noong 1894 naman noong ito ay inembestigahan ng mga pulis.

Noong sila ay umabot sa pangalawang palapag at pinasok ang mga kwarto, nagulat sila sa kanilang mga natagpuan at nadiskubre. Dito nakita nila ang mga magkakadikit na pader, at ilang pekeng lagusan o pasukan.

Ang ilang kwarto na makikita sa pangalawang palapag ay nagtataglay ng limang pinto sa loob nito, habang ang iba naman ay wala. Ang ilang mga sahig ng mga kwarto ay naglalaman ng daan upang makapaunta sa ilalim ng kwarto. Dito ay mga sikretong kwarto at mga iron plated na mga pader ang makikita at ito ang dahilan upang maitago ang tunog sa loob nito.

Ang sariling kwarto naman ni Holmes ay nagtataglay din ng trapdoor sa kanyang banyo. Kung bubuksan ito, makikita ang isang hagdanan na papunta naman sa isang maliit na kwarto na walang bintana. Sa cubicle naman ay makikia ang isang malaking tunnel na papunta sa isang basement.

Isang kwarto naman ang siyang nakalinya sa gas fixture. Dito inilalagay ni Holmes o ikinikulong ang kanyang mga nabibiktima. Kung pipindutin ang switch na mayroon sa kwartong ito, panibagong kwarto nanaman ang maaring pasukin. Kumbaga parang isang malaking maze ang ginawa ni holmes.

Ang lahat ng kwarto at ang ilang mga hakbangan dito ay mayroong alarm system na nakakonekta sa kwarto ni Holmes. Kung sino man ang pumunta sa second floor at matapakan ang mga hakbangan na ito, agad na maalarma si holmes na merong nakapasok sa kanyang sikretong lagusan.

Sa pag-gagala at pagpasok ng mga pulis sa mga tagong lagusan at mga pinto, dito nakita nila ang pinaka totoong dahilan kung bakit ganito ang ginawang itsura ng second floor. Ang mga buto.

Karamihan sa mga buto ay mula sa mga hayop, habang ang iba naman ay mula sa mga tao. Sa kasamaang palad ay mayroon ding mga buto na mula sa mga bata na at ang edad ay nasa anim hanggang pitong taong gulang.

Nakita din dito ang iba’t ibang damit at ang isa ay mula sa isang babae. Ang damit na ito ay punong-punong ng dugo. Natagpuan din ang isang surgical room sa kwarto. Mayroon ding isang crematory room o yung kwarto upang sunigin ang katawan ng isang tao o maari ding hayop. Bukod pa dito, makikita din ang iba’t ibang mga surgical tools at maging mga kakaibang materyal na pinaniniwalaang ginagamit ni Holmes na pang torture sa kanyangg mga nabibiktima.

Matapos niyang mapatay ang kanyang biktima, dinadala niya ito sa surgical room, mula sa mga tagong daanan upang hindi makita ng mga taong nasa ibaba o maging nasa pangatlong palapag. Dito ay lilinisin niya ang mga katawan at kukunin ang mga mapapakinabanagang laman loob at ibebenta sa illegal na paraan.

The Case:

A History Of Chicago's Murder Castle - The Chicagoist

Ayon sa report, kahit na ang mansion na ginawa ni Holmes at hindi kagandahan, ang kanyang mga biktima ay pinaniniwalaang kusang pumasok sa loob nito. Sa dalawang taon na pamamalagi ni Holmes sa kanyang mansion, ito ay nag hire ng halos 150 na kababaihan bilang stenographers.

Ang ilan sa mga babaeng ito ay kanyang naging kasintahan. Ang ilan ay inireport na mula sa mayayamang pamilya habang ang iba naman ay hindi na muling nakita ng kanilang pamilya. Mula sa inbestigasyon, nalaman na ang ilang mga paboritong babae ni Holmes ay kanyang kinukuhanan ng larawan.

Ngunit katulad ng nasabi ko kanina, si Holmes ay hindi nahuli sa kasong murder. Pagnanakaw at mga panloloko ang naging dahilan upang mahawakan ito ng mga pulis noong November 17,1894. Dito ay lumabas na din ang mga malalagim na katotohanan bukod pa sa kanyang mga pangloloko.

Dahil nga noong ito ay iniimbestigahan, nalaman ng mga pulis na isang taong namatay ay konektado kay Homes. Habang si Holmes ay patuoy na iniimbestigahan, inamin nito na siya ay pumatay ng halos 27 na katao. Noong ito naman ay nakulong, umamin ito ng tatlong beses sa kanyang pagptay, ngunit ang binibigay niyang bilang ng mga taong kanyang napatay ay magkakaiba.

Ayon sa mga record, ang tunay na bilang ng mga biktima ay hindi sigurado dahil sa napakalaki ng mansion ni Holmes at hindi ito masyadong nasuyod ng mga pulisya. Bukod pa dito, nakita din ang isang human sized stove na pinaniniwalaang ginagamit niya upang sunigin ang kanyang mga nabibiktima.

Ayon sa pagtatanong kay Holmes, ang isa sa pinaka kilalang kataga na kanyang nasabi ay

“I was born with the devil in me, I could not help the fact that I was a murderer, no more than the poet can help the inspiration to sing.”

Noon ngang naganap ang world’s fair noong 1983, milyon milyon ang mga dumagsa dito at halos ilang daan naman ang nawala. Lumbas sa ilang mga pahayagan na halos dalawang daan ang napatay ni Holmes.

Tulad ni Ted Bundy na isa ring serial killer, ipinaglaban nya ang kanyang sarili sa korte pero si Holmes ang kinilalang pinaka unang gumawa nito, dahil na din ang lalaking ito ay hindi maitatanging matalino at maalam patungkol sa batas.

Ngunit wala siyang nagawa at nasiyentensyahan ito ng kamtayan sa pamamagitan ng pagbitay. Iminungkahi mismo ni Holmes na isemento sya sa loob ng kanyang kabaong. Noong ito ay namatay noong 1896, sinabi niya na siya ay magiging isang demonyo. Noong ito ay mabitay na, ang mga konektado sa kaso ni Holmes ay misteryong namatay ng sunod-sunod.

Ang caretaker ng kanyang mansion, ang lalaking nag tipped sa mga pulis patungkol sa ilegal na gawain ni Holmes at maging ang mga warden na nagbabantay sa pinagkukulungan ni Holmes. Bukod pa dito, ang office ng district attorney ay tinupok naman ng apoy at ang tanging bagay lamang na nakaligtas ay ang larawan ni Holmes.

What happen to the Castle:

The Sinister Story of H.H. Holmes and His Murder Castle – Dusty Old Thing

Ayon sa ilang mga haka-haka at paniniwala, hindi talaga namatay si Holmes. Pinananiwalaan na nabayaran niya ang mga tao upang siya ay mapakawalan at ibang lalaki ang binitay noon.

Noong March 2017, ang isang descendant ni Holmes na nakatira sa Delaware ay nag file ng petitioned na ipahukay ang mga buto ni Holmes upang ito ay idaan sa isang DNA testing at mapatunayan na ang buto na ito ay mismong si Holmes talaga.

Ang mansion na ipinatayo ni Holmes ay nasunog noong 1895. Ayon sa mga witness ay may nakita itong dalawang lalaki na pumasok sa mansion at doon ay kinain ng apoy ang mansion.Ngunit ang ilang bahagi lamang nito ang nasira,at nanatili itong nakatayo hanggang 1938 at ito ay tuluyan ipinagiba. Ang lugar nga kung saan nakatayo ang dating mansion ay okupado na nang Englewood branch ng U.S Post Office.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/AOh23oGVEx0

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang masaklap na karanasan ni Hisashi Ouchi – Radiation Effects