Electromagnetic Pulse Weapon

Reading Time: 18 minutes

Ayon sa daily mail noong 2018, ang United States military ay nagbigay ng pahayag patungkol sa paggamit ng electromagnetic pulse weapon ng mga bansang Iran, Russia at North Korea. Ayon sa ilang balita, ang ganitong armas ay maaring makapag patumba sa mga nuclear plants, maaring mapatumba ang kuryente ng halos 18 months o halos isa at kalahating taon. Pinaniniwalaan din na maari itong makapatay ng milyon na tao.

Ayon sa balita noong 2018, nagbabala ang US military sa maaring paggamit ng electromagnetic pulse ng mga nasabing bansa. Ang report na ito ay mula sa Air Force’s Air University at nasabi din na hindi handa ang US sa ganitong uri ng armas. Ngunit hindi na din lingid sa kaalaman ng nakakararami na ang US ay naghahanda na din ng ganitong uri ng kagamitan.

Pag-usapan natin kung ano ba ang bagay na ito na pinaniniwalaan na makakasira at makakapatay ng maraming buhay ng mga tao.

Ang topic na ito ay nirequest ni Joross V. Esguerra

History:

Ayon sa ilang research, ang ganitong bagay ay unang napansin ng mga taga United States noong 1950’s. Noong ang isang electronic equipment ay hindi gumana dahil sa paggawa ng kuryente at ng boltahe noong ang mga ito ay nagsasagawa ng isang nuclear test. Noong 1960 ang potesyal nitong makapaminsala ay nakita na nang US military.

Ayon sa ilang mga research, ang isang electromagnetic pulse o EMP ay tinatawag din bilang transient electromagnetic disturbance. Ang gamit na ito ay mula sa isang maikling paglalabas ng electromagnetic energy. Ang ganitong uri ng pulse ay maaring mula sa natural na reaksyon o hindi naman ay gawa mismo ng isang tao. Ang mga pulses katulad na lamang ng mga radiated, electric o hindi naman ay magnetic field ay mula sa isang electric current.

Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang EMP ay maaring makapinsala sa kahit anong electronic equipment. Lumabas din sa ilang pag-aaral na kung ito man ay ginamit sa pinaka mataas na level ang natural na kalamidad at ilang pangyayari katulad na lamang ng mga kildlat ay maaring makapinsala ng mga gamit kasama na dito ang mga sasakyan sa lupa at mga sasakyang pamhimpapawid.

Ito ay isang gamit mula mismo sa isang nuclear explosion. Ayon sa ilang mga report kung papasabugin ang halos 10 megatons sa taas na 320 km o halos 200 miles ang layo mula sa lupa, maaapektuhan nito ang buong kontinente ng United States at maaring masama pa ang Mexico at ang Canada. Katulad nga nang nasabi ko kanina, ito ay mula sa isang malakas na pagsabog ng nuclear radiation at mula sa isang gamma radiation. Kung ang isang high energy ay nailabas sa kalangitan, ang gamma rays ay hahalo sa mga air molecules at ito ang tinatawag na Compton effect.

Ang mga positive at mga negatives charge na mula sa atmosphere ay maghihiwa-hiwalay at ang mga negative charge na electrons ay lalayo at ang mga mabibigat na positive charge na ionize air molecules na lamang ang matitira. Ang ganitong paghihiwalay ng mga charge sa atmosphere ay siyang magiging dahilan para magkaroon ng malakihang electric field.

Ang hindi balanseng electric field at ang proximity ng pagsabog mula sa ibabaw ng mundo.Dahil as pangyayaring ito, ang EMP ay makakapaglabas ng isang electrical currents.Ayon pa sa ilang mga reports, ang resulta ng isang EMp base sa kung gaano ito kataas.

Types of Electromagnetic Pulse:

Ang mga natural na EMP ay ang mga mula sa Lightning electromagnetic pulse o LEMP, na kung saan ito ay nailalabas mula sa isang malaking current flow o hindi naman ay halos mega-amps. Matapos itong mailabas, ito ay susundan naman ng mga sunod-sunod na pulses mula sa isang decreasing energy.

Ang isang Electrostatic discharge naman o ESD ay resulta mula sa magkasalubong na charge objects. Kung sakaling ang isang spacecraft mula sa kalawakan ay bumangga sa isang bulalakaw, aabot ang epekto sa mundo, ito ang tinatawag na Meteoris EMP. Maari din itong mangyari sa sandaling sumabog ang isang bulalakaw sa sandaling ito ay makapasok sa atmosphere ng Earth.

Ang pinaka huli ay ang tinatawag na Coronal mass ejection o CME na mas kilala din bilang isang solar EMP. Ito ay mula sa solar corona na nakapaglalabas ng isang plasma at mayroong kasamang magnetic field, na maisasama ng solar wind at tatama sa ating mundo.

Isunod naman natin ang mga man-made EMP. Dahil sa kagagawan mismo ng mga tao, ito ay makapagdadala ng malaking pinsala sa mundo. Nariyan ang mga electric motors na mayroong kakayahan na makagawa ng isang train pulse, dahil ang mga internal electrical contacts nito ay makakagawa at makakasira ng mga koneksyon dahil sa pagikot ng mga armature o ung rotating dynamo.

Ang mga Gasoline engine ignition system na makakagawa ng train of pulses kung ang mga spark plugs ay mapaapoy o hindi naman ay masindihan.Ang mgha palagiang switching action ng mga digital electronic circuity.Ang mga power line surges, na kung saan maaring umabot sa ilang kilovolts na maari nanag makasira sa ilang mga electronic equipment na hindi masyadong protektado.

Ang pinaka huli naman ay ang mga pulse sa nuclear explosion, o Nuclear electromagnetic pulse (NEMP). Matatawag din ito na high altitude nuclear EMP o HEMP, na nakakapaglabas ng secondary pulse dahil sa ilang pagkikita ng mga partucle sa Earth’s atmosphere at nang magnetic field.

Electromagnetic Pulse to elctronics:

Kung sakaling isa sa mga ito ay magyari, ang mga kagamitan at ang mga nagpapatakbo sa atin sa araw-araw ang labis na maapektuhan. Ang buhay ng mga tao ay babalik noong unang panahon na kung saan, walang mga kuryente, cellphone, computer at ano pa. Ayon sa ilang mag research, kung sakaling ang EMP ay tumama sa isang bansa o sa kung saan man panig ng mundo, ang mga power grids o ang pinaka kuhanan ng kuryente ay mawawalan ng bisa ast hindi gagana.

Ang mga electric at mga elctronics devices tulad ng mga cellphone, refrigerator, computer, at kung ano pa ay masisira at maaring hindi na gumana dahil posibleng magkaroon ng shortage sa mismong board ng bawat appliances. Dahil sa pagkawala ng power grid, magkakaroon ng malakihang black out.

Pinaniniwalaan din na posible ang hindi paggana ng mga motors spin. Ang pagkawala ng signal ng kahit anong communication devices ay posible din na mangyari, dahilan upang mahirapan makipag usap sa ibang tao.

Dahil nga labis na maapektuhan ang mga mga electronic devices naniniwala ang ilan na maaring posible ang pagkawala ng gabay ng mga eroplano sa himapapawid. Ngunit ayon naman sa ilan ay mayroon ng paghahanda ang ginagawa ng mga eksperto kung sakaling mangyayari ang sitwasyon na ito. Ang mga bansang mayroong subways, busses, mga trains station ay maaring mag shutdown.

Ang mga elevator sa mga matataas na gusali ay maaring hindi gumana dahil sa kawalan ng kuryente, at ang mga taong mayroong sakit sa puso ay labis na maapektuhan. Ang ilang mga pasyente sa mga hospital ay maaring malagay sa kritikal na kagayan dahil sa pagkawala ng mga backup power at dahil na din sa ilang pagkawala ng mga tranportasyon ay maaring matagalan o hindi naman ay mamatay ang mga pasyente na nasa malubhang kalagayan. You see sobrang grabe ng epekto ng electromagnetic pulse sa atin. Kumbaga babalik tayo sa medival age kung saan walang kuryente at ang tanging ilaw ay lampara lamang.

Can Electromagnetic field Kill :

Ang lahat ng tao ay expose na sa radiation, mula sa halo halong mahihinang kuryente at mga magnetic fields na kanilang nakukuha sa bahay, sa trabaho at kung saan pa sila pumunta.

Ang mga bagay na nakakatulong sa tao sa araw-araw ay siya din nagbibigay ng kakaunting radition sa katawan nito ng hindi niya namamalayan. Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang katawan ng tao ay nagdadala ng maliit na electeric current sa kanilang katawan dahil sa mga chemical reaction na nangyayari loob mismo ng katawan nito.

Ayon sa Worlds Health Organization, gumagamit ng electric pulse ang mag nerves sa ating katawan upang makapaghabigay ng mga signal o mga mensahe sa iba pang bahagi ng ating katawan. Lumabas sa pag-aaral na karamihan sa mga biochemical reaction na nangyayari sa tuwing ang tao ay nagdadigest ng pagkain at sa tuwing ang utak ay gumagana. Ang mga ito ay sumasama sa mga nagbabagong charge particles na nasa ating katawan.

Ang puso ng tao ay isa ding electrically active organ na gamit ang tinatawag na electrocardiogram , maaari itong makita ng isang eksperto o ng isang doktor. Tulad na lamang ng mga impluwensya na nagagawa ng mga low-frequency electric fields sa isang bagay, ito din ay nakakapag bigay ng epekto sa katawan ng isang tao. Sa tuwing ang electeric field ay nagbibigay ng action sa isang bagay, naapektuhan din nila ang nasa ibabaw sa pagbibigay ng mga electeric charge. Ito ang nagiging dahilan kung bakit mula sa lupa, ilang kuryente ang dumadaloy sa katawan ng tao.

Ang init ang pinaka biological effect ng isang electromagnetic field. Kagaya ng isang microwave oven, ginawa ito upang mapainit ang isang pagkain, ang level ng radiofrequency fields na nakukuha ng mga tao ay mababa lamang kumpara sa kailangan upang makagawa ng kakaibang init.

Ang mga eksperto ay gumagawa pa din ng ilang pag-aaral tungkol sa ilang mga epekto kung ang isang tao ay laging expose sa ganitong klase ng init. Hanggang ngayon ay wala pa din namang nakikitang epekto sa kalusugan ang mga low level at long-term exposure sa radiofrequency o hindi naman sa isang power frequency fields.

Dahil nga ang isang electromagnetic ay nakakaapekto sa mga kagamitan natin sa pang araw-araw tulad na din ng mga cellphone at mga computer, nagkalat ang mga balita na maaring maluto ng mga bagay na ito ang iyong utak. Ang WHO ay mayroong sagot sa kumakalat na balita at kinakakatakutan ng maraming tao.

Noong 1996 ang WHO ay nagsagawa ng isang multidisciplinary research effort. Ayon sa report nainiwala na wala pang ebidensyang maipapakita na makapagsasabi na ang bagay na ito ay makakaapekto sa kalusugan at katawan ng isang tao. Mula sa kahit anong level ay walang nakikita ang mga eksperto. Ngunit mayroong maaring ilang biological effects at kinakailangan pa nila itong pag-aralan at pag-obsernahan.

Ilan na din sa paniniwala ng karamihan, kung ang isang babaeng buntis ay maexpose, hindi na imposible ang mga pagkakaroon ng pagkalaglag ng bata sa sinapupunan, pagkakaroon nito ng ilang malformation sa katawan, pagkkaroon ng mababang timbang, at maaring magkaroon ng isang congenital disease.

Patuloy pa din ang pag-aaral at paggawa ng experimento upang malaman ang mga posibleng mangyari sa kalusugan ng mga tao. Ang mga pag-aaral sa carcinogenic o isang bagay na maaring pagsimulan ng cancer mula sa isang power frequency fields ay patuloy pa din isinasagawa.

Ang ilang concern patungkol sa epekto nito sa mga cellpone na ginagamit ng mga tao ay kanila din pinag-aaralan, kahit na hanggang nagyon ay wala pa namang nakikita ang mga eksperto patungkol sa maaring malalang epekto nito.

Electromagnetic Pulse Weapon on War:

Noong 1962 nagamit na ang isang man-made EMP. Ito ang Starfish Prime test. Ang 1.4 megaton bomb ay pinasabog sa itaas ng Pacific. Ang ganitong test ay upang malaman kung anong klaseng resulta ba ang maihahatid ng ganitong bagay. Ayon sa report, ang mga electrical equipment na halos 1,400 kilometers away ay naapektuhan.

Noong nagaganap ang Cold war, inimbestigahan ang isang EMP bilang isang armas na gagamitin upang gumawa ng isang mass destruction o malakihang pagkasira na aabot mula United States hanggang Union of Soviet Socialist Republics o USSR. Ayon sa ilang report, habang nagaganap ang inimbestigasyon na ito, ang ilang mga low earth orbit satellites ay hindi gumagana ng maayos.

Kung magkakaroon man ng isang malakihang giyera, ang paggamit ng EMP bilang isang weapon ay maari na din kilalanin bilang paggamit ng isang nuclear weapon. Kung sa maliit na bansa kagaya na lamang ng Pilipinas, kaagad nito mapapatay ang lahat ng kagamitan na mayroon ang bansa. Ang mga military engineers at maging researchers ay nag-aaral patungkol sa paggawa ng isang non-nuclear EMP mula pa noong mabuo ang isang EMP.

Ang isang non-nuclear EMP ay nagagamit na nang mga militar sa iba’t ibang panig ng bansa, pero hindi masyado pinapagamit o nililimitahan lamang ang paggamit nito. Ayon sa Interesting Engineering, ang mga ganitong EMP ay mas mahina kumpara sa isang normal na EMP.

Kung ang isang EMP ay ginamit sa isang giyera, maari nitong mapahinto ang isang naval ship, mapatigil ang pagbibigay at pagkuha ng impormasyon mula sa iba pang mga kakampi ng kalaban. Kung napanuod mo ang “fast and the Furious 8” dito ginamit ang isang EMP at nawalan ng power ang mga malalaking armas ng mga kalaban.

Ganoon lang naman ang mangyayari kung sakaling gamitin din ito sa isang giyera. Pero meron din namang pang cover dito. Ang paggamit sa tinatawag na Faraday cage ay makakapag bigay ng proteksyon mula sa mga bagay na maapektuhan ng EMP. Ito aym poprotekta sa mga electronic device, pero sympre may side effect ito, hindi ito makakakuha ng kahit anong signal mula sa labas dahil na din sa pagharang ng cage. Think of it as a safe o kaha de yero kung saan safe ang mga pera. Sa case na ito, safe ang mga gamit mo.

What would Happen:

Katulad nga nang nasabi ko kanina, ang mga bansang Iran, Russia at North Korea ay naibalita na naghahadna na upang gumamit ng isang EMP. Ayon sa isang report ,


“Potential adversaries understand that millions could die from the long-term collateral effects of EMP and cyber-attacks that cause protracted black-out of national electric grids and other life-sustaining critical infrastructures,”

Maari itong maiadjust kung hanggang saan lamang ang kanilang tatamaan. Kung ito ay mas malapit sa lupa, mas malakas ang impact na magagaw nito at kung mas mataas ang altitude ay mas malaki naman ang epekto na makukuha o ung area of effect.

Ang isang nuclear weapon na idinetonate sa altitude na 30 kilometers o 18.6 miles o mas mataas pa ay maaring makagawa ng isang malakas na klase ngEMP. Kung ang North Korea ay magpapasabog ng isang nuclear bomb sa itaas ng Japan, hindi lamang Japan ang maapektuhan ngunit maging ang Taiwan.

May mga ilang paniniwala na ang Islamic State ay maaring bumili ng isang nuclear weapon sa North Korea o hindi naman ay sa bansang Iran. Ang EMP ay maari nilang gamitin sa bansang Italy.

“A super-EMP warhead, in the possession of Russia or North Korea, could put at risk the best protected U.S. assets, even threatening the survival of the U.S. nuclear deterrent,”

Kung sakaling mangyari ang mga bagay na ito, huwag naman sana, magiging malaking problema ito para sa sa buong bansa. Dahil hindi na din handa ang mga tao, dahil hindi sapat ang kaalaman na naibibigay ng gobyerno. Ito ang magiging dahilan upang mas lalong hindi mapaghandaan.

How long it will take to recover:

Sabihin na nating nangyari ang hindi inaasahan. Ang oras na kailangan nila upang bumalik ang mga signal ay maaring tumagal ng ilang oras, araw, linggo o mas matagal ay ilan pang buwan. Ang recovery ng isang lugar ay nakadepende sa scope, lokasyon, kung gaano kalaki ang kanilang lugar, at kung anong uri ng EMP explosion ang tumama sa kanila.

Ang layo ng pinsala mula sa electrical grid at ilang mga technology infrastructure nationally ay maaring makaapekto sa recovery time ng isang bansa o lugar. Kung ang pagsabog ay mahina lamang at malayo, maaring ang mga sasakyan na tumigil ay gumana muli sa loob ng ilang oras.

Hindi pa nakakagawa ng kagamitan ang mga eksperto upang, alamin kung kailan tatama at kung gaano katagal ang epekto na maibibigay nito.

Hindi man natin alam kung kailan ito gagamitin ng kung anong bansa, ngunit ang pagiging handa, pagbabasa ng iba’t ibang artikulo ay makakatulong upang mabantayan ang bawat desisyon at kung ano na ba ang nangyayari sa mundo.

 

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mangkukulam

Philippines Anti Typhoon Rocket