Chernobyl Disaster

Reading Time: 26 minutes

Topic requested by the following:

Topics

Noong taong 1986, isang bagay ang hindi inaasahang nangyari. Ang pangyayari na pumtay sa halos ilang libong tao nang walang kalaban-laban. Ito rin ang nagpahirap sa buhay ng mga taong nakaligtas sa pangyayari ngunit hindi nakaligtas sa epekto nito. Ito ang isa sa pinaka malaki at pinaka kilalang nakakatakot na nangyari sa buong mundo.

Ang Chernobyl Disaster.

Pag-usapan natin kung mayroon nga bang dapat sisihin sa pagsabog na ito. Sa tagal nang panahon ay matagal nang tanong ng karamihan kung ano nga ba ang tunay na nangyari. Alamin natin kung ano ba ang mga balita, komento, pinagmulan at isang kaisipan patungkol sa pangyayari na ito.

Ang topic na ito ay nirequest EMUEL-MR.SNOOZE-MARQUEZ. March 22 yan nakalagay sa website pero nuong 2019 pa ito nirequest.

History:

Chernobyl (2019) | Official Trailer | HBO - YouTube

Para sa mga hindi nakakaalam, ang Chernobyl disaster ay isang nuclear accident na naganap noong April 1986. Ang nuclear power station na makikita sa Soviet Union ay ang nagadala ng malagim na pangyayari sa buong trabahador at sa mga kalapit na lugar nito. Ayon sa mga report, isa itong aksidente dahil lamang sa maling reactor design na pinatakbo o pinagana pa ng ilang mga personel na walang sapat na kaalaman.

Ang Chernobyl Power Complex ay matatagpuan ng halos 130 km hilaga ng Ukraine at halos 20 km timog na malpit sa boarder ng Belarus. Ang nuclear site na ito ay ang kinalalagyan ng halos apat na nuclear reactors na kung saan ang lahat ng disenyo ay RBMK-1000. Ang RBMK-1000 ay isang grapgite moderated nuclear power reactor na ginawa at dinesenyo ng sovient union. Ayon sa World nuclear, ang unit 1 at 2 ay nagawa noong taong 1970 hanggang 1977, habang ang 3 at 4 ay natapos noong 1983.

Noong maganap ang pangyayaring ito, ang lugar ay dinadagdagan pa ng dalawa pang reactors. Makikita naman sa timog silangan mula sa planta ang isang artificial lake. Ito ay mayroon lamang layo na halos 22 square km na makikita na katabi lamang ng ilong ng Pripyat. Ginawa ang lawa na ito upang maging tagapaglamig ng tubig na mula naman sa mga reactor.

Noong panahon na iyon, ang lugar kung saan nakapaloob ang site ay mayroong lamang mababang populasyon. Tatlong kilometro mula sa site ng mga nuclear reactor, makikita ang isang siyudad na binubuo ng halos 49,000 inhabitants. Samantalang ang lumang bayan naman ng Chornobyl ay pinamamahayan naman ng halos 12,500 na katao.

Ang lumang bayan ay halos limampung kilometro ang layo mula sa site. Kung isasama naman ang mga nakatira sa mga lugar na halos 30 km radius mula sa power plant, ang populasyon ng mga naninirahan dito ay aabot ng halos 115,000. Kung pagsasama-samahin ang buong populasyon noong panahon na nangyari ang aksidente, halos 135,000 na katao ang namumuhay malapit sa site ng mga nuclear.

So to be exact, nangyari ang aksidente noong April 25 hanggang 26 taong 1986. Ayon sa ilang mga balita na lumabas, ang aksidente ay nagsimula lamang noong isinasagawa ang isang safety test mula sa mga nuclear reactor. Ang test na kanilang isinasagawa ay simulation ng mga electrical power outage upang mabigyan ng tulong o gabay ang paggawa ng mga safety procedure. How ironic, safety procedure test ang ginagawa nila and yet ganun ang nangyari.

Ang mga safety procedure ito ay para sa pagpapanatili ng reactor na magpadaloy ng malamig na tubig hanggang mapagana muli ang mga back-up electrical generators. Ang tagal lamang ng pagsubok ay aabot ng halos isang minuto , at doon ay nalaman ng mga eksperto ang isang problema na maaring harapin kung sakaling mangyari ang problema.

Mula sa kanilang mga test ay nakikita nila na maari itong maging dahilan upang ang core ng mga nuclear reactor ay mag overheat. Ang ganitong mga pagsasanay ay kanilang isinasagawa upang makakita ng isang bagay na magpapatunay na ang mga residual rotational energy na mula sa turbine generator ay makakatulong sa ilang sandaling oras lamang.

Mula noong taong 1982, halos tatlong test na ang isinagawa, ngunit ang mga enerhiya na mula sa turbine ay mabilis na bumabagal sa loob lamang ilang sandali, dahilan upang magsagawa muli ng mga panibagong test mula sa bagong voltage regulator designs. Noong araw ng April 26, bago pa maisagawa ang pinaka pagsasanay ay marami pang kailangang gawin tulad na lamang ng pag di-disable ng automatic shutdown mechanisms.

Noong panahon na iyon, ginamit ng mga eksperto ang unit 4. Sa sandaling patayin na nang mga operator ang power regulating system ng reactor na ito, kasama na din ang emergency safety system. Tinanggal na din ng mga operator ang mga control rods mula sa core nito, ngunit pinanatili nila ang 7 percent power upang hindi tuluyang mamatay ang reactor.

Ayon sa ilang mga report, ang mga operator noon na nagsasagawa ng pagsasanay ay walang ideya na ang kanilang gagawin ay maaring maging dahilan upang mag-overheat at ito ay sumabog. Ang kakaibang disenyo ng mga control rods ay isinaksak sa reactor at ito ang anging dahilan upang magkaroon ng isang power surge.

Dahil na din sa pagsasaman ng isang napaka-init na fuel mula sa isang malamig na tubig, nagkaroon ng fuel fragmentation kasama na din ang mabilis na paglalabas ng usok at pagtaas ng pressure. Dahil sa ilang mga chain reaction mula sa core, ito ay nawala na sa control at ito ang dahilan upang ang ilang pagsabog ay maganap sa mga heavy steel at concrete lid ng reactor.

Dahil na din sa mga pagsabog na ito, nagkaroon ng apoy mula sa graphite reactor core at ito ay nagpatalsik ng ilang mga radioactive material. Ang mga ito ay kumalat dahil na din sa hangin, at nagsimula na din ang ilang mga meltdown mula sa core. Ang mga airborne radioactive na ito ay umabot ng halos sampong araw na kumalat mula sa ilang parte ng Union of Soviet Socialist Republics at maging western Europe.

Ang ilang mga usok mula sa mga sunog ay naglabas din ng ilang mga kontamisnasyon, dahil na din sa pagtaas at pagkalat ng radition mula sa mismong lugar. Isang exclusion zone ang ginawa na ang layo ay halos 10 kilometero o 6.2miles ang nagawa noong makalipas ang isa’t kalahating araw noong maganap ang pagsabog. Ang unang inilayo sa lugar ay ang mga taong namumuhay sa Pripyat na umabot sa 49,000.

Ngunit hindi nagtagal, ang exclusion zone na ito ay inilipat sa layo na 30 kilometers o 19 miles na kung saan umabot ng halos 68,000 na katao ang inilagay sa mas malawak na lugar.

Responsibility:

Visiting Chernobyl 32 Years After the Disaster - The Atlantic

Ngayong nalaman na antin ang history, kung anong nangyari at sumabog ang nuclear power plant. Ang susunod na taong, sino nga ba ang responsable sa pangyayari na ito? Ang operator na hindi alam ang tunay na resulta sa kanilang bagay na ginagawa o mayroon pang ibang tao na kailangan sisihin?

Noong din taong 1986, ang kinilalang Deputy Chief Engineer na si Stepanovich Dyatlov ay ikinulong dahil sa malagim na pangyayari na ito. Noong taon na iyon, si Dyatlov ay nasa edad na 56 at siya din ang engineer in charge na nakatoka sa Unit 4 ng mga reactor. Ayon sa isang report mula sa washington post noong 1992, si Dyatlov ang kinikilalang may kasalanan sa mga pangyayaring naganap.

Ang engineer in charge na ito ang sinisisi ng Soviet justice system mula sa malalang pangyayari na ito, at di kalaunan ay mula sa ilang pag-iimbestiga ay nasintensyahan siya ng sampong taon na pagkakakulong sa kasong criminal negligence.

Ayon sa ilang mga report, ang taong ito ay lumabag sa pinaka-una at pinaka mahalagang safety precautions noong isagawa ang pagsasanay noong April 16, 1986. Ang taong ito ay nakakaramdam ng kaba habang isinasagawa ang test na kanilang gagawin, dahil kailangan niya itong matapos dahil na din sa ipinag-utos ito ng eksperto sa Moscow.

Dahil sa kanyang nararamdaman, na pressure ito at maging ang mga taong kanyang pinapasunod ay kanya na din pinag-initan upang gawin ang isang bagay na hindi alam ang magiging resulta. Dahil na din sa kanyang ugali at maging sa pagkakamali ng mga operator, nangyari ang hindi dapat na mangyari.

Ngunit ayon kay Dyatlov, ang paratang sa kanya ng matataas na opisyal ay isa lamang kasinungalingan at walang katotohan. Mula sa ilang interview na mula kay Dyatlov, ang taong ito ay ipinaliwang na siya at maging ang iba pa niyang mga kasama noong gabi na iyon ay ginawa lamang scapegoat ng mga taong gumawa mismo ng mga reactor.

“I found myself confronted with a lie, a huge lie that was repeated over and over again by the leaders of our state and simple technicians alike. These shameless lies shattered me,”

matibay ang paninindigan ni Dyatlov na ang mga matataas na eksperto ng Soviet ang dapat sisihin sa mga bagay na nangyari.

Ayon pa kay Dyatlov, alam na nang mga nagdisenyo ng mga reactor ang maaring mangyari at kung ano ang posibleng resulta ng ganitong gawain, ngunit pinabayaan lamang at ito’y kanila pa din itinuloy. Ayon pa sa dagdag na kwento ni Dyatlov, naalala niya pa kung ano ba talaga ang nangyari noong pagkakataon na iyon.

Inilarawan ni Dyatlov kung sino-sino ang mga taong nakatayo sa control room noong nagkaron ng power surge at naging dahilan upang pagsimulan ng mga pagsabog.

“If I had known then what I know now about what kind of monster this reactor was, I would never have gone to work at Chernobyl. And not only me. Nobody would have worked there,”Dagdag pa niya.

Ayon sa kwento ni Dyatlov, ang ilang mga safety features na kung saan maaring maging hadlang upang maisagwa ang test, kasama na din ang emergency water cooling system ay sinadyang patayin. Ngunit ang sisi nga ay ipinasa kay Dyatlov at sinabi na sila ang hindi nakaalala ng ilang mga precautions at naging dahilan ng mga pagsabog. Ang lalaking ito ay naexposed din sa halos 550 rad lethal dose ng radiation dahilan upang makaramdam din ito ng iba’t i bang epekto.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din alam kung ano ba talaga ang totoong kwento sa mga pangyayaring naganap noong gabing iyon. Kung ano ba talaga ang tunay na sanhi upang maganap ang mga pangyayari ito ay hindi pa rin naisisiwalat hanggang sa ngayon.

The rescuers and workers:

Chernobyl, Remembering Brave Firemen and Forgotten Heroes ...

Dahil nga madaming tao ang nasa loob ng control room at mismong malapit lamang sa mga nagkalat na radiation, ngakaroon din ng mabilisang epekto sa labas at loob ng katawan ng mga taong nasa loob nito. Bumalik tayo sa kwento ni Dyatlov na kung saan inilarawan din ang ilang mga epekto na dumapo sa katawan ng mga trabahador na naroon.

Ayon sa kwento ni Dyatlov, sumabog na ang reactor bago pa man nila maisaksak ng tuluyan ang mga control rods sa core nito. Ngunit huli na noong malaman nila ang pangayayri na ito. Doon din ay inutusan ni Dyatlov ang dalawa niyang trainees na alisin ang mga rods sa core, ng sila lamang dalawa.

Inutos ni Dyatlov na mano-manong alisin ang mga rods sa dalawang batang trainees at ito din ang desisyon na kaniyang pinagsisihan. Doon lamang napagtanto ni Dyatlov na kung hindi man kinaya ng electrisidad na patayin ang rod, hindi din ito magagawa ng dalawa. Kinilala ang dalawang trainee bilang sina Viktor Proskuryakov at Aleksandr Kudyavtsev, at ang mga ito ay namatay dahil na din sa na exposed ito sa mataas na dosage ng radiation.

Inilarawan din ni Dyatlov ang ilang mga pag-apoy mula sa itaas na bahagi ng lugar, ilang mga tubig ang sumisirit dahilan upang mas lalong masira at umapoy ang mga machine na sa loob nito. Nagsimula na din ang pagbagsak ng ilang bahagi ng gusali at dahil sa ilang mga oil tubes ay mas lalong lumakas ang apoy.

Noong una ay ilang mga liquidators o mga bio robot ang ipinadala para maging taga apula ng apoy, ngunit dahil sa lakas ng radition ay nagagawa nitong sirain ang ilang electronics na mula mismo sa makina na ito.

Noong dumating ang mga firemen, ginawa nila ang kanilang makakaya upang maapula ang apoy. Ang kanilang kagitingan na ipinakita ay talaga namang nakakamangha, ngunit ang resulta nito ay labis na masama. Noong unang gabi at mismong araw ng pagsabog ay halos 27 na bumbero ang naospital dahil sa ilang sunog na kanilang natamo; sa ilang bahagi ng katawan.

Habang gumagawa ng paraan si Dyatlov upang mapatigil ang ilang mga pangyayari, nakasalubong niya din ang isang eksperto na kinilala bilang si Kurguz. Ngunit ito ay nakahimlay na lamang sa sahig at ang buong katawan nito ay mayroong blister. Halos umabot ng isang milyon na tao ang tumulong upang malinis mula sa radiation ang mga lugar na naapektuhan.

Mula sa mga taong ito, 7 percent sa kanilang kabuuan ay nakakuha ng malaking dose ng radiation. Ang mga paunang tao na silang unang dumating ang nagkaraoon ng malalang problema. Ang mga taong huli nang tumulong ay nagkaroon lamang ng mild na karamdaman.

Ayon sa kay Lieut. Col. Leonid Telyatnikov na siyang kasama sa unang responder, sobrang delikado ng kanilang ginawa dahil na din sa wala silang sapat na proteksyon sa napakataas na radiation sa lugar. Ikinumpara din ng isa pa sa pinaka unang responder na si Anatoli Zakharov ang radition na nakuha ng mga first responder mula sa radition na nakuha ng mga taga Hiroshima.

Ang grupo na pinapangunahan ni Lieut Vladimir Pravik ay itinakbo sa ospital dahil na din sa pagkahilo at pagsusuka na kanilang nararamdaman at doon na din namatay ang mga ito. Karamihan sa mga unang mga bomberong rumesponde ay namtay at dahil puno na din ng radiation sila ay inilagay sa isang lead coffins.

Ayon sa ilang report, ang ilang sintomas ng radition ay hindi agad makikita, ngunit ito ay unti-unting lalabas mula sa iyong pakiramdam. Ang isang bumbero na kinilala na si Leonid Telyatnikov ay hindi nag-isip patungkol sa kalagayan kahit na nagsimula na itong magsuka ng magsuka. Ang kanyang iniisip ay pagod lamang ang kanyang katawan at isa lamang normal na lagnat ang kanyang nararanasan.

Ngunit noong sila, kasama na ang ilan niya pang katrabaho ay mapunta na sa ospital, doon niiya naramdaman ang takot. Namatay din mula sa pinaka unang responder ng mga bombero ang kinilalang si Vasily Ignatenko na kung saan sumubok na umakyat sa pinaka mataas na bahagi upang don niya tupukin ang matataas na apoy.

Ngunit, ito din ay nakatanggap ng mataas na dosage ng radition. Sa loob lamang ng dalawang linggo ay namatay ito dahil sa acute radiation sickeness.

Bago tayo magpatuloy, nakasubscribe ka naba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at wag mo ding kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated.

Deaths:

Chernobyl death toll: How many cancer cases are caused by low ...

Ang pagkasira at pagkasabog ng lugar ay naging dahilan upang magalabas ng napakarami at napakataas na quantity ng radioactive substances. Nariyan na ang odine-131, cesium-137, plutonium at strontium-90 na kumalat at sumama sa hangin ng halos sampong araw. Kumalat din ang radiactive cloud na mga alikabok at mga maliliit na debris, at kumalat ito sa Ukraine, Belarus, Russia, Scandinavia at ilang parte ng Europe.

Ayon sa ilang mga report ng mga opisyal, halos 31 kaagad ang namatay noong unang nangyari ang pagkalat ng radiation. Ayon naman sa UN ay halos 50 lamang ang napatay ng radition mula noong ito ay kumalat at hanggang sa ito ay mawala. Ayon sa report ng BBC, noong taong 2005, pinaniniwalaan na halos apat na libong katao ang namatay mula sa pangyayari.

Hindi lamang tao, ngunit maging kalikasan at mga hayop ay namatay mula sa malagim na pangyayari na ito. Ayon isang Science historian at the Massachusetts Institute of Technology (MIT) na si Kate Brown , noong bisitahin niya ang mga kalapit na lugar kung saan mismo naganap ang pangyayari, nakita niya ang ilang mga hayop na nakahandusay lamang sa daan.

Dahil nga din halos umabot na sa milyon ang mga taong tumulong upang malinis mula sa radiation ang kanilang lugar, naniniwala ang Russian Academy of Sciences na maaring mas marami pa sa apat na libo ang namatay at maaring 15% ng mga tao mula sa mga police, engineer, military troops, miners, medical personel at iba pang mga tao na naglakas ng loob ang namatay mula sa kanilang pagtulong.

Long term effects:

Chernobyl legacy to linger long after most humans have gone ...

Noong matapos ang pag-alis sa mga matataas na uri ng radiation, hindi pa din nawala ang epekto nito sa mga taong na exposed mula dito. Hindi man agad namatay at nakitaan ng sintomas ang ilang mamayan noong panahong naganap ang pagkalat nito, habang tumatagal naman ang panahon ay unti-unting nararamadaman ng mga tao ang epekto sa kanilang kalusugan.

Hindi lamang sa kanila, ngunit maging sa kanilang anak at maging sa iba pang mga hayop. Ayon sa ilang report patungkol pag-iimbestiga sa lugar na pinangyarihan, 94 na camera ang ikinabit sa ilang parte ng Chernobyl at sa mga katabi nitong mga lugar. Mula sa kanilang mga panunuod sa footage, nadiskubre nila ang halos 14 na species ng mammals.

Dahil na din sa radiation ay nagbago, ang ilang mga bagay sa kalikasan, tulad na lamang ng pagiging kulay pula ng mga dahon mula sa mga puno na makikita sa lugar na ito.Kahit na ang ilang mga hayop ay namatay dahil sa mga mataas na radition, makalipas lamang ng ilang taon, ang iba ay nakakatagal na dito.

Ang mga hayop na ito ay pagala gala na lamang sa lugar ng chernobyl. Nariyan ang mga brown bears, mga wolves, lynx bison, deer, moose, beavers, foxes, badgers, wild boar, raccoon dogs, at halos dalawang daang ibon ang bumuo ng kanilang sariling pamumuhay mula sa nakaktakot na lugar na ito.

Ayon sa ilang mga eksperto, hindi man makikita ng isang kakaibang nilalang sa lugar na ito, naniniwala ang mga eksperto na mayroong ilang genetic change mula sa mga oraganismo na namumuhay dito.

Ang ilang mga taong naapektuhan ay nagkaroon ng cancer, pagtaas ng mortality, at ilang mga birth defects na ngayon ay nararanasan ng kanilang mga anak. Dahil nga ang ilang hayop na namumuhay ay nakakatagal sa pagkakontamina ng radition, naapektuhan din ang ilang pagkain ng mga tao sa kalapit na lugar.

Ayon din sa ilang mga report, sa panahon ngayon ay aabot sa halos limang milyon na naninirahan na malapit sa lugar ay kontaminado pa din ng ilang radioactive materials mula sa insidente. Halos 116,000 na katao naman ang umalis kaagad sa lugar noong mangyari ang insidente.

Elephants foot:

Chernobyl's intensely radioactive 'elephant's foot' lava recreated ...

Isa sa pinaka-iniwan na bagay ng Chernobyl disaster ay ang kinikilalang Elephants Foots. Ayon sa mga ekerperto, hanggang ngayon ay malakas pa din at nakakamatay ang radiation na mayroon ang bagay na ito. Kahit na Elephants foot ang tawag dito, hindi naman sila nag-alaga ng elepante sa loob ng site.

Ang bagay na ito ay isang malaking bato na nabuo noong matunaw ang core ng reactor na nagkorteng paa ng elepante, hence the name. Ayon sa mga ekerperto, sa loob lamang ng halos 300 seconds ay maari nang mamatay ang tao mula sa kanyang pagkaexpose sa malaking bagay na ito.

Sa loob lamang ng 30 seconds mula sa pagka exposed mo sa bagay na ito, sa loob ng ilang linggo ay mararamdaman mo na ang labis na pagkahilo at labis na pagkahimatay. Kung nais mo pang tagalan ng dalawang minuto ang pagtabi sa bagay na ito ay magsisimula nang mamukol ang ilang cells sa iyong katawan. Ang apat na minuto ay magdadala sa iyo ng pagsusuka, pagtatae, at mataas na lagnat. Sa loob ng dalawang araw ay Goodbye World na.

Conspiracies:

Tin Foil Hats Actually Make it Easier for the Government to Track ...

Dahil sa malalang pangyayaring ito, hindi maiiwasan ang ilang pagkabuo ng ilang mga paniniwala. Syempre hindi nawawala ang ilang kakaibang kaisipan patungkol sa pangyayari na ito.

Unahin na natin ang paniniwala mula sa mga aliens. Sa lahat ng conspiracy ay madalas kasama ang mga nilalang na ito. Kung iniisip mo na sila ang sinisisi sa mga nagyari, nagkakamali ka. Pinaniniwalaan na ang mga ito ang tumulong sa mga tao upang malinis ng mabilis ang radition na kumakalat sa mga kalapit na lugar.

Ang ilang mga paniniwala ay ang Chernobyl disaster ay gawa ng gobyerno upang mapatumba mismo ang pasilidad ng Chernobyl. Ayon sa sabi sabi, dahil ito sa pagkasira ng isang missile defence radio structure na tinatawag na Duga 3 na ginastusan ng Soviet ng napakalaking halaga. Dahil sa na din sa gastos mula sa bagay na ito, nagkaroon ng ilang utang at ang pagpapatumba sa Chernobyl ang isa sa mga naisip nilang kabyaran.

Present Day:

Visiting Chernobyl 32 Years After the Disaster - The Atlantic

Hanggang sa panahon ngayon ay kontaminado pa din ang ilang lugar lalo na ang Pripyat na siyang kinalalagyan ng site. Ang ilang mga bagay na makikita sa loob ng siyudad na ito ay delikado pa din sa mga tao. Ayon sa ilang mga pag-aaral, maaring muling tirahan ang lugar, ngunit kailangan munang maghantay ng halos 20,000 years.

Noong taong 2016 ay nagtayo ang mga eksperto ng isang gigantic steel upang matakpan ang ilang mga naiwang bagay mula sa pagsabog,Itinatayo na din ang ilang bagong construction site na isang safe confinement. Ang ilang mga eksperto naman ay pinag-aaralan ang ilang mga liquid radioactive waste na mula sa power plant.

Hindi pa man lubusan na nawawala ang ilang radiation sa mga lugar na ito, ilang mga eksperto at ilang mga turista na din ang nakakapsok sa loob nito. Mula noong taong 2010 ay naging tourist attraction na ang lugar, ngunit kailangan munang dumaan sa screening bago pumasok at i check kung ito ay nakapitan ba ng ilang radioactive particles bago sila makalabas.

Ang mga turista din ay pinagbabawalan na humawak sa kahit anong bagay at maging pag-upo sa mnga ito ay matindi ding ipinagbabawal. Hanggang sa panahon ngayon ay patuloy itong tumatayo mula sa malaking pangayayari na naganap noong 1986. Patuloy na makikita ang mga naiwang bakas, patuloy na maalala ang masasakit na pagkamatay ng mga tao.

Ang Chernobyl na nga mismo ang isa sa pinaka halimbawa sa maaring magawa ng isang nuclear reactor, kung paano ito papatay ng tao at paano ito maninira ng buhay.Hindi man natin alam kung sino nga ba ang dapat sisihin , at kung ano nga ba ang nangyari sa loob mismo ng pasilidad, ito ay magsisilbing aral at leksyon para sa ilang mga eksperto.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

 

Sources

Sources

  1. https://www.express.co.uk/showbiz/tv-radio/1140547/Chernobyl-location-where-is-chernobyl-safe-visit-stay-overnight-ukraine-pripyat-tourists#:~:text=Both%20Chernobyl%20and%20Pripyat%20have,not%20to%20sit%20down%20anywhere.
  2. https://www.theatlantic.com/photo/2016/04/still-cleaning-up-30-years-after-the-chernobyl-disaster/476748/
  3. https://www.power-technology.com/features/chernobyl-nuclear-disaster-myths/
  4. http://nautil.us/blog/chernobyls-hot-mess-the-elephants-foot-is-still-lethal
  5. https://www.greenfacts.org/en/chernobyl/index.htm#:~:text=At%20present%2C%20more%20than%20five,evacuated%20soon%20after%20the%20accident.
  6. https://www.wikiwand.com/en/Effects_of_the_Chernobyl_disaster#/Controversy_over_human_health_effects
  7. https://www.mentalfloss.com/article/586059/chernobyl-animal-facts
  8. https://www.bbc.com/future/article/20190725-will-we-ever-know-chernobyls-true-death-toll#:~:text=According%20to%20the%20official%2C%20internationally,result%20of%20the%20radiation%20exposure.
  9. https://www.history.com/topics/1980s/chernobylhttps://www.washingtonpost.com/archive/politics/1992/04/27/chernobyls-shameless-lies/96230408-084a-48dd-9236-e3e61cbe41da/
  10. https://www.ranker.com/list/first-responders-at-chernobyl/mariel-loveland?ref=search
  11. https://www.newsweek.com/chernobyl-disaster-first-responders-true-story-deaths-radiation-1415722#:~:text=True%20Stories%20from%20Chernobyl%20Disaster%20First%20Responders&text=Vasily%20Ignatenko%20was%20one%20of,a%20fatal%20dose%20of%20radiation.
  12. https://www.washingtonpost.com/archive/politics/1992/04/27/chernobyls-shameless-lies/96230408-084a-48dd-9236-e3e61cbe41da/
  13. https://www.britannica.com/event/Chernobyl-disaster
  14. https://www.world-nuclear.org/information-library/safety-and-security/safety-of-plants/chernobyl-accident.aspx
  15. https://www.wikiwand.com/en/Chernobyl_disaster#/overview

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Paano nabuo ang bagyo at kidlat

Ang Conciousness ba ang patunay ng kaluluwa?