Bermuda Triangle

Reading Time: 25 minutes

Topics

Triangle, ang hugis na ito ay palaging naididikit sa mga kakaibang bagay.Mula sa isang masamang nilalang, mga orasyon at maging sa mga pangyayaring hindi maipaliwanag sa mundo.Ang lugar kung saan pinaniniwalaan na maraming tao at bagay na ang nawala at hindi na kailanman nakita pa. Ang Bermuda triangle.

Sa loob ng matagal na panahon, ang lugar na ito ay napuno na nang iba’t ibang klaseng kwento. Well, isa na pinaka kilalang kwento ay mayroong halimaw na nakatira sa parte ng dagat na ito. Ito ay isang alien area kung saan kinukuha nila ang mga dumadaan dito. Naidikit din dito ang nawawalang isla ng Atlantis na pinaniniwalaang dahilan ng paglubog ng mga barko.

Pero totoo ba ang mga kwento patungkol sa lugar na ito? Ano ang mga paliwanag patungkol sa mga pangyayaring naganap dito? Totoo bang mayroong halimaw na nabubuhay dito?

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

History:

Scientists May Have Solved the Mystery of the Bermuda Triang ...

Ang bermuda triangle o ang Devils Triangle, ang lugar na ito ay isang parte ng dagat na pinalilibutan ng tatlong isla, ang Bermuda island; ang dulo ng Miami; at ang isla ng Puerto Rico. Kung ang tatlong ito ay pagdudog-tungin, mabubuo ang hugis na triangulo. Noong 1964, ang American Author na si Vincent Gaddis ang nagbigay ng pangalan sa lugar at tinawawag niya itong “The Deadly Bermuda Triangle”.

Ayon sa research, noong gabi ng 1492. Ang australian explorer at colonizer na si Christoper Columbus at ang mga kasama niyang iba pang manlalayag ay nakakita ng isang liwanag na papataas sa langit. Kung bibilangin ang pangyayaring naganap sa lugar na ito, walang siguradong bilang. Ngunit ayon sa ilang research ang parte na ito ay nakapagpatumba na ng halos dalawampung sasakyang pang himpapawid at halos limampung sasakyang pang dagat.

Nariyan ang mga insedente mula pa noong 1800. Ayon sa mga research, noong taon na ito, isang sasakyang pandagat ang nawala at mayroon itong sakay na halos siyamnapu na katao. Noong 1814, nawala ang halos isang daan at apatnapu na katao na sakay ng isang malaking sasakyang pandagat. Noong 1824, ang USS Wild Cat o isang battleship ang nawala at ito ay napabalitang may sakay na labing-apt na katao. Isa sa pinaka kilalang pangyayari ay naganp nooong 1918; ito ay noong mawala ang kinikilalang USS Cyclops na mayroong sakay na halos tatlong daan at anim na pasahero. Ang 540-foot-long coal hauler ship ay nawala noong March 1918. Ayon sa research, ito ay galing sa lugar ng Barbados na isang isla malapit sa Puerto Rico at ito ay pupunta sa Baltimore Maryland. Ang malaking barko na ito ay matagal nang naglalayag mula sa iba’t ibang lugar mula pa noong 1910, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ito ay nawala at hindi na muling nakita.Walang presenya ng malaking barko ang nakita o nahanap sa karagatan.

Noong Nobyembre taong 1941, ang kinikilalang sister ship ng USS Cyclops na USS Proteus (AC-9) ay nawala din sa karagatan. Ang barkong ito ay may sakay na limampu’t walong katao.
Noong sumunod na buwan ay sumunod na nawala ang USS Nereus (AC-10) na may sakay na animnapu’t isang katao. Ayon sa Presidente noon na si Woodrow Wilson

“Only God and the sea know what happened to the great ship,”

Isang sasakyang pang hihimpawid naman ang nawala noong 1945. Sakay ng isang US Navy PBM3S patrol seaplane, sa pangunguna ni Thomas Arthur Garner kasama ang labing isang katao. Ang mga ito ay lumipad at nawala sa karagatan ng Bermuda Triangle. Ang pinaka huling radio report position ng mga nito ay noong sila ay nasa Providence Island at mula noon ay wala nang narinig na kahit ano na galing sa mga ito. Noong ito ay hanapin, walang kahit anong bakas ang natagpuan mula sa mga lugar na maaring pinagbagsakan ng mga nito.

Ang kinikilalang SS Marine Sulphur Queen o isang converted T2 Tanker ang nawala sa karagatan noong 1963. Halos tatlongpu’t siyam na tao ang nawala sa insidente. Pinaniniwalaang ang barkong ito ay wala na sa kondisyon upang maglayag pa sa karagatan ngunit dahil sa katigasan ng ulo, ito ay nawala sa karagatan ng Bermuda Triangle.

Ang pinaka bago lamang na pangyayari na naganap sa karagatan ng Bermuda ay noong 2015. Sakay ng SS El Faro ang tatlompu’t tatlong lalaki at pinaniwalaang lumubog ito sa karagatan ng Bahamas. Neto namang 2017, isang pag crash naman ng isang helicopter na may sakay na pitong tao kasama na dito ang isang billionare na si Christopher Cline. Ang mga ito ay namatay mula sa maling pagbagsak ng kanilang sinasakyan na helicopter.

Ang mga ito ay ilan lamang sa pinaka kilalang pangyayari na nangyari mismo sa loob ng karagatan ng Triangulo.

Air ship Disappearance:

Gallery: Lost in the Bermuda Triangle | Live Science

Kung ang inaakala mo ay makakaligtas ka kung hindi ka tatapak sa karagatn ng Bermuda Triangle, well nagkakamali ka.Sa tagal ng panahon, ilang sasakyang panghimpapawid ang nawala ng parang bula sa lugar na ito.

Isa sa pinaka kilalang kaso na nangyari sa loob ng triangulo ay ang pagkawala ng halos labing apat na kalalakihan.Ang mga ito ay kinilalang “The Lost Patrol” o ang grupo ng Flight 19.Sakay ng limang TBM Avenger torpedo bomber ang mga labing-apat na kalalakihan na ang inaakala ng karamihan ay isang patrol flight.

Ngunit ayon sa research, ang mga lalaki ay nasa huling practice ng isang routine navigation exercise at isang mock bombing run. Bago pa nila gawin ang Flight 19, nagawa na nang mga ito ang ilan pang flight na kasama sa kanilang training period. Lahat ng training na kanilang nagawa ay maayos at walang aksidente ang naganap.

Noong december 5, 1945; naganap ang hindi inaasahan. Bago pa tuluyan mawalan ng komunikasyon ang lahat ng kalalakihan, nakapagbigay pa nang ilan report si Charles C. Taylor. Si Charles C. Taylor ang squadron commander Lt. na nanguna sa grupo. Ayon sa report ni Taylor, ang grupo nila ay napunta sa ibang direksyon dahil sa pagloloko ng compass na kanilang ginagamit.
“I don’t know where we are, We must have got lost after that last turn. I’m sure I’m in the [Florida] Keys and I don’t know how to get to Fort Lauderdale. both my compasses are out.”
Ayon sa ilang report na ang grupo ay nakasalubong ng isang bagyo, dagdag upang mas lalo silang mahirap na maghanap ng kanilang tamang direksyon.

Ayon sa report, ang grupo ay lilipad papuntang Hen and Chickens shoals sa Bahamas; ngunit sila ay nagkamali ng daan. Ang huling narinig mula sa radio ay ang pagtatalo ng grupo kung sila ay lilipad pa silangan o lilipad ang mga ito pa kanluran. Narinig din ang pag-uutos ni Taylor sa mga kalalakihan na maghanda upang lumapag sa karagatan dahil ang kanilang sasakyan ay nauubusan na nang gasolina.

Ang mga pagtatalo at ang mga salita na lamang ang huling narinig mula sa Flight 19 at hindi na muling nakita at nahanap ang mga ito. Ayon sa research, noon din sumunod na araw; ang sakay ng PBM Mariner BuNo 59225 na halos tatlongpung kalalakihan na siyang naatasan upang hanapin ang grupo ng FLight 19 ay nawala din sa karagatan.

Lumipas ang tatlong taon, isang British South American Airlines passenger plane na kinilala bilang Star Tiger; ang napabalitang nawala din sa karagatan ng Bermuda. Ayon sa report, noong January 1948; bago pa lumipad ang eroplano , inutos ng kapitan neto na si Captain Brian W. McMillan na bumaba muna ang lahat ng dalawamput’limang pasahero dahil ang isang engine nito ay may problema. Ngunit di kalaunan ay naayos at pinabalik ang mga pasahero at tuluyan na itong lumipad.

Ang ruta ng eroplano ay ang isla mismo ng Bermuda. Noon ay masama ang panahon at malakas ang hangin mula sa himpapawid. Ngunit ito ay hindi naging dahilan upang itigil ang biyahe ng eroplano. Pinaniniwalaan na binabaan lamang ng kapitan ng eroplano ang kanyang lipad upang makalapag ng maayos sa isla ng Bermuda.

Ayon sa radio operator, nakapag bigay pa ng report patungkol sa plane’s position ang Star Tiger noong 3:15am. Ngunit noong lumipas ang ilang oras, noong ito ay hiningian muli ito ng report; wala nang sumasagot sa radio. Ilang beses at paulit-ulit na tinawag ang mga ito ngunit walang nakuhang response.

Ang Star Tiger ay hindi nagbigay ng kahit anong senyales o radio report patungkol sa nangyari sa kanila. Ito ay nawala na lamang ng parang bula. Ayon sa Ranker, limang araw ang inilaan upang hanapin ang kinalalagyan ng eroplano. Ngunit sa loob ng limang araw na iyon ay walang nakitang bakas ang mga ito. Walang bahagi ng eroplano, wala ni isang katawan at wala lahat.

Ngunit isa sa pinaka pinagtataka ng mga eksperto ay ang paglapit at pagpasok mismo ng isang C-54 Skymaster sa malalang panahon na nabuo sa Bermuda triangle.

Ito ay nangyari noong 1947, ang may dala ng eroplanong ito ay isang batikan na pilot. Ang eroplano ay mayroon class II navigator, ayon sa mga eksperto; kung ang dalawang ito ay ipinag-sama kaya nilang talunin ang isang malakas na bagyo. Ngunit nangyari ang hindi inaasahan ng nakararami. Bigla itong nagbago ng posisyon nito at patuloy na pumasok sa loob ng isang malakas na bagyo. Para bang sila ay hinatak talaga.

Isang Airborne Transport DC-3 naman ang lumipad papuntang Miami na galing sa Puerto Rico. Ang kapitan ng eroplano ay nakapagbigay pa nang ilang report na ang kanilang sasakyan ay nasa south of Florida. Ngunit ang mga ito ay bigla na lamang nawala 20minutes bago pa ito makalapag sa lupa. Ang sakay netong tatlongput’ isang katao ay hindi na muling Nakita pa.

Isang eroplano naman noong 1954 ang sumunod na naging biktima ng Triangulo. Sakay neto ang ilang pamilya at mga Naval officers na kung saan kailangan ilipat mula Maryland papuntang Lajes. Walang bagyo, walang masamng panahon ngunit ito ay nawala na lamang ng walang pasabi at walang iniwang bakas upang mahanap at makita ang mga ito.

Ito lamang ang ilan sa mga eroplano at pinaka-kilalang kaso na nagawa ng Bermuda triangle.Madaming kwento patungkol sa mga alien o mga extraterrestrials ang may gawa ng mga nito.


Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Theories:

Scientists May Have Solved the Mystery of the Bermuda Triang ...

Dahil sa mga pangyayaring ito, madaming libro at mga teorya na ang mga nagsilabasan. May libro at kwento na mula sa mga pangyayari na dinagdagan pa nang paniniwala ng mismong sumulat nito. Nariyan ang isang libro na ginawa ng taong nagpangalan sa Bermuda Triangle na si Vincent Gaddis, ang Invisible Horizons; ang libro ni John Wallace Spencer na pinamagatang Limbo of the Lost. Ang The Bermuda Triangle ni Charles Berlitz noong 1974 na sinundan ng isa pang libro ni Richard Winner na pinamagatang The Devil’s Triangle.

Dahil sa hindi mahanap ang mga ito, isinisisi ito sa mga alien at mga halimaw na kahit kailan ay hindi naman nakita mismo sa lugar ng Bermuda Triangle.

Ang ilan ay nagsabing dahil sa gustong makikilala ng mga aliens ang mga tao, ito ay kanilang kinuhuka at pinag-aaralan sa kanilang sariling laboratoryo. Kung hindi naman ay maaring nakita sila ng mga ito mula sa bermuda triangle at upang hindi na masabi ay pinatumba nila ang sasakyan at walang itinirang bakas.

Ngunit ang ilan ay mayroong mga paliwanag patungkol sa mga nawawalang mga bagay at tao. Well, ang mga ito ay posibleng mangyari at maaring mas kapani-paniwala kumpara sa isang malaking halimaw na nakatira sa karagatan. Marami pa din ang naniniwala na ito ay may sapat na paliwanag.

Ayon sa ilang paniniwala, wala naman talagang dapat sisihin sa mga pangyayari. Hindi isang kalamidad, hindi isang halimaw, ngunit ang mismong sakay ng mga sasakyang panghimpapawid ang may kasalanan.

Naniniwala ang ilan na kahit isang propesyonal na tao ay maaring magkamali sa kanilang ginagawa. Tulad na lamang ng nangyari sa Flight 19, nagkamali at nasira ng compass na kanilang ginagamit dahilan upang ang mga ito ay mawala. Ang ilan ay maaring dahil sa sira ng kanilang makina at hindi nakita noong sila ay lumipad at sumabog ito nang napakalakas dahilan upang walang makitang bakas.


Rouge Waves and Gulf Stream Theory

Going rogue

Ang gulf stream theory ay patungkol sa daloy ng tubig sa malalim na karagatan ng Bermuda triangle. Ayon sa paniniwala, kaya walang nakikitang bakas ng mga sirang kagamitan sa karagatan mismo ng Bermuda ay dahil sa bilis ng alon ng dagat na papuntang ibang lugar. Isama pa ang pagpapakawala ng tubig na galing sa mga hydroelectric plants, ang mga bagay na mula sa mga sirang barko ay kaagad na aanurin at kaagad na lulubog sa pinaka malalim na parte ng karagatan.

Dahilan upang wala nang maabutan kinabukasan ang mga rescuer sa kanilang paghahanap.

Ang isa pang paliwanag ay dahil isang malaking alon na kayang patumbahin ang kahit anong malalaking sasakyang pandagat. Ito ang tinatawag na Rogue Wave Thory. Ang teorya na ito ay matagal nang pinaniniwalaan ng mga eksperto at lalong tumibay dahil sa ilang pangyayari na nagaganap sa ilang parte ng mundo.

Ito ay isang napakalaking alon na nagaganap sa gitna ng kalmadong karagatan na walang nakakaalam kung kailan ito mangyayari. Walang naniniwala sa bagay na ito ngunit noong 1995, naganap sa dagat ang 84 feet waves na tumama sa Draupner oil platform na matatagpuan sa North Sea.

Kaya netong kainin ng panandalian ang mga malalaking barko kasama na ang mga eroplanong mababa ang lipad, tulad na lamang ng sinasakyan ng mga rescuer sa tuwing sila ay naghahanap ng mga tao sa gitna ng karagatan. Ang bagay na ito ay hindi palaging nangyayari at masasabing malimit lamang ito magparamdam, ngunit pinaniniwalaan na ito ay palaging nangyayari sa karagatan ng Bermuda. Ayon sa paniniwala , ito ay dahil ang bermuda ay isang tahimik na karagatan at isang lugar kung saan dumaan ang bagyo at daanan nang isang pagpapakawala ng maraming tubig.

Dahil din ito sa lakas ng hangin na dumadaan sa karagatan dahilan upang ang dalawang ay magtama at makagawa ng isang napakalaking alon.

Methane Hydrates and Hurricane Theory:

Gas Bubbles Coming Out of Stock Footage Video (100% Royalty-free ...

Ang Methane Hydrates ay isang bagay sa karagatan na maaring magdulot ng biglaang pagsabog. Ito ay isang bato na nabubuo sa ilalim ng tubig. Ayon sa ilang pag-aaral, walang nakakaalam kung gaano karami ang bagay na ito na makikita sa buong mundo at wala din nakaka alam kung gaano kalaki ang kanilang inilalaki.

Mula sa bato na ito maglalabas ito ng kakaibang gas na maiipon lamang sa isang bagay na nabubuo sa ilalim ng karagatan. Habang ang bagay na ito ay naiipon at patuloy na lumalaki, at base sa kanilang paglaki ang lakas ng pagsabog na kanilang magagawa.

Napabalita noong 2010 na dahil sa mga ito ay nagkaroon ng isang Deepwater Horizon. Dahil sa pagsabog ng bagay na ito mula sa ilalim ng karagatan, aabot ito hanggang sa pinaka ibabaw ng dagat. Kahit anong laking bagay na panglayag ay kayang kainin nito at pasabugin sa loob lamang ng ilang segundo.

Pumunta naman tayo sa hurricane theory. Ito pinaka kilalang teorya ng mga tao, ayon sa ilang pag-aaral ang bermuda triangle ay isang lugar na maaring pagsimulan ng isang hurricane o isang napakalakas na bagyo.Ayon sa paniniwala, dahil sa kulang sa kagamitan at walang sapat na kaalaman ang mga tao noong nakaraang panahon, hindi nila alam kung mayroong bagyong paparating o hindi naman mayroon silang bagyong madadaanan sa kanilang paglalayag.

Ayon sa mga eksperto, maaring nangyayari sa karagatan ng Bermuda ang bagay na hindi kailanman napredikta ng isang weather device. Ito ay ang tinawatawag na microburst, na mula sa isang hurricane. Ang bagay na ito ay delikado dahil sa walang nakakaalam kung kailan ito mangyayri, at ddelikado din ito dahil sa lakas ng hangin na mayroon ito.

Ang microburst ay isang biglaang pagbaba ng napakaraming hangin dahil sa pagbabago ng direkyon ng isang napakalakas na bagyo. Habang ang hangin ay papaba at hanggang sa maabot na nito ang karagatan, ang lakas ng hangin na dala nito ay aabot hanggang 170 mph. Sa lakas na ito ng hangin at kasama pa ang tubig sa karagatan, maari na netong patumbahin ang kahit anong sasakyan, Lumilipad man ito o hindi.

Electromagnetic Aberration and Wormholes Theory:

What Is a Time Warp and Where Could We Find One?

Medyo sumisid tayo ng kakaunti sa science at sa mystery. Kasi ung mga nauna natural phenomena.
Ang Electromagnetic Aberration theory ay para sa mga bigla na lamang naliligaw sa loob ng Bermuda triangle. Dahil na din sa nangyari sa Flight 19 na nasira ang kanilang Compass dahilan upang sila ay mawala sa himpapawid. Dahil sa Electromagnetic na mayroon ang lugar, hindi neto mapapagana ng maayos ang isang compass.

Ilang mga manlalayag na din ang nakaranas ng ganitong pangyayari at nagsabing nawawalan ng kwenta ng isang compass pagdating sa dagat ng Bermuda.Wala man makitang kahit anong sign ng electromagnetic sa ilalim ng karagatan na ito matindi pa din ang paniniwala ng ilan na ito ang dahilan ng patuloy na pag-ikot ng kanilang compass.

Hindi man ito ang dahilan ng mga pagkawasak ng ilang mga barko at mga eroplano, isa pa din ito sa pinaniniwalaan ng iilan.

Ang wormhole theory kung saan nakakapasok sa isang wormhole ang mga biktima ng Bermuda Triangle. Ang wormhole ay isang portal kung saan kapag ikaw ay pumasok dito, ang labas mo ay sa ibang bahagi na nang mundo o sa ibang mundo na mismo. Ang wormhole ay isang madaling daan papunta sa isang lugar, at maaring hindi kana muli pang bumalik sa iyong pingmulan.

Sa madaling salita, kung ikaw ay nakapasok sa bagy na ito mula sa ating mundo ay makakapunta kana ng mars o ibang dimension. Isang hakbang mo lamang ay hindi mo mapapansin na ikaw ay nasa ibang lugar na.

Noong 1964, isang veteran pilot ang nawala; ito ay si Carolyn Casio. Ayon sa report, ang pilotong ito ay lumipad mula Nassau upang makarating sa Grand Turk Island.

Ayon sa List verse, ang isla na ito ay isang napakaganda at napakabuhay na isla. Madaming gusali na ang naitayo at maraming tao na din ang mga nagpupunta dito. Noong lumipad si Carolyn papunta dito, isang kakaibang pangyayari ang naganap. Naka-usap pa nang mga taga airport si Carolyn noong sandali na iyon. Ayon dito, sila ay nawawala at hindi mahanap kung nasaan ang isla. Ngunit base sa lokasyon na kanyang ibinigay ay tama naman ang posisyon ng kanyang sinasakyan.

Nasabi din ni Carolyn na nakikita niya ang isla ngunit, wala siyang nakikitang tao o gusali. Ang lugar na kanyang nakikita ay inilarawan niya bilang patay na isla. Ilang beses itong nagbigay ng impormasyon ngunit hindi nito sinasagot ang katanungan ng mga taga Grand Turk airport.

Dito ay napagtanto ng nga taga airport na hindi nakukuha ni Carolyn ang kanilang mensahe. Makalipas ang halos kalahating oras nagsabi ito na ito ay babalik na lamang mula sa kanyang pinanggalingan. Ngunit ito ay hindi na nakita kailanman.

Pinaniniwalaan na nakapasok si Carolyn sa isang Wormhole at hindi na muling naibalik pa. Ayon sa mga ekpserto, ang wormhole ay maikakabit sa isangf teorya ni einstine patungkol sa Theory of General Relativity.

The Lost island of Atlantis Theory:

Inside the myths and mysteries of Bermuda Triangle disappearances ...

Pinaniniwalaang ito ang lugar kung saan lumubog ang siyudad ng Atlantis. Ito ay dahil sa ilang mga kagamitan na nakita ng mga diver sa ilalim ng tubig ng northwest coast ng North Bimini Island.

Nakita ang mga bagay na pinaniniwalaang man-made o gawa ng mga tao. Nakakita din ng ilang mga daanan na pinaniniwalaang kasama sa siyudad ng atlantis.

Ayon sa theorya patungkol sa lugar na ito. Mula noong lumubog ang bayan ng Atlantis, ang mga taong naninirahan dito ay nakagawa ng paraan upang sila ay mabuhay sa malalim na parte ng karagatan. Kung iisipin, dahil nga sa sobrang yaman at talino ng mga taong namumuhay sa Atlantis, ang bagay na ito ay hindi mahirap na gawin.

Pinaniniwalaan na nakagawa ng isang malaking siyudad sa ilalim ng dagat at dahil sa mga kagamitan na kanilang ginagamit, nagkakaroon ito ng epekto sa ibabaw ng karagatan ng Bermuda. Dahil sa sobrang advance ng kanilang teknolohiya, may kakayahan ang mga ito upang magtago at hindi magpakita sa kahit anong gamit ng mga tao na nasa ibabaw ng karagatan.

Dahil na din sa kakaibang kakayahan ng kanilang teknolohiya, nagagalaw nito ang electromagnetic field ng buong lugar na sakop ng Bermuda Triangle; dahilan upang lumubog ang mga barko, mawala ng bigla ang mga eroplano at hindi na muli pang makita ang mga taong sakay neto.


Ayon sa ilang mga paniniwala, ang Bermuda triangle ay maaring maikabit sa Zone of silence na nasa Mexico. Ang dalawang ito ay nakakagawa ng mga bagay na mahirap ipaliwanag at hanggang ngayon ay walang maayos na kasugatan.

Ang karagatan ay isang malawak at malalim na lugar. Ang ilalim ng dagat ay nanatiling misteryo sa lahat ng eksperto at sa lahat ng tao. Hanggang sa panahon ngayon, kahit na puno na ang mundo ng mga makabagong teknolohiya, hirap pa din ang mga ito na kilalanin ang buong karagatan.

Ayon sa ocean Service, 20 percent lamang ng buong karagatan ang napag-aaralan ng mga tao gamit ang iba’t ibang sasakyan at kagamitan. Isa na dito ang sonar technology na nakakapagbigay ng impormasyon patungkol sa mga bagay na mayroon ang ilalim ng dagat. Madami pang bagay ang hindi nakikita, nakikilala at lugar na hindi pa naoobserbahan ng mga tao.

Hindi man natin alam sa panahon ngayon kung ano ba talaga ang nangyayari sa ilalim ng dagat, kung mayroon nga bang halimaw na nabubuhay dito, kung mayroon bang siyudad na nakatayo mismo dito.

Maaring sa pagtagal ng panahon kung ito’y maabutan mo pa, malaman at makita mo kung ano nga ba ang nagyayari sa lugar na ito.


Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.ranker.com/list/freakiest-bermuda-triangle-stories/lyra-radford?ref=search
  2. https://www.nasflmuseum.com/flight-19.html
  3. https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Bermuda_Triangle_incidents
  4. https://en.wikipedia.org/wiki/Bermuda_Triangle
  5. https://www.youtube.com/watch?v=Htf15gXDkYw

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit walang Aurora Borealis sa Pinas?

Bakit tayo tumatanda