Bakit nga ba tinago ng vatican ang pangatlo sikreto ng Fatima Secrets?

Reading Time: 16 minutes

Kapag narinig natin ang “Our Lady of Fatima”, isang tao ang tinutukoy dito. Karamihan sa mga tao ngayon ay hindi alam ang ilang panyayari noong nagdaang panahon. Ang mga mirakulo na pinaniniwalaan ng lahat. Isang pangyayari na siyang dahilan upang mapagsama-sama ang halos 70,000 o higit pang tao noong nagaganap ang World War I.

Isang pangyayari na naging dahilan upang makilala at mabago ang buhay ng tatlong bata. Isang pnagyayari na tumatak sa isipan ng mga tao at hanggang ngayon ay pinag-uusapan ng iilang mga nakakaalam at nakakaalala. Balikan natin ang ilang pangyayari sa nakaraan at alamin kung ano at paano nangyari ang tinatawag ng mga tao na mirakulo.

History:

The Third Secret of Fátima

Naganap noong 1917 ang kinikilala ngayong Miracle of Fatima o kilala din bilang Miracle of the Sun. Pinangalanan ang tatlong bata na sina Jacinta at Francisco Marto na magkapatid at kasama ang kanilang pinsan na si Lucia Santos na nagsasabing nakita nila ang isang maliwanag na babae sa kakahuyan. Ayon sa tatlong bata, ang kanilang nakita ay walang iba kung hindi ang nanay ni Jesus. Ang Birheng Maria.

Nagpakita ang Birhen sa isang lugar na matatagpuan sa lugar ng Cova da Iria na nasa labas lamang ng isang mailt na siyudad malapit sa Fatima, Portugal. Sa loob ng anim na buwan, nagpakita sa kanila ang Birhen Maria tuwing sasapit ang ika-labintatlong araw ng bawat buwan.

Inilarawan ni Lucia ang nakita nilang babae bilang isang liwanag na mas maliwang pa kung ikukumpara sa araw. Ang liwanag na ito ay nagbigay ng tatlong sikreto sa tatlong bata na ngayon nga ay kilala bilang “Three secretes of Fatima”. Ayon din sa kwento ni Lucia, inutusan sila ng liwanag na magsagawa ng isang pasakit sa kanilang sarili upang mailigtas ang mga makakasalanan na tao.

Ang mga bata nga ay naglagay ng isang napakahigpit na tali sa kanilang bewang at hindi umiinom kahit na sa sobrang init ng panahon. Ito at iba pang bagay na kanilang pinaniniwalaan na maililigtas nila ang mga makakasalanang tao. Isa pa din sa pinaka mahalagang utos ng liwanag ang mag rosaryo araw-araw. Ang pag-rorosaryo ng paulit-ulit kada araw ay siyang magiging dahilan ng kapayapaan sa mundo.

Dahil nga ang ilang kabataan na Portugese, mga magulang at iba pang mga tao ay nasa loob ng labanan ng World War 1 noong panahon na yon. Doon nga ay ginawa ng mga bata ang ipinag-utos sa kanila ng kanilang nakitang liwanag. Ngunit tulad na lamang ng mga normal na tao noong unang panahon, hindi kaagad pinaniwaalaan ang sinabi ng tatlong bata.

Dumating din sa punto na ang mga ito ay hinuli at pinilit na bawiin ang kanilang mga kwento at binantaan na sila ay ikukulong at papatayin mula sa kumukulong mantika, ngunit ang mga bata ay hindi natinag at sila ay nagdasal. Noon din ay mayroong mga nagsasabi na sila ay nakakita ng isang mirakulo mula sa araw. Ayon nga sa paniniwala, ang mga tao ay nasaksihan kung paano sa gitna ng ulan at makulimlim na panahon ay biglang lumabas ang araw habang ito ay gumagalaw at umiikot sa loob ng sampong oras. Dahil dito ay marami na din ang naniwala sa mga nakita at kwento ng tatlong bata.

Noong ngang Oktubre 1917, nagsama-sama ang halos isang daang libong katao, mga media, manunulat at ilang pang mga tao sa Cova da Iria upang masaksihan ang kinikilalang Miracle of the Sun.

Ngunit bago pa man nila mailabas ang bawat sikreto ay namatay si Francisco noong 1919 at sinundan naman ito ni Jacinta noong 1920. Bago pa man mamatay si Jacinta ay pinaniwalaan na nagpakita pa sa bata ang Birheng Maria at ipinaalam sa kaniya kung paano ito mamatay. Bago pa man mamatay ang bata, inilipat muna ito ng dalawang beses sa magkaibang ospital ngunit hindi ito magagamot ng sino man. Nagkaroon ito ng inflammation sa tissues ng kanyang baga at dibdib at pagkakaroon ng sakit sa puso.

Ang dalawang bata ay inilibing kaagad upang hindi na ito malapitan ng iba at mahawa mula sa kanilang sakit na influenza. Noong hinukay ang katawan ni Jacinta taong 1935, hindi man lang ito naagnas at nakitaan ng kahit anong sira. Noong naman taong 1952 ay hinukay ang katawan ni Francisco nakita sa kanyang kamay ang isang rosaryo.

Ang magkapatid ay kinilalang santo at binasbasan ni Pope John Paul II noong May 3, 2000 at kinilalang santo noong May 13, 2017 sa pangunguna ni Pope Francis.

Ang dalawa ay namatay mula sa kumalat na epidemya sa Europa noong taon na iyon. Ito ang dahilan upang si Lucia na lamang ang makakapagsabi ng sikreto sa mga tao.

The Secrets:

The importance of the secrets of Fatima - The Catholic Miscellany

Si Lucia ang pinaka matanda sa magpipinsan at pinaniniwalaan na siya lamang ang nakausap at nakapagtanong sa Birheng Maria at taga sagot ng ilang katanungan ng mga tao. Mula noong mamatay ang dalawang magkapatid, tanging si Lucia na lamang ang nakakaalam ng sikreto na sinabi sa kanila ng birhen.

Si Lucia ay pumasok sa kombento noong siya ay nasa labin walong taong gulang taong 1925 at sa panahon din na ito ay wala siyang inilalabas na sikreto at impormasyon patungkol sa nalaman nilang sikreto. Taong 1929 habang si Lucia ay nasa kombento ng Tuy sa Spain, nagkaroon muli ng pangitain si Lucia.

Sa pagkakataon na ito, ipinaliwanag ng birhen kay Lucia na siya ay nangako sa bayan ng Fatima, ang pagpapakilala ng Russia sa kanyang Immaculate Heart. Matapos ang pagpapakita nito, dalawang taon muli bago magpakita ang Birhen kay Lucia. Si Lucia ay binigyan ng babala ng Birhen na ang mga matatas ng miyembro ng simbahan ay dadanas ng masamang parusa dahil sa hindi pagtupad ng kanyang utos.

Ngunit si Lucia ay hindi pa din binigyan ng pansin at ipinagsawalang bahala lamang ito ng kanyang confessor na si Fr.Bernardo Goncalves.Kahit na ang mga nakaraang pangitain ay pinaniwalaan at inaprubahan ng Vatican noon,hindi sinunod no Fr.Goncalves ang pakiusap na kanyang iminungkahi.

Ilang ulit nagpadala si Lucia ng sulat para kay Fr.Goncalves ngunit hindi pa din ang sagot nito.Taong 1941,isinulat ni Lucia ang sa kanyang pangatlo at pang-apat na liham ang dalawang lihim na kanilang nalaman noong siya ay sampong taong gulang.

Ang unang sirkerto ay patungkol sa impyerno. Ipinakita sa mga bata ang impyerno kung saan kanilang nakita ang nagbabagang dagat ng apoy at mga kaluluwa na nakalubog dito. Ang pangalawang pangitain naman ay patungkol sa pagsunod sa Diyos.

Dito ay ipinaliwanag ni Lucia na kung ang mga tao ay hindi tumigil sa pangungutya sa Diyos, ang World War II ay magaganap sa lalong madaling panahon. Ipinaliwanag din ni Lucia sa kanyang sulat ang parusa sa pagpatay sa mga Santo Papa at maging ibang pari. Idinagdag din ni Lucia na upang maiwasan ang mga ganitong mga pangyayari ay kailangan maipakilala ang Birheng Maria sa mundo at ang pope mismo ang kailangan gumawa nito sa Russia na ginawa naman ni Pope John Paul noong March 1984.

Ngunit ang pangatlong sikreto ay hindi niya sinabi at nanatili pa din itong sikreto. Dahil sa pamimilit ng kanyang bishop noon, napilitan isulat ni Lucia ang pangatlong sikreto at ipinadala ito sa Bishop ng Fatima na si Bishop Jose da Silva sa pagpayag nito sa kasunduan na bubuksan lamang ang sulat sa taong 1960. Ngunit bago pa man ang taong ito, noong 1957 ay inilipat sa Vatican ang sulat at pinangalagaan ng mabuti sa papal apartments.

Ayon sa mga balita, noong taon na iyon, ilang beses na hindi nagawa ng tama ang pagpapakilala sa Immaculate heart ng birhen. Ayon sa isang panayam kay Lucia noong 1946, hindi nagawa ng maayos ni Pope Pius XII ang pagpapakilala sa Immaculate heart noong 1942 dahil hindi mismo sa Russia ginawa ang pagpapakilala at hindi din ito dinaluhan ng ilang Katolikong obispo.

Noong namang 1952 ay hindi pa din nagawa ng tama ang seremonya dahil hindi muling nabanggit ang Russia kahit na ito ay dinaluhan na nang buong Katolikong obispo mula sa iba’t ibang bansa. Noong 1957 ay nasabi ni Lucia mula sa kanyang inteview na inilabas mula sa salitang Spanish at Ingles noong 1958, na madaming tao at kaluluwa ang mapupunta sa impyerno dahil sa hindi pagsunod ng maayos sa seremonya na inutos sa kanila ng Birheng Maria.

The Third Secret:

Infographic: The Three Secrets of Our Lady of Fatima | Catholic-Link

Pero ano nga ba ang pangatlong sikreto na ito? Bakit kailangan pang buksan sa taong 1960?

Sa taong 1960, inaasahan ang pagbubukas ng pangatlong sikreto sa mamayan, ngunit milyong milyong katao ang nadismaya dahil sa ginawang desisyon ng Vatican. Ang papatupad na hindi kailanman dapat pang malaman ng publiko ang pangtalong sikreto. Hindi ito binuksan hanggang taong 2000.

Taong 1959 bago pa mabuksan ang sulat, ipinadala ni Father Pierre Paul Phillipe ang liham mula kay Fatima upang ito ay mabasa ng Pope noon na si Pope Jonh XXII. Noong mabasa ito ng Pope, ang kaniya lamang nasabi ay kailangan nilang maghintay, magdasal hanggang sa panahon na alam na niya ang gagawin.

Dahil dito ay hindi inilabas sa mamayan ang pangatlong sikreto at ibinalik ito kung saan ito nakalagay at mabuting iniingatan. Taong 1965, binasa ng panibagong Pope na si Pope Paul VI ang sulat at kung ano ang nakalagay dito. Noong mabasa niya ito ay napagdesisyunan din ng Pope na ito na huwag ilabas kung ano man ang laman ng liham.

Noong panahon pa din na iyon ay hindi pa nagagawa ng Vatican ang pagpapakilala ng Immaculate heart ng Birheng Maria sa Russia. Noong hindi inilabas ng Vatican ang pangatlong sikreto, madaming mga media at reporter ang pumunta kay Lucia upang siya ay kausapin. Ngunit doon ay nalaman nilang si Lucia ay pinagbawalan magsalita o magbigay ng mungkahi patungkol sa pangatlong sikreto.

Matibay din ipinagbawal kay Lucia na tumanggap ng kahit sinong bisita maliban sa pamilya at sa ilang matalik na kakilala. Noon din ay hindi pinayagan na makipag-kita kay Lucia ang kanyang confessor na si Fr.Jose da Silva. Dahil na din sa pagsunod ni Lucia sa pinag-uutos sa kanya, nanatiling tago at tikom ang bibig ng natitirang tao na nakakita sa pangatlong sikreto.

Ilang mga kwento at balita na din ang lumabas at kumalat sa iba’t ibang lugar patungkol sa buhay at sa pagpapatupad ng pagpapakilala ng Immabculate heart sa Russia. Dahil dito ay maraming mga Katoliko ang pumirma sa isang petisyon at nagsasabing dapat nang gawin ng Pope ang inuutos ng Birheng Maria.

Dito ay pinuntahan ni Pope Paul VI si Lucia sa Fatima upang kausapin. Ngunit walang pagpapatupad ang napagkasunduan ng dalawa. Sa sumunod na labin-limang taon, nanatiling tikom at tahimik si Lucia at hindi pa din naipapasakatuparan ang kanyang utos. Taong 1982, nakausap ni Lucia ang isang opisyal ng Vatican at dito ipinaliwang niya kung ano ba ang tamang gawin upang maipakilala sa Russia ang Immaculate hear ng birheng Maria.

Ayon nga sa isang pari na nakakausap ni Lucia sa loob ng 40 years, ipinaliwang niya sa isang Vatican Newspaper na kailangan lamang makilala ng Russia ang Immaculate heart upang hindi na kailangan pang ulit-ulitin ang seremonya. Noong din taon na iyon ay ginawa ni Pope John Paul ang pagpapakilala sa bayan ng Fatima, ngunit muli ay hindi nabanggit ang Russia sa kanyang seremonya.

Iba’t ibang mga paniniwala at mga sulat ang nagsilabasan na ang pagpapakilala sa Russia ng Immaculate heart ay nagawa na, ngunit walang sapat na ebidensya patungkol dito.

Opening the Third Secret:

The Third Secret of Fatima and the “Hermeneutic of Conspiracy” – Catholic  World Report

May 13,1981, habang si Pope John Paul II ay nakatayo sa isang open car na siyang nakparada sa St.Peter’s Square, ito na ang pagkakataon upang ipaalam sa mamayan kung ano ba ang pangatlong sikreto. Habang ito ay binabasa niya ng malakas sa harap ng sampong libong tao, isang putok ng baril ang narinig at doon ay nakitang duguan ang Pope.

Nabaril ang Pope ng halos apat na beses dahilan upang mag-agaw buhay ito noong makarating sa Gemelli Hospital. Matapos gumaling ng Pope ay ipinakuha niya kaagad ang pangatlong sikreto noong July 18,1981. Matapos itong basahin ng Pope, naniwala siyang ang pangatlong sikreto ay para sa kaniya.

Ano ang nakalagay sa pangatlong sikreto?

Ito ay pangitain patungkol sa pagtapatay ng maaring relihiyosong tao, isang pari o hindi naman ay miyembro ng isang samahan sa isang Pope na nakasuot ng puting damit. Pinaniniwalaan na ang mensahe na ito ay para sa mga simbahan na dumanas ng masamang pangyayari noong 20th century sa kamay ng mga komunismong tao.

Para kay Pope Jonh Paul II ang mensahe na ito, hindi man siya namatay ay naniniwala ito na siya ay iniligtas ng Birheng Maria mula sa bingit ng kanyang kamatayan. Nuong June 26, 2000 inilabas nya mismo sa publiko ang sulat ni Lucia patungkol sa pangatlong sikreto.

Ngunit noon din ay lumabas ang iba’t ibang mga espikulasyon na ang binanggit na sikreto ay hindi talaga ang sikreto na ibinigay kila Lucia noong sila ay bata pa.

Ayon kay Ratzinger na isang cardinal, ang dahilan ay upang lubos pang maintindihan ng mga tao ang pinaniniwalaan na sikreto. Hindi ito inilabas upang ang mga tao ay hindi matakot patungkol sa kanilang paniniwala at sa kanilang pananampalataya.

Dahil nga ang pangatlong sikreto ay patungkol sa panganib dahil sa pananampalataya at buhay ng isang Kristiyano at sa buong mundo. Ito ang dahilan kung bakit nga itinago ang pangatlong sikreto. Noon ngang binisita si Lucia ni Cardinal Ottaviani noong 1955 upang tanungin kung bakit sa 1960 pa dapat buksan ang liham.

Ang tanging sagot ni Lucia ay “Because Then,it will become clearer.”

Dahil sa statment ni Lucia na ito, maraming naniniwala na hindi ang pagpapatay sa taong kristiyano o pari ang pangatlong sikreto dahil nuon pa man marami nang pinapatay na mga pari at kristiyano at hindi na ito lingid sa kaalaman ng nakararami. Maraming mga tao ang naniniwala na ang vatican ay tinatago ang katotohanan.

Ang mga tao ay marami pang hindi alam sa mundo dahil sa pagtatago ng kaalaman ng ilang matataas na tao.Hindi man natin ito malaman,ang matibay na panapampalataya at paniniwala ang makakapagligtas sa tao. Sa tingin nyo ano ang sikretong ito at bakit ito tinago ng vatican?

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/-XafvSSYJFg

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Patunay na may kaluluwa ang hayop?

Pera nga ba ang ugat ng kasamaan? Ano bang sabi sa bibliya?