Ano ba ang dahilan ng pagsabog sa lebanon?

Reading Time: 22 minutes

Lebanon Bombing

 

Nito lamang August 5,2020. Ginising ng isang malakas na pagsabog ang bansang Lebanon. Isang pagsabog na nagsimula lamang sa maliit na sunog at hindi na inaasahan ang sumunod na pangyayari.

Inaatake na nga ng virus ang halos buong bansa sa mundo,ginulat nanaman tayo ng isa pang nakakabahalang pangyayari siyang kumalat kaagad sa buong mundo dahil sa internet.

Halina at ating alamin kung ano nga ba ang nangyari at ano nga ba ang pinagmulan nito.

The Lebanon:

Lebanon | People, Language, Religion, & History | Britannica

Ang una ay kilalanin muna natin kung anong klaseng bansa ang Lebanon. Ayon sa Study Country, ang Lebanon ay kinikilala bilang Lebanese Republic at isang independent nation sa Western Asia.

Matapos ang World War I. Ang France ay nabigyan ng tinatawag na League of Nations mandate mula sa Lebanon at maging sa katabi nitong bansa na Syria. Ang dalawang bansang ito noon ay iisa at nagtataglay ng iisang political unit na nasa ilalim ng Ottoman Empire.

Taong 1920 noong ang dalawang bansa ay ipinaghiwalay at doon ay nagkaroon ito ng kani-kanilang colonial administration. Nagkaroon din ng pagitan mula sa mga Muslim na karamihan ay nasa Syria,at sa Maronite Christian at iba pang religious communities na nasa Lebanon.

Makalipas ng dalawampung taon. Naitalag ng Lebanon ang kanilang kalayaan noong November 26, 1941 ngunit ang kalayaan na ito ay hindi pa buo. Pinaniniwalaan na sa ilalim ng kasunduan mula sa mga representatives ng Lebanon at sa French National Comiittee of Liberation. January 1, 1944 noong nailipat sa gobyerno ng Lebanese ang ilang kapangyarihan na mayroon ang France at noong 1946 nangyari ang pag-alis ng French troops mula sa kanilang bansa. Taong 1958 noong ang Civil War ay nangyari at doon ay isang Muslim faction ang nabuo na siyang pinangungunahan ng kinilalang si Kamal Jumblat at Saeb Salam.

The start of conflict with Israel:

Lebanon vs Israel - Military Power Comparison 2020 - YouTube
 

Isang madugong Lebanese Civil War ang muling naganap noong 1975 at nagkaroon ng isa pang napasali sa labanan na ito, ang mga Syrian. Mula sa labanan ay halos 40,000 na Lebanese ang namatay at halos isang daang libo ang sugatan. Naganap ito mula noong March 1975 hanggang November 1976.

Dahil dito, humingi na nang tulong ang Lebanese sa Syria at tumugon naman ang syria dito. Nagpadala ng troops ang Syria at tumulong sa nagaganap na labanan na tumapos din nito. Ngunit noong sumunod na taon ay muling umusbong ang civil war at tumagal ito hanggang 1990, dahilan upang labis na masira ang bansang Lebanon.

Pinaniniwalaan ang mga Palestinian guerrillas ay nagsasagawa ng pag-atake mula Israel hanggang sa teritoryo ng Lebanon. Dahil  dito, ang Israel ay nagalit at umatake ng dalawang beses sa Lebanon.Ang una ay noong 1978 at ang pangalawa naman ay noong 1982. Pinaniniwalaan na ang unang pag-atake ng Israel ay noong March 1978 at umalis lamang ang mga ito noong ang  UN Security Council ay nagsagawa ng 6,000 man peacekeeping force.

Ang pangalawang pag-atake ay noong June 6,1982. Ito ay noong subukang patayin ng Palestinian terrorist ang ambassador ng Israeli sa London. Dahil ang Lebanon ang siyang naging kuta ng Palestine Liberation Organization o PLO, ang Lebanon ang naging target ng Israel.

Halos pitong libong Palestinian ang lumipat papuntang ibang Arab Nation. Ang labanan ay natapos lamang noong September 14,1982 noong mapatay ang 34 year old president na si Bashir Gemayel. Ang presidente ng Lebanon na ito ay namatay noong bombahin at sirain ang headquarters ng kanyang  Christian Phalangist Party. Dahil sa pagkamatay ng presidente na ito, halos isang libong Palestinian ang pinatay mula sa refugee na kinokontrol ng Israel. Ngunit hindi inako ng Israel ang resposibilidad sa pagkamatay ng mga Palestinian na ito.

Dahil sa massacre, ito ang siyang naging dahilan upang ibalik ang multinational peacekeeping force. Ang pinaka layunin ng grupo na ito ay suportahan ang cenral Lebanese government, ngunit di kalaunan, ang mga ito ay nasa gitna na nang labanan ng iba’t ibang factions na mayroon sa Lebanon. Dahil sa pangyayaring ito naging sobrang gulo na nang kanilang bansa. Halos 241 na U.S Marines at 60 French soldiers ang namatay at karamihan dito ay dahil sa suicide bombings na naganap noong  Oct. 23, 1983 sa compound ng U.S Marine French Army.

Taong 1991 noong ang  treaty of friendship ay pinirmahan ng Syria. Ito ang naging dahilan upang ang Syria ang komontrol sa foreign relation ng Lebanon. Noong taon na iyon ay tinulungan ng Syria ang gobyerno ng Lebanon upang maayos muli ang kanilang bansa at upang makontrol muli ang kanilang bansa. Ito ang naging dahilan upang mabuwag na din ang ilang mga grupo at natapos ang halos 16 years na civil war na sumira hindi lamang sa komunidad at industriya ngunit maging sa buhay ng mga taong nakatira sa bansa. Sobrang gulo ng bansang lebanon sa mga nagdaang panahon kaya naman hindi mawawala ang mga conspiracy na bumabalot dahil sa naganap na pagsabog dito.

Hezbollah:

What Is Hezbollah? | Council on Foreign Relations

Kilalanin natin ang Hezbollah o ang “Party of God”. Ang grupo na ito ay kilala bilang isang malakas na political at military organisation mula sa Lebanon na siyang kinabibilangan ng mga Shia Muslims.

Ayon sa BBC news ito ay nabuo at umusbong sa pagpopondo ng Iran noong 1980’s at doon din ay nagsimula ang kanilang pakikipaglaban sa mga Israeli mula sa Lebanon. Ang pinaka layunin talaga ng grupo na ito ay ang mapaalis at matalo ang mga Israeli.

Ngunit di kalaunan, ang grupo na ito ay umaatake na din sa grupo ng U.S at maging grupo ng UN. Pinaniniwalaan na halos dalawang daang pag-atake ang nangyari at mula dito ay nakapatay na ito ng maraming tao.

Ilan sa kanilang pag-atake ay noong 1983 mula sa US Embassy sa Beirut. Ang kanilang pag-atake ang naging dahilan ng pagkamatay ng halos 63 katao, ang 17 sa mga ito ay mga Americano. Taong 1984 naman ay umatake ito sa isang restaurant malapit sa U.S Air Force Base sa Torrejon sa Spain at ang pag-atake na ito ang siyang naging dahilan ng pagkasawi ng halos labing walong U.S servicemen.

Taong 1985 naman noong ang mga ito ay hinijack ang isang eroplano specifically TWA Flight 847. Ang mga hijackers ay pinatay ang kinilalang si Robert Stethem na isnag U.S Navy Diver at kanilang kinuha ang ilang mga hostages.

Taong 1992 noong ang Hezbollah ay binomba ang Israeli Embassy sa Buenos Aires at naging dahilan ng pagkamatay ng 29 na katao at nasugatan ang halos dalawang daan pa. Taong 1994 noong muli itong umatake sa isang Jewish community center sa Buenos Aires. Ang pag-atake na ito naman ay pumatay ng halos 86 na katao at nasa 200 katao naman ang sugatan.

Taong 1996 naman noong binomba ng Hezbollah ang Khobar Towers na isang housing complex sa Saudi Arabia. Ang tower na ito ang pinagtutuluyan ng mga foreign military personnel at ilang mga Americano. Maklaipas ang ilan pang taon, muli itong umatake noong 2006.

Ang grupo ay inatake ang Israel gamit ang Katyusha rockets. Ang mga ito ay umatake sa border ng Israel. Hindi lamang ito umatake, ngunit dumakip pa ito ng dalawang Israeli soldiers. Dahil sa pangayayari na ito, naging dahilan ito ng pagsisismula ng alitan sa pagitan ng Hezbollah at Israeli.

Taong 2006 naman noong ang Hezbollah ay nakadakip ng dalawang Israeli soldiers at naging dahilan ng halos tatlompung araw na labanan mula sa mga Israeli. Ang labanan na ito ang siyang naging dahilan upang mamatay ang halos 1,400 na katao at halos 1,200 sa mga ito ay Lebanes. Tumakas naman mula sa Southern Lebanon ang mga troops ng Israel noong October 2006.

Lebanon 2020:

World offers support, condolences to Lebanon after devastating blasts | Inquirer News

Nito lamang August 4,2020 isang malaking pagsabog ang naganap sa Beirut sa Lebanon. Makikita sa iba’t ibang video ang unang malaking usok mula sa unang pagsabog at ang pangalawang biglaang pagsabog na siyang nagbigay ng napakalakas na shockwave at lindol sa bansa.

Ayon sa report ng The Sun, ipinahayag ng Lebanese health minister na si Hama Hasan na ang pagsabog na ito ang pinaka malakas na pagsabog na kanyang nasaksihan sa kanyang buhay.

Ang Beirut ang Capital ng Lebanon at ang malakas na pagsabog ay pumatay nang halos 70 katao at halos apat na libo ang naitala nang sugatan. Ayon sa report ng mga opisyal, ang dahilan ng pagsabog ay dahil sa highly explosive materials na siyang nakalagay sa isang warehouse anim na taon na ang itinagal.

Ayon sa tweet ng current president ng Lebanon na si Michel Aoun. Hindi katanggap tanggap na dahilan ang pinaniniwalaang hindi naitagong maigi at maayos ang 2,750 tonnes na ammonium nitrate na naging dahilan ng pagsabog.

Makikita ang mga gusali na sirang sira at mga sugatang tao na naglalakad matapos ng pagsabog. Pinaniniwalaan na ang pagsabog nga ay umabot at narinig sa layong 125 miles sa karagatan ng Cyprus. Dahil din sa pagsabog, ang mga malalapit na gusali ay narisa, ang mga bintana, ang mga pintuan ng mga hotel at iba ang malalaking gusali na naabot ay nawasak.

Dito ay nagsimula na din ang sunog at ilan pang pagsabog dahil sa mga plumes na nasira sa capital ng Lebanon. Maging ang palasyo ng kanilang government na siyang tahanan ng Prime minister ng Lebanon na si Hassan Diab ay labis ding naapektuhan ng pagsabog. Dahil dito, ang kanyang asawa at anak na babae ay labis na nasgutan sa insidente.

Patuloy na inirereport na makikita ang ilang mga patay na katawan sa kalsada ng Beirut at magmula nga noong August 4 at nitong August 6 ay naitala na din ang isang daang pagkamatay ng mga tao, t marami pa din ang pinaghahanap dahil sa natabunan ng mga gusali.

Ayon sa mga rescuers ay maaring mas tumaas pa ang bilang ng mga namatay at kanila din naitala ang isang daang taong nawawala. Ayon sa Governor ng Beirut na si Marwan Abboud, halos kalahati ng siyudad ang nasira at labis na naapektuhan dahil sa malakas na pagsabog. Doon ay nireport din na 85 percent ng kanyang grain stocks sa Lebanon ay naabo mula sa pagsabog. Dagdag pa sa ilang mga report, halos 300,000 na katao ang nawalan ng tirahan.

Ang ilang ospital ay nanghihingi ng mga blood donation para sa mga taong mas naapektuhan at mas lalo pa ng dumarami ang inaadmit sa ospital magmula noong pagsabog. Ayon sa presidente ng Lebanon ay maglalabas ito ng 100 billion lira mula sa kanilang emergency funds upang makatulong sa mga taong naapektuhan ng pagsabog.

The Caused of Explosion:

LANL Approximates WIPP Explosion – Valley Daily Post

Ayon sa mga eksperto, isang typical na nitrate explosion na siyang naglabas ng toxic nitrogen dioxide sa hangin ang siyang naging dahilan ng pagsabog. Pinaniniwalaan na halos 2,750 tons ng ammonium nitrate ang nakaimbak lamang sa Beirut port ng anim na taon.

Ayon din sa state information service ng Lebanon, ipinahayag ng  director-general of intelligence ng kanilang bansa na si Major General Abbas Ibrahim na ang mga explosive na ito ay kanilang ginagamit na fertilizer. And yes ginagamit talaga na fertilizer ang ammonium nitrate pero meron itong kaakibat na panganib kasi ito rin ang ginagamit bilang explosives para naman sa mga mining industry.

Ayon sa Bussiness Insider, ang ship na siyang kinalalagyan ng nitrate ay inabandona sa port ng Beirut noong 2013. Ito nga ay kinilala bilang MV Rhosus na dapat pupuntang Georgia hanggang Mozambique. Ang ship na ito ay nagdadala ng ammonium nitrate noong taon na iyon at nagkaroon ito ng problema sa makina dahilan upang hindi ito makaandar. Ayon sa Baroudi & Associates, ang vessel na ito ay inabandona na ng may-ari at hindi na pinayagan pang maglayag at mula noon ay nakatengga na ito sa port ng anim na taon.

Lebanon Bombing Conspiracy:

Why Do So Many People Believe in Conspiracy Theories? | Time

Ayon kay Trump, ang malakas na pagsabog na ito ay hindi lamang isang aksidente. Maaring isang itong planadong pag-atake. Ayon sa AP news, maging ang officials ng Lebanon ay naniniwalang hindi ito isang aksidente.

Ayon nga kay Trump mula sa kaniyang pahayag

“Whatever happened, it’s terrible, but they don’t really know what it is, Nobody knows yet.”.

Doon ay iniutos ng gobyerno ng Lebanon ang house arrest sa ilang port officials, upang sila’y maimbestigahn kung mayroon ba silang kinalaman sa naganap na pagsabog.

Dagdag pa ni Trump mula sa kanyang pahayag, isa itong “Terrible attack” at maging ang ilang American Generals ay nagsabi sa kanyan na maaring ito ay dahil sa isang napakalakas na bomba. Ngunit ayon naman sa Defense secretary na si Mark Esper na siyang kumontra sa pahayag ni Trump, isa lamang itong aksidente at wala nang iba.

Ayon naman sa isang NBA reporter na si Chris Palmer. Ang malaking mushroom cloud na nailabas ng pagsabog ay hindi lamang dahil sa ammonium nitrate kung hindi ito ay nagmula sa isang atomic bomb.

Mula nga sa twitter ng NBA reporter na ito, kanyang ipinahayag ang kanyang saloobin patungkol sa pangyayari sa Lebanon. Dahil nga ang lalaking ito ay nagtataglay ng maraming followers sa kanyang account sa twitter, marami kaagad ang rumesponde sa kanyang post.

Doon nga ay marami ang sumang-ayon at naniniwala na ito nga ay galing sa isang Atomic Bomb. Ngunit marami din ang silang tumaliwas at silang nagsabi na hindi dapat sya maghayag ng maling impormasyon at maling ideya sa mga tao dahil maraming maniniwala sa kanya.

Ang Channel 10 The Project naman ay hindi humingi ng patawad, mula sa kanilang segment na ginawa noong August 5,2020. Kanilang ipinahayag na ang Israel ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari. Take note wala pang official statement nuong nagpalabas ang channel 10. Karamihan nga sa mga tao ay naniniwala na ang pagsabog na ito ay kagagawan o pag-atake ng Israel sa Lebanon. Gayunpaman, matapos ng pahayag na ito ay binatikos ang naturang channel at ayon sa ilang mga opisyal hindi dapat ipinapalabas ang mga ganitong ideya na maaring pagsimulan ng mga Conspiracy.

Ayon sa Anti-Defamation Commission chairman na si Dvir Abramovich, kailangan humingi ng paumanhin ang naturang programa dahil sa kanilang nagawa. Maging ang Caulfield MP na si David Southwick ay ganito din ang saloobin sa nagawa ng programa. Binura ng programa ang segment na ito sa twitter, ngunit ang mga ito ay hindi humingi ng paumanhin.

Makikita din ang ilan pang mga tweet na nagsilabasan at naninisi naman na ang malakas na pagsabog ay gawa ng mga Israeli. Dahil na din sa pinaniniwalaang pahayag ng prime minister ng Israel na si Netanyahu. Ayon nga sa @IsraeliPM,

“We hit a cell and now we hit the dispatchers. We will do what is necessary in order to defend ourselves. I suggest to all of them, including Hezbollah, to consider this.”

Pinaniniwalaan na ang pahaag na ito ay patungkol sa army ng Israel, na inako ang pag-atake sa gobyerno ng Syria at maging ang nasabing pag-atake sa Golan Heights. Dagdag pa sa pahayag na naroon sa twitter ay ang mga salitang

“this should be taken seriously”.

Umusbong ang balita patungkol sa isang miyembro ng Hezbollah na napatay dahil sa pag-atake ng Israel mula sa dulo ng Damascus.

May ilan ding kalat na video at ilang pahayag na maaring ang lahat ng ito ay gawa din ng ilang grupo sa Lebanon. Doon nga ay kumalat ang video na kuha noong taong 2017. Makikita nga sa video ang  Secretary General ng Hezbollah na si Hassan Nasrallah, na siyang nagbanta ng pag-atake sa Haifa port sa Israel.

Dito ay kanya ding nabanggit ang patungkol sa isang nuclear like na pagsabog gamit ang ammonium nitrate. Ang ilan naman ay ibinalik muli ang tweet ng Israel Defense Forces na nagpapakita ng lokasyon ng kanilang proyekto na binansagang “Missile Project”. Ngunit kahit na ang mga balita at ang mga impormasyon na ito ay nagkalat sa internet. Iisa lamang ang ipinapahayag ng mga Lebanon Officials, ito ay dahil lamang sa ammonium nitrate at walang iba pang dahilan.

Mayroon ding kumalat na impormasyon patungkol sa pinaniniwalaang pahayag ng head of General Security ng Lebanon na si Abbas Ibrahim. Ayon dito

“the explosion took place in a warehouse of high-explosive material confiscated for years”.

Ang ilang mga Twitter user ay nagsimulang pag-usapan na ang ammonium nitrate ay isang Turkish Shipment na ipapadala dapat sa Syria. Ngunit ang ideya na ito ay agad na pinabulaanan ng mga opisyal.

Ayon sa report, ang chemical ay ipinadala talaga sa Beirut Port na dala ng Russian cargo vessel noong 2013. Inireport ng isang shipping monitoring organisation na ShipArrested.com na ang vessel na ito ay nakitaan ng sira at hindi na pinayagan pang maglayag muli. Pinaniniwalaan na ang dala ng cargo na ito ay ibinababa at inilagay sa Hangar 12.

What Happen next:

Lebanon now rated as low as Venezuela after Moody's rating cut to lowest  grade | Al Arabiya English

Dahil sa pangyaari na ito, ang gobyerno ng Lebanon ay nagdeklara ng dalawang linggong state of emergency. Dito ay nabigyan ng kalayaan ang mga militar na gamitin ang kanilang lakas. Ipinahayag din ng Israeli Prime minister na si Benjamin Netanyahu na nakikiramay ito sa mga Lebanese at muli itong nag offer na magbigay ng humanitarian aid sa bansa. Ngunit ang tulong na ito ay tinanggihan ng bansa at hindi tinanggap.

Inireport naman ng cbc na ang International Development Minister na si Karina Gould ay nagpahayag na ang Canada ay magbibigay ng tulong sa Lebanon, ngunit ito ay kanilang ididiretso sa mga mapagkakatiwalaan na grupo at mga organisasyon. Dito ay kanilang ipinahayag na ang kanilang bansa ay magbibigay ng  $5 million humanitarian aid at isa pang $1.5 million na diretsong ibibigay sa Lebanese Red Cross upang makatulong sa mga medical emergency, pagkain at tahanan na priniproblema ng bansa.

Maging ang UK ay nagbigay tulong na din sa Lebanon at ito ay nangakong magbibigai ng halos £5m aid package. Bukod pa dito ay magpapadala din ng mga rescuers, mga trained dogs at ilang royal navy ship upang tumulong para mahanap ang mga nawawalang tao na maaring natabunan ng mga gusali.

Inireport nga na magmula noong October 2019, 45 percent ng populason sa Lebanon ay mahihirap at walang trabaho. Maging ang mga ospisyal sa bansa ay naghihirap din dahil sa kagagawan ng Covid-19. Matapos ang malakas na pagsabog ay naapektuhan din ng labis ang mga ospital at karamihan sa mga ito ay hindi na tumatanggap ng mga pasyente.

Mas lalo pang nadagdagan ang gagamutin ng mga ospital dahil sa mga na injured na tao mula sa pagsabog. kulang na din ang kanilang mga kagamitan sa ospital upang magamot at maharap lahat ng pasyente mula sa pagsabog at maging sa Corona virus.

Patuloy pa din ang pagtaas ng kaso ng nagpapositive sa bansang Lebanon dahil sa covid19. Ang paglubog ng kanilang ekonomiya, ang sakit na umaatake sa mga tao at isang pagsabog na siyang dumagdag pa sa kanilang problema.

Ang bansang Lebanon ay nangangailangan ng maraming tulong at maraming suporta upang sila ay makaahon sa krisis na kanilang kinakaharap. Isama natin sila sa ating mga dasal.

 

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit maraming tao ang takot sa Injection?

Ang totoong kwento kung bakit ban ang stairway to heaven