Ano ang samahan ng rizalista

Reading Time: 18 minutes

Topics

Dr.Jose Rizal. Malamang ay kilala mo naman na kung sino ang taong ito. Si Jose Rizal ang kinikilalang pambansang bayani ng Pilipinas dahil sa kanyang mga ginawa sa bayan. Para sa mga hindi nakakakilala kung sino ba si Dr. Jose Rizal.

Si Rizal lang naman ang kinikilalang lumaban sa mga kastila upang maipaglaban ang bansang Pilipinas. Kilala ang pamilya ni Rizal bilang Katoliko at pinalaki itong mayroong takot sa Diyos. Dahil sa dami na kanyang naitulong upang makilala ang bansang Pilipinas, hindi maiiwasan na hanggang ngayon ay mayroong malakas na naniniwala sa kaniyang kakayahan.

Ito ang samahan na tinatawag na “Rizalista”. Ano nga ba ang paniniwala ng samahan na ito, halina at ating alamin.

Pero bago tayo magsimula, alam ko marami sa atin ang kristiano, whether katoliko o eastern orthodox. Pero as a human being, wag po tayong magalit o kutyain ang ibang relihiyon dahil taliwas lamang ito sa paniniwala natin. Please po, be a decent person kahit man lang dito sa comment section magawa mong respetuhin ang paniniwala ng iba. And no, hindi po ako isang rizalista.

Para naman sa mga rizalista, kung may mali po sa information na aming nakalap please let us know at ipipin po natin yan. Pag too much wrong info, hindi po ako mangingiming itakedown ang video at ireupload with the correct info. Pero kapag konti at kaya pa sa pinned comments, gagawin po natin yan.

Ang topic natin today ay nirequest ni Gerald Catis.

Jose Rizal:

Palace to Filipinos: 'Be agents of genuine change' like Rizal ...

Bago natin puntahan ang pinaka main topic, kilalanin muna natin kung sino ba ang sinasamba ng mga taong ito. Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda de Quintos. Ang haba diba. Para sa mga hindi mga nakinig sa kanilang guro noong itinuro ang buhay ni Rizal, ipinanganak ito noong Hunyo 19, 1861 at namatay naman noong Disyembre 30, 1896.

Mula sa kaniyang mga magulang na sina Francisco Rizal Mercado at kanyang ina na si Teodora Alonso, ipanganak ang labing isang magkakapatid. Para sa mga hindi nakakakilala sa mga kapatid ni Jose, nariyan ang kanyang ate na si Saturnina na siyang pinaka matanda, ang nag-iisa niyang kuya na si Panciano, sinundan ni Narcissa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad. Si Jose ay pang pito sa magkakapatid. Sinundan nito ang kanyang kapatid na si Maria.

Ang kanyang pangalan na Jose ay mula mismo sa isang santo na ipinangalan sa kanya ng kanyang ina. Ang taong ito ay nag-aral lang naman mula dito sa Pilipinas hanggang sa makapunta ito sa ibang bansa. Nag-aral ito sa Ateneo Municipal de Manila, University of Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid na kung saan iginugol niya ang kanyang buhay sa pagsusulat ng mga tula, kwento, pag-aaral ng medisina at pilosopiya.

Si Rizal ay kilala bilang isang tao na nakakapagsalita ng halos 27 languages at hindi lamang ito basta manunulat. Isa din itong mang-uukit at athlete. Marunong din ito ng martial arts, fencing at pistol shooting.

Hindi na din lingid sa iyong kaalaman na madaming naging babae ang ating pambansang bayani, hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa ilang bansa na kaniyang pinuntahan. Ang pinaka huli niyang kasintahan ay si Jopsephine Bracken na kung saan nakilala niya noong nagpagamot ang ama nito ng kanyang mata kay Rizal noong ito ay mapunta sa Dapitan. Ang dalawang ito ay nagkaroon ng anak ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nabuhay ng matagal.

Dahil na din sa mga pagtuligsa nito sa mga Kastila, ito ang naging dahilan upang pag-initan ito ng mga espanyol at naging dahilan upang mapapatay ito.

Rizalista:

🛐 Rizalista : Religious movement or Occultism- I ♥ Tansyong™

Mapunta na tayo samahan na nabuo ng mga taong labis ang paniniwala kay Rizal. Ang paniniwala ng mga tao patungkol kay Rizal ay isa itong santo o hindi naman isang makapangyarihang nilalang. Tulad na lamang ng ilang mga relihiyon, ang samahan na ito ay mayroon ding iba’t ibang paniniwala.

Hindi lamang ito iisang samahan, ngunit iba’t iba din ang secto na nabuo nito at iba’t iba din ang panahon kung kailan ba ito nabuo. Ang ilang mga sekto na nabuo ng mga taong ito ay mayroong pinaniniwalaan na si Rizal, hanggang ngayon ay nabubuhay pa. Malakas ang paniniwala ng mga taong ito na si Rizal ang tutulong sa kanila upang maiahon sila sa kanilang kahirapan.

Ang iba naman ay naniniwala na si Rizal at ang pinaniniwalaan na Kristo ng mga katoliko at mga Kristyano na bumaba muli sa lupa upang maging si Rizal, o hindi naman si Rizal ay ang pangalawang anak ng Diyos na ipinadala dito sa lupa. Ayon sa ilang mga taong kumikilala pa mismo sa samahan na ito, kinikilala ng ilang mga tao si Rizal bilang Diyos ng mga pre-spanish Malay Religion.

Samantalang ang iba naman ay kinikilala lamang si Rizal bilang gabay sa kanilang spiritwal na buhay. Ang ilang mga sekto ng mga Rizalista ay may paniniwala na ang mga tao na naging parte ng rebolusyon ng Pilipinas ay reincarnation ng kinikilala ng mga Kristyano na si Virgin Mary. Ang mga taong maniniwala at sasamba sa mga taong ito ay maiiligtas sa sandaling sumama ito sa kanilang samahan.

Ang samahan ng mga Rizalista noong taong 1920’s hanggang 1930 ay hindi pa rehistrado o hindi pa kinikilala bilang isang relihiyon ngunit maraming tao na ang nakakarinig dito. Sa panahon ngayon, ang mga kilalang rehistrado bilang isang relihiyon ay ang mga Espiritual Filipino Catholic Church, Samahan ng Tatlong Persona Solo Dios, Iglesia Sagrada Filipina, Ciudad Mistica de Dios, Watawat ng Lahi, Adamista, at Bathalismo.

Kung hahanapin ang pinaka himpilan ng mga ganitong samahan, makikita sa Calamba Laguna na kung saan probinsya mismo ng Bayani; sa Quezon Province naman, makikita ang ilan na nakatayo lamang sa paanan ng bundok Banahaw. Pero hindi lamang ito locally meaning hindi lamang sa Pilipinas, ang ibang mga tao ay ipinapalaganap din sa ibang parte ng mundo ang kanilang paniniwala na si Rizal ay isang Diyos.

Ayon sa ilang pagsasaliksik, ang kinikilalang pinaka unang samahan ng mga mga Rizalista ay ang tinatawag na “Iglesia Watawat ng Lahi”. Ito ay binuo nila Rev. Fr. Luis Fabrigar at Jose Valincunoza noong Disyembre 25 taong 1936. Ang pinaka lugar ng samahan na ito ay makikita sa Calamba at halos nakabuo na nang isang daang chapter o isang daan pang samahan na makikita sa bansang Pilipinas. Noong 1980’s dumami ang naniwala sa ganitong samahan at umabot sa halos isang daang libong katao ang nagpa convert mula sa kanilang dating relihiyon at noon din ay naging isang Rizalista.

Ngunit ayon sa ilang balita na noong taong 2012 ay dumami din ang nagpatanggal upang umalis na sa kanilang samahan. Ayon sa paniniwala ng Iglesia ng Watawat ng Lahi, si Rizal ay nakaligtas sa pagbaril sa kaniya sa Bagumbayan at hanggang ngayon ay nabuibuhay pa din. Naniniwala ang mga ito na si Rizal ay namumuhay lamang sa Mount Makiling.

Bago tayo magpatuloy, nakasubscribe ka naba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at wag mo ding kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated.

The Beliefs and the Practices:

Rizalista religious movements - Wikipedia

Bukod pa sa paniniwala ng mga ito na buhay pa hanggang ngayon ang pambansang bayani ng Pilipinas, alamin pa ntin kung ano pa ang ibang paniniwala ng mga tao o ng mga samahan na ito. Ang doktrina o ang kanilang paniniwala ay base sa turo ng mga Roman Catholic at hinaluan din ng pagiging nasyonalismo sa Pilipinas.

Ang kanilang pagtuturo ay kanilang binibigyan ng halimbawa base na din sa mga naisulat na akda ng bayani. Naniniwala din ang mga ito na naiisip mismo ng mga magulang ni Rizal na pangalanan ito ng Jove Rex Al. Ngunit dahil ang pangalan na ito ay masyadong malapit sa pangalan ni Jesus na Jesus Christ, Jose na lamang ang ibinigay na pangalan sa sanggol na si Rizal.

Hindi lamang ito ang kanilang pinaniniwalaan ngunit, naniniwala ang mga ito na hindi talaga anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo si Rizal at ito ay nakita lamang nila sa isang lugar.

Ang pinaka unang preacher o tagapagsalita ng samahan na ito ay tinatawag na Banal na Tinig o Holy Sound. Naniniwala ang mga tagapakinig na ang kanilang tagapag salita ay nakakausap pa si Rizal sa tuwing ang mga ito ay pumupunta sa bundok ng Makiling. Hindi lamang ang pagkabuhay ni Rizal ang mahalaga sa mga taong ito, ngunit mahalaga din na ipagdiwang ang kanyang kamatayan, na kanilang tinawag na Misa De Tres.

Ang pagdiriwang na ay para sa tatlong bagay, sa bulaklak, sa bandila at sa parada. Bukod pa sa ganitong araw, mahalaga din ang ilang national holidays. Nariyan ang mga bagong taon, Chinese New year, Philippines Independence Day at ang ating National Heroes’ Day, Bonifacio Day at iba pang mga national holiday.

Hindi katulad ng Kristyano na nagdidiwang ng pasko sa tuwing Disyembre 25, ang mga taong ito ay nagdiriwang ng pasko tuwing Oktubre 3. Ito ang buwan at araw na kanilang pinaniniwalaan na kapanganakan ni Jesus. Ang mga ito ay nagbabasa din patungkol sa isang libro na kanilang kinilala bilang “Sugong Kayumanggi” o ang “Brown messenger” na kung saan pangalawa sa pinaka mahalagang libro sa kanilang samahan.

Kung ang Katoliko at ang iba pang mga naniniwala kay Kristo ay naniniwala sa sampong utos, ang mga Rizalista ay naniniwala lamang sa tatlong mahalagang utos. Ang tatlong utos na ito ay ang pagmamahal sa kanilang Diyos, sa tao at sa kanilang kinabibilangan na lipunan. Naniniwala din ang mga ito na dapat mahalin at pangalagaan ang kalikasan na isa kanilang pinapangalagaan.

Kung ikaw ay isang pari na nag-aaral ng turo ng mga ito, maari kang mag-asawa at kailangan din na magsilbi ng halos limang taon. Ang mga pari na ito ay hindi nakakatanggap bayad ngunit ang mga ito ay sinusuportahan lamang ng ilang mga miyembro na nais magbigay ng pera.

Idagdag na din ang kanilang pagsusuot ng isang damit na ang kulay ay katulad ng nakalagay sa watawat ng pilipinas sa tuwing sila ay nagdiriwang ng kahit anong religious celebrations.

Noong matapos ang taong 2000 na kung saan hindi pa nagunaw at nawasak ang mundo ayon sa kanilang paniniwala, marami ang umalis na miyembro mula sa samahan na ito at iniwanan ang paniniwala na si Rizal ay isang tao na kailangan sambahin. Kung nais mo namang sumali sa ganitong samahan ay kailangan mo lang magkaroon ng matibay na paniniwala sa mga bagay na kanila ding matagal nang pinaniniwalaan.

Jesus Christ And Jose Rizal:

MY SARISARI STORE:

Kung pagkukumparahin natin ang dalawang ito, makikita na sila ay namatay dahil sa kanilang matibay na paniniwala. Si Jesus na matibay ang paniniwala at pananalig sa Diyos, si Rizal na sobra naman ang pagmamahal sa bayan. Naniniwala ang mga Rizalista na kung si Jesus ang matatawag na Messiah, sugo, o tagapagtanggol ng bayan ng Israel. Kinikilala nila na si Rizal ang ibinigay ng Diyos sa Pilipinas upang maging tagapag tanggol nito.

Pinaniniwalaan na si Jesus ay ipinanganak sa Asia at maging si Rizal, ang dalawang ito ay ipinanganak sa bayan na kung saan pinamumunuan ng mga gustong sumakop dito. Ayon pa sa ilang mga taong nagkukumpara sa tunay na anak ng Diyos at sa pinaniniwalaan na pangalawang anak ng Diyos, ang dalawang ito ay hindi tumitingin sa pagkakaiba ng estado ng buhay ng mga tao, kung ano ang edukasyon na kanilang nakuha, kung ano man ang lahi o kulay.

Kung si Jesus ay nakakagamot dahil sa kanyang matibay na paniniwala, si Rizal naman ay nakakapanggamot dahil sa kanyang kaalaman na kanyang natutunan sa eskwelahan. Ang dalawang ito ay dumanas ng pangungutya sa kanilang mga kalaban bago pa ito mapatay ng kanilang mga kaaway.

Ito po ay pawing research lamang, ito po ang pagkukumpara ng isang rizalista kay jesus.

Is Rizal Consider a Saint or a God:

Jose Rizal: National Hero And A Most Peculiar God

Kung tatanungin kung ano ba ang tingin ng mga Rizalista kay Rizal. Ayon sa ilang research, hindi alam ng karamihan sa Pilipino na si Rizal ay minsang idineklarang santo ng Philippine Independent Church at minsang binigyan ng halaga ang kanyang pagkapanganak. Ayon sa ilang paghahanap ng imporamasyon, noong taong 1902 kinilala si Gregorio Aglipay bilang founder ng Philippine Independent Church o Iglesia Filipina Independiente.

Ang samahan na ito ay hindi sang ayon sa mga kaparian na nabubuhay noong panahaon na iyon at makikita din sa tabi ng kanilang altar ang watawat ng Pilipinas upang maipakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga bayaning kumalaban sa mga espanyol upang makamtam ang kalayaan na tinatamasa ng Pilipinas.

Isang Spanish Filipinologist at isa ding biographer sa buhay ni Rizal na si Wenceslao E. Retana at sa kanya din unang narinig ang pagkilala kay Rizal bilang isang santo. Mula sa isang akda na inilabas noong 1907 sa bayan ng Madrid, “Acta de Canonizacion de los grandes Martires de la Patria Dr. Rizal y PP. Burgos, Gomez y Zamora” (Proceedings of the Canonization of the Great Martyrs of the Country Dr. Rizal and Fathers Burgos, Gomez, and Zamora)

Ang pagkilala na ito ay nilagdaan nila Gregorio Aglipay, ang Secretary General Bishop Isidoro Perez of Cagayan, Bishops Ponciano Manuel of Pangasinan, Gregorio Dizon of Zambales and Pampanga, Fortunato Clemeña of Cavite at Ramon Farolan of Abra. Ayon sa pagkokonekta kay Rizal at Aglipay, malaki ang impluwensya na naibigay ni Rizal kay Aglipay upang maging isang pari.

Si Aglipay din mismo ang nagbigay ng titulo kay Rizal bilang “glorious apostle” at “wise apostle” ng Diyos. Ngunit sa panahon ngayon, hindi na makikita ang mga larawan, mga bayani at ang watawat ng Pilpinas na nakalagay sa altar ng Philippine Independent Church at hindi na din nila kinikilala si Rizal bilang isang santo o mataas na tao.

Ang bawat tao ay mayroong kanya-kanyang paniniwala patungkol sa gusto nilang kilalanin na Diyos. Kung mapapansin ay wala namang masamang ginagawa at walang ritwal patungkol sa pagpatay ng tao ang samahan na ito. Hindi sila nangingidnap, hindi sila ang-aalay ng sanggol, hindi sila nagnanakaw, hindi sila nakakaabala kaya’t walang dahilan upang sila ay husgahan dahil lamang sa pagkakaiba ng iyong paniniwala kumpara sa paniniwala nila.

Para sa iba si Buddha ang kanilang Diyos, si Allah na kinikilala ng mga Muslim, at si Jesus na kinikilala ng mga Kristyano at sa mga rizalista, si Rizal.

Mula sa mga kakaibang nilalang, mga diwata, mga halimaw, mga tao na ginawang santo dahil sa kanilang nagawang mabuti sa kanilang bayan at pagtatanggol sa mga taong nandito. Ang paggalang sa paniniwala ng iba ang atin na lamang magagawa, kung iisipin ay hindi ka naman nila pinipilit na umanib sa kanilang samahan.

Sa panahon ngayon ay halos dalawang daan ng grupo ng mga Rizalista ang makikita sa Calamba,Laguna. Kinikilala man itong isang Kulto sa ating bansa, tandaan na ang mga ninuno ng mga Pilipino bago dumating ang mga espanyol ay sumasamba lamang sa iba’t ibang mga nilalang at espirito na kanilang sinasamba.

It’s up to you kung ano ang magiging tingin mo sa samahan na ito. Pero bulalord, sabi sa bibliya eh…. Teka, bago mo isipin yan, kagaya nga ng sinabi ko may kanya kanyang paniniwala, hindi mo pwedeng ipwersa ang isang bibliya sa isang buddhist o sa isang muslim dahil sila ay may sariling banal na kasulatan. What I asked is respect each other’s belief. Hindi mo pwedeng gamitin ang paniniwala mo laban sa paniniwala ng iba. Be decent enough and respect each other’s belief. Sa mga magcocomment patungkol sa kanilang relihiyon at magsasabi ng masasakit na salita, it only shows who you are.

Sources

Sources

  1. http://nhcp.gov.ph/jose-rizal-a-hero-saint/
  2. https://en.wikipedia.org/wiki/Iglesia_Watawat_ng_Lahi
  3. https://tagacalamba.wixsite.com/calamba/single-post/2016/01/04/CULTURE-Rizalistas
  4. https://www.wikiwand.com/en/Rizalista_religious_movements
  5. http://12935964.weebly.com/family.html
  6. https://www.filipinaslibrary.org.ph/articles/rizals-education/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo nagkakasakit?

Bakit mas maputi ang ngipin ng aso or kahit ibang hayop