Ano ang isang Blackhole?

Reading Time: 20 minutes

Ang blackhole ay isa sa pinaka kilalang parte ng kalawakan. Base sa paunang video, nalaman natin kung paano nakuhanan at nabigyan ng kulay ang bagay na ito.

Sa loob ng maraming panahon, ang blackhole ay laman na din ng iba’t ibang sci-fi movies, tulad na lamang ng Instellar, Quantum apocalypse, High life at ang palabas na Zathura. Ilan lamang ang mga palabas na ito na nagpapakita ng kakayahan ng isang blackhole. Kilalanin pa natin ng mabuti kung ano nga ba ang maaring magawa ng malaking bagay na ito sa ating mundo.

The Black hole:

Where Do Black Holes Lead? | Space

Ayon sa NASA, ang tinatawag na black hole ay isang lugar na makikita sa kalawakan na kung saan ang gravity na mayroon ito ay humihila sa maraming bagay na kanyang maabot. Kahit ang isang liwanag ay hindi kayang makawala mula dito. Ang gravity na mayroon ang bagay na ito ay napakalakas dahil sa matter na napisa at naging isang maliit na bagay sa space. Ang pangyayari na ito ay nangyayari sa tuwing ang isang napakalaking bituin ay namatay.

Dahil nga ang bagay na ito ay hindi nagpapakawala ng liwanag, hindi ito basta makikita ng mata. Kinakialangan ng isang space telescope upang mahanap kung saan nakalagay ang isang blackhole. Gamit ang mga espesyal na bagay, makikita ng mga eksperto ang ilang bituin na hindi gumagalaw ng maayos at nagsasabi ito na malapit lamang ito sa isang black hole. Kumbaga erratic ang movements nya na mabagal tapos biglang bibilis habang papalapit ito sa black hole.

Ayon sa pag-aaral ng nga eksperto, ang isang black hole ay maaring malaki o hindi naman ay malilit. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang pinaka maliit na black hole ay kasing laki lamang ng isang atom, at nagdadala ng mass na katulad ng isang malaking bundok. Ang tinatawag na “Stellar” ay isa din uri ng black hole na kung saan ang mass nito ay halos mas mataas ng dalawampu kumpara sa araw.

Ang ganitong uri ng black hole ay maaring mahanap sa milky way galaxy. Ang pinaka malaking black hole ay matatawag na “Supermassive”, na mas mataas ng halos isang milyong beses ang mass nito kumpara sa araw. Naniniwala ang mga eksperto na ang lahat ng malalaking galaxy ay nagtataglay ng ganitong uri ng black hole.

And yes, tama ang iniisip mo dahil naniniwala ang mga eksperto na mayroong supermassive black hole sa gitna ng ating galaxy na siyang isa sa pinaka malaking galaxy sa kalawakan. Binigyan na din ito ng pangalan ng mga eksperto at tinawag na Sagittarius A. Ang mass nito ay masasabing pinagsama-samang mass ng halos apat na mily ong araw.

Ayon sa mga eksperto, ang pinaka maliit na blackhole ay nabuo noong mismong nabuo din ang kalawakan. Hindi na din lingid sa inyong kaalaman na ang isang black hole ay nabubuo sa tuwing ang isang napakalaking bituin ay sumabog kung saan dahilan upang magkaroon ng isang supernova.

Dahil sa mayroong malakas na gravity ang blackhole, ang ilang bagay na nasa tabi nito ay magpapakita ng kakaibang kilos na hindi natural sa normal na ginagawa nito. Kung ang isang bituin at ang black hole ay magkatabi, maglalabs ito ng high energy light ngunit hindi ito makikita ng natural na mata. Gamit ang ilang satellites at ilang mga telescope, makikitata ang mga bagay na ito. Ang dalawang gamit din na ito ang pinapagala ng mga eksperto sa kalawakan upang mas lalo pang makilala ng mga scientist ang kalawakan.

Ayon sa mga eksperto, ang pinaka malapit na black hole sa ating mundo ay kinikilala bilang V616 Monocerotis o mas kilala bilang V616 Mon. Ang layo lang naman ng bagay na ito sa ating mundo ay halos 3,000 light years. Ang blackhole na ito ay nahanap ng mga eksperto mula sa isang binary system ng isang bituin at nagtaatglay ng kalahati ng mass na mayroon ang araw. Ang pangalawa sa pinaka malapit na black hole sa ating mundo ay ang Cygnus X-1 na kung saaan 6000 light years ang layo sa mundo.

Ayon sa isang astrophysicist na mula sa American Museum of Natural History’s Hayden Planetarium na si Charles Liu , kung ang isang buhay na tao ay nalaglag ng hindi sinasadya sa isang black hole ang taong ito ay unit unting hihigupin ng blackhole.

Kung ang sakaling makaligtas ang isang tao sa loob ng black hole, makikita nito ang mga bagay na halos nabuhay at nawala na sa loob ng maraming taon. Magkakaroon ka ng pagkakataon na makilala ang mga bagay na nabuo mula pa noong unang panahon at naniniwala din ang mga eksperto na dito makikita ang anti matter.

History of Black hole:

A short history of black holes | Science News for Students

Si Albert Einstein mismo ang unang taong nakaisip na mayroong ganitang bagay sa labas ng kalawakan noong 1916 na kanyang isinama sa isa niyang teorya na General theory of relativity. Ang terminong “Black hole” ay mula sa isang American astromer na kinilala bilang si John Weeler noong 1967.

Noong una ay teorya lamang ang bagay na ito na kung saan iniisip ng mga eksperto na baka nga mayroon, ngunit noong taong 1971, ang dating haka-haka ay nabigyan ng isang liwanag at ito ay maaring tunay nga. Noong 1971, nakadtect ang mag eksperto ng isang bagay na humihigop ng mga bagay sa kalawakan at pinaniwalaan ng mga eksperto na isa itong black hole.

Kinilala ito bilang Cygnus X-1 na pinaka unang source ng x-ray na nadiskubre ng mga eksperto. Ang bagay na ito ay natagpuan sa constellation ng Cygnus the Swan na mas kilala bilang Nortrhern cross. Ang constellation din na ito ang binibigyan ng pansin ng karamihan ng mga astronomer.

Noong 2019, naglabas ng pinaka unang larawan mula mismo sa black hole ang Event Horizon Telescope o EHT. Ang samahan na ito ay nakakita ng isang black hole sa gitna mismo ng isang galaxy na kinilala bilang M87. Habang ang bagay na ito ay inoobserbahan ng mga eksperto mula sa telescope, lumabas sa image map na ito ay biglaan na lamang nawalan ng photons o ilang particle na isang liwanag.

Black hole Properties:

A Brief History of Mind-Bending Ideas About Black Holes | WIRED

Ang isang black hole ay nagtataglay ng tatlong layer. Ang outer, inner event horizon at ang singularity. Ayon sa pag-aral ng mga eksperto, ang tinatawag na event horizon ng isang blackhole ay ang nagsisilbing boundery o hangganan ng bibig ng bagay na ito. Kung sino man ang lumagpas sa bagay na ito ay wala na itong pagkakataon upang makalabas o matakas. Kahit nga liwanag di makatakas dito, kaya wala talagang kawala kahit ano.

Ang kinikilala namang inner region ng isang black hole ay ang pinaglalagyan ng mass mula sa mga nahigop na bagay at tinatawag itong Singularity. Ayon sa pag-aaral, bago pa man makabuo ng bilog ang bagay na ito, iniiba muna nito ang bagay na nakapalibot sa kanyang lugar at doon ay mabubuo ang isang maliiit na butas.

Ayon sa mga astronomer, mayroon lamang tatlong pshysical properties ang isang blackhole. Mula sa tatlong ito, nagawang malaman ng mga eksperto ang mass ng isang black hole at ang mismong characteristic nito. Nalaman din ng mga eksperto ang charge at ang mga angular momentum na mayroon ang isang blackhole.

Hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ng mga astronomer ang charges na mayroon ang isang blackhole. Naniniwala ang mga taong ito na klung ang black hole nga ay mayaroong charge, natural nitong maattract ang mga particles na mayroong opposite charge let say mga negative charge particle upang mapasawalang bisa ang mga ito. Sa pagtingin ng mga astronomer sa angular momentum ng isang black hole, nalaman ng mga eksperto na ang isang black hole ay umiikot din.

Isang black hole ang pinag-aaraln ng mga eksperto at ito ay kanilang pinangalanan na GRS 1915+105. Nakita nila na ito ay umiikot ng halos 1150 times sa loob lamang ng isang segundo. Sobrang bilis nito kung tutuusin.

Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang radius ng event horizon ay 3km sa kada solar mass. Kung ang isang black hole ay mayroong sampong solar masses ibig sabihin mayroong event horizon na 30 km. Ang pinaka malaking black hole na kilala ng mga eksperto ay mayroong 17 billion solar masses at masasabing ang event horizon ng bagay na ito ay halos 51 billion km.

Singularity of a Black hole:

Black Holes Must Have Singularities, Says Einstein's Relativity | Black hole,  Space and astronomy, Singularity

Ano nga ba ang singularity? Narinig nyo na ito sa ibang videos kahit dito mismo sa channel, ilang beses ko ng sinabi ang singularity.
Mula noong madiskubre ng mga scientist ang isang black hole sa labas ng kalawakan, ang isang tanong na patuloy na bumabagabag sa kanila ay “Ano ang nangyayari sa loob ng bagay na ito “.

Mula noong mailabas ni Einstein ang kanyang teorya patungkol sa theory of General Relativity, nabuo din sa utak ng mga ekspeto ang tanong na “Ano ba ang mayroon sa kalawakan noong hindi pa nagaganap ang Big bang”‘. Ang mga eksperto ay nakagawa ng isang teorya na maaring sumagot sa dalawang tanong na ito. Ang tinawag na Gravitational Singularity. Ito ang pangyayarari kung saan ang dating magkakarealasyon na bagay ay magbabago. Parang kayo ng jowa mo. Joke lang. Well, to be specific, magkakakaroon ng bagong pagkakakilanlan ang mga bagay na ito.

Ilang mga eksperto rin ang naglabas ng kanilang sariling teorya patungkol sa singularity. Nariyan na ang tinatawag na Penrose Singularity Theorem na lumabas noong 1965. Ayon kay Penrose, ang isang time-like singularity ay mangyayari sa isang black hole sa tuwing ang isang bagay ay mararating ang tiyak niyang enerhiya. Sa sandaling mangyari ito, ang curvature ng space time na mayroon ang isang black hole ay magiging infinite o walang katapusan. Ngunit ang oras sa surface nito ay hindi magbabago.

Ang curvature singularity ang pinaka tinatanggap na uri ng singularity para sa isang black hole. Ayon sa mga eksperto, sa gitna ng isang black hole ang space-time nito ay magiging one dimensional point na naglalaman ng malaking amount ng mass. Ito ang magiging dahilan upang ang gravity ay maging infinite pati na din ang space time curve nito; ang ang law of physics na alam ng mga eksperto ay magbabago.

Stephen hawking theory of Black hole:

New formula for calculating Hawking radiation at the event horizon of a black  hole - Tech Explorist

Ang Hawking radiation teory ay lumabas noong 1974. Ito ay isang teorya patungkol sa nailalabas na black body radition na mula nismo sa isang black hole. Ayon kay Hawking, dahil sa quantum effects na nangyayari malapit sa event horizon ng isang black hole, ang hawking radiation ay ang bagay na nagbabawas sa mass at sa rational energy na kinikilala ng mga eksperto bilang black hole evaporation.

Dahil sa pangyayari na ito, naniniwala ang mga taga suporta ng teorya na ang lahat ng mass na pumapasok sa black hole ay nawawala na lamang o naglalaho sa sandaling ito ay mapunta sa loob ng black hole. Ang temperatura ng radiation ay nagbabago depende sa mass ng isang black hole. Naniniwala ang ilang eksperto na ang mga kinikilalang micro black hole ay naglalabs ng mas malaking radiation kumpara sa black hole na mas malaki dito.

Noong 2008, ang NASA ay nagpadala ng isang Fermi space telescope. Ito ay naglalayong makahanap ng terminal gamma-ray flashes mula sa evaporation ng isang primordial black hole o sinaunang blackhole. Noong 2010, isang signal ang nadetect ng mga eksperto na malapit sa teorya ni Hawking.

Noong 1937, nadiskubre din ni Hawking kasama ng ilang soviet scientist na sina Yakov Zel’dovich at Alexei Starobinsky ang isang rotating black hole. Ito ay nakakagawa at naglalabas ng ilang particles. Ayon kay Hawking, maging ang ilang mga non-rotating black hole ay nakakapaglabas din ng isang radiation.

What is a White hole:

Are White Holes Real And Can They Connect to Parallel Universes? | Gaia

Talakayin naman natin ang whitehole, ayon kasi sa paniniwala ni einstein, mayroong white hole na opposite ng isang blackhole. Ayon sa mga eksperto ang whitehole ay may kakayahan na gawin ng pabaliktad ang lahat na nagagawa ng isang black hole. Kung ang black hole ay nanghihigop, ang bagay na ito ay nagpapalabas naman ng kung anong bagay mula sa kanilang loob. Ayon sa ilang paniniwala, kung ang singularity ng isang black hole ang magsama-sama hanggang ito ay lumiit at ito ay magiging isang white hole.

Ngunit ayon din sa mga eksperto, ang panyayaring ito ay maari lamang mangyari sa loob ng ilang bilyon na taon. Ngunit ang whitehole ay isa lamang teorya na pinaniniwalaan na hindi maaring mangyari o hindi pa nangyayari.

Can we create a blackhole:

Afterschool Universe: Creating a Black Hole - YouTube

Kung ang tanong mo ay kung mayroon bang kakayahan ang tao na gumawa ng isang black hole, well matagal na nila itong sinusubukan. Noong 1971, ipinakilala ni Stephen Hawking ang tinawag niyang micro black holes o isang quantum mechanical black hole o mini black holes. Isa itong maliit na black hole na kung saan malaking role ang ginagampanan sa quantum mechanics. Ito ay isang teorya na maaring may isang black hole na mas maliit pa sa isang stellar mass.

Ayon sa mga eksperto, ang minimun energy ng isang microscopic black hole ay 10 GeV o hindi naman ay 1.6 GigaJoule o 444 kWh. Nagawang kalkulahin ng isang physicist na kinilala niyang John Archibald Wheeler na mayroong kakayahan ang isang hydrogen bomb na mula sa deuterium na mula mismo sa tubig ng mundo na magpagana ng isang black hole. Ngunit ayon sa ilang mga report, ang ideya na ito ay hindi sinuporetahan ni Hawking.

Isang report noong 2016 na patungkol sa isang physicist na kinilala bilang si Jeff Steinhauer na mula sa Technion University sa Haifa, Israel, ang nagsabi na naniniwala na nakahanap siya ng isang solusyon upang makagawa ng isang maliit na black hole. Ayon kay Jeff, kung hindi man magawang mahanap ng mga eksperto ang pinaniniwalaang radiation na ipinakilala ni Hawking, bakit hindi na lamang gumawa ng isang black hole gamit ang mga kagamitan dito sa mundo. Nakagawa ito ng isang lab size black hole mula lamang sa isang tunog na kung saan nasaksihan niya ang pagkuha ng enerhiya ng isang particles mula mismo sa edge nito. Dont worry, hindi naman ito lalaki at lalamunin ang ating mundo. Ayon sa mga eksperto ang mga microscopic blackholes ay walang pinsalang magagawa sa ating mundo dahil sa liit nito.

Sympre ang susunod na tanong mo ay, papaano kung mayroong dalawang blackhole, maghihigupan ba sila? Dont worry we got you fam.

Can a black hole suck up another black hole:

Future detectors to detect millions of black holes and the evolution of the  universe

Tulad na lamang ng isang bituin na nasa iisang lugar ang dalawang black hole din ay maaring magsama. Ayon sa mga eksperto, maaring ang isang black hole ay kakainin ang kasama nitong mas malaking black hole .Ang tawag ng mga eksperto sa pangyayaring ito ay collision.

Dahil hindi naman madaling makagalaw sa kalawakan, maaring ang isang black hole ay mas maliit kumpara sa isa at naabutan ito ng isang pang mas malaking black hole dahilan upang makain na lamang ito ng buo.

So kapag nakain ang isang blackhole kagaya ng iba pang mga pumapasok dito, ito rin ay mawawala sa kawalan. We dont know kung sila ba ay napupunta sa ibang dimension o what not. Basta ang alam natin nawawawala sila sa ating dimension.

Can black hole die:

Death From Space: How Black Holes Can Kill You Even On Earth | by Pionic |  Medium

Bulalord, kung ang mga bituin at galaxy ay namamatay, ang blackhole din ba ay pwedeng mamatay?
Actually ang blackhole ay mula sa pagkamatay ng isang napakalaking bituin and yes ang isang balck hole ay maari din mamatay. Kagaya nga ng nabanggit ko kanina posible itong makain ng isa pang blackhole. Pero papaano kung walang kumain sa kanya, mamatay pa kaya sya?

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, habang tumatagal ang panahon, mawawalan ng mass ang isang blackhole dahil na din sa bumabagal ang pagdadag ng mga antiparticles. Ayon din kay Hawking, ang isang Black hole ay mag eevaporate, sa tuwing mangyayari ito, ang blackhole ay maglalabas ng mga energy na mula mismo sa positive charge particles na unti-unting nakakawala.

Yes, sa paunti-unting pagkamatay nito ay makakalabas ang ilang particles. Ang mas malaking black hole ay mas maraming enerhiya ang mailalabas nito. Habang nangyayari ito, mawawala na din ang lahat ng mass hanggang sa biglaan na lamang itong sumabog sa kalawakan.Malalaman ito ng mga eksperto sa pamamagitan ng paghahanap ng isang gamma ray burst.

Kung hindi ka man naniniwala na namamatay ang isangb blackhole, isipin mo na lamang kung ano ang mangyayari sa kalawakan kung bawat bahagi nito ay puno ng iba’t ibang klase ng black hole.


Kung ang tanong mo naman ay patungkol sa araw natin na isa ding bituin at kung magiging isang black hole ito kapag namatay. Well, wala itong kakayahan upang makagawa ng isang black hole. To be specific hindi sapat ang laki ng araw upang makagawa ng isang black hole.

Ang araw ay mamatay at ang outer layer nito ay mawawasak hanggang sa matira na lamang ang core. Ang core nito ay magiging isang white dwarf, isang mainit na bola ng carbon dioxide at oxygen ngunit hindi na nakakapaglabas ng nuclear energy.


Hanggang ngayon ay patuloy pa din pinag-aaralan ng mga eksperto ang nakakatakot na bagay na ito. Ang bagay na maghirap matagpuan sa labas ng kalawakan. Totoo na mayroong blackhole pero ang mga nakapaligid dito, ang laman nito, ano ang nasa loob nito ay patuloy pa ring pinagaaralan ng mga eksperto at hanggang ngayon ay isa sa pinakamalaking misteryo ng ating kalawakan.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/E2c_CSjN1Ac
  • See sources at the end of youtube video

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Philhealth Tech Billion Scam

Totoo ba na nilalason tayo ng chemtrail?