Ang pagsukat ng bigat ng kaluluwa

Reading Time: 14 minutes

Topics

May isang kakaiba akong Nakitang request sa listahan natin, sabi ditto, 21 grams experiment, pagtimbang ng kaluluwa ng tao? Nirequest ito ni yourself. Kaya sinearch ko, totoo ng ana merong ganitong pagaaral.

Pero Ang kaluluwa ba ay mayroong bigat? Kapag ang tao ay namatay o nagbigay na ng huling hininga, may mga ibang naniniwala na ito ang kaluluwa o espiritu na tumatakas sa katawan ng namayapang tao. Kung ganuon, ibig sabihin ang kaluluwa natin ay mayroon ding bigat dahil ang hangin alam naman natin ay mayroon ding bigat. Now, kung sakali man na ang huling hiniga ng isang tao ay masukat bago ito mamatay, possible kaya na makuha natin ang totoong bigat ng ating kaluluwa? Ito rin marahil ang magiging pruweba na totoong may kaluluwa. Pero gaano ito kasigurado? I mean totoo ba ito o isang maling pag-aaral?

The Experiment:

Weighing Human Souls – The 21 Grams Theory – Historic Mysteries

Noong 1901, isang physician na taga Haverhill, Massachussetts na kinilala bilang si Duncan Macdougall ang gumawa ng pag-aaral parungkol sa kaluluwa mismo ng isang nilalang. Dahil nga ang lahat ng nabubuhay na tao sa mundo ay mayroong kaluluwa, naniniwala ang physician na si Duncan na mayroon itong bigat. Ang paniniwala na sa sandaling ang tao o kung ano pa mang nilalang ay namatay, ang kaluluwa nito ay humihiwalay sa kanyang katawan at ito ang naging inspirasyon ni Duncan. Isinagawa ang pag-aaral noong 1901 ngunit ang report patungkol s apag-aaral ay inilabas lamang noong tapong 1907.

Ayon sa physician, sa tuwing ang kaluluwa ay umaalis sa isang katawan, ang timbang ng nasabing katawan ay mababawasan. Obviously dahil nga ang huling hininga o ung kaluluwa ay lumabas na sa katawan. Naniniwala ang physician na ang kaluluwa mismo ng katawan ay mayroon sariling timbang at ito ay nawawala sa tuwing umaalis ito sa katwan ng isang nilalang.

Anim na pasyente na malapit nang mamatay ang kaniyang pinag-aralan at pinag-obserbahan. Ang apat sa pasyente ay dumaranas ng sakit na tuberculosis, ang isa sa mga ito ay mayrooong diabetes, habang ang isang naman ay hindi nasabi ang sakit ngunit ang kalagayan nito ay malubha.

Ayon sa ilang report patungkol sa experiment na ito, pinili mismo ni Duncan ang mga pasyente na malapit nang matapos ang buhay. Pinili niya ang mga taong ito dahil ang kamatayan ng mga ito ay ang pagkawala na lamang ng pagkahinga. Kailangan niya ang ganitong uri ng kamatayn upang mabuting mabantayan ang timbang nito habang unti-unting nawawalan ng hininga.

Ang mga psyente ay nakahiga sa isang industrial sized scale na kung saan sensitibo sa bigat ng isang bagay o nilalang. Ayon sa ilang mga paniniwala ng ibang mga tao, ang mga hayop ay walang kaluluwa. Kaya’t hindi rin ito pinalampas ni Duncan at kumuha ng labing limang aso si Duncan upang pag-aralan din ang ng mga maamong hayop na ito.

Ayon sa ilang report patungkol sa eksperimento ni Duncan, hindi siya makahanap ng mga asong mayroon sakit at nasa bingit na nang kamatayan, kung kaya’y pinaniniwalaan ng nakakarami na nilason niya ang mga aso para lamang mapag eksperimento. Grabe ka naman Duncan.

Pero mabalik tayo sa kung ano na ang nangyari sa kaniyang eksperimento. Ayon sa resulta, noong sandaling mamatay ang isang pasyente ay nabawasan ito ng timbang ngunit ang timbang na ito ay bumalik muli.

Ang dalawa sa payente ay nawalan ng ilang timbang at noong lumipas muli ang ilang pang minuto ay nabawasan muli ang timbang ng mga ito. Ang isa sa pasyente ay nawalan ng halos three-fourths of an ounce o halos 21 grams na bumawas noong oras na malagutan ito ng hininga. Habang ayon sa ilan pang report patungkol sa iba pang mga pasyente ay hindi tinanggap dahil, mayroon daw mali sa timbangan noong sandaling mamatay ang taong ito. So, dahil naniniwala ang mga ito na mayroon mali sa timbangan, hindi na nila muli pang mauulit ang pagkamatay ng tao, kung kaya’t hindi nila ito tinanggap.

Ang mga hayop na kanyang pinag eksperimentuhan ay pinaniwalaan na hindi nabawasan ng timbang noong namatay ang mga ito. Dahil sa mga ganitong resulta, malakas at matibay ang paniniwala ni Duncan na kasama sa bigat ng tao ang kanyang kaluluwa, at naalis ito sa tuwing humihiwalay ang mga ito sa katawan ng isang tao at ang mga hayop kagaya ng aso ay walang kaluluwa.

Ang eksperinemtong ito ay nakilala bilang 21 grams experiment.

Duncan Macdougall:

21 grams experiment - Wikipedia

Kilalanin naman natin ang physician na si Duncan Macdougall. Ayon sa ilang researh patungkol sa taong ito, siya ay isang relihiyosong tao, ngunit hindi alam ng kahit sino kung anong relihiyon mayroon ang taong ito. Ang taong ito ay ipinanganak noong 1866, at hindi  lamang ito basta basta physician subalit isa itong head nang research society. Dahilan upang ito ay maging isang maimpluwensya at malaking tao noong kanyang kapanahunan.

Ang kanyang eksperimento patungkol sa tao at sa kaluluwa ng tao ay hindi na kailanman naulit. Ang ganitong eksperimento ay hindi na din mismo naulit ni Duncan, ngunit noong 1911, ang kanyang atensyon ay natuon naman sa iba pang bagay. Well, gamit ang isang z-rays at iba pang kagamitan, naghanap lang naman ng paraan si Duncan upang makuhan ng litrato ang mismong kaluluwa ng isang tao sa kanyang kamatayan subalit hindi na ito naipagpatuloy pa.

Debate:

About 21 grams

Magmula noong mailabas ang kanyang pag-aaral patungkol sa tao at patungkol sa kaluluwa nito. Umani ito ng iba’t ibang mga reaksyon, ang iba ay naniwala habang ang iba naman ay hindi natuwa sa kanyang naging pag-aaral. Ayon sa ilang research, isang ding physician mismo ang tumaliwas kay Duncan. Ito ay si  Augustus P. Clarke.

Ayon kay Clarke, sa sandaling ang isang tao ay malagutan ng hininga ang baga nito ay tumitigil na din na palamigin ang dugo. Dahil sa ganitong pangyayari, ang temperatura ng katawan ay tataas ng kaunti. Kapag ang temperatura ay tumaa, ito ang magiging dahilan upang maglabas ng ilang pawis ang balat at ito na marahil ang dahilan kung bakit nawawalan ng 21 grams ang timbang ng isang patay na tao.

Ngunit ayon kay Duncan, ang ganitong pangyayari ay tumitigil sa sandaling huminto na din ang pagtibok ng puso, dahilan upang ang katawan ay hindi uminit at maglabas ng isang pawis. Ang ganitong pagtatalo ay umabot hanggang matapos ang taong 1907, na sinang-ayunan ng maraming tao ang magkabilang panig.

Ang kanyang eksperimento ay hindi na din tinggangap ng kahit anong scientific community at pinaratangan na ang mga bagay at mga paraan na kanyang ginawa ay hindi makatotohanan at hindi katanggap tanggap. Ayon naman sa isang Australian science communicator na si Karl Kruszelnicki, ang pasyente na kanyang mga isinama sa eksperimento ay kanyang lamang pinili at tinanggap nya lamang ang mga pinili niyang resulta upang mas maging kapanipaniwala.

Idinagdag pa ni Karl ang bilang ng pasyente na kanyang pinag-aralan at inobserbahan, at kinuwestyon ang paraan ni Duncan kung paano nito nalaman ang eksaktong oras ng pagkamatay ng isang tao. Ayon naman sa isang physicist na si Robert L. Park, ang eksperimentong nagawa ni Duncan ay hindi matatanggap bilang isang magandang pag-aaral.

Ayon naman sa isang psychologist na si  Bruce Hood, ang pagkawala ng timbang ng mga pasyente na pinag-aralan ni Duncan ay hindi kapani-paniwala at ang kanyang mga nalaman at narecord ay matatawag na “unscientific”. Marami pang mga eksperto noon at hanggang ngayon ang tumataliwas sa nagawang pag-aaral ni Duncan at tinitignan lamang ito na hindi makatotohanan.

Isa pa sa malaking kritisismo na tinanggap ni Duncan ay ang paniniwalang nilason iya ang halos labin limang aso na kanyang pinag-eksperimentuhan upang malaman lamang kung ito ba ay may kalululwa o wala.

Science:

21 grams experiment debunked Archives - Holy Koolaid

Magmula din noong lumabas ang ganitong pag-aaral, ilang mga tao, manunulat, at iba pang mga makukulay ang utak ang ginawang  inspirayon ang ganitong teorya. Magmula sa isang kanta, sa isang nobela at maging sa isang palabas. Mga palabas katulad na lamang ng “21 Grams” at ang ” The Lost Symbol” na isinulat ni Dan Brown.

Ngunit para sa mga eksperto, ang ganitong teorya ay hindi makatotohanan. Ayon sa ilang research, ang pagkakilala sa taong patay noon at ngayon ay magkaiba. Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pagtingin sa isang patay noon ay kung ang pagtibok ng puso nito ay tumigil na, ang pagdedeklara ng patay ngayon ay kung ang utak ay hindi na gumagana. So magkaibang magkaiba talaga.

Ayon pa sa ilang pag-aaral, ang isang taong tumigil na ang puso ay maari pa itong mapa tibok, nagkaroon din ng ilang senaryo na ang isang doktor ay nakapagpatibok pa ng puso ng isang pasyente makalipas ang halos apa’tnapung minuto.

Naniniwala ang ilang mga eksperto ngayon na kulang pa sa kaalaman ang ibang doktor noon kumpara sa ngayon.

Ayon sa ilang mga debunkers ng teorya na ito, ang katawan ng isang tao sa sandaling ito ay mamatay, ito ay maglalabas ng maraming gas sa kanyang katawan. Ang ganitong pangyayari ang nagiging dahilan kung bakit nababawasan na lamang ng bigla ang timbang ng isang namatay na tao. Ayon sa isang Research Assistant na mula sa University of Cambridge na si Shivani Shimpi, ang  lahat ng mass sa mundo ay maaring matimbang. Naniniwala ang taong ito na bukod sa lahat ng elemento na mayroon ang ating mundo, mayroon pang tinatwag na “Subtler dimension”.

Ayon kay Sundar Nimai, ang kaluluwa ay hindi gawa mula sa isang matter. Ibig sabihin, hindi masusukat ang kaluluwa ng kahit anong materyal na gawa ng tao. Sa tuwing ang isang tao ay nagtitimbang ng isang bagay, ang tinitimbang ay ang sum of mass na mayroon ang elements na mayroon dito. Halimbawa na lamang ang carbon, hydrogen, oxygen, nitrogen, so ang kaluluwa ng isang tao ay hindi gawa mula sa mga elemento na ito dahilan upang hindi ito masukat.

Ayon sa isang pathologist na mula sa  University of California, San Francisco. na si Robert Stem

“I’ve been dealing with death for 45 years and I can say with some confidence there’s nothing in it,”

Ang isang patay na katawan ay maari talagang mabawasan ang timbang dahil sa tinatawag na  intercellular structures. Ang  intercellular structures na tinatawag na lysosomes ay naglalabas ng enzymes na kung saan sumisira sa katawan upang maglabas ng ilang gas at ilang liquid. Ito na mismo ang dahilan kung bakit maaring magkaroon ng isang malaking pagsabog sa isang lugar ng mga libingan.

Ilang mga eksperto ang gumawa ng parehong eksperimento ngunit hindi sa isang tao, kung hindi sa isang daga, katulad na lamang nang nangyari sa mga aso na pinag eksperimentuhan ni Duncan. Ang mga daga ay hindi din nabawasan ng timbang at dito naniniwala din ang ilan na walang kaluluwa ang mga ito.

Noong 2001, isang pag-aaral ang lumabas na tinawag bilang “Unexplained Weight Gain Transients at the Moment of Death”. Labing dalawang hayop ang pinag eksperimentuhan ng mga eksperto. Isang lalaking tupa, pitong babaeng tupa, tatlong batang tupa at isang kambing. Ayon sa pag-aaral, noong namatay ang mga hayop na ito ay nagkaroon ng isang kakaibang pangyayari.

Nagkaroon ng pagdagdag sa timbang na umabot sa halos 18 hanggang 780 grams na tumagal ng halos isa hanggang anim na segundo. Ngunit ang ganitong pangyayari ay nakita lamang sa pitong babaeng tupa, ngunit hindi sa mga  batang tupa o sa kambing. Ang ganitong pangyayari ay nangyari noong ang mga hayop na ito ay namatay at ang paghinga, paggalaw ng ilang bahagi ng katawan ay tumigil na.

Ayon sa mga eksperto,  isa itong abnormal at hindi natural na pangyayari at hindi ito nagpapakita ng pagkawala ng timbang na sinasabi sa Newton’ s Third Law. Naniniwala ang mga researcher na walang permanenteng timbang ang isang nilalang sa tuwing ito ay namamatay.

Ang pag-aaral na ginawa ni Duncan ay walang sapat na ebidensya kung kaya’t ang ibang mga eksperto ay tumataliwas sa kaniya. Totoo nga naman na kulang pa sa kagamitan at kaalaman ang ilang mga eksperto noong nakaraang panahon.

Nasa inyo kung anong paniniwala ninyo. Kung naniniwala kayong may timbang o bigat ang isang kaluluwa nasa inyo yan. Para sa mga magtatanong bakit hindi inulit ang 21 grams experiment, kung nakinig ka, malalaman mong inulit ito sa ibang hayop. Pero pagdating sa tao, it was already concluded na dahil ito sa mga structures ng ating katawan kaya tayo nababwasan kapag namatay at walang dahilan na nakikita ang ibang mga eksperto para ulitin pa ito.

Sources

Sources

  1. https://www.researchgate.net/publication/237411060_Unexplained_Weight_Gain_Transients_at_the_Moment_of_Death
  2. https://www.theguardian.com/film/2004/feb/19/science.science
  3. https://www.quora.com/Why-is-the-human-soul-said-to-have-a-weight-of-21-grams’
  4. https://www.youtube.com/watch?v=BnTS8vsEiic
  5. https://en.wikipedia.org/wiki/21_grams_experiment
  6. https://www.discovermagazine.com/mind/the-man-who-tried-to-weigh-the-soul

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang pagiging bakla ba or tomboy ay isang mental disorder?

Bakit tayo naluluha pag naghihiwa ng sibuyas