Ang masaklap na karanasan ni Hisashi Ouchi – Radiation Effects

Reading Time: 10 minutes

Ano nga ba ang pinaka malalang pagkamatay na makakamit ng isang tao? Pagpugot? Pagpapahirap? Pagsaksak? Ano pa bang naiisip nyong mahirap na pagkakamatay? Pero wala ng mas hihirap pa ung tipong inaakala mong mahal ka nya yun pala mahal nya ung iba. Boom!

Pero maiba tayo, sa japan may kinikilalang isang taong namatay ng sobrang hirap. Ang taong ito ay si Hishashi Ouchi.

The Accident:

tokaimura-accident-nuclear-lab | Nuclear disasters, Japanese plants,  Nuclear energy

Kilala ang Tokaimura Nuclear Power Plant sa Japan at ang JCO, Japanese Nuclear Fuel Conversion company ang nagpapatakbo ng plantang ito. Bukod pa sa pangyayari noong September 30,1999. Taong 1997, March 11 ay dumaan din sa aksidente ang planta ng Donen. Ito ay tinawag na Donen Accident at halos 37 na trabahador ang siyang na expose sa eleveted levels ng radiation.

Makalipas ang ilang linggo, na detect ng mga meteorological officials ang isang kakaibang level ng caesium 40 kilometers mulas a south west ng plantasyon. Noon namang 1999 ay inireport na ito ay naganap sa maliit na fuel preparation ng planta. Lumabas na ang pinaka dahilan ng aksidente ay dahil sa paglalagay ng sobrang uranyl nitrate solution na siyang nagtataglay ng halos 16.6Kg ng uranium.

Ang tangke nga na kanilang ginamit ay hindi nakadisenyo para tunawin ang ganitong uri ng solution at hindi din ito nakadisenyo upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente. Dahil dito ay tatlong trabahador ang silang na exposed sa excess amount of dosage na tinatawag na neutron radiation.

Ito ang dahilan upang ang tatlong lalaking sina Hisashi Ouchi na 35 years old, Masato Shinohara na 54 years old at Yutaka Yokokawa na 39 years old ay masama sa aksidenteng ito. Sila ang tatlong lab workers na nakatoka noon sa planta at sila din ang tatlong naexpose sa napakraming dosage ng radiation.

Pinaniniwalaan na ang mga ito ay kulang sa kaalaman, experience, hindi marunong gumamit ng mga safety equipment at hindi masyadong naturuan mula sa pagpapagana ng makina dahilan upang makapaglagay ng sobrang uranium.

Bukod sa kanilang tatlo ay halos 667 na katao ang na expose din mula sa paglabas ng mga heavy fission at chain reaction na tumagal ng halos 20 hours. Dito ay namatay sina Ouchi at Shinohara na silang labis na naexpose sa radiation.

Hisashi Ouchi:

A picture of Hisashi Ouchi taken shortly after he was exposed to 17 Sv of  radiation (8 is lethal). His chromosomes were all destroyed, and over the  next two months he was

Kung 3 ang pinaka naapektuhan bakit mas kinilala ang pagkamatay ni Ouchi?

Ayon sa report, si Ouchi ay na exposed sa 17 sieverts ng radiation. Ayon sa pag-aaral ang pagka exposed ng isang tao sa 8 sieverts ng radiation ay makakapag bigay na ito ng labis na epekto sa katawan ng tao. Halos 50 milli sieverts lamang ang annual dosage na maaring makuha ng mga Japanes Nuclear workers. Annual yan, ibig sabihin once a year dapat nasa 50 mili sieverts lang. Ang nakuha naman ng kanyang dalawang kasama 10 sieverts at ang tatlo ay agad na itinakbo sa pinaka malapit na ospita sa Mito Hospital.

Mula sa report patungkol sa nangyari kay Ouchi, ito ay dumanas ng halos 100 percent serious burn na hindi lamang sa labas ng kanyang katawan ngunit maging sa kanyang internal organs. Lumabas pa na ang count ng white blood cells mula sa kantang katawan ay halos mapunta na sa zero, dahilan upang masira at maapektuhan ang buong immune system at masira ang buong DNA nito dahil sa radiation na kanyang nakuha.

Lumabas na dahil sa radiation ay nasira ang mga chromosomes mula sa kanyang cells. Ang mga chromosomes ang siyang nagsisilbng blueprint ng katawan ng tao at nagatataglay ng genetic information na mayroon ito. Ayon sa pag-aaral, ang chromosomes ng tao ay mayroong kanya-kanyang numero at maari itong maayos kung sakali mang magulo.

Ngunit para kay Ouchi, ang kanyang chromosomes ay hindi na maayos dahil sa radiation. Ayon sa mga doktor, ang chromosomes ni Ouchi ay hiwa-hiwalay at ang ilan naman ang nadikit sa isa’t isa. Dahil sa ganitong pangyayari at pagkasira ng mga chromosomes,h indi na muling makakagawa pa ng bagong cells.

Ayon sa report ng mga doktor, unang nakita sa labas ng katawan ni Ouchi ang epekto mula sa radiation. Pasintabi sa mga kumakain dyan. Nilagyan ng mga doktor ng surgical tapes ang bahagi ng katawan kung saan naapektuhan ng radiation. Ngunit habang tumatagal at sa pagtanggal at pagpapalit ng mga tapes na ito, sumasama ang ng paunti unit ang balat ni Ouchi. Ito ang dahilan upang tigilan na nila ang paglalagay nito.

Kung tayo ay nagkakasugat at sa tuwing ito ay ating binabalatan, ito ay gagaling at di kalaunan ay mapapalitan ng bagong balat. Nguniti para sa balat at sa sitwasyon ni Ouchi, dahil nga sa kanyang irradiated skin, hindi na ito makapag produce ng panibagong cells na papalit sa nawalang balat.

Bukod pa sa kanyang problema sa balat, iba’t ibang mga infection pa kanyang nakuha. Magakakaroon din ito ng fluid retention na dahilan upang mahirapan itong huminga.

Ayon sa pag-aaral, sa loob ng ating nucleus, mayroon itong maliit na microscopic bodies na tinatawag ngang chromosome na mula naman sa ating DNA. Tulad nga ng kaalaman mo sa DNA o chromosome, ito ang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan, mula sa gender at maging sa iba’t ibang uri ng cells upang tayo ay mabuhay. Kung masisira man ang ating DNA, pinaniniwalaan na mamatay din ang ating mga cells at hindi na ito makakapagparami.

83 Days Suffering:

Hisashi Ouchi And Masato Shinohara – The Victims Of The Nation's Worst  Nuclear Accident | Mysteriesrunsolved | Fun facts, Victims, Nuclear

Dahil sa mga internal infection at halos walang balat na si Ouchi. Ang katawan ng lalaking ito ay unti-unti nang nalalason mula sa labas hanggang sa loob.

Ayon sa mysteries unsolved, sa paulit ulit na skin transplant, patuloy itong nauubusan ng body fluids mula sa mga butas sa kanya skin burn at ito na rin ang dahilan upang maging unstable ang kanyang blood pressure. Inireport pa nga na maging ang kanyang mata ay dumudugo.

Kahit na ganito na ang kondisyon ni Ouchi, mula sa National Institue of Radiological Sciences sa Chiba,inilipat ito sa University of Tokyo Hospital. Mula sa ospital na ito, pinaniniwalaan na dumaan ito sa iba’t ibang test. Tulad na lamang ng pinaka-unang transfusion ng peripheral Stemcells. Ang ganitong transfusion ay naglalayong matulungan ang white blood cells na gumana muli at makapag produce ng bagong cells.

Tinutukan nga ng gobyerno ng Japanese ang kaso ni Ouchi. Nagsama-sama ang mga medical expert mula sa iba’t ibang parte ng Japan at maging sa ibang bansa upang subukang gamutin ang kalagayan ni Ouchi. Dahil na din sa kahinaan ng katawan ni Ouchi, ang tumutulong na lamang para mabuhay ito ay ang pagbibigay dito ng malaking amount ng dugo at fluids araw-araw. Bukod pa dito, binibigyan din ito ng maraming gamot na mula pa sa iba’t ibang bansa.

Nagkaroon nga ng report na iminungkahi na lamang ni Ouchi na siya ay mamatay at tapusin na ang kanyang buhay imbes na gawan sya ng iba’t ibang test at mga eksaminasyon. Ngunit dahil sa kagustuhan ng mga doktor na mapatunayan na kaya nilang gamutin ang lalaking ito, hindi nila pinayagan na basta na lamang itong mamatay.

Ito ay kanila pang nabuhay sa loob ng 83 days. Ayon sa ilang report, noong pang 59 day ni Ouchi, tatlong beses tumigil ang kanyang puso sa loob ng 9 minutes. Ngunit narevive muli at naging dahilan upang ang utak at kidney nito ay labis na maapektuhan. Dito ay hindi na nakayanan ng katawan at maging ng kahit anong suporta mula sa mga makina ang multi-organ failure na siyang nangyari kay Ouchi na naging dahilan ng tuluyan niyang pagkamatay noong December 21,1999.

Mula sa insidente, anim na employess, kasama ang plant administrator at isang survivor mula sa tatlo na naexpose sa radiation na si Yutaka Yokokawa ay nag plead guilty mula sa kanilang kaso. Maging ang presidente ng JCO ay nag pleaded din ng guilty para sa kanyang kompanya.

Noong 2000, nirevoke ng Japanese government ang lisensya ng JCO at ito ang pinaka unang nuclear power plant operator na nakakuha ng penalty mula sa Japanese law mula sa nuclear fuel, materials at reactors. Pumayag din ang kumpanya na magbayad ng kompensasyon na 121 million dollars para sa halos 6,875 na taong naexposed sa radiation at mga taong naapektuhan ang agrikultura at mga negosyo.

Ang Prime minister naman ng Japanese noon na si Yoshiro Mori ay nagpadala ng kanyang pakikiparamay at ipinangako na ang gobyerno ay gagawin ang lahat upang hindi na maulit ang ganitong uri ng insidente.

Ngunit noong taong 2011 ay naganap naman ang Fukishima Daiichi nuclear disaster sa Japan.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/PwN5EVshR7g

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ganito ang nangyayari sa utak ng baliw

Ganito ang ginawa ni Holmes para matago ang kanyang mga pinatay