Ang kwento ng Andromeda Galaxy

Reading Time: 22 minutes

Ang pinakamalaking galaxy sa local group ay ang milky way. Ito ang ating galaxy pero hindi natin yan paguusapan ngayon. Ang paguusapan natin ay ang galaxy na bubungo sa ating milky way, ang andromeda. Nakalkula na ng mga eksperto na ang milkyway at ang andromeda ay magsasalpukan pagdating ng panahon. Pero ano bang meron sa galaxy na ito? Kung sakaling sumalpok ito sa galaxy natin, may pagasa bang makasurvive ang ating mundo?

Ang topic na ito ay nirequest nila Wiz Enhara, Shadow gamer, Lexus Play_Official, Jerjer Kuh at UnstoppableDonuts.

What is Andromeda Galaxy:

Andromeda Galaxy | NASA

Ayon sa mga research, ang Andromeda galaxy ay kilala din sa tawag na Messier 31 o M31. Ang galaxy na ito ay isang spiral galaxy na ang layo nito sa mundo ay aabot ng 2.5 million light-years. Ang Andromeda din ang pinaka malapit na galaxy sa Milky Way.

Ayon sa pag-aaral, ang pangalang Andromeda ay nakuha mula sa itaas na bahagi ng mundo na laging tinitingala ng mga tao. Nakuha ang pangalan dahil nakita ito sa constellation ng Andromeda. Ang viral mass na tinatawag ng mga eksperto, na kanila din nakita sa galaxy na ito ay kapareha ng magnetitude na mayroon ang Milky Way.

Katulad na lamang ng Milky way, ang mass ng galaxy na ito ay hindi din matukoy ng tiyak. Ngunit kung pagkukumparahin ang dalawang ito, mas malaki ang andromeda ng halos 25 percent hanggang 50% sa Milky way.
Pero noong taong 2018 kinuwestyon ang ganitong paniniwala dahil sa lumabas na pag-aaral na nagpapakita na ang mass ng Andromeda ay mababa lamang. Nitong 2019 naman isang pagaaral ang ginawa sa mass ng milkyway at ayon dito, mas malaki ang ating milkyway.

Ang diameter na mayroon ang Andromeda ay nasa 220.000 light year o 67 kpc. Ito ang pinaka malaki sa mga local group ng mga galaxy. Ang dami ng bituin na mayroon ang galaxy na ito ay pinaniniwalaan na aabot sa isang trilyon o hindi naman ay mas marami pa kumpara sa dami ng Milky Way.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang dalawang malaking galaxy na ito ay inaasahan na magbanggaan o magkasalubong. Ang pangyayari na ito ay magaganap sa pagkalipas ng halos 4.5 billion years magmula sa panahon ngayon. Katuald nga nang nasabi ko kanina, maari itong maging isang malaking elliptical galaxy o hindi naman ay malaking lenticular galaxy.

Dahil sa malinaw na magnetitude na mayroon ang Andromeda, ito ang dahilan upang makita ito sa ating mundo. Ito ang pinaka maliwanag na galaxy sa catalouge ng isang French astronomer na si Charles Messier. Makikita itong nagliliwanag sa gabing mababa lamang ang buwan dahilan upang madilim ang kalangitan, ngunit maari din itong makita kahit na mayroong kaunting ilaw mula sa ating mundo o ung mga artificial lights.

History of Andromeda:

History of Andromeda galaxy studied through stellar remains

Ayon sa history, noong taong 964 CE inilarawan ng isang Persian astronomer na kinilala bilang si Abd al-Rahman al-Sufi ang Andromeda galaxy bilang isang maliit na ulap sa kalangitan na kanyang isinulat sa kanyang libro na pinamagatang “Book of Fixed Stars,”. Ang kanyang paglalarawan ang pinaka unang report patungkol sa Andromeda.

Noong taong 1764, kinilala ito ng isang astronomer na si Charles Messier bilang M31 na kung saan inereport niya sa isang German astronomer na kinilala bilang si Simon Marius. Ang German astronomer na ito ang naging daan upang mangyari ang pinaka unang telescopic observation sa galaxy na ito.

Naunang nakilala ang galaxy na ito bilang “Great Andromeda Nebula”. Inakala ng mga astronomers na isa lamang itong malaking liwanag mula sa glowing gas o hindi naman ay isang nabubuong bagong solar system.

Bago pa pumasok ang 20th century, nalaman ng mga eksperto na ang kinikilala nilang andromeda spiral nebula ay isang indibiwal na bituin. Ang ganitong paniniwala ng mga eksperto ay naging simula ng isang pagtatalo kung ang Andromeda spiral nebula na ito at ang iba pang spiral nebulae ay hindi kasama ng Milky Way, o sa madaling salita ang mga galaxy na ito ay hindi nakapaloob sa Milky Way.

Noong 1920’s isang American astronomer na kinilala bilang isa Edwin Hubble ang tumugon at nagpatigil sa pagtatalo na ito. Ang astronomer na si Edwin ay gumamit ng isang bagay upang masagot ang pagtatalo na ito. Ginamit niya ang tinatawag na Cepheid variable upang malaman at masukat ang distansya ng isang bituin. Ayon kay Edwin, ang Andromeda galaxy ay isang bagay na hindi kasama o hindi nakapaloob sa Milky Way galaxy.

Ang galaxy na ito ay nabuo noong 10 billion years ago mula sa pagbubunguan ng dalawang galaxy at sinudan pa muli ng isa pang bungguan ng maliiit na protogalaxies. Dahil sa pangyayaring ito, binuo ang andromeda ng isang metal rich galactic halo pati na din ang extended disk ng galaxy.

Dahil sa ganitong kalagayan ng andromeda, maraming bituin ang nabuo dahilan upang ito ay maging luminous infrared galaxy sa loob ng halos isang daang milyong taon. Noong lumipas ang dalawa hanggang apat na bilyong taon, ang andromeda at ang kinikilala ng Triangulum na galaxy ay malapit sa isa’t isa.

Ang ganitong sitwasyon ang naging dahilan kung bakit maraming maliliwanag na bituin ang nabuo sa disk ng Andromeda maging sa globular clusters nito at sa disk ng M33’s. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, makalipas ang dalawang bilyon na taon, ang mga nabuong bituin sa disk ng andromeda ay umuonti o hindi naman ay nawawalan na nang kakayahan na makabuo muli ng panibagong bituin.

Nagkaroon ng isang pangyayari kung saan nagkita ang ilang mga satellite galaxies tulad na lamang ng M32 at M110 at iba pang mga galaxies at ang mgaito ay inasorb lamang ng Andromeda. Dahil na din sa mga pangyayari na ito, nabuo ang tinatatawag na Andromeda’s Giant Stellar Stream.

Pinaniniwalaan din ng mga eksperto na ang mga ganitong pangyayari ay responsable din para sa mga counter-rotating disk ng gas na matatagpuan sa gitna ng Andromeda, kasama na din ang mga batang bituin na pinaniniwalaan na isang milyong taon pa lamang ang tanda.

Andromeda Globular clusters:

The Andromeda Galaxy's Globular Cluster System | CodeXGalactic

Ayon sa mga eksperto, mayroong halos 460 globular cluster ang nakapaloob sa Andromeda galaxy. Ang pinaka malaking cluster ay kinikilala bilang Maya11 na kung saan pinangalanan din bilang “globular one”. Ang cluster na ito ay ang pinaka maliwanag sa lahat ng cluster na mula sa mga local group ng ibang galaxies.

Ang Maya11 ay naglalaman ng halos milyon na bituin at mas maliwanag pa kumpara sa Omega Centauri na ang pinka malaking cluster na nakapaloob sa Milky Way.
Ayon din sa pag-ooberba ng mga eksperto, ang Maya11 ay masyadong malaking cluster kumpara sa isang normal na globular cluster at naglalaman din ng maraming stellar population.

Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang Maya11 ay isang bahagi ng core na mula sa isang dwarf galaxy na hinigop ng andromeda noong unang panahon. Ang pinaka maliwanag na cluster naman ng andromeda ay ang G76, at ang isa pa na malaking cluster na sumunod sa Maya11 ay ang 037 at B327 na nadiskubre naman noong lamang taong 2006.

Ang dalawang cluster na ito na nadiskubre noong 2006 ay mula sa instersllar dust na mayroon ang Andromeda, inakala din ng mga eksperto na ang dalawang ito ay mas malaki pa kumpara sa G1 o sa Maya11. Ang dalawang ito ay nakitaan ng parehong bagay na taglay ng Maya11.

Hindi katulad ng globular cluster na mayroon ang Milky Way na kalat-kalat ang mga ito ay nasa kalagitnaan pa lamang ng kanilang taon. Samantalang ang mga cluster na mayroon ang Andromeda ay nagpapakita ng katandaan na mas matanda pa mismo sa galaxy.

Ang edad ng mga cluster na makikita sa Andromeda ay nasa halos nasa hundred million o hindi naman ay nasa limang bilyon na taon na .Ayon sa research, noong 2005 ay nadiskubre ng mga astronomer ang isang panibagong uri ng star cluster na mayroon ang Andromeda galaxy.Ang bagong cluster na ito ay naglalaman ng libo-libong bituin na kung saan makikita din sa isang globular cluster.

Andromeda’s Structure:

Andromeda's Bright X-Ray Mystery Solved by NuSTAR | NASA

Ang mga inventor at ilang mga eksperto ay nakagawa ng paraan upang mapag-aralan ng mabuti ang mga bagay na nasa labas ng ating mundo.

Ayon sa kanilang pag-aaral patungkol sa itsura at ilaw na inilalabas ng Andromeda galaxy. Inilagay sa de Vaucouleurs–Sandage extended classification system ng mga spiral galaxy ang Andromeda. Ngunit ayon naman sa isang survey na isinagawa ng 2MASS, ang Andromeda ay isang barred spiral galaxy na tulad ng Milky way.

Noong 2005 ginamit ng mga astronomer ang Keck telescopes upang ipakita ang mga mahihinang bituin na nakakaklat lamang sa loob andromeda. Ang mga bituin na ito ay mula mismo sa main disk ng galaxy. Dito napagtanto ng mga eksperto na ang mga spiral disk na bituin ng Andromeda ay mayroong diameter na mas malaki pa nang tatlong beses kumpara sa naunang pag-aaral sa mga ito.

Ang ganitong mga pangyayari ang pinaniniwalaan na dahilan kung bakit lumaki ng halos 220,000 light-years o (67 kiloparsecs) ang andromeda. Ayon sa paunang pag-aaral patungkol sa galaxy na ito, ang laki nito ay aabot lamang sa halos 70,000 hanggang 120,000 light-years. Noong 1998, isang imahe ang inilabas ng European Space Agency’s Infrared Space Observatory upang ipalawinag na ang buong Andromeda ay dumadaan sa pagbabago at ito ay nagiging ring galaxy.

Ang mga gas at dust na mayroon ang galaxy ay pinaniniwalaan na mula mismo sa ilang overrlapping rings at ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ring ang galaxy. Ang radius nito ay aabot sa 32,000 light-years o hindi naman at 9.8 kpc mula sa core. Ang ganitong uri ng galaxy na nabubuo sa andromeda ay binigyan ng pangalan ng mga eksperto at tinawag na “Ring of Fire”.

Dahil sa liwanag na naibibigay ng mismong galaxy, kitang kita ito. Ang ring ay binuo ng mga cold dust at karamihan na din sa mga nabubuong mga bituin ng Andromeda ay iisa din sa dahilan. Sa tulong ng Spitzer Space Telescope, nakita ng mga eksperto ang spiral structure ng Andromeda.

Gamit din ang infrared, nalaman ng mga eksperto na ito ay binubuo ng dalawang spiral arms na nakakabit mismo sa central bar ng galaxy. Ayon sa mga eksperto, ang galamay na mayroon ang Andromeda ay hindi magkakadikit. Lumabas din sa ilang mga pag-aaral na ang inner region ng Andromeda ay nagpapakita din ng mga maliliit na rings at pinaniniwalaan na ang mga ito ay mula sa interaction o pagbungo ng galaxy sa M32 noong 200-million years ago.

Ang ilang mga simulation ay nagpapakita kung paano ang maliit na tulad ng M32 ay pumasok at dumaan mismo sa disk ng Andromeda. Ang ganitong pagdidikit ang naging dahilan kung bakit kalahati ang mass na mayroon ang M32 at naging dahilan kung bakit nagkaroon ng ilang mga ring sa loob mismo ng Andromeda.

Ayon sa ilan pang pag-aaral sa galaxy na ito, maraming bagay ang nkikitang pagkakatulad nito sa sarili nating Milky Way galaxy. Dahil sa mga ganitong pagkakapareho, pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang dalawang galaxy na ito ay dumaan sa parehong evolutionary path. Ang Milky way at ang Andromeda ay humigop at kumain ng halos isa hanggang dalawang daan na low mass galaxy sa loob ng halos 12 billion year.

Is there a LIFE in Andromeda Galaxy:

Astronomers Are Looking For Signs Of Alien Life In The Andromeda Galaxy |  IFLScience

So kung parehas ang milkyway at andromeda, ibig bang sabihin meron ding earth like planet duon? At more importantly, meron ba itong buhay?
Dahil ang Andromeda ay isang napakalaking galaxy at naglalaman ng maraming mga bituin, naniniwala ang mga eksperto na ito din ay naglalaman ng maraming mundo tulad na lamang ng galaxy na mayroon tayo. Kung tatanungin kung ilan ang mundo na maryoon ito, walang eksaktong sagot ang mga eksperto, ngunit naniniwala ang ilan na mayroong halos limang bilyong planeta ang nakapaloob mismo sa galaxy na ito.

Hindi na bago ang mga idea na mayroong ibang nilalang na nabubuhay sa universe na mayroon tayo. Kung ano-anong gamit na ang ginamit ng mga eksperto upang magpadala ng kung anong mensahe sa ilang bahagi ng kalawakan at umaasa na mayroon tumugon sa kahit ano sa kanilang ipinadala.

Hindi nakaligtas ang Andromeda sa nais na kilalanin pang mabuti ng mga eksperto. Nagbabakasakaling mayroon ibang buhay sa loob ng galaxy na ito. Ayon sa isang researcher na si Alex Polanski


“We’re in the process of surveying (Andromeda) right now and getting what’s called ‘the pipeline’ up and running,”

Ayon sa science daily, ang mga nakuhang litrato mula sa telescopes na ginamit ng mga eksoperto ay mabuting pag-aaralan upang malaman kung mayroon bang ebidensya ng buhay ang malaking galaxy na ito. Ang mga tagpi-tagping larawan na nakuha sa Andromeda ay kanilang pagdidikit-dikitin upang mabuo ito at mapagsimulan ng kanilang pag-aaral.

Ayon sa isang physicist na si Caitlin Gainey,

“In the Trillion Planet Survey especially, we experience something very inspiring: We have the opportunity to look out of our earthly bubble at entire galaxies, which could potentially have other beings looking right back at us,”

Ang mga taong ito ay hindi nawawalan ng pag-asa na makakilala ng panibagong nilalang mula sa labas ng kalawakan at hindi nawawalan ng pag-asa na ang mga ito ay hinahanap din ang mga taong nakatira sa mundo.

“The mere possibility of extraterrestrial intelligence is something very new and incredibly intriguing, so I’m excited to really delve into the search this coming year.”

Naniniwala ang ibang mga eksperto na ang ganitong pag-aaral ay nangangailangan ng malaking pasensya at pagtiyaga dahil nga ang layo ng Andromeda sa ating mundo ay halos 2.5 million light years. Ayon sa ilang mga eksperto kung sakaling makarating man ito sa andromeda ay maaring wala nang nilalang nabubuhay dito at maaring hindi na din buhay ang mundo kung sakaling makapagbigay sila ng sagot dito sa ating mundo. Kasi nga naman millions of light years ang itatagal bago makasagot ang isang buhay na planeta so baka wala na tayo nuon.

Pero ang ideyang na ito ay hindi hadlang para sa mga eksperto na tumigil. Ayon muli kay Polanski

“I think if you were to take someone outside and you were to point at some random star in the night sky and see that is where life is, I think you would be hard pressed to find anyone who would not look at that star and just feel something very deep within themselves,”

Kung ang mga tao ay nakakahanap ng paraan upang makita at mapag-aralan ang mga fossils na mula pa noong magsimula ang mundo, ang paghihintay ng matagal na panahon ay hindi hadlang upang makilala pa mismo ang ibang nilalang na nabubuhay sa kalawakan.

Can we reach Andromeda:

Decolonizing Space Exploration in Fiction and Reality | The Mary Sue

Ang mga tao ay hindi nawawalan ng ideya sa lahat ng bagay. Ayon sa mga eksperto, ang mga tao ay maaring makapunta sa iba’t ibang parte ng kalawakan. Ang mga ekperto ay nakabuo ng isang ideya patungkol sa kanilang tinatawag na “Intergalactic travel”. Ito ay isang bagay na maaring gawin lamang ng isang sasakayang pangkalawakan o maari ding sakyan mismo ng tao upang mapuntahan ang mga lugar sa ating kalawakan. Ang ganitong teknolohiya na naisip ng mga eksperto ay magagawang makagala sa galaxies na magbibigay ng isang bagay na makikita lamang sa mga science fiction.

Maraming mga paaralan at mga unibersidad ang nag-aaral patungkol sa paggawa ng ganitong bagay. Ang mga eksperto ay pinag-aaralan ang mga maaring makatulong sa kanila upang mabuo intergalactic travel. Hindi din nawawala sa kanilang isipan ang ilang mga problema na kakaharapin kung sakaling magawa man ito ng mga tao.

Nangangailangan ng malaking sasakyan upang magawa ng mga tao na makapunta mismo sa Andromeda. Ang sasakayan na ito ay kailangan gumamit ng biglaang acceleration at nangangailangan din ng biglaang paghinto upang ito ay hindi magdedere-deretso at lumampas sa kanyang destinayson. Ang ganitong bagay ang malaking problema ng mga eskperto. Sympre nga naman sa sobrang bilis nito pag huminto ang sasakyan lahat ng pwersa ng paglakbay nito ay mapupunta sa mismong sasakyan.

Isa pa sa tinitignan na posibilidad ng mga eksperto ay ang Alcubierre drive na pinaniniwalaan na mas mabilis pa kumpara sa bilis na nagagawa ng liwanag. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding paraan upang magawa ang mga bagay na ito. So, i guess we just have to wait hanggang sa madiskubre at makahanap na nang paraan ang mga eksperto.

Milky Way and Andromeda Galaxy Crash:

NASA - NASA's Hubble Shows Milky Way is Destined for Head-On Collision

Katulad nga nang mga nabanggit ko kanina, ang Andromeda at ang Milky Way Galaxy ay inaasahan na magbubunguan sa loob lamang ng ilang bilyong taon. Dahil na din sa pagkain ng Andromeda ng mga maliliit na galaxies noong unang panahon, ito ay lumaki hanggang maabot na nito ang laki ng sarili nating galaxy.

Naniniwala ang mga eksperto na kung ito man ay mangayari, ang galaxy na mayroon tayo ay kakainin lamang at sasakupin ng Andromeda at wala magagawa ang tao patungkol dito.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng Andromeda sa mga nakakasalubong nitong galaxy ay paiba-iba. Sa madaling salita iba’t ibang istilo ang ginagawa ng Andromeda upang masakop ang isang maliit o malaking galaxy. Ayon sa mga eksperto, kung mangyari ang bagay na ito, ang araw na mayroon tayo ay maitatapon ng force na mula sa pagkikita ng dalawa. Ito ang maaring dahilan kung paano unti-unti mawalan ng buhay sa mundo at ito ay mamatay na lamang.

Pero hindi lamang ang pagsakop ng Andromeda ang kailangan paghandaan ng mga tao sa hinaharap. Ayon sa isng pag-aaral na mula sa Astronomical Society, ang malaking Magellanic Cloud ay inaasahan na babangga sa Miiky way sa loob ng halos dalawang bilyong taon.

Ang malaking Magellanic Cloud na ito ay isa sa satellite galaxy na mayroon ang Milky Way. Pero ito ay bago pa lamang at halos nabuo lamang noong 1.5 billion years ago. Ito na ang pinaka maliwanag na satellite galaxy na mayroon ang Milky way at ang layo nito ay 163,000 light-years lamang.

Ito ay nagtataglay ng malaking mass, inaasahan ng mga eksperto na sa sandaling ito ay mawalan ng enerhiya, magagawa nitong pumasok na nang tuluyan sa at bumungo na mismo sa Milky Way.

Kung sakaling maganap ang pagsasagupaan, inaasahan na maaring mabuhay ang mga malalaking black hole na mayroon sa kalawakan na maaring maglabas ng kakaibang radiation na sisira mismo sa mga bagay sa kalawakan..

Ang mga nasa kalawakan ay isang inspirasyon para sa mga taong gusto itong pag-aralan at humanap ng ibang nilalang na nabubuhay dito. Ngunit ang mga bagay na makakatulong para sa mga tao ay hindi pa nagagawa at wala pang mga kagamitan upang mapatakbo ang mga ito. Ang layo ng mga bagay sa ating mundo ang isa sa pinaka malaking problema na kinakaharap ng mga eksperto.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/T5nhFTE7l4g

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pera nga ba ang ugat ng kasamaan? Ano bang sabi sa bibliya?

Ganito ang nangyayari sa utak ng baliw