Bakit tayo naluluha pag naghihiwa ng sibuyas

Reading Time: 11 minutes

Topics

Bakit po tayo naluluha tuwing naghihiwa ng sibuyas?

Kung ikaw ay isang tao sa kusina, ung mga mahihilig magluto o hindi naman kaya ay taga hiwa ng mga sahog na ilalagay sa isang putahe. Malamang ay alam mo na ang isang sahog na kasama na halos sa lahat ng putahe na niluluto sa iyong tahanan. Ito ay hindi mawawala sa mga pagkaing gisado. Ang bagay na nakakapag paiyak sa lahat ng tao. Kahit na wala itong ginagawang masama sa iyo ay mapapansin mo nalang na ikaw ay sinisipon at umiiyak na. Ang malaking tanong ano ba ang mayroon sa isang sibuyas upang mapaiyak nito ang mata ng isang tao.

Sa kaunting paghiwa mo pa lamang sa bagay na ito ay hahapdi na ang iyong mat at mapapaluha na lamang ito. Bakit ? ano nga ba ang meron dito ? Alamin natin ang sikreto ng gulay na ito.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Ang tanong na ito ay mula kay Jessie aspilla at ito ang ask bulalord.

Chemical of a onion:

Ano bang meron ang isang sibuyas na wala ang ibang mga pagkain?
Ayon sa pag-aaral, ang isang sibuyas ay gumagamit ng sulfur noong ito ay nakalubog pa lamang sa lupa upang makagawa ng isang amino acid sulfoxides. Ang mga compounds na mayroon ang isang sulfur ay maari itong maging gas o isang nakaka iritang kemikal. Dahil sa mga bagay na mapanganib sa isang sibuyas habang ito ay lumalaki at umuusbong pa lamang ilalim ng lupa, ito ang paraan niya upang mabuhay at magtagal. Kumbaga defense mechanism yan ng sibuyas.

Ang mga bagay na ito ay maiipon sa loob ng isang sibuyas, kung kaya’t kung kapag hiniwa mon a ito; lalabas ang mga sulfoxides at enzymes. Ayon sa ilang research, ang unang akala ng mga eksperto ay dahil sa mga ito ay nakakapaglabas ng isang chemical na tinatawag na syn-propanethial-S-oxide ang sibuyas. Pero sympre alam na ng mga eksperto ngayon ang tunay na dahilan nito.

Kung ito ay dumaan sa mata ng isang tao, tatamaan nito ang tinatawag na lachrymal gland ng ating mata at ito at maglalabas ng luha sa dalawang mata natin.

Ayon naman sa ilang pag-aaral, nalaman ng mga eksperto na ang dalawang chemical na mula sa sibuyas ay nakaka-gawa ng isang lachrymatory agent. Ang chemical na ito ay isa sa mga kailangan upang makagawa ng isang tear gas, na kung ito ay tatama sa mata ng isang tao; ito ang magiging dahilan upang lumuha ito.

Ang paglalabas ng luha ng ating mata ang magiging paraan upang mawala ang nakakairitang chemical na ito. At yan ang dahilan kung bakit napapaluha tayo kapag naghihiwa ng sibuyas. Pero sympre alam kong hindi pa ditto natatapos ang tanong mo kaya’t ipagpatuloy pa natin.

RISKS:

Ayon sa pag-aaral, dahil nga ang sibuyas ay isang pagkain na nakakapaglabas ng isang nakakairitang kemikal na ginagamit din upang makagawa ng isang tear gas, maaiisip mo kung ito ay delikado sa ating mata.

Kung titignan, kung ang isang tao ay tinamaan o nakalanghap man lang ng bagay na ito; maari itong makapaghatid ng malalang sakit sa mata. Mula din sa bagay na ito maaring magkaroon ng isang respiratory pain dahilan upang mahirapan huminga ang isang tao, isang skin irritation, pagdudugo at maari itong makabulag sa tao.

So, ang isang sibuyas ba ay mayroong kakayahan na mabulag ang isang tao ?

Ang isang sibuyas ay mayroong iba’t ibang uri at kulay. Nariyan ang puti, dilaw, pula; green onion at ang tinatawag na scallions onions. Ayon sa isang Ophthalmologist na si Dr. Robert Rosa Jr, ang mga pula, dilaw at puting sibuyas ay malakas makapaglabas ng mga enzymes upang mabuo ang isang uri ng gas o nakakairitang chemical. Habang ang mga mga green at scallions onions naman ay mahihina o kaunti lamang kung kaya’t hindi ito nakakapagdala ng mahapdi at nakakairitang bagay sa ating mata.

Ayon din kay Dr.Robert


“Chopping onions can cause some burning and irritation and tears. Other than that, it’s pretty safe on your eyes. It’s a temporary sensation with no known long-term effects, nor will it worsen any other conditions, like pink eye,”

Hindi ito isang buong tear gas upang makapagdala ng sobra at seryosong komplikasyon sa ating mata at kalusugan. Ang hapdi at sakit na ating mararamdaman sa tuwing tayo ay naghihiwa ng isang sibuyas ay madaling mawala at maalis sa loob ng ilang minute. Ayan ha.wala ka nang palusot kapag pinahiwa ka ng nanay mo ng sibuyas!

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

TIPS:

Ang pag-iyak habang naghihiwa ay maari namang maiwasan kung gagawin ang ilang bagay. Ayon sa mga ilang payo patungkol sa bagay na ito, maaring gumamit ng isang matulis at napakatalim na kutsilyo upang kaunti lamang ang lumabas na enzymes o sulfoxides sa isang sibuyas at kumalat sa hangin. Maari din itong ilubog sa malamig na tubig bago hiwain o hindi naman ay hiwain nang nakalubog sa tubig. Maari din itong hiwain sa tabi ng isang mainit at maligamgam na tubig, ayon sa mga eksperto, ang init na mailalabas ng tubig ay mapipigilan ang pagkalat ng gas na lalabas mula sa isang sibuyas.

Ugaliin din na ihuling hiwain ang ugat ng isang sibuyas dahil ang parte na ito ang nagtatabi nang napakaraming enzymes na labis na magpapaluha sa iyong mata.Ang paglalagay nito sa refrigirator o hindi naman sa isang freezer sa loob ng ilang oras ay nakakatulong upang mabawasan ang gas na maiilabas at ipapakalat nito sa hangin.

Ang pagbubukas ng isang posporo bago maghiwa ng isang sibuyas ay pinaniniwalaan na makakatulong din. Ang sulfurs na mula sa posporo ay mapapawalang bisa ang mga mga chemical na mayroon ang isang sibuyas at hindi na ito makakasakit pa sa iyong mata. Kung ikaw ay mayroon namang pera ay maaring bumili ng isang electric food chopper upang hindi na ikaw mismo ang maghiwa sa mga ito.

Ang pinaka huli ay ang pagsusuot ng isang kitchen goggles o hindi naman isang salamin na maaring prumotekta sa iyong dalawang mata. Iwasan din ang pagkusot ng mata sa tuwing ikaw ay naghihiwa nito,dahil ito ang pinaka madaling paraan upang mas lalong sumakit ang iyong mga mata at madali itong mapapula.

Ugaliin na maghugas ng mabuti pagkatapos na maghiwa ng isang sibuyas upang maalis ang mga kumapit na chemical sa iyong mga daliri at hindi na ito makapagdala ng pagluha at pananakit ng iyong mga mata.

BELIEF:

May ilang mga paniniwala pa na maaring gawin upang mapigilan ang pagluluha ng iyong mata. Ang paghinga sa bibig habang naghihiwa ay pinaniniwalaan na nakakatulong din. Ayon sa eksperto, sa paghinga gamit ang bibig ay magiging dahilan upang ang gas na milalabas ng sibuyas ay mapupunta at didikit sa iyong dila. Kung hindi mo ito maamoy mula sa iyhong ilong, hindi nito madadaanan ang olfactory nerves na makikita na katabi lamang ng tear duct nerves ng isang tao.

Maari din pumito habang naghihiwa, kung ikaw ay pumipito ang hangin na maaring pumunta sa iyong mata ay iyong maitataboy gamit ang hangin na mula sa iyong pagsipol. Pero hinay hinay lamang dahil baka sa iyong pagsipol ay mayroon sumamang laway.

Ang pagnguya ng isang bagay habang ikaw ay naghihiwa ay maaring makatulong. Nakakatuwa man ngunit malay mo ay makatulong ito sa iyo. Ang panguya ng isang tinapay habang naghihiwa ay makakatulong upang maiwasan ang pagluha sa isang sibuyas. Ang iba ay nagsasabi na magnguya ng isang chewing gum, maari mo itong gawin bago o habang naghihiwa ng isang sibuyas. Dahil sa tuwing ang isang tao ay ngumunguya ng isang chiklet, hindi nito mapipigilan na humhinga gamit ang bibig nito.

Tulad nga nang nasabi ko kanina, ang pahinga sa bibig ay makakaiwas upang maiwasan ang pagpasok nito sa ilong at hindi na mapapaluha ang iyong mga mata. Pero may kaakibat na side effect un nga ay ang malalasahan mo ang sibuyas.

Sa paghihiwa ng isang sibuyas ay kailangan natin ng isang pag-iingat upang ang mata natin ay hindi labis na maapektuhan pa. Hindi man ito delikado ay sanayin pa din ang paghuhugas ng kamay, huwag basta-basta hahawak sa iyong mga mata upang maiwasan ang ilang komplikasyon.

Kung ang mata mo ay napasukan ng bagay na ito, maaring maghilamos ng isang malamig na tubig o hindi naman ay tumigil muna sa paghihiwa. Maari din itong patakan ng ilang eyedrops upang mawala ang pagka iritado ng mata at mawala ito kaagad.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan Jessie aspilla. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.webmd.com/eye-health/news/20170705/why-chopping-onions-makes-you-cry
  2. https://www.vsp.com/eyewear-wellness/ask-eye-doctor/onions-burning-eyes
  3. https://www.loc.gov/everyday-mysteries/food-and-nutrition/item/why-does-chopping-an-onion-make-you-cry/
  4. https://www.webmd.com/eye-health/news/20170705/why-chopping-onions-makes-you-cry
  5. https://www.wikihow.com/Chop-Onions-Without-Tear
  6. https://www.vsp.com/eyewear-wellness/ask-eye-doctor/onions-burning-eyes

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang pagsukat ng bigat ng kaluluwa

Mariana’s Trench