Totoo ba na kapag sinipsip natin ang dugo babalik ba ulit yon sa sugat natin?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Sa tuwing tayo ay may ginagawa, kung minsan ay hindi natin namamalayan ang ilang matutulis na bagay. Ito ang dahilan kung bakit napapansin na lamang natin na mayroon na tayong sugat, ang iba ay pupunasan ito, ang iba ay pababayaan; ngunit ang iba ay sinisipsip ang dugo na lumalabas dito.

Hindi mga bampira ang mga ito pero malamang ay marami ang gumagawa ng pagsipsip ng kanilang dugo kung sila ay masusugtan mula sa paghihiwa ng isang bagay. Smypre dahil sinabi ng kalaro mo o ng kakilala mo.
Safe ba ang bagay na ito? Kapag inimum ba natin ang sarili nating dugo ay hindi na tayo mawawalan ng dugo? Isa bai tong hack o trick para hindi maubusan ng dugo?

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Totoo ba na pag nasugatan tayo at sinipsip natin babalik ba ulit yon sa sugat natin?

SAFE:

Alamin muna natin kung ano ba ang mga maaring mangyari kung ang isang tao ay iinom ng dugo mula sa ibang nilalang o hindi naman ay sa kanya mismo.

Kung ang dugo ng isang hayop ay iyong iinumin, maari mo itong maging dahilan upang pasukan ng iba’t ibang bacteria na mula sa mismong hayop na pinagkuhanan mo nito. Ang dugo ng isang hayop ay isang bagay na madalas pamahayan ng napakaraming bacteria.

Kung iyong mapapansin ang pagbibigay ng isang dugo sa isang tao ay hindi masama, ngunit ayon sa mga eksperto; ang pag-inom nito ay maaring makasama sa kalusugan ng isang tao. Kung iinumin natin ang isang dugo mula sa kahit nong bagay, ito ay maaring maging lason sa ating katawan.

Ayon sa live science, ang dugo ay isang bagay na napakayaman sa iron. Ang isang katawan ng nabubuhay na tao o ano mang hayop ay hirap na mailabas ang mga sobrang bagay na ito mula sa kanilang katawan. Alam naman natin na lahat ng sobra ay masama, kung palaging umiinom ng dugo ay maaring makakuha ng iba’t ibang sakit. Ang sakit na ito ay matatawag na Haemochromatosis, at ito ay maaring pagsimulan ng mga ibang sakit tulad ng pagkasira ng atay, dehydration, pagbaba ng blood pressure at maaring magkaroon ng isang nervous disorder.

Dahil sa wala nang mapaglagyan ang mga sobrang iron na napunta sa ating katawan, ito ay kukunin ng ating puso, atay at pancreas at maiipon ito dahilan upang magkaroon ng iba’t ibang sakit.

PRP:

May tinatawag na platelet-rich plasma therapy. Ito ang paraan para gamitin ang iyong sariling dugo para mas mapabilis ang healing process ng mga ligaments at iba pang mga musculoskeletal problem.

Ang plasma ay isang parte ng dugo kung saan naglalaman ng isang mahalagang protein at nakakatulong upang magbuo-buo ang dugo. Ayon pa sa research, ito ay mayroon ding protein na tumutulog upang suportahan ang paglaki ng isang cell sa ating katawan. Pero, hindi ito iniinom ha baka mamaya sabihin mo sa nanay mo “Ma sabi ni bulalord inumin daw natin sarili nating dugo para mas mabilsi gumaling”. Hindi po. Ang PRP o platelet rich plasma therapy ay tinuturok sa pasyente gamit ang injection hindi ito pinapainom.

Iba ang pag-inom ng dugo sa pagturok nito sa ating katawan. Kung ito ay ituturok sa katawan ng isang tao, direkta itong dadaloy sa mga veins o ugat na nasa ating katawan, ngunit kung ito ay ating iinum, ang daan nito at patutunguhan ay sa loob mismo ng ating katawan na makakapagdala ng ilang masamang resulta.

Ayon sa pag-aaral, sa pag-inom mo nito maaring makaramdam ng ilang pagkahilo at pagsusuka. Kung ito ay patuloy na ginagawa ng isang tao ay maari itong magkaroon ng sakit tulad na lamang ng isang Haemochromatosis.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

WOUND:

Ang pagkakaroon ng sugat mula sa ilang bagay ay hindi maiiwasan at ang pagdudugo ng mga ito ay hindi din mapipigilan. Ayon sa ilan, kung ito ay isang maliit lamang na sugat at kaunting dugo lamang ang iyong maiinom; hindi ito makakasakit o wala itong masamang epekto na maihahatid sa ating katawan.

Pero huwag mo nang isipin na sugatan ang iyong sarili.

Pero paano kung napakalaking sugat, halimbawa na lamang sa pagkahiwa sa isang malaking bagay dahilan upang magkaroon ng isang napakalaking sugat, pagka-kagat ng malakas sa iyong dila dahilan upang ito ay dumugo. Mabuti pa din ba ang pag-inom o paglunok natin ng bagay na ito?

Ayon sa pag-aaral, ang mga taong nakakaranas ng pagdudugo ng ilong ay hindi dapat itingala ang kanilang mga ulo. Kung ititngala nito ang kanilang ulo, ang dugo ay dadaloy pabalik ngunit ito ay dadaloy na sa iyong lalamunan dahilan upang ito ay iyong malunok na. Hindi lamang ito kaunting dugo ngunit madami, dahilan upang mahilo at magsuka ang isang tao. Kung ang isang tao ay magsusuka , ang pagdudugo ng ilong ay maaring bumalik at maaring mas malakas pa ito. Ang payo ng mga eksperto ay mas mabuting iluwa o hindi lunukin ang sariling dugo.

Ayon sa mga eksperto, ang pagdudugo na dala ng hindi sadyang pagkagat sa dila o hindi naman ay sa gilid ng ating pisngi ay maaring pagsimulan ng pagdurugo na hindi mo nararamdaman ay iyo nang nalulunok. Ang bagay na ito ay kailangan na mapigilan kaagad dahil ito ay isang delikadong bagay. Mula sa dugo na ito, maari itong maipon sa iyong lalamunan dahilan upang mahirapan huminga ang isang tao.

Blood Loss:

Ang sagot sa bagay na ito ay “Oo”, kahit na inumin natin ang sarili nating dugo ay makakaranas pa din tayo ng isang blood loss o pagbabawas ng dugo. Ayon sa research, ang dugo na dumadaloy sa ating katawan ay dumadaan sa ating ugat at hindi s ating digestive system.

Ang pag-inom ng dugo ay hindi isang paraan upang ito ay bumalik muli sa dinadaluyan nito. Ito ay mapupunta sa digestive system kasama pa ang ibang fluid at iba pang bagay na mula sa ating kinakain. Dahil dito maaring magkaroon ng anemia ang isang tao, isang sakit kung saan makukulangan ng isang red blood cells ang isang tao, dahilan upang ito ay manghina at madaling mapagod.

Kung ginawa mo ito, malamang nabahala ka dahil pag jebs mo kulay itim ang iyong jerbaks. Ito ay dahil sa naprocess na ang ating dugo sa ating digestive system. Kaya’t wag mon ang gawin yan, hindi yan nakakatulong sayo.

Hematophagy:

Pero bulalord kung masama ang paginom ng dugo, papaano naman ang mga insekto at ilang mga hayop na nabubuhay sa dugo ng isang tao o kapwa nilalang nito? Good question kahit na ako lang nagtanong sa sarili ko, alam kong marami sa inyo ang may katanungan na katulad nito.

Ayon sa pag-aaral, ang tawag sa bagay na ito ay Hematophagy o mga bloodsucker na kung saan ang mga ginagawa ng mga nilalang na ito ay sumisipsip ng dugo. Isa na nga ditto ang lamok.

Mula sa pag-sipsip ng mga ito nakukuha nito ang ilang protina na mayroon ang dugo ng isang nilalang. Hindi lamang isang tao ngunit maging ang mga malililit at malalaking hayop ay delikado para sa mga hayop na ito.

Mula sa isang isda, isang vampire bats, mga ilang ibon tulad nang vampire finches, hood mockingbirds, Tristan thrush at ang mga oxpeckers; kasama na dito ang mga lamok, mga surot, mga purgas na mahirap pigilan upang makasipsip ng dugo ng isang hayop o isang tao.

So, alam naman natin na kung ang mga ito ay makakuha, makapagpasa ng ilang dugo ay maaring makapagdala ng iba’t ibang sakit sa mga tao.

Ang pag-inom ng dugo mula sa isang nilalang ay hindi bagay na pinapayagan at hindi ito isang bagay na dapat tangkilin ng isang tao. Unang una, ang sakit na madadala nito at isa itong bagay na hindi naman nakakatulong sa buhay ng isang tao.

Ang pag-inom ng sariling dugo ay hindi din makakatulong upang maibalik ang dugo na nawala mismo sa iyo. Kung nais ng isang tao na madagdagan ang kanyang dugo, maari itong magpaturok at hindi inumin o uminom ng kahit anong dugo.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan Petes in the house. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  1. https://www.quora.com/If-you-bleed-inside-your-mouth-and-drink-your-own-blood-do-you-suffer-from-blood-loss
  2. https://www.hog.org/handbook/article/3/33/mouth-bleeds
  3. https://medicalsciences.stackexchange.com/questions/13911/what-are-the-effects-of-swallowing-own-blood-from-nosebleeds
  4. https://en.wikipedia.org/wiki/Hematophagy
  5. https://www.healthline.com/health/drinking-blood#is-donor-blood-safe
  6. https://www.livescience.com/15899-drinking-blood-safe.html

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mas maputi ang ngipin ng aso?

Origins of Life