Sinong mas mabilis ang kaliwite o kanan-te?

Reading Time: 4 minutes

Ano bang pinagkaiba ng left handed sa right handed? i mean well bukod sa pagsulat and all, pero meron bang pinagkaiba ito sa attitude o skills?

Mga boss ito ang ang bilis no? kung saan dinidiscuss natin ang mga topic ng mabilisan. Pure info wala ng paligoy ligoy pa.

Turns out mga boss na ang mga kaliwete ay may advantage pagdating sa pagpopilot o hindi naman kaya pag ddrive at pagsasalita at the same time. Ito ay base sa pag-aaral na ginawa nuong 2006. Ayon Sa The Journal Neuropsychology, ang mga left handed peioople ay mas mabilis mag process ng maraming stimuli kesa sa mga right handed.

Gumawa din ng research ang Australian National University patungkol dito. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang pagiging right o left handed ay nadedetermina sa sinapupunan pa lang at maraming mga kaliwite ang nagprorocess ng lengwahe gamit ang dalawang hemisphere ng utak kumpara sa mga right handed na karaniwang ginagamit ang left hemisphere lang.

Ang dalawang hemisphere na ito ay almost identical and for the most part, parehas ang impormasyon na kanilang pinoproseso. Pero merong mga tasks katulad nga ng language processing ang nangyayari lang sa isang hemisphere ng ating utak. Sa karamihan sa atin, nangyayari ang pagprocess sa left hemisphere habang ang kaliwete ay gumagana ang dalawang hemisphere.

So halimbawa, ang mga tunog na narinig mo at nakita mo ay naprocess ng kanang mata at tenga, ang data na ito ay pupunta sa left hemisphere para mairprocess at ang data naman na naiprocess ng kaliwang mata at kaliwang tena ay pupunta sa right hemisphere, ang dalawang processed data na ito ay magcocombine at ito nga ang nakikita at naririnig natin.

Ayon pa sa research, sinusuportahan nito ang hypothesis na ang mga taong kaliwte ay mas epiktibo ang kanilang mga utak sa simultaneious work dahil gumagana ang bi-hemisphere para sa pagprocess nito.

Kumuha din sila ng mga test subjects para makita ang bilis ng information ng dalawang hemisphere. Mayroong 80 right handed people at 20 naman ang left handed.

Ang test na ito ay magpapakita ng isang dot sa isang computer either sa left or right at sa gitna ay mayroong isang linya. Ang mga testers ay pipinduitin kung saan nila nakita ang tuldok, kung sa kanan ba o sa kaliwa. Sa test na ito, ang mga left handers ang nagwagi dahil mas mabilis ang pagpress nila at pagprocess ng kanilang nakikita.

Ang isang test na ginawa ay mayroong mga letra na kailangan imatch ng tester sa kabilang linya. Katulad ng nauna, ang mga left handed ang nagwagi dtio habang ang mga right handed ay mas mabilis kapag ang mga letra ay nasa isang side lang ng line. Dahil sa pagaaral na ito, pinatunayan na ang mga lefties ay mas mabilis ang pagprocess kumpara sa right handed na isang hemisphere lang ang gumagana.

So anong ibig sabihin nito? Well, kayong mga kaliwete ay may advantage sa sports, gaming at iba pang activities lalo na kung madaming stimuli ang kinakailangan dito. Naniniwala din ang mga eksperto na ang mga kaliwete ay mas mentally capable habang tumatanda kahit na ang brain processing ay medyo bumabagal na.

Sad no? Sa mga right handed?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mas malaki ba ang sombrero kesa milkyway?

Saan napupunta ang nadelete na files?