Saan galing ang ating emosyon

Reading Time: 11 minutes

Pwede po bang patayin ang emesyon o mawala ang emosyon ng isang tao.

Ang mga tao ay isang nilalang na hindi basta-basta nawawalan ng emosyon.Kung minsan ang akala mo manhid kana ngunit hindi mo napapansin na ikaw ay nasasaktan pa din.Kung minsan ang sakit na iyong nararamdaman ay mula sa pagkamatay ng ilang taong mahalaga sa buhay , o hindi naman ay ang pag-iwan sa iyo ng girlfriend o hindi naman ay boyfriend mo.

Kung minsan naman ang emosyon ng tao ay sobrang takot sa mga bagay na ayaw na nitong mangyari , at dahil dito nakakagawa sila ng ilang bagay na hindi nila napapansin ay hindi na pala maganda.Well, hindi lang naman takot at sakit ang nararamdaman na emosyon ng tao.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang tao ay nakakaramdam ng halos dalawampu’t pitong emosyon.Nariyan ang Admiration

Adoration;Aesthetic;Appreciation;Amusement;Anxiety:Awe;Awkwardness;Boredom;Calmness;Confusion;Craving;Disgust;Empathetic;Fear;Horror;Interest;Joy;Nostalgia;Romance;Sadness;Satisfaction;Sexual;desire;Sympathy at ang Triumph.

Kung minsan, ang isang tao na sa sobrang dami ng pinagdadaaanan sa buhay kung minsan iisipin na lamang nito na mawalan ng pake o ng emosyon sa lahat ng bagay.Kung iisipin , kung ang isang tao ay walang emosyon , kung hindi niiya nararamdaman ang lahat ng emosyon na aking nasabi kanina.Para lamang itong robot na walang paki sa lahat ng bagay, gagawin mo lamang kung ano ang nais mo na hindi iniisip ang ibang tao.

So, posible ba ang bagay na ito ?

Halina’t alamin kung posible nga ba mawala ang emosyon ng isang tao.

Our emotion:

Ayon sa psychology today , ang isang mental illness o ang isang sakit sa utak ay nagmumula sa labis na emosyon na nararamdaman ng isang tao.Dahil nga ang kasabihan na ang lahat ng bawal ay masama, ang sobrang pagkadama ng isang emosyon ay nakakasama din sa utak ng isang tao.Ang mga sakit na trauma, hoarding o ang pagatatbi ng mga bagay na hindi naman na talaga kailangan, obsessiveness , pag du-drugs at pagiging alchoholic ng isang tao.

So, bakit nga ba natin nararamdaman ang lahat ng ito ?

Ayon sa mga eksperto , kasabay ng evolution ng isang tao ang pagkaramdam nito ng mga emosyon.Pinaniniwalaan ng ilang eksperto na sa tulong ng emosyon, nakasurvive ang mga tao.Noong ang mga tao ay nakatira pa sa mga kagubutan, kasama ang  mga unggoy , mga leon. mga tiger at iba pang mga mababangis at iba’t ibang mga hayop.

Ang emosyon ang nakakatulong upang makaramdam ng panganib na paparating sa paligid.Ayon sa isang theoris patungkol sa emotion at evolution ng tao na sina Antonio Damasio, Joseph LeDoux, at Robert Trivers, nadevelop ang emosyon ng isang tao upang mapadali ang pagkilala nito sa isang mapanganib na sitwasyon.

Kung ang isang tao ay nakaharap ng isang mabangis na hayop let say, isang leon sa pagkaramdam nito ng takot hindi nito basta basta na lamang aatakihin ang bagay na ito ngunit mag-iisip muna ito ng paraan upang mapatumba ang mabangis na nilalang na ito.Ngunit ang bagay na ito ay isa lamang teorya.

Ayon sa ilang pag-aaral na mula sa Neuroscience  , ang emosyon na nararamdaman ng isang tao ay hindi nag-iiwan ng kahit anong bakas upang makilala sa utak.Ang ilang mga networks o bahagi  ng utak ng tao ay nakakagawa ng parehong emosyon, at dito masasabi ng mga eksperto na anmg emosyon ay nagmumula sa utak.

Ito ang paraaan ng utak upang makapag-bigay ng kahulugan sa mga bagay naramdaman na nang isang tao.Ang ilang mga bahagi ay nagpaparamdam ng mga kasiyahan , pagkagulat , galit at kalungkatan.Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang  interoceptive netqwork na mula sa utak ang patuloy na nagbabantay sa mga bagay na nararamdaman ng katawan,

Mula sa pagtibok ng puso, sa paghinga, kung paano gumagana ang iyong intestine, kung ano ang mga nararamdaman sa loob ng tiyan.Ang utak ang gumagawa ng paraan upang malaman kung ano ba ang ibig sabihin ng mga bagay na ito.Ang utak ay kukuha ng mga impormasyon na kanyang nakuha mula sa nararamdaman sa kasalukuyan tulad na lamang ng ilang pananakit ng katawan , ilang panlalamig at kung ano pa.

Habang ito ay kinikilala ng utak , kukuha din ito ng  ilang impormasyon mula sa mga naramdaman ng isang tao.Ang utak ang tumutulong sa katawan upang ito ay mabuhay at bumuti.Ayon din sa pag-aaral ng neuroscience, ang utak ay nagagawang i-predict , at isimulate o kopyahin ang mga pangyayari na iyong nararamadaman sa labas ng katawan.

Ang utak ng tao ay gumagamit ngt tinatawag na “Concept” o idea na kung saan halimbawa na lamang, kung sasabihin ko ang salitang saging.Kahit na wala akong ipakitang larawan ng prutas na ito, ang utak mo mismo ang gagawa ng imahe ng saging, maaring kulay dilaw, kulay berde o hindi naman ay kulay kayumangi.

Kung titignan natin ito sa emosyon, halimbawa na lamang na ikaw ay mayoong  karanasan na mahabol ng ahas sa kagubatan.Nagkaroon muli ng pagkakataon na ikaw ay umakyat sa bundok ng mag-isa, habang ikaw ay naglalakad ay nakarinig ng ilang mga kaluskos dahon.Ang utak ay magsisimula nang gumana at naisip na nito ang maaring mangyari na kung saan iisipin nito na mayroon ahas na malapit sa paligid.

Dahil ang utak ay gagawa na ng ilang sitwasyon sa iyong utak , tulad na lamang na maaring lumabas sa mga dahon ang isang ahas , inihanda na din nito ang iyong katawan sakaling mangyari ang bagay na ito.Upang magawa ang mga bagay na ito, bibilis ang tibok ng puso, ang paghinga ay magiging mabigat at ang magsisimula ang pagkaramdam ng kakaibang kaba.Ang utak mo mismo angh magbibigay ng pakiramdam na takot sa iyong katawan.

Can we get rid of our emotion:

Dahil hindi madaling hawakan ang isang emosyon , lalo na kung ang mga ito ay nagsabay sabay na hindi mo alam kung ano na ba talaga ang iyong nararamdaman.Isipin mo na lamang kung ang takot, saya .lungkot ay nagsabay-sabay , malalamang ay hindi mo ito kakayanin.Kung minsan sa sobrang ayaw ng tao na magalit , ito ay nagtitimpi lamang.

Ang isang malungkot ay nagpapakasaya , ang isang takot ay nagpapakatapang , ang isang nasasakatan ay nagpapanggap na hindi nasasakatan na kung minsan ay hindi ito maganda.Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, kung ang isang tao ay nais na hindi maramdaman ang lahat ng bagay na ito; maaring isang araw ay sumabog na lamang ito o magbreakdown.

Ayon sa mga eksperto, ang pagpighil ng tao sa kanyang nararamdaman ay maaring makadrain o hindi naman ay magpatuyo sa enerhiya na mayroon ito sa kanyang utak na kung saan ang bumubuhay sa katawan.Ang pakiramdam ng isang tao ay maituturing na gas na nagpapatakbo mismo sa personalidad ng isang tao.

Ang emosyon ang maituturing na motibasyon ng isang tao, kung wala ang bagay na ito hindi mo mararamdaman ang saya, maapreciate ang mga bagay na mayroon sa paligid.Tulad ng nasabi ko kanina , ang lahat ng bagay ay mawawalan ng silbi kung ito ay mawawala.

What can you do:

Ngunit kung nais mo namang matanggal lamang ang mga negatibong emosyon na iyong nararamdaman ay mayroon ilang bagay na maaring gawin at maari din na makatulong sa isang tao nakakaramdam nito.Halimbawa na lamang ng lungkot at labis na pagkatakot.Ang mga tao ay nagsasawa nang makaramdam ng ganitong bagay maaring gawin ang ilang bagay.

So, dahil ang emosyon ay unang nararamdaman ng ating katawan, maari mong baguhin ang mga nakasanayan mo nang gawin.Mula sa pananalita , sa mga galaw.Kung ang isang tao ay palaging natatakot sa mga bagay na kanyang nais gawin, maaring itong baguhin ang pananaw sa buhay , huminga  ng maayos , at magsalita ng malakas na magiging dahilan upang lumakas ang loob nito.

Ang nararamadaman ng isang tao ay nababase din kung anong bagay ba ang binibigyan nito ng atensyon.So, kung ang atensyon mo ay nakatuon sa mga magjowa na nagkalat sa social media na kung saan makakaramdam ka nang lungkot at mapapasabi na “Sana all”.Kung ang atensyon mo ay itutuon mo sa ibang bagay katulad na lamang sa mag makabuluhang bagay , tulad na lamang ng mga bagay na maaring magpasaya sa iyo.

Kung itutuon mo ang atensyon mo sa mga bagay na wala ka, ang lungkot mismo ang kakain sa iyo hanggang sa hindi mo namamalayan ay sakop na sakop kana nito.

Ang mga tao ay mahilig magsabi na , “hindi ko kaya ” , “Pagod nako” , “Ayoko na ” na kung saan kung ano man ang lumalabas sa iyong bibig ay iyon ang iyong nararamdaman.So, kung sasabihin mo na “Kaya ko to “, “Kaya ko pa ” at “Laban lang ” , ang emosyon na iyong mararamdam ay gagaan at hindi na bibigat.

Ang tanong na kung maari bang matanggal ang emosyon ng isang tao ay maari, yes maari.

Ang pagtanggal sa negatibong emosyon ay madali lamang kung ang isang tao ay marunong umiwas sa mga bagay na magbibigay ng negatibong pakiramdam.Ang katotohanan na ang social media ang nangungunang source ng lungkot , inngit , at takot ng isang tao.Hindi naman masamang mag social media ngunit kung pipiliin mo lamang ang mga bagay na iyong pupuntahan, maari itong makatulong sa iyong emosyon sa pang-araw araw.

Kung hindi mo maiwasan na tumingin ng kung ano-ano sa social media, kailangan ay kaya mong hawakan o dalhin ang emosyon na iyong nararamdaman.Kung ang isang tao ay nakakaramdam ng masama , maaring mag-isip ng isang bagay na magandang nangyari nong mangyari ang masamang bagay na ito.

Learn to see the good things.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mahilig tayong makinig ng malulungkot na musika

Ano ang mangyayari or epekto sa isang tao pag di natulog ng ilang araw?