Posibleng sumabog ang cellphone sa gas station kapag ginamit?

Reading Time: 12 minutes
http://Posibleng%20sumabog%20ang%20cellphone%20sa%20gas%20station%20kapag%20ginamit?

Sa tuwing ikaw ay nagpapagasolina, mapapansin mo ang isang sign. Ang sign na bawal ang cellphone o bawalgumamit ng cellphone kapag ikaw ay nasa gasolinahan. Ngunit makikita mo din ang ilang kasama mong pasahero na nakabukas at ginagamit ang kanilang telepono, pero wala naman nangyayari. Maiispi mo na lamang, para saan pa yung sign na iniligay sa kanilang lugar kung hindi naman susundin at wala namang mangyayari.

Pero ano nga ba ang maaring mangyari, bakit nila inilagay ang pagbabawal na ito? Ang tanong na ito ay mula kay Jhmezfrost at ito ang ask bulalord.

Cellphone:

Study Finds Some Link Between Cellphone Use and Tumors | Health News | US  News

Sa panahon natin ngayon, isa na nga ang cellphone sa pang araw-araw na gamit ng mga tao. Minsan nga ay sasabihan ka na hindi ka tao kung wala nito. Dahil sa cell phone, mas mabilis nang makapagbigay ng mensahe mula sa mga taong nasa malalayong lugar. Dahil sa cell phone, hindi na natin kailangan magdala ng napakalaking PC upang makapag-internet. Ito na mismo ang nagagamit ng mga tao upang mas mabilis makakuha ng impormasyon, ng sagot o tulong.

Dahil sa iba’t ibang uri ng cell phone, o mga Smartphones mas nagiging madali ang gawain sa araw-araw. Malaking bagay ang cellphone sa mga tao dahil dito ay nagagawa ang halos lahat ng bagay. Manuod, maglaro, magbigay at makakuha ng pera, makakita ng litrato, makapakinig ng kanta at iba pa. Madadala mo ito sa iba’t ibang lugar ng walang kahirap-hirap.

Ang pinaka layunin ng isang mobile phone o cellphone ay upang madala ito habang bumabyahe ang isang tao. Minsan din itong tinawag na “Car Phone”. Ang mga pinaka unang cell phone ay malaki, mabigat at mahirap ilagay sa bulsa at mas mura pa kumpara sa mga cellphone na mayroon tayo sa panahon ngayon.

Pero tama na siguro yan intro para sa cellphone. Pagusapan naman natin kung bakit sumasabog ang gas.

What can cause gas to explode:

How to prevent Gas Cylinder Explosion - Medswift

Ang tinatawag na gas leak explosion ay isang hindi inaasahan na pangyayari mula sa isang mechanical failure na pinapapagana ng isang gasolina. Tulad ng mga sasakyan at iba pang bagay na pinapagana nito. Ayon sa research, kung minsan ang ilang mga container na mayroong hydrocarbon fuel ay nakakagawa ng isang leak o tagas.

Minsan ang mga leak na ito ay makakagawa ng tinatawag na fumes o yung matibay at malakas na amoy ng isang gas na maaring mag ignite at pagsimulan ng pagsabog o ng isang apoy. Karamiihan sa ilang mga containers at pipelines ay nagtataglay ng natural gas at liquid fuels. Ang dalawang ito ay naglalabas ng isang exlplosive fumes.

Ang mga containers na ito ay maaring masira at mag tagas ng hydrocarbon fuels. Dito ay unti-unting magkakaroon ng maliit na butas ang containers dahilan upang ito ang maging daan palabas ng mga tumatagas na gas. Kung minsan naman ang ilang butas na mula sa container ay mula sa isang bagay na hindi sadyang bumangga dito.

Kahit na ang pagbunggo dito ay mahina lamang, maari itong makagawa ng malaking epekto sa pipeline o sa mismong container. Kadalasan ay mga sasakyan ang mga nakakabunggo sa mga malalaking container na ito, ang ilang pagsagi nila sa pipeline ng container ay maari itong mag bend ng kaunti at ito na ang pagsisimulan ng butas.

Imbis na ang gas ay tutuloy sa loob ng container, ito ay tatagas sa daan at maaring pagsimulan ng pagsabog. Ang isang maliit na spark ay maaring pagsimulan ng malakas na pagsabog o apoy. Halimbawa na dito ang nagagawang apoy mula sa isang kalan o isag gas stove. Ang spark na mula sa stove ay tama lamang upang makagawa ng isang natural at maliit na apoy mula sa gas.

Kung ang gas ay nasindihan ng isang spark o isang apoy, ang gas mismo ang gagawa ng apoy upang makunsumo ang mga ito.

Kung ang gas ay hindi sumindi, ito ay makakabuo ng tinatawag na fuel-air cloud na madaling maging apoy. Kung ang gas naman ay napabayaan na kumalat at natuyo ito o naihwalay na sa hangin, ito ay mawawalan na nang kakayahang makagawa ng apoy. Ang lakas ng apoy o pagsabog na magagawa mula sa isang gas ay nakadepende sa kung anong uri ng fuel ,concentration, kung gaano kalakas ang ignition ,kung saan ito nakalagay at kung anong uri ng container ang pinaglalagyan nito.

Gases and Cell phone:

Can Using Your Cellphone Cause Fires and Explosions at Gas Stations?

So base sa naunang diskusyon, kailangan ng spark para sumabog o umapoy ang isang gas. Ang cellphone ba ay kayang magpaspark? Ang mga signal ba nito ay may kakayahang makapagpasabog ng gasolinahan?

Ayon sa iba, ang paggamit ng cellphone sa mga gasoline station ay lubhang delikado. Dahil nga ang isang phone ay gumagamit ng isang baterya na maaring sumabog, lubhang delikado kung ito ay mangyari sa isang gasolinahan. Ayon naman pala, dahil sa battery hindi dahil sa signal o kung ano pa.


Pero bulalord, nakita mo ba ung palabas sa youtube ung lalaking nagcecellphone lang tas biglang umapoy?

Well, ito yan. Noong taong 1999, kumalat ang isang balita mula sa internet. Ang balita ay patungkol sa isang lalaking nagkaroon ng sunog sa kanyang katawan. Ayon sa report, ang kanyang natamong sunog sa katawan ay mula sa pagliyab ng gasolina habang siya ay nakikipag -usap sa cell phone.

Nakatayo lang naman ang nasabing lalaki sa tabi ng attendant na naglalagay ng gas sa kanyang sasakyan. Kumalat din ang isang mensahe na mayroong pagpapaalala na magpatay ng cell phone sa tuwing nagpapa gas ng sasakyan o kung pupunta man sa gas station. Pero ayon sa ilang mga balita mula sa ibang parte ng mundo, ang mga ganitong pangyayari na kumakalat sa internet ay kailanma’y hindi nangyari.

Ilang balita ang mga kumakalat sa United States na pinabulaanan ng Cellular Telecommunication Industry Association o CTIA. Ayon sa CTIA, walang matibay na ebedinsya o pangyayari na nagpapakita na mayroong kakayahan ang isang wireless phone na makasindi ng isang gas. Dagdag pa ng asosasyon, wala pa silang natatanggap na report patungkol sa ganitong pangyayari.


Noong taong 2002 naman ay mayroong muling kumalat na mga mensahe sa internet na nagsaabing naglabas ng statement ang Shell Oil Company ng pahayag patungkol sa panibagong insidente. Mga insidente na nagsasabing mula sa tunog na mula sa cell phone o pagsagot ng tawag mula dito ay naging dahilan upang masindihan ang mga fumes habang nagaganap ang paglalagay ng gas sa isang sasakyan.

Pero naglabas naman ng pahayag sa media ang mismong Shell Oil Company na kailanman ay hindi nagalabas o nagkalat ng ganito ang kanilang kompanya. So,ano nga ba ang totoo?

Static Electricity:

Static Electricity | How it is Produced | Video for Kids - YouTube

Ayon sa mga eksperto, hindi mismo ang cell phone ang kailangan bantayan ngunit ang tinatawag na Static electricity. Ano nga ba ang Static electricity? Well diniscuss ko na yan sa pagkahaba habang video pero kung sakaling hindi mo pa napapanood un, ang Static electricity ay ang nararanasan mong kuryente tuwing ikaw ay pumunta sa mall at ikaw ay napapadikit sa isang bagay. Ito ay isang elektrisidad na naipon mismo sa ating katawan dahil sa mga bagay na ating hinahawakan.

Isang kaugalian sa America na ang tao mismo o ang may-ari ng sasakyan ang lalabas upang lagyan ng gas ang kanyang sasakyan. Kung ang isang tao ay naglalagay ng gasolina sa kanyang sasakyan at bigla itong lumayo at biglang bumalik sa loob ng sasakyan. Ito na mismo ang magiging dahilan upang makakuha ng isang static electricity, sa sandaling hawakan muli ang gas upang tanggalin, maaraing magkaroon ng spark na siyang makakapagsindi sa dumadaloy na gas. Lumabas sa isang pag-aaral na halos nakakakuha ng 60,000 volts ang isang tao kung ito ay papasok at lalabas sa kanyang sasakyan habang naglalagay ng gas. Ito na mismo ang pinaka delikado at maari talagang pagsimulan ng sunog o pagsabog.

Ayon sa mga eksperto, ang isang gas station ay isang class one area. Ang ibig sabihin lamang nito, ang gas na mayroon ang mga gasolinahan ay sasabog lamang kung nasindihan ang mismong gas at hindi mula sa fumes o amoy na mayroon ito.

Pero ayon din sa National Fire Protection Association rules, hindi dapat gumagamit ng kahit anong electronic materials kung ang isang tao ay nagpapagas.

 

Dahil ang ugali sa Pilipinas ay hindi mismo ang mga driver ang naglalagay ng gas sa kanilang mga sasakyan. Wala pa din report sa ating bansa ang nagsasabing nagkaroon na nang pagsabog dahil sa cellphone mula sa isang gasoline station.

Hindi ibig sabihin na hindi delikado ay hindi na tayo mag-iingat. Kung maari namang itigil muna ang pag-gamit ng cellphone habang ang driver ay nagpapagas, maari muna natin itong patayin ng panadalian. Kung ang isang tao ay nag-iingat, buo at buhay itong makakarating kung saan man ito pupunta.


In laymans term, bawal mag cellphone sa gas station dahil bawal. Wag kang makulit. Wag kang mag ML pag nasa gasoline station ka. Pero kung titingnan natin ang science, walang kakayahang makapagpaliyab ang signal ng isang cellphone o vibration nito pag may tumatawag. Kagaya nga ng napanood nyong clips na bigla na lamang umapoy ang hawak na cellphone, nagkaroon ng contact sa gas ang taong un at nagkaroon ng static electricity na syang dahilan para umapoy ang kanyang cellphone.

Sana ay nasagot naming any iiyong katanungan Jhmezfrost.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time. Marami po kayong nagttype ng tanong sa comment section pero again po hindi ko po makukuha yang request nyo, kaya po nagtayo ako ng website para nanduon lahat ng request.

Paalala lang po, hindi porket nakapagrequest ay magagawa agad. It will take months po dahil sa dami ng nakapila at hindi lahat ng request eh napapagbigyan lalo na ung mga out of the blue questions.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/CeF-QHDr77A

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo ba na kinukuha ng shoppee ang pictures at videos natin ng hindi natin nalalaman?

Kapag namatay ang araw natin, ganito ang mangyayari