Pinkatahimik na Kwarto

Reading Time: 4 minutes

Narinig nyo na ba ung tinatawag na quitiest room on earth?

Sa mga hindi pa, ito mga boss ang tinatawg na anechoic room or chamber. Isa itong special chamber na nagaabsorb ng sound at electromagnitic waves completly, when we say completly mga boss, i mean completely. Ang gulo no?

Well, ganito, subukan nyong ilagay ang kanang kamay ninyo sa inyong dibdib, sabay kumanta kayo ng lupang hinirang, hindi joke lang.

Paglapat ng kamay ninyo sa inyong dibdib, mararamdaman mo ang tibok ng inyong puso diba at the same time parang naririnig mo ito pero sobrang hina. Dito sa anechoic chamber, kahit hinid mo ilagay ang iyong kamay sa iyong dibdib, maririnig mo ito ng malakas, as in malakas, to the point na pati ang pagglaw ng iyong sikmura ay maririnig mo rin.

Sounds amazing diba? So ano nga ba ang anechoic chamber. Kagaya ng sinabi ko kanina ang anechoic chamber ay isang special room na nagaabsorb ng sounds. In other words, kaya nitong magreflect ng sound at electromagnetic waves, hindi rin makakapasok ang tunog mula sa labas, ibig sabihin 100% sound proof ito.

Ang may hawak ng pinakatahimik na kwarto sa buong mundo ay ang orfield laboratories sa minnesota. Ayon sa CEO ng kumpanya na si Steven Orfiled, karamihan sa pumapasok sa loob ng kwarto ay hindi man lang makatagal ng ilang minuto at lumalabas na. Hindi sila makatagal dito, biruin mo ba naman sa sobrang tahimik nito maririnig mo ang pagtibok ng iyong puso, paggiling ng iyong sikmura at ang pagpasok ng hangin sa iyong katawan. Sa katunayan ang pinakamatagal na nanatili sa kwarto ay umabot lamang ng 45 minutes.

Para magkaroon ng anechoic room, kailangan walang nagrerebound na mga sound waves, ibig sabihin lahat ng soundwaves at electromagnetic waves ay mahihigop kung saan ito tatama at hindi magbobounce back pa.

Ang anechoic rooms ay napapalibutan ng fiberglass wedges, hindi lang ang pader nito pati ang kisame at sahig.

Pagtama ng sound wawves sa fiberglass, ito ay mattaransfer sa katwan ng wedge kung saan ang wave energy ay naglalaho at kung sakali man na ito ay tatalbog, mapupunta lang ito sa isa pang wedge hanggang sa ang sound wave ay mawawala ng tuluyan. Kahit gaano ka kalakas sumigaw o kalakas magpatugtog sa anechoic room, wala kang maririnig na echo.

Ang susunod na tanong jan ay, para saan ang anechoic chambers? ito ba ay gawa gawa lang ng mga walang magawa sa buhay o meron itong purpose?

Ang anechoic room ay kadalasang ginagamit bilang testing ground ng mga equipment, lalo na sa acoustic dahil maririnig mo dito ang totoong tunog ng isang equipment ng walang halong echo o reverb sa paligid nito.

Ang anechoic room ay ginagamit din sa mga malalaking concert halls para maabsorb ang vibration mula sa high concentrations ng sounds na potentially pwedeng makaapekto sa estraktura at sa mga taong nakikinig.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Saan nagsimula ang Phoenix? Totoong nilalang ba ito?

Bakit nga ba gustong gusto natin ng mga nakakatakot na pelikula?