Pera nga ba ang ugat ng kasamaan? Ano bang sabi sa bibliya?

Reading Time: 11 minutes

Sa panahon na ngayon, kapag mayroon kang pera o mayroon kang napagkukuhanan ng isang pera lahat ng gusto mo ay mabibili, makukuha mo ng walang hirap. Nagtatrabaho ang mga tao upang makuha ang bagay na ito, upang mayroon silang ipambili sa pang-araw araw. Sa madaling salita, kung wala kang pera o hindi naman ay hindi mo ito pinagtatrabahuhan, mahirap ang buhay.

Well, hindi ko naman sinasabi na hindi ka mabubuhay ng walang pera, i’m just saying mahirap dahil hindi na talaga madali makuha ang ibang bagay. Sa kasamaang palad, ang ibang tao ay nakakagawa ng ilang bagay upang makakuha lamang ng maraming pera. Ang iba ay gumagawa ng madaling paraan upang mas madaling makuha ang bagay na ito, mahirap man harapin ngunit laganap na ang pagbebenta ng droga, ilang mga taong binabayaran upang pumatay, ilang mga kidnap for ransom. Hindi naman sa hater tayo ng pulitiko ngunit malamang ay alam mo na, karamihan sa mga nakaupo sa pwesto ay nagagawang manloko ng tao upang makakuha ng malaking pera.

Kung minsan ang mga tao ay hindi pa natutuwa sa kanilang nakukuhang pera at gusto pa nila itong dumami, kung kaya’t ang mga ito ay napapasugal. Mula sa iba’t ibang laro, iba’t ibang gawain na nagiging dahilan ng pagdami o di naman kaya ay mauubos lang din ito. Ito ang mahirap sa mga tao na hindi marunong makuntento. Dahil sa nawawalan sila ng pera, nagkakaroon ng utang sa iba na habang tumatagal ay padami ng padami.

Mahirap harapin ngunit, nagagawa ito ng mga tao upang mapadali ang kanilang pagkita ng pera. Ang ilang mga tao ay hindi na iniisip ang bagay na kanilang ginagawa dahil lamang sa bagay na ito. Mula sa kanilang talino, kakayahan , at ilang mga kapasibilidad, nagagawa nila sa masamang bagay ang mga ito makuha lamang ang kanilang kagutuhan.

Nagdudulot ba ng kasamaan ang pera? Ang tanong na ito ay mula kay prince Okoi at ito ang ask bulalord.

What People Really Think of Money:

Philippine central bank to curb peso speculators

Para sa ibang tao, money is EVERYTHING. Ang pera ang magbibigay sa kanila ng yaman, ng kasiyahan, ng pagkakakilanlan at marami pang iba upang tumaas ang tingin ng ibang tao sa kanila. Well, kung may pera nga naman maganda ang lahat ng bagay na iyong ginagamit, mula sa damit, sa bahay, sa pag-aaral, at sa lahat pa ng mga bagay.

Para sa iba, kung mayroon kang pera, marami kang magiging kaibigan at maraming mga tao ang lalapit sa iyo upang ikaw ay kilalanin. Para sa kanila kung wala ka nito, hindi ka mabubuhay sa mundo. Ang ibang tao ay uhaw sa mataas na tingin na ibibigay sa kanila ng mga tao na ang katotohanan ay hindi naman mahalaga. Kung kaya’t ang ibang tao ay nagpapakamatay sa kanilang trabaho upang makakuha ng maraming pera na kanilang suswelduhin and thats the sad reality.

Ang mga taong ito ay madaming tinitiniis upang tumagal sa kanilang mga trabaho na nagbibigay sa kanila ng ilang klase ng paghihirap. Ang mga taong ito ay nagpapakahirap lamang para i pleased ang mga taong nakapalibot sa kanila.

Well, it is true na kailangan mo nga ng pera para mabayaran ang mga bagay na iyong ginagamit sa pang-araw araw, ngunit hindi mo kailangan magpakapagod sa mga trabaho upang maging masaya at magkaroon ng maraming kaibigan. Tandaan na kung pera lamang ang lagi mong ginagamit sa iyong mga kaibigan, hindi posible na maalala ka lang nila sa tuwing ikaw ay mayroong pera at hindi tingnan bilang isang tunay na kaibigan na dadamayan ka sa iba’t ibang klase ng problema.

Magagawang ibigay sa iyo lahat ng pera mo ngunit ang mga ito ay pansamantala lamang at habang ikaw ay nabubuhay sa ganitong estado, isang araw mapapansin mo na lamang na ang mga taong iyong pinagkakatiwalaan ay isang pansamantala lamang din at hindi tunay.

What people Really Think about Evil:

Is money truly the root of all evil? - The National

Masama, mali, immoral, unholy, dark, sinful, ungodly yan ang paglalarawan sa pera. Mula pa noong unang panahon, ang kahit anong masama na ginagawa ng isang tao ay matatawag na act of evil. Ang mga taong intensyon talaga na gawan ng masama ang iba pang tao, pisikal man ito o mental. Ang isang tao ay gumagawa ng masama kahit alam niyang masama ito.

Maraming nagsasabi na ang ilang mga tao, halimbawa nalang ng mga psychopaths na mga walang nararamdaman sa tuwing gumagawa ito ng masama ay maaring dumaan sa masamang pangyayari noong bata pa sila. Naniniwala ang karamihan na base sa kinalakihan ng isang tao kung bakit nagiging masama ang mga ito.

Sa patuloy na pagdanas ng masasamang pangyayari ng mga taong ito, nabubuo sa kanilang katauhan ang kasamaan na hindi nila alam kung tama ba o mali. Naniniwala ang ibang tao na hindi natin kailangan sisihin ang mga taong masasama sa ugaling kanilang kinalakihan dahil hindi sila ang may gawa nito kung hindi ang mga taong nakapaligid mismo sa kanila.

Ang ibang tao ay naniniwala din na lahat ng kasamaan sa mundo ay ginagawa lamang ng mga taong masasama. Get’s mo ba? What i’m trying to say kahit na sabihin mong mabait ang isang tao, may nagagawa pa din itong kasamaan. Hindi ang lahat ng mga mayroong sakit sa utak ay masasama, dahil ang karamihan sa mga napapabalita na pumapatay ng isang tao ay nasa tamang pag-iisip.

So kung pagsasamahin ang pera at kasamaan. Naniniwala ang karamihan na masama ang kakalabasan nito. Naniniwala din ang karamihan na ang pinakaugat ng kasamaan ay ang pera na umiikot at nagpapagalaw sa buong mundo.

What does the Bible say about the Money:

15 Bible Verses about money that will set you up for success | Our Kingdom  Culture

Alamin muna natin kung ano ba ang tingin ng bibliya sa pera. Kung magbabasa tayo ng bibliya, walang binanggit dito na “money is the root of all evil”. Ngunit mababasa sa 1 Thimothy 6:10 ang mga katagang “The love of money is a root of all sorts of injurious things, and by reaching out for this love some have been led astray from the faith and have stabbed themselves all over with many pains.”

Ayon sa ilang mag-aaral ng bibliya, kinikilala ang paggamit ng pera kung ito ay gagamitin sa mabuting bagay. Ayon din Ecclesiastes 7:12 “For wisdom is a protection just as money is a protection”. na pinapaliwanag ng mga mag-aaral ng bibliya na kung gagamitin ng mabuti ang pera na mayroon ka, maari mo itong magamit sa oras ng kagipitan at magagamit mo sa sandaling magkaroon ka ang isang tao ng problema.

Sinabi din sa Hebrews 13:5 na “Let your way of life be free of the love of money, while you are content with the present things.” na nagpaparating na hindi mo kailangan ng madaming pera upang makamtam ang magandang buhay. Ang pera ay kailangan natin upang mabili ang mga bagay katulad ng damit, pagkain at bahay.

Dahil sa pagmamahal ng tao sa pera, dito nagsisimula ang mga kasamaan. Ang mga taong gustong magkaroon ng maraming pera o hindi naman gustong yumaman ng husto ay gagawin ang lahat, manloko, magnakaw, at mas masama ay pumatay. Ang pera ay hindi masama ngunit ang mga taong nagmamahal sa bagay na ito.

So,it’s not the money that is evil ngunit ang mga taong tinitignan ito bilang isang mataas na bagay. Dahil na din sa natural na ugali ng isang tao, na mayroong sariling kagustuhan ang pera ay minamahal nila ng higit pa sa ibang bagay na mayroon ang mundo.

Kung ang pera ay gagamitin ng isang mabuting tao o hindi naman ay gagamitin ito sa kabutihan hindi masama ang pera. Ngunit dahil sa talamak na ang mga taong nagmamahal sa pera, nakikita natin ito bilang isang napakasamang bagay. Kung makikita natin, ang ibang mga may kayang tao ay nakikita natin bilang isang mabuti, ngunit ang mga sorry for the word “wala namang kaya” ay mas nagmamataas pa kumpara sa mga taong ito.

Ayos lamang din na magtrabaho mabuti, ngunit tandaan na hindi na walang kwenta ang malaking sweldo kung gagastusin lamang ito sa panggagamot ng iyong kalusugan.

Hindi natin maaring sisihin ang pera na isang ugat ng kasamaan, tandaan na kahit walang kapalit na pera; ang mga tao ay nakakagawa ng kasamaan. Evil is everywhere, tanggapin mo man o hindi, lahat ng tao ay mayroong kasamaan sa kanilang katauhan na naghihintay lamang na lumabas. Nasa sayo na lamang ito kung ilalabas mo o hindi. Nasa sa iyo na din ito kung gagawa ka ng isang kasamaan o hindi. Sabi nga ng kanta ng imagine dragons, “Its where my demon hides”.

You see everything can be the root of evil, depende sa sitwasyon, depende sa gamit nito. Nagkataon lang na ang pera ang ginagamit natin pang bili at kinakailangan natin. You see, kung sakaling walang pera at barter trading ang nangyari, do you think mawawala ang kasakiman sa pera? Not really. Which means money is not evil. It only fuel the desires of someone. You can say na it was a stepping stone para mapakita ang kasakimaan ng tao but then again we go back to the root which is ourselves.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/dkvaR6wLwok

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nga ba tinago ng vatican ang pangatlo sikreto ng Fatima Secrets?

Ang kwento ng Andromeda Galaxy