Patunay na may kaluluwa ang hayop?

Reading Time: 11 minutes

Ayon sa ilang paniniwala, ang lahat ng bagay, lugar at nilalang sa mundo ay mayroong kaluluwa. Ang tinatawag na “Animism” o ang paniniwala na ang hayop, halaman, bato, ilog, lawa, karagatan at lahat ng bagay ay pinaniniwalaan na nagtataglay ng sarili nilang kaluluwa. Ang paniniwala na ito ay ginagamit sa pag-aaral ng isang relihiyon, na kung saan ginagamit din na paniniwala ng mga sinaunang mga tao.

Kahit na ang bawat kultura ay mayaroong kanya-kanyang paniniwala, madami pa din ang tumatanggap sa animism. Ito ang pundasyon ng mga taong nakatira sa kagubatan na kung saan mga anito at mga nilalang ang kanilang sinasamba. Ayon sa isang research na patungkol sa 21 grams, na isang eksperimento upang malaman kung mayroon nga bang bigat ang kaluluwa ng isang tao, ang doktor na nagsagawa nito ay sumubok din na timabngin kung ang isang hayop ba ay mayroong nasabing kaluluwa. Kung hindi nyo pa napapanood ang 21 grams, panoorin nyo po dito sa channel after this video.

May kaluluwa ba ang mga hayop? Ang tanong na ito ay mula kay Yourself at ito ang askbulalord.

Animals in Other Religion:

How Religion First Justified Our Inhumane Treatment of Other Animals | by  Rowan Holyer | Medium

Pag-usapan muna natin kung ano ba ang tingin ng ibang relihiyon sa ilang mga hayop. Kung tayo ay titingin sa Jainism na kung saan isang ancient Indian religion na hanggang ngayon ay lumalaganap pa din. Ang tawag sa mga taga sunod ng relihiyon na ito ay “Jain” na mayroon din isang komunidad sa India, ang mga ito ay nagliligatas ng mga sugatang hayop, abandonado, may sakit at ang mga hayop na mula mismo sa katayan na pinamamalakad ng ilang masasamang tao.

Ang relihiyon na ito ay mahalaga ang turing sa mga hayop na kung saan nagtayo pa ng isang osp[ital upang maging pagamutan ng mga naililigtas na hayop.

Ang Hinduism naman ay nagtututro sa kanilang mga taga samba na ang Diyos ay kasama ng lahat ng buhay na nilalang sa kaanyuhan na kinikilala nilang Atman na isang kaluluwa, o isang espirito. Nagtuturo din ang mga ito ng pagbibigay ng respeto para sa mga hayop na kailangan nila itong alagaan.

Maraming hayop ang sinasamba ng relihiyon ng Hinduism kasama na dito ang mga tigre, mga elepante, daga at baka. Mula sa isang kilalang Indian lawyer, anti-colonial nationalist, at isang political ethics na si Mahatma Gandhi, hindi dapat pinag eeksperimentuhan ang kahit anong hayop na nabubuhay sa mundo.

Ang relihiyon na tinatawag na Mahayana Buddhism na kung saan ang itinuturo na huwag kumain ng hayop at pawang gulay lamang at mga prutas. Kumbaga stay vegan.

Sa tagal ng panahon, ang pagpatay sa mga hayop at pag eeksperimento sa mga ito ay laganap na at halos hindi na mapigilan. Maraming samahan ang nabuo upang ang mga naghihirap na hayop sa kamay ng masasamang tao ay mailigtas at mabigyan ng panibagong buhay. Base sa unang topics natin sa tanong na ito, pinapakita na may mga ibang paniniwala na ang mga hayop ay kagaya natin, may mga kaluluwa. So does that answer the question? Maybe? Now lets go to the other topic, kasi may mga paniniwala na ang kaluluwa ay nakaakibat sa kakayahang makapagisip. Ang mga hayop ba ay may kakayahang makapagisip?

Do animals Think :

What do animals think?

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang isang hayop ay nakakpag-isip din katulad ng isang tao. Ayon sa isang research na mayroong 1,305,250 species ng hayop sa buong mundo at halos 62,305 dito ang mayroong backbone na katulad ng sa tao. Ang mga ito ay nakakaramdam din ng isang takot, saya , lungkot, sakit at iba pang karamdaman na katulad ng sa tao.

Ayon sa ilang mga research, karamihan sa mga hayop na nabubuhay sa mundo ay mailalarawan bilang isang “Sentinent” o hindi naman ay mayroon itong pakiramdam at nakakapag-isip din ang mga ito. Alam nito ang nangyayari sa mundo at naiintindihan nila ang mga pangyayaring ito.

Sa madaling salita ay may consciousness din ang mga nilalang na ito, ngunit kada isang hayop ay mayroong kanya-kanyang level ng consciousness. Ang iba ay mababa samantalang ang iba naman ay mataas na kung saan, nuutakan na nito ang isang tao. Ang ilang hayop na kung saan nagtataglay lamang ng mababang level ng consciousness, ay nakakaramdam ng iba’t-ibang pakiramdam, ngunit ang mga ito ay hindi nakakaintindi ng ilang mga ideya.

Ayon sa mga eksperto, ang ilang mga hayop na makikilala na mayroong near human level of consciousness ay ang isang grey parrot, nariyan ang mga Orangutans, Chimpanzees, Gorillas, Bottlenose Dolphins, Elephants, Orcas, Bonobos, at ang European Magpies.

Ang ilang mga hayop naman ay nakakapag-isip, ngunit ang kanilang pag-iisip ay malayo sa pag-iisip ng isang tao. Tulad na lamang kapag ang mga tao ay nakakaranas ng sakit, hindi nila ito maitatago dahil sa pag-iyak. Ang ilang mga hayop, tulad ng daga na magaling magtago ng sakit o hindi naman ay hindi ito nagpapakita ng kahinaan.

Ngunit ang totoo, hindi pa din alam ng mga eksperto kung ano ba talaga ang naiisip ng mga nilalang na ito. Ang ilang mga hayop ay mayroong neocortex sa bahagi ng kanilang utak at ang mga ito ay matatawag na human level of consciousness. Samantalang ang iba hayop naman na hindi nagtataglay ng neocortex ay naglalabas ng neuroanatomical, neurochemical, at neurophysiological na nagagamit upang magkaroon ng consciousness ang mga ito.

Nalaman na natin na may kakayahang makapagisip ang mga nilalang, kagaya natin nakakaramdam sila ng ibat ibang pakiramdam, takot, galit, sakit at iba pa. Does it mean na may kaluluwa nga ba ang mga nilalang na ito?

Do they really have a soul:

Do only humans have souls, or do animals possess them too? | Aeon Ideas

Kung maghahanap ka ng kasagutan mula sa pananaw ng ilang tao, mas maniniwala pa ang mga ito na mayroon ngang kaluluwa ang ibang hayop. Tulad na lamang ng isang elepante na kung saan ang mga ito ay umiiyak sa tuwing namamatayan ng kanilang kasama at ayon sa ilang mga eksperto ay nakakaramdam din ng depression ang mga hayop na ito.

Ang mga Parrot ay nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak, ang mga Walruses na kung saan nag-aampon ng mga bata nilang kalahi na namatayan ng magulang at nagiging masaya din ang mga ito sa mga maliliit na bagay na ibinibigay ng mga tao.

Makikita din sa ilang mga balita, na ang ilang mga hayop ay nagligtas ng mga tao mula sa kapahamakan. Ayon sa mga Theologians, ang mga hayop ay walang kaluluwa at kailanman man ay hindi magiging kapantay ng mga tao. Dahil nga ang sinasabi sa Bible na si Jesus na anak ng Diyos ay nabuhay at namatay upang mailigtas ang kaluluwa ng mga tao at walang nasabi na “upang iligtas ang mga hayop”.

Ang mga hayop ay ginagamit sa bible upang ipang-alay lamang sa diyos kagaya ng mga tupa. Ang ilang scripture na mababasa sa bible ay isinasama ang mga hayop na kasama sa bagong mundo na gagawin ng Diyos. Ayon sa

Isaiah 65: 25
“The wolf and the lamb will feed together, and the lion will eat straw like the ox, but dust will be the serpent’s food.”

Mababasa din sa last chapter ng bible na kung saan sa Book of Revelation ;

Revelation 19:14
“And the armies which were in heaven followed him upon white horses, clothed in fine linen, white and clean”

Ang mga kabayo ay kasama ng tagapag tanggol ng langit. Kahit walang eksaktong sinabi na ang mga hayop ay mayroong kaluluwa, sinabi sa bibliya ang mga katagang


Matthew 19:26.
“With men this is impossible; but with God all things are possible.”

Wala mang sapat na ebidensya upang maipakita at maipaniwala sa iba na ang mga hayop ay mayroon ding kaluluwa katulad ng tao, tandaan na ang mga ito ay nakakaintindi, nakakakilala, nagmamahal at nasasakatan.

Ang mga hayop ay kailangan din ng kalinga katulad ng mga tao. Ang mga ito ay sinusubukan lamang din mabuhay at tumagal sa mundo. Tandaan na kahit ang iba sa kanila ay marunong mag-isip, hindi pa din nila alam ang tama sa mali kung kaya’t ang mga ito ay nakakagawa ng mga aksyon na para sa mga tao ay nakakainis.

Nasa saiyo yan kung anong paniniwalaan mo, kung paniniwalaan mong walang kaluluwa ang mga hayop at ginawa lamang ito ng diyos para maging alay, maging gabay o maging pagkain ng mga tao. Nasa sa iyo kung maniniwala ka na mayroon itong kaluluwa dahil sa kakayahan nitong makaramdam katulad ng tao. Pero we got to understand, hindi pwedeng piling hayop lang ang mayroong kaluluwa. Kung ang isang dolphin o gorilla para sa iyo ay may kaluluwa, then all of them should have it.

Hindi namin masasagot ang iyong katanungan yourself dahil ang tanong na ito ay base sa kanyang paniniwala. Gayunpaman, sana ay nagustuhan mo ang aming presentasyon.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/8T_uUkOiIsM

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Isang mundo, isang kontinente – PANGAEA

Bakit nga ba tinago ng vatican ang pangatlo sikreto ng Fatima Secrets?