Patuloy ba ang pagadvance ng computer – Moores Law

Reading Time: 6 minutes

Sa panahon natin ngayon, halos lahat ng ginagawa natin ay nakalink na sa computer, social media, email, job application, banking halos lahat na.

 

Ang unang computer ay ginawa nuong 1946 at halos kasing laki ito ng isang bahay. Tinawag itong Eniac. Kahit na sobrang laki nito, soobrang bagal nito, in fact mas mabagal pa sa isang dial up internet. Swerte ng iba na di naabutan ang dial up internet.

 

1946 hanggang 2019. Isipin ninyo, gaano na kaliit ang computer ngayon. From house like computers ngayon may mga mobile devices na. Pwede na nating makausap ang tao sa iba’t ibang panig ng mundi in just a second, makikita na rin natin ang ating mga kausap wiht the help of webcam.

 

Halos bawat taon naglalabas ang bawat computer companies at cellphone companies ng iba’t ibang product na kanilang dinvelop na mas malakas sa predecessor nito. Ang advancement ba sa computer ang magpapatunay na may forever? o meron din itong katapusan? Kung meron man, asan na tayo sa spectrum na ito?

 

Moore’s Law. IT peeps alam na ito.

 

Basically mga boss, ang speed ng isang computer ay fundamentally linked sa microchip na giangamit nito at kung ilan ang transistor na nasa microchip.

 

Bumalik tayo ng 1965, si Gordon Moore ay isang director ng Research and Development sa Fairchild Semiconductor ng tinanong ito ng elecronics magazine tungkol sa kanyang prediction sa semiconductor components sa susunod na 10 tao.

 

Ayon sa kanyang prediction ang number of components, mga transistors, diodes o capcitors sa isang dense integrated circuit ay nadodoble bawat taon at ito ay mangyayari pa rin for the next tenyears. Nuong 1975 nirevised nya ang forecast rate ng apporximately every 2 years at ito na nga ang naging moores law.

 

In short mga boss, ayon sa moores law, ang bilis ng computer ay madodoble kada 2 taon. Sympre nuong panahon na yon hindi pa ito masyadong pinaniwalaan. Pero over the past decades ang prediction ni moore ay nagkatotoo.

 

Pero meronglimitation ang moores law, na evident na sa panahon natin ngayon.

 

Ang mga eksperto ay nakakagawa na ng mga transistor na halos atoms in size na, which is really really small. So papaano na lang kung mapasok na natin ang boundary ng atom. Dito mga boss papasok ang quantum computing.

 

Base sa princiles ng quantum mechanics, Pinaniniwalaang ang quantum computing ay madadagaan ang speed at processing powers ng mga computers.

 

Isang calculation ang ginawa  at base sa calculation na ito, ang isang quantum computer ay sobrang efficient to the point na kaya na nitong mag calculate ng ten quadrillion per unit of energy.

 

Pag pumasok na tayo sa quantum computing, dito na papasok ang isa pa sa pinakamainit na topic. Ang Artificial Intelligence.

 

Isa sa mga theory ay kapag napuntahan na natin ang rurok ng advancement sa technology, kaya na natin mag emulate ng isang fully functional human brain o gumawa ng buhay or conciousness. AI o artificial intelligence ang mas popular na tawag dito. Totoo na exciting ang ganitong topic pero at the same time, isa rin itong nakakatakot na panahon kung iyong iisipn.

 

Isipin na lang natin mga boss, kapag tayo ay nakagawa ng artificial form of Intelligence na kayang magdesign ng mga computers at kayang lampasan ang kakayahan ng isang tao, tapos ang moores law ay hindi na applicable, ibig sabihin patuloy ang kanilang advancement, then tayong mga tao ay eventually mawawala at malalampasan ng ating mga ginawa. Computers, robots at machineces na kung saan binigyan natin sila ng buhay.

 

Ang fist generation robots na ating ginawa ay posibleng capable na makapagcreate ng 2nd generation na 2 beses ang bilis sa nauna, at ang 2nd generation kayang magcreate ng 2 beses na mas mataas sa kanya and so on and so forth.

 

Sa panahon natin ngayon, tayong mga tao ay may barrier pa pagdating sa moores law. Pero who knows baka ang ating ginawang AI ay kaya itong lampasan. Panigurado naman nakapanood na kayo ng ilang pelukulang mayroong apocalyptic AI ang theme, isa na nga ang terminator dito.

 

Si Elon Musk, ang founder ng paypal, tesla at space x ay nagbigay din ng babala tungkol sa artificial intelligence. Inilarawan nya ito bilang Pandora’s Box kung saan wala tayong idea kung anong nasa loob nito at pag binuksan natin ang pandoras box, in this case mga AI, hindi natin alam kung anong posibleng magiging outcome ng ating species.

 

Mabalik tayo sa Moore’s Law. Ayon sa Law at sa limits ng quantoum mechanics, nasa roughly 70 years bago natin marating ang pinakamataas na processing power ng isang computer. May iba namang nagsasabi na ang Moores Law ay unti unting babagsak dahil ang mga transistors ay sobrang liit na to the point na microscopic na ito.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit hindi natin kinakain ang kapwa tao natin?

Bakit asul ang kulay ng langit?