Papaano ba gumagana ang barcode?

Reading Time: 5 minutes

Ang barcode na nakikita natin sa mga pagkain, tv, ref at iba pa ay tinatawag na UPC at ang ibig sabihin ng UPC ay universal produc code.

Ginawa ang UPC originally para sa mga grocery stores para mapabilis ang pag checkout pati ang kanilang inventory pero dahil sa positive feedback ng paggamit ng UPC, ito ay lumaganap na sa iba’t ibang retail products.

Hindi naman pwede basta maglagay na lang ng barcode at voila masscan na agad. Kailangan iapply ito ng manufacturer sa UCC o Uniform code council. Sympre mayroon itong annual fee para magamit ang pribilihiyo ng UPC. Matapos magbayad, angUCC ay magbibigay ng 6 digit manufacturer identification number at magbibigay ng guidelines kung papaano ito gamitin.

Ang UPC ay may dalawang parts, ang mga blacklines o barcode na nababasa ng machine at ang 12 digit upc number.

Halimbawa meron tayong barcode na 012345678910

Ang unang 6 digits number 012345 ay ang UPC number at ang unang 3 digits ay ang kumpanya ng produkto, ang sumunod na 5 digits 67891 ay ang item number. Para hindi magkapareparehas ang code, mayroong UPC coordinator na responsable sa pagaasign ng numbers sa mga products. Ang last digit ng mga barcode mga boss ay ang check digit. Kumbaga pag iniiscan ang isang barcode nagcacalculate ito. Kapag iba ang calculation nito mula sa last digit ibig sabihin may mali at kailangan itong irescanned.

Contrary to the popular belief, ang barcode ay hindi nagcocontain ng presyo. Ang meron lang nito ay item information. Ito ay sa kadahilanang iba’t iba ang presyo ng bawat produkto depende sa lokasyon kaya’t pwede itong mabago ng tindihan napagbabagsakan nito.

So bakit nga ba may barcode at my number pa? Well kagaya ng nabanggit ko kanina ang isa ay para mabasa ng machine at isa ay para maidentify natin. Kung tutuusin pwede naman nating iprint na lang ang mga numbers kaya lang may problema pagdating sa scanning nito dahil meron mga numbers na parang iba, what i mean is ang 8 pwedeng maging 3 lalo na pag na misprint ito o di naman kaya ang 6 pwedeng mabasa ng 9 at ang epekto nito ay wide scale pagdating sa business dahil magkakalabo labo ang mga prices. That’s why the barcode is there mga boss, mga lines lang sya but each line represented a number. The reason kung bakit naman may numbers ay para sa malfunction ng scanner, halimbawa nasa cashier ka tapos hindi nila mascan ng maayos ang item, hindi ba tinatype nila ang barcode. That’s the use of the numbers.

Now let’s go to its design. Kapag tiningnan mo ang barcode, parang puro linya lang diba halos hindi mo maintindihan pero simple lang talaga ang behind the scens nito. You see mga boss bawat digit ay mayroong exactly 7 horizontal space.

Para marepresent ang numbers from 0 to 9, kinukulayan ang ilan sa mga horizontal space na ito ng black stripe. Kaya’t kung mapapansin ninyo, ang bawat numbers na nasa screen ay mayroong 2 black and white stripes generally. Try ninyong maghanap ng bagay na mayroong barcode at icompare ninyo ang nasa screen.

Papaano nga ba naiiscan ang barcode? Pag tinapat ang red light sa zebra stripe code maririnig mo na tutunog na ito at lalabas na ang price at item description so papaano ito naaachieve?

Kapag ang scanner ay tinapat sa barcode, ang liwanag nito ay magrereflect back sa isang light detecting electronic component na tinatawag na photoelectric cell. Ang white areas ang malakas ang reflection habang ang black naman ay mas mahina. Ito rin ang dahilan kaya’t hirap na hirap iscan ang mga frozen products.

Matapos ma scan ang barcode, pupunta ito sa database ng tindahan nayon at ipupull up ang info at lalabas na ang price and product information.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tumatakbo tayong nakatiklop ang mga kamay?

Bakit Walang luha ang mga sanggol?