Pag sinabing cloud storage, sa ulap ba ang nakatago ang mga files?

Reading Time: 6 minutes

Nuong sinabing cloud storage, anong unang pumasok sa isip ninyo? Kasi ako way back in my beginner days, akala ko merong storage sa taas ng mundo natin kagaya ng satelittes na duon inisstore kaya sinabing cloud storage kasi nasa taas ng ulap. Don’t judge me, bakit nga kasi pinangalan na cloud ito.

 

Ang short answer ay, ang cloud ay isang term na ginagamit para sa isang klase ng storage kung saan maraming computing resources ang nagsstore ng data, pwedeng nirerentahan o yung pay as you use basis, parang google drive. to put it simply.

 

So ngayon pumanta naman tayo sa longer explanation.

 

Pag sinabing cloud computing, ito ung mga internet based computing system, pwedeng mga applications, softwares, databases, content at iba pa na naaccess via internet. In short, kung wala kang internet, wala kang cloud storage.

 

Sa panahon natin masasabi nating advance na ang communication, sa console games pa lang nakakapagusap na, sa mantalang dati local lang. Karamihan, hindi, halos lahat ng mga malalaking kumpanya ay umaasa sa cloud computing. Andyan na ang Google, Facebook, Microsoft, lazada, shopee at iba pa.

 

All right so let me explain ang cloud computing to the best of my knowledge. Halimbawa, isa kang software company at meron kang daan daang empleyado, ang empleyado mo gumagawa ng mga iba’t ibang softwares or games para sa iba’t ibang kumpanya na ngangailangan nito. Sympre ang pag gawa ng program ay kumplekado at alam naman natin na kailangan nito ng napakalaking resources. Kasama na dito ang rack para sa mga storage, ang network servers para makonek ang bawat isa, space kung saan mo ito ilalagay at mosy importantly ang cooling system ng mga servers para hindi magoverheat. Dyan pa lang tiwas tiwas na sa budget.

 

Kaya nagawa ang cloud computing. Hindi lang storage ang cloud computing, Ito ay mga servers din kung saan kailangan mong maghire ng mga resources para inconfigure ang mga nirentahan mong mga servers at imaintain ang setup.

 

Pero bakit nga ba tinawag na cloud ito. Hindi porket sinabing ipadala mo sa cloud ipapadala mo na sa ulap. Magkaiba po sila. Sa mga networn engineers jan pamilyar na kayo dito malamang. Ang cloud ay isang simbolo sa mga Visio, mga diagram o SDD na ang ibig sabihin ay internet. Dahil nga ang kailangan ng internet para maaccess ang inarkilang mga resources, dito na pinangalan ito bilang cloud computing.

 

Ang kailangan nyo lang intindihin mga boss, ang salitang cloud ay isang metaphor para sa internet. Kagaya ng cloud, ito ay makikita kahit saan, ang mga resources at services sa cloud ay pwede ring maaccess kahit saan basta may internet ka.

 

Now we have establish the origin, pumunta naman tayo sa pinagkaiba ng cloud storage at cloud computing. Magkaiba ang dalawa.

 

As the name suggests, ang cloud storage ay pang store ng mga digital information. Isipin nyong mabuti mga boss, pag nagupload kayo ng litrato sa facebook, saan sa tingin nyo napupunta ang litrato? Kailangan maisave yun diba? So saan nila sinasave yun?

 

Data centers.

 

Lahat ng inuupload natin sa intenet, whether sa facebook, twitter o google pa yan ay napupunta sa mga dedicated servers at storage volums kung saan ekta ektaryang mga servers ang nakalagay dito. Lalo na ang Google, sobrang laki ng data centers nila, imaginine nyo ba naman, ilan ang inuupload kada minuto sa youtube.

 

Kaya’t kapag nag upload ka ng picture, videos o files, ang file mo ay nasa isang datacenter halfway accross the world. Now lets go to cloud computing.

 

Ang cloud computing ay pwedeng maidivide sa 3 service models, ang infrastracture as a service o IAAS, platform as a service o Paas at Software as a service o Saas.

 

Let’s discuss first the Iaas. Ang iaas ay ang pinaka basic service model ng cloud. Ito ang ginagamit ng mga higanteng kumpanya kagaya ng google at amazon. Ang isang pinaka tbe best na example ay ang google drive, kung saan ang bawat isa saatin ay ginagamit ang infrastracture para makapag store ng files.

 

Next is platform as a service, dito na papasok ang mga vendors kung saan inooffer nila ang kanilang platform para sa mga kumpanya base sa kanilang preferences at requirements. Sa service model na ito, ang mga application developers ay hindi kailangan mangamba na bumili ng mga softwares at hardware para sa kanilang program dahil ang Paas ang magpprovide nuon. Isa sa mga gumagamit ng paas ay ang amazon web services, microsoft azure at ang google app engine.

 

Lastly ang Saas, sa model na ito, ginagamit ang service bilang pay as you go, kung saan pwedeng gamitin ng mga clients ang server kumbaga ready made na. Ang model na ito ay tinatawag ding on demand software dahil sa versatility nito. Ang mga halimbawa ng gumagamit ng Saas ay dropbox, twitter, linked iun, outlook web access at marami pang iba.

 

Sana mga boss pag sinabing cloud computing o cloud storage di na ulap ang nasa isip nyo, bagkus mga servers. Hanggang dito na lang muna mga boss, salamat sa panonood. Sana ay may bago kayong impormasyong natutunan sa video na ito.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nagiging brown ang mansanas kapag binalatan?

Ano ang Guardian Angel?