Paano nabuo ang bagyo at kidlat

Reading Time: 16 minutes

Topics

Ang pagdadala ng payong ay hussle para sa ilang tao lalo na sa mga kalalakihan, mas gugustuhin nating Mabasa na lang kesa magdala ng payong, dyahe to para sa atin. Magdadala lamang tayo ng payong kung ang ulan sa labas ay malakas at paniguradong tayo ay mababasa. Pero kung paambon ambon lang, magiging the flash tayong mga boys at tatakbuhin na lamang ang ambon.

Ngunit pagkalapis ng kalahating araw, hindi inaasahan ang malakas na pagbuhos ng ulan. Paano nga ba malalaman kung ang isang malakas na ulan ay paparating? Ano ba ang mga maaring obserbahan upang mapaghandaan ang bagay na ito.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Ang tanong na ito ay mula kay rogerjun bacacao at ito ang ask bulalord.

SIGNS:

Tips to Stay Safe in Thunder and Lightning Storms

Ano nga ba ang mga maaring maging senyales ng pag-ulan? Minsan ay niloloko tayo ng panahon, Pagalis mo ng bahay tirik na tirik ang araw tapos pag sakay mo ng jeep parang katapusan na ng mundo dahil sa sobrang dilim ng mga ulap kaya’t kailangan nating maging handa upang hindi umuwing basang sisiw sa ating tahanan.

Kung takot kang mangyari sa iyo ang bagay na ito, narito ang ilang bagay upang malaman mo kung ikaw ay magdadala ng payong sa iyong pag-alis. Ang pinaka unang senyales ay ang pagbaba ng temperatura o ang biglaang paglamig sa mainit na panahon. Ang paglamig na ito ay hindi lamang dahil sa pagtakip ng ulap sa araw, ngunit ito ay dahil sa namumuong sama ng panahon. Dahil ito sa pagkikita ng mainit na hanging na nagmula sa ibaba at sumasama sa malamig na hangin na nasa itaas. Dahil sa pagtatagpo ng dalawang bagay na ito , mabubuo ang isang bagyo. Ayon sa research, ito ang isa sa dahilan kung bakit pagdating ng gabi ay umuulan tuwing panahon ng tag-init.

Kung ikaw ay mahilig tumingala at tumingin sa ulap,mapapansin mo ang mga malalaking ulap na nakakalat lamang sa kalangitan. Ito ang tinatawag na cumulos clouds, ang kalse ng ulap na kadalasan makikita tuwing panahon ng tag-init. Minsan ay mapapansin mo din na ang nakakalat na ulap na ito ay unti-unting nagdidikit at mabubuo upang maging isa. Kung ang lahat ng malalamig at maiinit na hangin ay magtatagpo sa itaas, ang puting ulap na nasa itaas ay unti-unting magdidilim at magsisimulang magpakita ng ilang pag-kidlat at magparinig ng ilang pag-kulog.

Kung ganito na ang ulap na iyong nakikita, at naririnig mo na ang ilang pagkulog at pagkidlat. Maari kanang maghanap ng malaking silungan dahil hindi magtatagal; ang itim na ulap na ito ay maaring magbasak ng isang biglaan at malakas na ulan.

Dahil sa makabagonmg teknolohiya, ang isang bagyo o pag-ulan ay maari nang malaman ng mga eksperto. Kung ikaw ay tamad na tumingala at bantayan ang panahon sa labas. Maaring manuod o di kaya’y mag search online upang malaman kung may balita patungkol sa paparating na mahina o malakas na pag-ulan sa araw na iyon.

Typhoon, Hurricane:

What is a typhoon: Everything you need to know - ABC News

Ayon sa research, ang tatlong bagay na ito ay halos magkakapareha lamang. Ngunit ito ay pinag-hiwahiwalay base kung saan ito nagmula at nabuo. Ang isang Hurricane ay nabubuo sa parte ng atlantic at Northeast Pacific, samantalang ang isang typoon ay nabubuo sa Northwest Pacific. Sana clear tayo ditto dahil maririnig nyo ng madalas ang typhoon at hurricane ditto sa video.

Kung ang isang typoon na mula sa Northwest Pacific ay umabot hanngang Northeast Pacific matatawag na itong isng hurricane. Isa na sa halimbawa neto ay ang hurricane na nabuo noong 2014 sa eastern Pacific, ngunit naging Super Typhoon Genevievev dahil sa ito ay gumalaw patungong west.

Ang isang Hurricane at isang Supertypoon ay isa lamang uri ng bagyo. Ang dalawang bagyong na ito ay pareho lamang nabubuo sa gitna ng malaking karagatan. Kung pag-aaralan ang dalawang uri na ito ay parehong pareho lamang, habang ito ay nabubuo, nakakabuo din ito ng mata na siyang pinakamalakas kung ang tubig na dala ng mga ito ay babagsak na sa lupa.

Hindi din magkaiba ang panahon kung kailan ito kadalasan nabubuo, sa buwan ng Hulyo hanggang sa buwan ng Nobyembre. Ngunit ayon sa redcross.org, maari din itong mabuo ng mas maaga pa sa hulyo at maari pa din maranasan sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre.

Kung ang isang normal na bagyo na mayroon lamang wind speed na nasa pagitan ng 39-73mph ay tumaas pa sa 74mph; matatawag na itong isang hurricane. Kung ang isang hurricane ay umabot sa category 4, ito ay matatawag nang isang super typoon.

Ngunit ayon sa pag-aaral, ang isang typoon ay mas malakas kung ikukumpara sa isang hurricane. Ang isang typoon ay mas madalas din mangyari sa lugar na tinatahak neto. Ayon sa research, dahil ito sa mainit na tubig na mayroon ang Pacific ocean. Ngunit kahit sabihin na mas malakas ang isang typoon, hindi din nalalayo ang mga bagay na kanilang dala sa pagbagsak sa lupa.

Lightning:

Africa, a Thunder and Lightning Hot Spot, May See Even More Storms ...

Mapapansin natin sa tuwing malakas ang bagyo o isang ulan, makikita ang isang eletrisidad na kumakalat sa kalangitan. Ito ang tinatawag nating kidlat. Ayon sa ilang research at pag-aaral, hindi alam kung bakit kailangan na magpakita ng ganitong bagay ang kalangitan sa tuwing ito ay nagbubuhos ng malakas na ulan.

Ngunit kahit hindi alam ng mga eksperto o kahit sino kung ano ba talaga ang halaga ng bagay na ito, alam naman ng mga ito kung paano ito nabubuo.
Ayon sa isang Meteorologist na si Al Peterlin, ang isang kidlat ay isang kuryente obviously. Kung minsan ay nakakakita tayo ng spark sa tuwing ang isang negative at positive charge na kuryente ay nagkakadikit. Ang ulap kung saan nabubuo ang isang bagyo ay nagkakaroon din negative at positive charge, dahil sa magkakaibang charge na ito nabubuo ang isang malakas at maliwanag na spark sa makikita natin sa langit. Ang bagay na ito ay kumalat sa itaas lamang at dumaloy sa mga katabi nitong mga ulap, pero may pagkakataon na bumababa din ito sa lupa at panigurado, wasak ang tatatamaan nito.

Dahil na din sa mga bagay na nasa ibaba ng lupa, isa din ito sa pinagmumulan ng isang kidlat. Sa tuwing nabubuo ang isang ulan, nakakabuo din ito ng mga maliliit na particles tulad ng snow o maliliit na yelo na nagiging dahilan kung bakit malamig ang patak ng isang ulan. Ang charge ng mga particles na ito ay negative; ang mga makikitang bagay sa lupa tulad ng mga puno, at mga gusali na mayroon patusok na bubong na tulad na lamang ng mga tower ay mayroong positive charge dahilan upang magkaroon ng isang kuryente sa pagitan ng dalawang ito.

Kung mapapansin, ang isang kidlat ay hindi naman nagtatagal at sandali lamang kung magpakita. Pero huwag itong maliitin dahil ang bagay na ito ay mas mainit pa sa temperaturang nagagawa ng araw. Ang araw natin ay may temperature na 6,000 kelvins pero ang kidlat ay umaabot ng 30,000 kelvins. Pero sympre mas nakakapagbigay ng init ang araw dahil ito ay sobrang laki, ang kidlat oo mas mainit sya pero mas maliit lamang ang structure nito.

Kung ang isang kidlat ay tumama sa isang bagay na narito nasa lapag ng lupa, ang eletrisidad na mayroon neto ay dadaloy sa bagay na matamaan neto.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Thunderclap:

Overview of Primary Thunderclap Headache

Pagkatapos mong makakita ng isang malakas na kidlat na nagpakita sa itaas ng kalangitan, ang pangalawa mong gagawin at nakasanayan ay ang magtakip ng iyong tenga. Dahil ang kasunod ng isang malakas na kidlat ay isang malakas na kulog o Thunderclap.

Ngunit paano nabubuo ang tunog na ito?

Simple lamang, dahil nga sa mainit na electrical charge na mayroon ang isang kidlat; ito ay kumakalat sa hangin. Sa init na dala neto, ito ang magiging dahilan upang ang hangin ay mabilis na lumubo at maglalabas ng isang malakas na tunog. Kumbaga, naipin ang lahat ng mainit na hangin at sa pagpapakawala ng kidlat, ito ay puputok dahilan para marinig natin ang napakalakas na kulog. Kaya naman pag mas maliwanag ang kidlat, alam natin na mas malakas ang kulog nito dahil nga naipon ng matagal ang mga electrical charges nito.

Lightning strike:

Lightning Strike Damage: Storm Statistics | Bulldog Adjusters

Dahil sa kakayahan na dala ng isang kidlat, ang bagay na ito ay sobrang delikado para sa isang tao. Ayon sa research, ang katawan ng tao ang isa sa pinaka pinagiinitan ng isang kidlat. Lumabas din na sa halos limang daan na tao na tinatamaan ng kidlat, 90% dito ay nakakaligtas.

So, ano nga ba ang maaring mangyari sa taong tinamaan ng kidlat?

Ayon sa pag-aaral, kung ikaw ay tatamaan ng isang kidlat; sa loob lamang ng napa ikling segundo ay dadaloy na ito sa iyong katawan. Ang kuryenteng ito na dadaloy at mabilis ding lalabas sa iyong katawan. Pero ito ay mag-iiwan ng isang malalim na sugat at isang third degree burns, parang harry potter style lang. Maaring ang iyong buhok o kahit anong saplot sa katawan ay mapagsimulan ng apoy, maari din na mawasak dahil sa pwersa na kakalat sa hangin dahilan upang ito ay uminit ng halos 50,000 degrees F. Kung ang isang tao ay maraming metal sa kanyang katawan, tulad na lamang ng isang relo, bracelet mga kwintas; magiging dahilan ito upang ang kuryente na dumaloy sa iyo ay mag-iiwan ng paso sa iyong katawan.

Maari din itong maging dahilan ng cardiac arrest, seizures at respiratory arrest. Ayon sa bussiness insider, kung ang kuryente ay makakapasok sa iyong buto, maari nitong maluto ang iyong utak dahilan upang ang isang tao ay magkaroon ng brain damage. Ang ibang nakaligatas mula sa kidlat ay nagkaroon ng ilang paralysis sa katawan.

TIPS:

Daily Dose - What Happens To the Human Body When it's Struck by ...

Ano ang mga bagay na kailangang gawin upang makaligatas at maiwas sa nakakamatay na bagay na ito?
Ayon sa NASA, kung mayroon mang pagkidlat na nagaganap, huwag pumunta sa mga lugar na open area. Tulad na lamang ng mga taniman, mga malalawak na lupain na halos walang bahay at huwag na huwag sisilong sa isang puno. Ang isa sa pinaka magandang puntahan kung mayroon mang kidlat ay isang gusali.

Huwag ding pupunta sa dagat habang nagaganap ang bagay na ito.Kung ang isang kidlat ay tumama sa karagatan, ito ay dadaloy hanggang 20 miles mula sa pinagmulan neto.Kung ayaw mong maprito sa dagat, lumayo kana dito. Palagi ding pinapaala na isara ang lahat ng bagay na dinadaluyan ng isang kuryente o ginagamitan ng kuryente. Tanggalin ang lahat ng nakasaksak tulad na lamang ng t.v at paggamit ng cellphone.

Huwag ding magdadala ng kahit anong mahahabang bakal habang naglalakad at nagaganap ang isang malakas at palagiang pagkidlat. Idagdag pa ang pag-iwas na magdala ng payong na mayroong patusok sa dulo neto. Magsisilbi kasi itong rod at ang kidlat ay maakit ditto dahilan upang targetin ka nito.

Ayon sa mga eksperto, kung ikaw ay nakakaramdam ng pagtaas ng kahit anong buhok sa iyong katawan ang ibig sabihin lamang neto ay maaring ang kidlat ay tatama sa iyo. Kung ito man ay nararamdaman mo, maghanap agad ng gusaling masisilungan at pumasok sa loob nito.

Dahil nga sa bilis ng isang kidlat, hindi pwedeng ang isang taong tatamaan nito ay babagal bagal.

30-30 RULE:

Ang pagbibilang ng ilang segundo at ilang minuto ay maaring makatulong upang hindi mapahamak sa panahon ng malakas na pag-ulan. Ang 30-30 rule, o 30 seconds at 30 minute rule. Ano ito at Paano ito gawin?

Ayon sa learn weather, ang rule na ito ay maaring magbigay ng kasiguraduhan upang malaman kung ang lugar na iyong kinatatayuan ay delikado. Ang pagbibilang ng 30 seconds matapos makakita ng isang kidlat at makarinig ng isang kulog ay makakatulong sa isang tao. Kung ang kidlat ay mabilis na nagpapakita sa loob lamang ng ilang segundo ito ay masasabing delikado. Kung hindi mo naman nakita ang kidlat, maaring gamitin ang tunog ng kulog upang mabilan ang segundo. Maghanap agad ng bahay na masisilungan.

Matapos makita ang kidlat at marinig ang kulog, huwag munang aalis sa iyong sinisilungan at maghintay ng kalahating oras o 30 minutes. Maaring tumigil na ang pag-ulan ngunit maari pa din itong bumalik, sa pagbibilang ng kalahating oras, makakasigurado kang ito ay titila muna. Kung ang kidlat ay hindi na nagpakita matapos ang kalahating oras, maari nang lumabas at magsimula nang lumakad.

Kung maaraw man o maulan; ugaliin nating magdala ng payong upang maging ready at hindi tayo magkaroon ng kahit anong sakit. Ang kaunting kaalaman ang makakapag bigay sa atin ng ilang kasiguraduhan upang tayo ay maging ligtas kung mangyari man ang mga bagay na ito.

Ang pagtingin sa balita at pakikinig sa bilin ng ating mga magulang ay maaring maging daan upang tayo ay umuwing tuyo at ligtas sa ating tahanan.

Kung ikaw naman ay isang taong mahilig manuod ng kidlat tuwing umuulan. Tandaan na ito ay isang bagay na maaring tumapos sa iyong buhay at nangangailangan ng isang mabuting pag-iingat.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan rogerjun bacacao . Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.nasa.gov/audience/forstudents/k-4/home/F_What_Causes_Lightning_Flash.html
  2. https://learn.weatherstem.com/modules/learn/lessons/108/08.html
  3. https://www.businessinsider.com/what-to-expect-when-you-survive-lightning-2016-4
  4. https://www.eduplace.com/kids/sla/4/lightning.html
  5. https://www.scholastic.com/teachers/articles/teaching-content/basics-thunder-and-lightning/
  6. https://www.redcross.org/get-help/how-to-prepare-for-emergencies/types-of-emergencies/hurricane/hurricane-vs-typhoon.html
  7. https://www.sheltersolutionsar.com/gallery-resources/storm-prep-resources/signs-of-a-storm/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

#1

Chernobyl Disaster