Paano nabuo ang atmosphere?

Reading Time: 17 minutes

Topics


Bawat bagay sa ating mundo ay kailangan natin upang mabuhay. May mga ilang bagay na akala mo ay walang kwenta, turns out Malaki pala ang natutulong nito. Halimbawa na lamang ang ating Atmosphere, ang bagay lang naman na ito ang nagsisilbing panangga ng lahat ng bagay na naninirahan sa loob ng ating mundo. Para sa mga hindi nakakaalam, ito ang nagiging panangga natin sa ultraviolet radiation o ang radiation na mula sa liwanag ng araw, sa solar wind at sa mga cosmic rays.

Halos 78 percent ng ating atmosphere ay nitrogen na kung saan ito ay nagiging compounds na makikita sa ilalim ng lupa mula sa mga pananim. Ito ay ang mga ammonium at nitrate na ginagamit upang makagawa ng macromolecules tulad na lamang ng isang proteins at nucleic acids. Ayon sa pag-aaral ito ay isang mahalagang bagay upang mabuhay ang mga nilalang sa loob ng mundo.

Syempre ang atmosphere natin ay mayroong 21 percent na oxygen at alam kong alam mong ito ang kailangan natin upang tayo ay makahinga. Ang iba pang bahagi ng atmosphere ay 0.93 percent Argon kung saan ito ay byproduct mula sa isang oxygen at nitrogen. Ayon din sa pag-aaral ay ginagamit ang bagay na ito sa tuwing nangangailangan ng isang inert atmosphere. Isama na din natin ang 0.04 percent ng isang carbon dioxide at mabubuo na natin ang atmosphere ng ating mundo.

Ito ang isang bagay na kailangan natin upang makatagal tayo sa ibabaw nang lupa na ating kinagagalawan. There you have it. Ito na ang sagot sa tanong mo boss Patanie Amintao. Tutal nasa atmosphere na lang din naman tayo, idiscuss na natin ito. Roll Intro…. Ay wait lang…. Nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa magsuscribe ka na, maraming video ditto na punong puno ng impormasyon panigurado pati science teacher mo eh mapapanganga sa mga trivia na malalaman mo kaya’t magsubscribe ka na. Sige roll intro na…

Modern Atmosphere:

evolution of the atmosphere | Composition & Facts | Britannica

Ang modern atmosphere ay kilala din bilang Third atmosphere. Mula sa helium at hydrogen bilang first atmosphere, hanggang sa carbon dioxide, ammonia at mga methane bilang second atmosphere. Nagkaroon ng pinaka unang buhay sa mundo na mula sa isang bacteria na nakita mula sa isang fossils, ito ang nagpapakita ng pinaka unang organismo na naglalabas ng oxygen sa kanyang katawan.

Makalipas ang halos isang bilyong na taon, nabuhay ang oragnismo sa karagatan na tinatawag ng mga eksperto na blue-green algae. Ang maliit na organismo na ito ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw upang mapaghiwalay ang mga molecules na mula sa tubig at mula sa carbon dioxide. Matapos nitong mapaghiwalay ang dalawa molecules ito ay kanyang idinikit sa isang organic compounds at isang molecular oxygen. Tinawag ito ng mga ekperto na photosynthesis, ang ilan sa mga ito ay nakagawa ng isang oxygen na isinama naman sa isang organic carbon upang makabuo muli ng isang carbon dioxide na molecule.

Ang mga natitirang oxygen ay nagsama-sama sa atmosphere ng mundo. Mula sa mga oxygen molecules na umabot sa mataas na parte ng atmosphere, ang mga ito ang nagsilbing taga absorbed ng mga enerhiya na mula sa ultraviolet (UV) rays nang araw. Ang mga ito ay pinaghihiwalay at binuo upang maging isang single oxygen atoms.

Mula sa mga Photosynthesizing na organismo na ito ay patuloy na nag-evolved at nagparami dahilan upang mas madming oxygen ang magawa mula sa carbon dioxide. Ayon sa mga eksperto, ang mga oxygen ay dumikit sa iba’t ibang elemento tulad na lamang ng sa isang iron, at dahil nga ang ibang oxygen ay sumama sa atmosphere nagkaroon ng mass extinctions at naging dahilan din ng ilang mga ebolusyon.

Ang Third atmosphere natin o ang modern atmosphere ay binubuo halos nang nitrogen at hydrogen. Ayon sa mga eksperto, ang oxygen ay mula sa mga oceanic blue-green algae, ang mga inorganic chemical reactions, kasama na ang iba pang hayop, bacteria, at ibang mga halaman. Ang mga ito ay patuloy ay madaling nakukuha at nakukunsumo ang isang oxygen. Ang mga nabuhay naman na organic matter ay nakakapaglabas ng madaming carbon dioxide, ang oxygen ay maaring mawala sa loob ng ilang milyon taon dahil sa mga chemical reaction. Habang patuloy na nauubos ang oxygen, ang mga carbon dioxide ay matutunaw sa karagatan at hindi na muli pang mapapalitan.

Ngunit dahil sa biological productivity at ilang geological forces ay pinaniniwalaan na nagtutulungan upang mapanatili ang saktong carbon dioxide at saktong oxygen na tumagal mula noong unang panahon hanggang ngayong.

Evolution of Atmosphere:

GCSE Chemistry - Evolution of the Atmosphere #52 - YouTube

Ayon sa pag-aaral, ang unang atmosphere ng mundo ay binubuo lamang ng helium at ng hydrogen, ito ay bago pa magsiputukan ang mga malalaking bulkan sa ating mundo. Mula sa init ng molten crust ng mundo dati, isama pa ang init na ibibigay ng araw at ilang mga solar winds na nagagawa nito; ang helium at hydrogen ay nawala.

Dahil pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang mundo natin ay nabubuhay na mula pa noong 4.5billion years ago. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang ating primordial earth ay naglalaman ng mga buhay na buhay na bulkan. Hindi lamang ito basta bulkan ngunit napakalaki at mapanganib na bulkan na gumagawa ng malalakas na pagsabog at naglalabas ng kung ano-anong kemikal. Ang paniniwala ng mga eksperto ay nabuo ang ating atmosphere dahil sa mga gas na nailalabas ng mga bulkan mula sa kanilang pagputok.

Ayon sa mga eksperto, ang atmosphere noong panahon na iyon ay binubuo lamang ng carbon dioxide at halos walang oxygen. Makikita din ang ilang water vapor, mga ammonia at mga methane. Ang mga bagay na ito ay pinaniniwalaan na kemikal na nailabas ng mga bulkan. Noong matapos ang mga malalakas na pagsabog na ito, ang mga nailabas na lava ng mga bulkan ay natuyo at nagsimula na din lumamig ang klima sa mundo.

Ayon sa ilang pag-aaral, mula sa iba’t ibang unibersidad, dahil sa tinatawag na greenhouse effect na mula sa mga high levels na carbon dioxide at methane ang mundo ay naging isang malaking freezer. Tapos ng sobrang init, ngayon naman sobrang lamig. Parang jowa mo lang, kahapon mahal ka pa, ngayon hindi na. #walang 4ever. Akalain mo nasingit ko pa un.

Ayon sa mga eksperto, ang dating atmosphere ng mundo natin ay puro carbon dioxide. Ito ay katulad ng atmosphere na mayroon ang mga planetang Mars at Venus.

Malamang nagtataka kayo papaanong nalaman ng mga eksperto ang atmosphere nuong unang panahon samantalang wala pang tao nuon. Well it’s all in the chemicals. Ang pag-aaral patungkol sa early atmosphere ng mundo ay ibinase lamang sa mga napakatatandang bato na nakitaan nang mga high quantities ng carbon dioxide at mga Iron-based compounds. Pinaniniwalaan na ang mga ganitong bagay ay maari lamang mabuo kung ito ay halos hindi na nakakakuha ng oxygen.

Kapag sinabing atmosphere ay iisa lang ba? NO. Actually ito ay nahahati sa anim na bahagi, nariyan ang Troposphere, Stratosphere, Mesosphere, Thermosphere, Ionosphere, at ang pinaka huli at ay ang Exosphere.

Exosphere, Thermosphere and Ionesphere:
Magsimula tayo sa pinakataas. Ang exosphere ay nasa taas lang naman na 500 km. Ayon sa pag-aaral, ang mga kaunting oxygen at hydrogen na makikita dito ang nagiging dahilan kung bakit madalang na magkita o magbanggaan ang mga ito. Dahil sa gravity, ang mga ito ay malayang nakakagalaw at sumusunod lamang sa mga bagay na nasa kanilang harapan, ngunit ang iba ay napapahiwalay at nakakalabas sa kalawakan.

Ang Thermosphere ay ang nasa baba ng exosphere na kung saan hindi lamang ang temperatura ang tumataas, ngunit pati ang laki nito ay lumalaki din. Ang pagtaas nito ay nagmumula sa inilalabas na isang energetic ultraviolet kasama na din ang isang X-Ray radiation o ang radiaton na maaring makuha sa isang x-ray ng araw. Ang mga bagay na ito ay nakukuha at naabsorb ng layer na ito ng atmosphere. Kapag nga ang mga ito ay nakapasok na papatayin nito ang mga electrons na kanyang makakasalubong. Ang mga atoms at iba pang molecules naman na nasa loob ng thermosphere ay gagawing ions na mayroong positive charge ang mga namatay na electrons ay tatawaging “ion,” o ung mga atoms na walang electron at dito na magkakaroon ng tinatawag na “Ionesphere”.

Ayon sa pag-aaral, mula araw hanggang gabi ay nagbabago ang temperatura ng thermosphere at nagbabago din ang bilang ng mga ions at ilang electrons. Malaking tulong sa atin ng ionosphere dahil sa positive ion nito, nakakapaglakbay ang ibang waves na ginagamit natin sa pakikipag communicate. Kung baga nagsisilbi itong barrier sa mga radio waves na syang magpapatalbog sa signal pabalik sa loob ng ating mundo na sya namang marereceive ng iba pang towers.

Mesosphere, Ozone and Stratosphere:

Is the ozone layer located in the stratosphere, in the mesosphere ...

Ang nasa ibaba ng thermosphere ay ang mesosphere kung saan ang temperatura ay bumababa din base sa taas na kinalalagyan nito. Ang taas nito ay mula 50 hanggang 85 km mula sa ating lupa, at umaabot sa halos -90 degrees celsius lang naman. Kapag pumasok ang bulalakaw ang mesosphere ang syang dahilan kung bakit umaapoy ito. You see ang mga naunang layer ng atmosphere ay walang problema para sa mga papapasok na kometa dahil wala pang masyadong hangin dito. Pero pagpasok ng bulalakaw sa mesosphere, magkakaroon na ng chemical reaction dahil makapal na ang hangin dito. Alam naman natin na ang hangin ay nagcacause din ng friction sa air molecules hence napapaapoy nito ang mga bulalakaw. #Themoreyouknow

Bago tayo mapunta sa dalawang pinaka mababang bahagi ng ating atmosphere, pag-usapan muna natin ang isang bagay na nakakabit sa dalawang bagay na ito. Ang ozone, ang bagay na ito ay isang highly reactive gas na kung saan ito ay binubuo ng tatlong oxygen atoms. Nabubuo ang isang ozone mula na din sa ilang bagay na ginagawa ng mga tao na umaakyat hanggang atmosphere. Ang bagay na ito ay maaring maka-apekto ng maganda o hindi naman ay masama sa lahat ng nasa mundo.

Ang ozone pangalawa sa pinaka mababa na parte ng ating atmosphere. Ang nasa ibaba ng mesosphere ay ang stratosphere. Ang taas nito mula sa lupa ay aabot hanggang 50km na naglalaman ng maraming ozone. Kung ang nasa itaas nito ay malamig, ang stratosphere ay mataas o mainit at mas lalong umiinit dahil sa mga naabsorb nitong ultraviolet (UV) radiation na mula sa araw. Ayon sa ilang research, ang temperatura ng stratosphere sa summer pole ay mataas ngunit bumababa ito sa winter pole.

Ang mga ozone na makikita sa stratosphere ay tumutulong upang iabsorb ang mga UV radiation na maaring magdala sa mga tao ng isang cancer sa balat at iba pang malala at nakakatakot na sakit. Ngunit dahil sa ibang chemical na ginagamit ng tao tulad na lamang ng mga Freons at halon na inilalabas ng isang isang ref, mga spray can at mga fire extinguishers, nababawasan ng nababawasan ang ozone sa stratosphere. In laymans term, ang mga chemical na ito ay isang klase ng greenhouse gas. At alam naman natin ang epekto ng greenhouse gas. Hindi mo alam? Well ito lang naman ang nagttrap sa init ng ating mundo. Which causes devastating effects. Alam mo naman ang climate change diba?

Troposphere:

Troposphere | NASA Space Place – NASA Science for Kids

Ang pinaka mababang bahagi ng ating atmosphere, ang bahagi kung saan ito ay naabot na nang mga sasakyang pang himpapawid. Ang troposphere ay naglalaman ng mga weather clouds na pinagmumulan ng ulan at nang ilang snow. Ang troposphere lang naman ay naglalaman ng halos 75percent ng hangin na ating hinihinga at nilalanghap sa araw-araw. Dito rin nabubuo ang mga bagyo.

Ayon sa niwa.co, ang temperatura sa bahagi na ito ay maaring lumamig base sa pagbabago ng taas nito. Kada pagtaas ng halos isang km, ang temperatura na madadagdag ay nasa 6.5°C. Nagbabago ito mula araw hanggang gabi na katulad nang pagbabago na nagaganap sa mesosphere. So, kung ang atmosphere na ito ay bababa, ang temperatura ay mababawasan din. Dahil sa mababang pressure, sa tuwing ang hangin ay pataas ng pataas ito ay nag eexpand, kapag nag-expand ang hangin ito ay lalamig. Ito ang dahilan kung bakit mas malamig sa mga rooftop o sa mga matataas na lugar.

Stability of our Atmosphere:

Lecture 29 - Atmospheric stability

Paano malalaman kung stable pa ang atmosphere na mayroon tayo.

Nasabi ko nga kanina na kung ang hangin ay tumaas nang tumataas, ito ay lumalamig at kapag naman ito ay bumababa, ito ay umiinit. Ito ang tinatawag ng mga eksperto na “Adiabatic Processes” .
Ayon sa pag-aaral, ang hangin ay hinahatak ng dalawang pwersa ito ang”Gravitational forces” na kung saan ang air parcel o isang imaginary na katawan ng hangin ay kinukuha nito at hinahanatak niya pababa. Ang pangalawa naman ay ang “Buoyancy Force” na hinahatak ang air parcel ng pataas. Kung baga ang gravitational at buoyancy ay naglalaban.

Sa madaling salita, stable ang atmosphere kung ang hangin na nasa itaas ay umiinit at mainit na hangin sa baba ay lumalamig. In short para syang nagcicirculate. Ang mga hangin sa ibaba at itaas na bahagi ay lumalamig tuwing sumasapit ang gabi, ayon sa pag-aaral ang pinaka stable na oras ng ating atmosphere ay tuwing magsisimula ang umaga, o sa madaling araw.

Ang pagpapalit ng temperatura sa bawat oras ay sumisimbolo na ang atmosphere natin ay nasa tamang kalagayan.

Extraterrestrial Atmospheres:

Alien Life Hunt: Oxygen Isn't the Only Possible Sign of Life | Space

Ano naman itong Extraterrestrial atmosphere? Ayon sa mga eksperto patungkol sa Aeronomy o pag-aaral patungkol sa atmosphere ng ating mundo, mayroong tayong tinatawag na extraterrestrial na atmosphere. Ang mga ito ay makikita sa isang comets at ilang planeta na nasa ating universe.

Pinaniniwalaan na dumaranas din ang mga ito ng ilang pangyayari katulad ng atmosphere natin dito sa Earth. Ito ang ginagamit at pinag-oobserbahan ng ating mga eksperto upang makaalam ng ilang mga impormasyon, maintindihan ang ilang pangyayari at maaring malaman din kung paano ba talaga nagkaroon ng buhay sa mundo.

Tulad ng nasabi ko kanina, ang planetang Venus at mars ay ang mga planeta katulad nang ating mundo na mayroong matigas na core at mayroong ding atmosphere.

Ang patuloy na pag-init nang ating mundo ay dahil na din sa mga bagay na ginagamit ng mga tao. Dahil ang mga bagay na ito ay hindi maiiwasan gamitin, maaring patuloy na masira ang isang bahagi ng atmosphere.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan kay Patanie Amintao. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Kung nagustuhan ninyo ang video wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe button. May mga video akong naka premiere katulad nito kaya wag kalimutang iturn on ang bell notification para naman makasama ko kayo sa live chat. Madaming topics tayong ididiscuss at sigurado ako magugustuhan yon ng mga taong gustong palawakin ang isip nila.

Sources

Sources

  1. https://www.aeronomie.be/en/encyclopedia/planetary-atmospheres-terrestrial-and-extraterrestrial
  2. https://www.youtube.com/watch?v=KDP_cLB8TCg
  3. http://www.atmo.arizona.edu/students/courselinks/fall14/atmo170a1s3/online_class/week_10/lect29_stability.html
  4. https://niwa.co.nz/education-and-training/schools/students/layers
  5. https://www.epa.gov/ozone-pollution-and-your-patients-health/what-ozone
  6. https://scied.ucar.edu/shortcontent/mesosphere-overview
  7. https://niwa.co.nz/education-and-training/schools/students/layers
  8. https://www.bbc.co.uk/bitesize/guides/z3n37hv/revision/4
  9. https://www.cs.mcgill.ca/~rwest/wikispeedia/wpcd/wp/e/Earth%2527s_atmosphere.htm
  10. http://teachertech.rice.edu/Participants/louviere/history.html’
  11. https://www.sciencelearn.org.nz/resources/960-the-nitrogen-cycle
  12. https://education.jlab.org/itselemental/ele018.html

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Third Eye

Kaya ba nating gawin ang Wandering Earth?