Paano at bakit tayo nagugulat?

Reading Time: 10 minutes

Topics

Isa sa pinaka masayang pakiramdam na nararamdaman ng isang tao ay ang mangyari ang bagay na nais nyang mangyari nang hindi niya inaasahan. Halimbawa kapag kaarawan mo, hindi mo akalain na naalala nila ang araw na ito at natuwa ka noong nagbigay sila ng regalo dahil nga binigyan ka nila ng surpresa.

Ang surpresa na ibinigay sa iyo ng iyong Boyfriend o Girlfriend kung meron ka man nun (alam ko wala) o mga supresa na ibinigay sa iyo ng iyong magulang. Ang surpresa na ibibigay sa iyo ng mga kaibigan mong gusto ka lamang pagtripan. Ang pagkagulat dahil ay ating nararamdam na mayasa at kung minsan ay malungkot depende sa sitwasyon.

Kung minsan naman ay hindi tayo nagugulat sa mga ganitong bagay ngunit sa iba pang mga pangyayari. Tulad na lamang ng pagputok ng isang lobo o biglaang pagtunog ng isang bagay. Kung minsan ang gulat ay nararamdaman natin kapag tayo ay natatakot at bigla ka nalang mapapasigaw.

Pero bakit nga ba nangyayari ang ganitong bagay ?

Ang tanong na ito ay mula kay Ariane Mae at ito ang askbulalord.

Feeling Surprised:

Words You Can Blurt Out When You're Feeling Surprised | That's ...

Ang pagkagulat ng isang tao ay panandaliang mental at physiological state na nararansan ng mga tao at maging ng mga hayop. Ang pakiramdam na ito ay mula mismo sa hindi inaasahan na bagay. Ang pakiramdam na ito ay maaring maranasan sa isang magandang bagay o masamang pangyayari.

Ang pagkagulat ng isang tao ay nakakabit sa isang ideya na kung saan kailangan gumalaw base sa tinatawag na “Set of Rules”. Ang set of rules na ito ay mula sa realidad na kung saan mga pangyayari sa araw-araw, at ang mga nakahiwalay na ideya nang mga bagay na iyong inaasahan. Kapag ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa parehong oras, gulat ang iyong mararanasan.

Ang pagkagulat ng isang tao ay maaring mula sa mahinang gulat na napataas lamang ang iyong braso o nasagi ka lang, na kung saan mararansan mo ito sa tuwing ikaw ay npupunta sa fight-or-flight state.

Ang pagklagulat ay maaring nagagawa mo kahit na hindi ka nagsasalita o sumisigaw. Ang mga pagtaas ng kilay sa tuwing mayroong kang nakikitang nakakamanghang bagay, paglaki ng dalawang mata , at pinaka kilalang Jaw drop o yung tipong mapapanganga ka talaga sa gulat. Ang mga ganitong pakiramdam ay hindi naman tumatagal ng oras, tumatagal lamang ito ng ilang segundo.

Kung minsan naman, mailalabas natin ang pagkagulat sa mga salita. Tulad na lamang ng sinabi ko kanina na mula sa pagkasigaw, kung minsan naman ay ang pag “Gasp” o kung minsan naman ay napapadasal ang isang tao sa tuwing ito ay nagugulat, karaniwan to sa mga matatanda. Sa tuwing ang isang tao ay nagugulat, napapatigil na lamang ang isang tao.

Brain:
Kapag tayo ay nagugulat ano bang nangyayari sa utak natin? Halimbawa pumasok ka sa kwarto mo tapos biglang may surprise birthday pala, magugulat ka at mananatili ng ilang Segundo. Ang ating utak ay nagsasabi sa atin na mayroong mali.

Ang ating katawan ay magpapadala ng isang malakas na neuro alert kung saan nagbibigay ito ng babala na importante ang nangyayari at kailangan natin itong bigyan ng atensyon at ang ating utak ay susubukang alamin kung ano ba ang mga nangyayari.

Kapag tayo ay nagugulat ang ating emosyon ay lumalakas ng halos 400 Percent. So kung nagulat ka at nagalit ka imagine that by 400%.

Benefits:

Young latin nurse feeling shocked, amazed and surprised | Premium ...

Ayon sa pag-aaral, ang pagkasurprise ng isang tao ay maganda para sa utak nito. Ito ay nakakatulong sa dopamine system ng utak na kung saan nakakatulong ito upang ma focus ang atensyon at matulungan tayo na tignan ang isang bagay sa magandang paraan. Ayon sa dalawang babae na sina Tania Luna na siyiang CEO ng LifeLabs Learning at ni Leeann Renninger na isang PhD sa social psychology ay nagtatalo kung masama ba o maganda ang surprise para sa isang tao.

Ayon sa dalawang ito, binigyan nila ng apat na stages ang pag response ng isang tao sa tuwing ito ay nagugulat.
Ang una, ang hindi nito paggalaw, malamang ay nararansan mo ito na bigla ka na lamang ma fe-freeze ng ilang saglit.
Pangalawa ay ang paghahanap ng kasagutan; sa tuwing ikaw ay may nararamdaman na kakaiba at sa pagkakataon na nangyari na mismo ang pagsurpresa sa iyo. Ang iyong utak ay magsisimulang mag-isip kung paano ba nangyari ang mga bagay na ito.Ano ang mga nangyari na hindi mo napanasin dahil sa bilis ng pangyayari, aalamin mo kung paano ito nangyari.

Pangatlo ay ang tinatawag na “shift”. Ang stage na ito ay kung saan nagsisimula nang magbago ang pagtingin natin sa mga nangyayaring bagay. Halimbawa na lamang, mayroon kang napapansin, ngunit nagtatalo ang utak mo kung ganito ba talaga ang mangayayri o inaakala lamang ng iyong isip.

Ang panghuli sa mga stages na ito ay ang tinatawag na “Share”. Ito na ang pagkakataon kung saan maikukuwento mo na sa iba ang naransan mong surpresa. Share share kumbaga, dito ay naipapabahagi mo na ang kasiyahan o ang gulat na iyong naranasan.

Ayon sa ilang research, ang bawat stage na ito ay maaring makontrol mismo ng isang tao. Halimbawa na lamang sa stage na ikaw ay naghahanap ng kasagutan. Ang ganitong sitwasyon ay pinaniniwalaan na nakakatulong upang mas magamit ng tao ang kanyang pagiging mausisa. Kapag ang isang tao ay curious sa isang bagay, maghahanap ito ng kasagutan ng paunti-unti.

Ito ay hindi manghihingi na lamang ng bastang sagot na maaring magbago sa kanyang paniniwala. Magulo ba? Ganito, sa tuwing ang tao ay may gustong malaman, hindi ito aasa sa sagot ng iba. Ito mismo ang hahanap sa kanyang sariling sagot upang mahanap ang sagot na kanyang gusto.

Readiness:

MissionMode's Readiness Survey: Assess Your Organization's Crisis ...

Kung mayroong mga positive suprise, hindi maiiwasan ang mga pagkaguklat sa mga masasamang bagay. Tulad na lamang ng pagkamatay ng isang kamag-anak, aksidente, pagkakaroon ng isang malubhang sakit at kung ano pang mga nakakagulat na bagay. Ang mga ganitong klase ng pagkasupresa ang hindi inaasahan ng maraming tao.

Dahil na din dito, ang ibang tao ay iniiwasan na makatanggap ng sorpresa sa kanyang buhay. Ayon sa mga eksperto, ang pagtanggap ng mga ganitong bagay ay maganda para sa isipan ng isang tao. Sa tuwing ang tao ay nakakaranas ng bagay na hindi niya inaasahan , maaari itong magkaroon ng readiness sa kanyang kaisipan. Comes from the word ready, kumbaga mas magiging handa ka. Parang I am ready lang ng GMA.

Ang pagkakaroon ng readiness ay maaring makatulong upang ang mga ilang mga bagay ay hindi masyadong makaapekto sa atin kung ito man ay mangyayari. Ang mga eksperto ay nagbibigay ng payo kung paano ba tanggapin ang mga ganitong surpresa sa buhay.

Maaring madali kang masaktan sa mga bagay na hindi mo inaasahan, pero dahil nga sa nagpapakalakas ka, hindi mo ito naiilalabas. Ang pagkausap sa ibang tao patungkol sa iyong nararamdaman ay makakatulong.

Maari din namang sumama sa mga bagay na hindi mo masyadong alam o ang mga aktibidad na hindi mo alam kung ano ang kalalabasan sa dulo. Maaring gumawa ng mga risky na bagay na hindi mo alam ang kalalabasan, maari din naman isipin muna ang isang bagay kung ano ba ang kalalabasan nito kung sakaling ito ay isagawa mo na.

Sa ganitong paraan, hindi kana magugulat sa kung ano ang pwedeng mangyari. Tulad ng sabi ko kanina , ang pagtatanong ay isa ding bagay na makakatulong upang maiwasan ang labis na pagkagulat sa isang bagay. Kung ang isang tao ay maraming alam, hindi na ito magugulat sa ilang mga impormasyon.

Ang pagbabago ng ilang mga routine sa buhay ay pinaniniwalaan din na nakakatulong. Halimbawa , palagi kang sumakay ng Jeep, maaring magbago at maaring sumakay naman sa bus. O hindi naman ay magpalit ng mga lugar na kinakainan at maaring makaranas ng bagong appreciation sa mga bagay.

Ang pagbibigay ng maliliit na bagay para sa iba ay malaking tulong upang makatanggap din ng ilang magagandang surpresa. Tandaan na kung ano ang ipinapakita natin sa iba, madalas man itong hindi bumabalik; ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay magugulat kana lamang sa mga magagandang bagay na kanilang magagawa sa iyo.

Ayon nga sa kasabihan , you really don’t know what’s going to happen. Tama ba?

 

Sources

Sources

  1. https://www.wikiwand.com/en/Surprise_(emotion)
  2. https://www.wnycstudios.org/podcasts/takeaway/segments/surprise-unexpected-why-it-feels-good-and-why-its-good-us

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mas maputi ang ngipin ng aso or kahit ibang hayop

Pulsars and Quasars