Nakakatulong nga ba ang video games?

Reading Time: 4 minutes

Sabi nila ang video games daw nakakasama sa mata at utak natin pero gaano ito katotoo? Karamihan sa atin lalo na ang mga teenagers ay lulong na lulong sa mga games especialy mobile legends. Minsan nga nababadtrip na ang nanay mo dahil laro ka ng laro pero ikaw sige pa rin. Sa katunayan nuon sinasabi na ang video games daw ay nagpapababa ng utak pero ibang iba pala ito, habang tumatagal mas lalong nagkakaroon tayo ng mgagandang gamit at in turn mas napapag-aralan ito. So, ang tanong, ang paglalaro ba ng video games ay nakakaimprove ng coordination ng mata at kamay o mas nakakasama ito?

Nito lamang 2014, ang mga researchers ng university of toronto ay nagconduct ng experiements sa mga gamers, especifically ang mga gamers na mahilig maglaro ng mga first person shooting games na aktibo sa nakaraang 6 na buwan at ang isa naman ay ang non gamers na nakapaglaro ng iilang games lang sa loob ng 2 taon.

Ang isang experiment ay ittrack ng mga ito isang bagay na nasa monitor gamit ang mouse, ang bagay kailangan laging nasa gitna. Ang resulta ay bagsak ang lahat nuong umpisa pero habang tumatagal ang mga gamers ay mas nagiging mabilis at mas nagiimprove sa paulit ulit nilang ginagawa. Dito napatunayan na ang mga gamers ay walang initial advantage pagdating sa bagong hand and eye coordination tasks pero habang tumatagal mas mabilis itong natututo.

Nagconduct sila ulit ng test, this time ang object ay randomly ng lilitaw sa screen at katulad ng nauna, lahat ay bumagsak. Dito pinakita na ang mga gamers ay nagiimprove habang napapagaralan ang kanilang tasks.

ISa pang pag-aaral ang ginawa nuong 2014. Ang mga matatandang gamers naman ang pinag-aralan. Ayon sa pag-aaral, ang mga matatandang gamers ay mas tumataas ang cortical thickness sa ilang parte ng utak, indikasyon na mas mataas ang density at mas marami ang brain cells connection. Kasama na nga dito ang dorsolateral prefontal cortex kung saan ito ang tumutulong sa ating complex decisions at naglalagay din ng ilang mga memory function. Ang isa pang parte ay ang left frontal eye fields kung saan well ito ung diniscuss natin kanina, ang hand eye coodination. Base sa pag-aaral na ito, ang video games ay nakakapagpabuti ng ating cognition at hand eye coordination.

Ang video games ay nakakatulong sa real world situation, hindi kayo naniniwala? Ito, nuong 2007 isang pag-aaral ang nagpatunay na ang mga surgeons na gamers ay mas naimoprve ang kanilang laparoscopic surgery skills. Nuong 2013 naman, ang mga surgeon na naglaro ng simulation o ung mga surgeon games na nakikita natin kagaya nito bilang warm up nila, turns out na mas mabilis ang kanilang surgery sa real life at mas kakaunti ang mga pagkakamali.

So kapag pinagalitan ka ng mama mo na palagi kang naglalaro, sabihin mo lang sa future mo magiging surgeon ka at nagppractice ka na ngayon para dagukan ka.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pinakamalakas na pagsabog ng bulkan

Papaanong nagsimula ang mummification?