Nakakakita ba ang bulag sa panaginip?

Reading Time: 8 minutes

Topics

Ang panaginip natin ang isang bagay na ating nakikita at kinakaharap sa tuwing pumipikit ang ating mata. Ang panaginip ng isang tao ay mula sa kanyang mga napapanuod, mula sa kanyang mga pinagdaanan, at mula pa sa ibang bagay na nagpapasaya sa kanila at nagbibigay ng takot. Mula sa ilang mga ala-ala na hindi na natin naalala at pinapa-alala ng ating utak.

Ang panaginip ng isang tao ay base sa kanyang mga nasasaksihan at napagdadaaanan. So, paano kung ang isang tao ay walang Makita? Mayroon pa ba itong mapapaginipan?

Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga taong nabulag at ang mga taong hindi na talaga nakakakita magmula pa lamang noong sila ay ipinanganak at nagkakaroon din ng panaginip. Ngunit ang panaginip na kanilang nararanasan ay kakaiba para sa mga taong nakakakita. Ang mga taong nabulag lamang at nagkaroon na makakita ng mga bagay, pangyayari, kulay, lugar ay maaring makaranas ng panaginip na nararanasan ng isang normal na tao.

Ayon sa health line, lumabas sa resulta ng nakaraang pag-aaral na naniniwala ang mga eksperto na ang isang bulag mula noong bata pa at bago pa magka-isip ay hindi na nakakakita sa kanilang panaginip. Ngunit lumabas sa panibagong pag-oobserba at pag-aaral na ang mga taong ito ay maaring makakita sa kanilang panaginip.

Nanaginip din ba ang mga bulag? Ang tanong na ito ay mula kay Charles Cordova at ito ang Askbulalord.

Blind Dream:

What Do Blind People Dream About? | The Fact Site

Ayon sa lumabas na pag-aaral, ang isang taong nakakakita ay nanaginip patungkol sa kanilang buhay. Mula sa nakakahiyang pangyayari, nakakatawa, nakakaiyak at nakakatakot. Ang mga pangyayari na ito ay maaring maganap ng isang gabi lamang, at ang ganitong panaginip ay pinaniniwalaan na nagagawa din ng isang bulag.

Ayon sa pag-aaral na nagawa noong 1999 na kung saan inobserbahan ang halos labing limang bulag. Ang mga taong ito ay nasa tamang edad at bulag na magmula noong sila ay isilang sa mundo. Ang pag-oobserba at pag-aaral na ginawa sa kanila ay umabot ng halos dalawang buwan. Sa maniwala ka man o sa hindi, ang mga taong ito ay nakagawa ng halos tatlong daan pitongpu’t dalawang panaginip sa loob lamang ng panahon na iyon.

Ayon sa mga eksperto, nakahanap sila ng ilang ebidensya upang maniwala na ang mga taong bulag mula sa pagkabata ay hindi naman talaga naiiba sa isang taong nakakakita. Ang mga taong ito ay nagagawang managinip sa kanilang panaginip na masasabing isang mabuting bagay. Lumalabas sa pag-aaral na isinagawa sa labin limang taong bulag, kakaunti lamang ang nanaginip patungkol sa personal success o ang kagustuhan na maging matagumpay sa kanilang buhay marahil ay sa sitwasyon na din nila.

Kakaunti lamang din ang nanaginip patungkol sa hindi magagandang pangyayari sa buhay o hindi naman ay pagkabigo na nangyari sa kanila. Ang mga bulag na tao ay hindi gaanong nanaginip patungkol isang aggressive interaction, halimbawa na lamang ang pakikipaglaban, pakikipagtakbuhan, at kung ano pang agresibong nagagawa ng isang tao.

Nalaman ng mga eksperto na ang mga taong ito ay mas madalas managinip patungkol sa mga hayop. Halimbawa na lamang ng mga pusa, aso, at kung ano pa mang alaga na mayroon sila. Ang panaginip ay patungkol sa kung paano nila ito laruin, paano nila ito alagaan, ang iba naman ay nanaginip patungkol sa paggabay sa kanila ng kanilang alaga. Ang mga eksperto ay nakita din na ang ilang mga bulag ay madalas ding managinip patungkol sa mga bagay na kanilang kinakain o hindi naman nanaginip na sila ay kumakain. Ito lamang ang ilan sa lumabas sa pag-aaral na ginawa ng mga doktor at ng ilan pang mag eksperto.

Ayon sa ilan pang mga resulta sa pag-aaral na ito, ang ilang mga panaginip ay patungkol sa ilang bagay na hindi maganda, o pagiging malas ng mga taong ito.Ang mga taong pinag-aralan ng mga eksperto ay nakitaan ng panaginip patungkol sa pagpunta sa iba lugar , o hindi naman ay ilang paggalaw patungkol sa pagiging malas nito.

Kumpara sa mga taong nakakakita, dalawang beses kung mapanigipan ito ng isang bulag na tao. Ayon sa mga eksperto, ang bagay na ito ay nagsasabi na ang mga napapanigipan ng isang bulag na tao ay base din sa kanilang pinag-dadaanan sa loob ng isang araw, o hindi naman sa napagdadaanan nila sa kanilang buhay. Ang mga nasasabi ng mga tao, ang mga pakikitungo at mga naririnig nila mula sa iba pang tao.

Ito ang madalas na napapaginipan ng isang bulag na tao.

Seeing:

Seeing vs. perceiving — how we interact with the world

Ang pagiging curious ng isang tao patungkol sa isang bagay ay paraan upang mawala ang bumabagabag sa kanilang kalooban. Kung ito man ay itatanong mo sa isang bulag, just a little advice, kailangan ay close mo ito upang hindi sya maoffend sa iyong tanong. Kasi parang nakakaloko ang tanong kung tutuusin.

Ayon sa research, ang isang tao na biniyayaan ng mata upang makakita, ang subconsious mind nito ay nakakkita din. Ngunit dahil ang mga bulag mula pa noong pagkabata ay wala nang nakikita, ang subconsious mind ng mga ito ay wala din nakikita at naipapakita sa kanila. Ang mga taong tinatawag na congenital blindness ay ang mga taong mula noong pagkabata ay hindi na nakakita, ang mga ito ay nakakaranas ng panaginip, ngunit ito ay base sa amoy, sa panlasa, sa tunog, at sa sense of touch na mayroon sila.

Ang mga congenital blind na tao, ay hindi nakakakita ng kahit anong bagay sa kanilang panaginip. Kung ang mga tao naman na nabulag na halimbawa na lamang sa isang aksidente noong sila ay nasa labing tatlong taong gulang, ang mga taong ito ay mayroon pang kakayahan na makakita sa kanilang panaginip. Ngunit karamihan din sa mga taong ito ay mas nakakaramadam na lamang sa kanilang panaginip.

Kung ang isang bata ay nabulag noong limang taon pa lamang ito, ang kanyang panaginip ay walang pagkakaiba sa isang congenital blind na tao.

So, isipin mo na lamang ang panaginip ng isang bulag, tulad mo nakakrinig ito, nakakahawak, nakakatawa, nakakaramdam, nakakalasa ngunit ang paligid ay purong madilim at walang liwanag na makikita. Ito ang tunay na nangyayari sa panaginip ng isang bulag na tao.


Ang pagiging bulag ay hindi madali dahil hindi nila nakikita ang mga magagandang bagay at lugar na mayroon ang mundo. Ang isang bagay na mabuting gawin ay galangin ang mga taong ito at pakisamahan nang maayos.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan Charles Cordova


Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.
Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.healthline.com/health/can-blind-people-dream#dream-contents
  2. https://www.healthline.com/health/can-blind-people-dream#what-they-see

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang kwento sa likod ng kilalang pelikula ng disney part 2

Bakit Makati ang dagat?