Nakakabobo ba ang pagcecellphone

Reading Time: 4 minutes

Smartphones, isa sa pinakaimportanteng bagay sa ating buhay. Aminin man natin yan o hindi. Isa rin ito sa pinakapopular na invention sa ating henerasyon. Dati ang laki ng mga cellphones, may antenna pa tapos hindi ka pa pwedeng magtext, puro tawag lang. Pero ngayon halos lahat na ata pwede mong gawin sa cellphone mo, from your diet, to your sexlife. kumpleto na. Minsan ba sumagi sa isip nyo mga boss, ano ang masamang epekto nito sa atin? Well bukod sa nagiging tamad, uutusan ng nanay magdadabog kasi di mapause ung ML, bukod dun, naisip nyo ba minsan na baka nakakaapekto ito sa ating pagiisip?

 

Sa ating pang-araw araw na buhay naging karamay na natin ang ating mga cellphones, sa pagchachat sa kaibigan, pagtatanong ng assignments, panliligaw at higit sa lahat pagMML. Kung tutuusin mas maraming benefits ang pagkakaroon ng cellphone mas pinapasimple nito ang ating buhay. How? Well, internet, kasama na rin ito ng ating cellphone kaya halos entire library kasama narin natin.

 

So alam na natin ang benefits, ang tanong. Nakakaapekto ba sa ating pagiisip ang cellpohone? The short answer mga boss is yes.

 

Si Daniel Kahneman na isang psychologist ay nagpublished ng kanyang research paper nuong 2002. Ayon sa kanya mayroong dalawang klase ng thinkers, isang analytical at isang intuitive. Ang mga intuitive thinkers ay ang mga taong naniniwala sa kanilang nararamdaman, ung tinatawag na instincts mga boss. Dito nila binabase ang kanilang desisyon. Habang ang mga analytical thinker naman ay inaanalisa ang problema at iniisip ang mga posibleng kahihinatnan at base dito, ito ang kanyang magiging desisyon. Walang mali sa way ng pagiisip ng isang tao kung ikaw ay isang analytical man o intuitive. Parehas itong nakakatulong sa mga maliliit na desisyon sa ating buhay.

 

Halimbawa na lang, tinanong ka ng kaibigan mo kung kailan ba nireleased ang unang alien movie. Ang isang analytical thinker ay susubukang alalahanin ang kanyang memorya tungkol sa palabas na yon at base sa kanyang na-alala, dito sya magbibigay ng sagot. Habang ang mga intuitive thinker naman ay maglalabas ng kanilang cellphone at hahanapin ang sagot sa online. Just to be clear mga boss, kahit ang mga analytical thinkers ay nagrerely rin sa technology. Yung binanggit kong scenario is just a sample.

 

Nagkaroon ng experiment kung saan 600 tao ang binagyan ng intuitive at analytical problems na kanilang susulusyunan. Pinayagan ang mga itong gamitin ang kanilang mga cellphones. Base sa resulta, ang mga taong gumagamit lagi ng cellphone ay mas mababa ang intelligence base sa kanilang resulta yan mga boss. Ang grupong ito ay tinatawag na lazy thinkers.

 

Tayong mga tao ay kinconserve ang ating enerhiya whether you like it or not, parte na ito ng ating ebolusyon. And yes mga boss, ang pagiisip ay kailangan ng maraming enerhiya kaya pag hindi tayo masyadong nagiisip, nagcoconsrve tayo ng ating enerhiya. Ayan ha meron na kayong dahilan kapag sinabi ng nanay nyo di kayo nagiisip.

 

Okay lang naman di magisip kapag hindi nirerequire ng panahon. Pero ang problema, ang ating utak ay nasasanay dito dahil palagi na natin itong ginagawa. Kaya habang mas tumatanda mas nagiging mahina ang ating utak.

 

Totoo na ang smartphone ay napakagandang imbensyon. Pero kung gusto mong imaintain ang ating level of intellegence, kailangan natin paunti unting bawasan ang paggamit ng cellphone.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit Walang luha ang mga sanggol?

Bakit hindi natin kinakain ang kapwa tao natin?