May connection ba ang stress sa pag lagas ng buhok?

Reading Time: 6 minutes

Kapag pinapagalitan ka ng nanay mo sasabihin sayo, leche kang bata ka, kaya ako nakakalbo dahil ang kulit mo. O di naman kaya sasabihin ng nanay mo, tingnan mo yang papa mo nakakalbo na dahil sa stress sa inyo. Nandamay pa eh no, di na lang sya. Tong si nanay talaga. Pero ano nga ba ang dahilan bakit naiuugnay ang stress sa pagkalagas ng buhok?

 

Ito po ay mula kay Jeremy Bascara. at ito ang ididiscuss natin ngayon sa ask bulalord.

 

Ang ating buhok ay tumutubo, titigil sa paghaba at eventually malalagas. Ang Growth phase o anagen ng buhok ng isang tao ay kayang mayroong span ng 2 to 6 years kaya ang ating buhok ay kayang humaba. Pero sympre meron tayong mga buhok na mayroong malilit na growth pgase kagaya na nga lang ng pilikmata, which is 30 days. Tapos ng anagen o ung growth, ang ating buhok ay pupunta na sa 2nd phase at iton ang catagen, maikli lang ang phase na ito, usually days lang ang tinatagal, sa catagen, ang ating follicles ay lumiliit ng bahagya. Ang 3rd phase ay ang telogen kung saan ang ating buhok ay hindi na hahaba pa pero hinid pa to malalagas mga boss kumbaga na reach nya na ung limit nya. Lastly we have the exogen, ito na ang paglalagas.

 

Ang process na ito ay nangyayari sa atin habang tayo ay nabubuhay at ito ay normal.

 

Ang stress ang isa sa mga nagpapabilis at nagpapabago sa lifecycle ng ating buhok. Pinapabilis nito ang anagen at pumupunta agad sa catagen kung saan lumiliit ang mga follicle at sabay pupunta na sa exogen. Ito ay base sa pag-aaral na gianwa ng dermatologist na si Kurt Stenn kung saan inexposed nya ang mga daga sa malalakas na tunog at iyon nga ang naging resulta.

 

Pinagaralan din ang isang grupon ng unggoy, specifically ang macaque monkeys. Napag-alaman na ang mga unggoy na may mataas na cortisol which is a stress hormone ay mas madalas ang paglalagas ng buhok.

 

Isang dahilan din kung bakit naglalagas ang buhok kapag stress ay dahil sa pagdami ng adrenaline ng ating katawan. Ang adrenaline ay pwedeng maconvert bilang cholesterol at ito rin ang nagpapataas ng testosteron. Ang testosteron ay isang male hormone na nakakaapekto ng pagtubo ng buhok sa ating mga lalaki. Sa babae naman ang pagtaas ng testosteron ay nakakaapekto ng kanilang hair growth cycle na syang nagiging dahilan ng pagnipis ng buhok at pagkalagas.

 

Kapag tayo ay stress may mga pagkakataon na nawawalan tayo ng gana, kadalasan tinatamad din magluto. Ito rin ang nagiging dahilan ng paglalagas ng ating buhok. Ang kakulangan sa iron, protein at calories ay nakakapagpadagdag sa paglalagas ng buhok.

 

Sympre pag stress papasok din ang pagbagsak ng ating immune system na syang makakaapekto din hindi lang sa ating buhok kundi sa buong katawan nation.

 

Kapag stress ang isang tao hindi naman agad instant ang hair loss. Matagal din naman pag stress ka isang araw, wag mong gawing dahilan yan kapag napanot ka. Kadalasan kapag ang stress ay long lasting dun lang nagkakaroon ng hairloss. Usually mararamdaman ito 6-12 weeks.

 

Alam nyo ba na merong 3 klase ng stress na nauugnay sa hair loss?

 

Ang Alopecia Areata ay nangyayari kapag ang ating immune system ay inatake ang ating hair follicles. Ito ay isang autoimmune disorder at nangyayari mostly bago tumungtong ng 30. Although ayon sa scientific community mayroon lamang kakaunting pagkakaugnay ang alopecia areata sa stress.

 

Ang Telogen effluvium, parang gay linggo lang ah. Eklabum! Ang Telogin effluvium naman ay ang pagninipis ng ating buhok at paglalagas. Ito ang naiuugnay sa stress. Kadalasan itong nangyayari kapag dumaan sa stressful event ang isang tao kagaya ng namatayan.

 

Lastly ang Trichotillomania. Isa itong impulse disorder. Kumbaga ikaw mismo ang maghihila ng sarili mong buhok. Pwedeng pilikmata, buhok sa kilikili o kahit pubic hair. Ang anxiety at frustration ang kadalasang nagiging dahilan nito.

 

Pero tayong mga lalaki ay hindi natin pwedeng sisihin lagi sa stress kapag tayo ay napapanot dahil m,erong tinatawag na male pattern baldness at ito ay isang genetic at hindi related sa kahit anong mental state. Wala itong lunas mga boss kaya’t kapag hindi naagapan, kalbo ang kalalabasan. While wala naman problema sa pagiging kalbo, take johnny sins or jason statham.

 

In laymans term boss Jeremy, ang stress ay nakakaapekto sa pagkalagas ng buhok dahil pinapabilis nito ang lifecycle ng ating buhok at binabago ang ating eating habits na syang nagiging dahilan ng paglagas ng ating buhok.

 

Kung nagustuhan ninyo ang video wag kalimutang magsubscribe at kung meron kayong mga katulad ng ganitong tanong isend nyo lamang sa [email protected] at ilalagay natin sa listahan yan. Muli, maraming salamat sa panonood!

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Gaano ba kalayo ang natatanaw ng ating mata?

Ano ang silbi ng gamot sa lagnat