Malalang sakit dahil sa pagtawa

Reading Time: 4 minutes

Normally, kaya tayo tumatawa dahil mayroong nakakatawa, pero may mga pagkakataon na mas seryoso ito. Isang sakit. Sounds a little strange mga boss? Papaanong nangyari ang pagtawa ay isang sakit i hear you ask. We will get into that later.

Ayon sa science of happiness, ang intentional na pagtawa ay mayroong positive effect dahil nauuplift nito ang ating mood at sympre mas napapasaya tayo. Pero merong pagkakataon na paulit ulit na ang pagtawa at ito mga boss ang tinatawag na pathological laughter.

Isang medical condition na nakakaapekto sa ating nervous system. Ang mga researcher ay patulay pa rin itong pinag-aaralan.

Ang ating utak ay ang pinaka central processing unit, o cockpit, o base, o whatever you call it ng ating nervous system. Ang atiung utak ay nagpapadala ng signals na syang nagkokontrol sa ating paghinga, paglakad at pagtawa. Kapag ang pagpapadala ng signals na ito ay nadisrupt, nagkakaroon ng chemical imbalance, isang abnormal growth sa ating utak o hindi naman kaya isang birth defect na syang nagiging dahilan ng uncontrollable laughter.

Nuong 2007, isang 3 year old girl sa new york ang nagkaroon ng unusual seizures. When i say unsual mga boss, habang nangingisay ito, tumatawa ito ng tumatawa. Imaginine nyo un. Ewan ko na lang kundi ka matakot. Nuong pinacheck up ang nasabing bata, nalaman ng mga doctor na meron syang rare epilepsy na syang nagiging dahilan ng involountary laughter nito kapag tinatamaan ng sakit. Inalis ng mga doctor ang isang tumor sa utak ng bata, matapos nito, hindi na sya tumatawa kapag inaatake.

Maraming mga surgeons at neurologists ang nakatanggal na ng brain tumor o cyst na syang naging dahilan ng uncontrollable laughter ng isang pasyente. Pero hindi lang yan ang may sakit sa pagtawa.

Dagdagan pa ng Angelman Syndrome at Tourette Syndrome kung saan ang dalawang ito ay mayroon ding kasamang pagtawa na isa sa mga sintomas nito.

Ang angelman syndrome ay isang rare chromosomal disorder na nakakaapekto sa ating nervous system. Ang mga taong tinamaan ng sakit na ito kadalasan hindi makapagsalita ng maayos at laging nakangiti at taawa ng tawa. Habang ang Tourette Syndrome naman ay isang neurobiological disorder kung saan meron itong pagtawa at minsan may kasamang pagsigaw.

Ang mga taong may Tourette Syndrome kadalasan ay hindi na kailangan ng treatment unless nakakasagabal ito sa pang-araw araw na gawain kagaya ng pagttrabaho o di naman kaya sa eskwelahan. Binibigyan sila ng gamot at kadalasan dumadaan sa psychotherapy para mas maminimize ang pag atake.

Ang drug abuse o chemical addiction ay nagiging dahilan din ng pagtawa kung saan ang ating utak ay nagkakaroon ng malfunction at nagpapadala ng maling signals sa ating nervous system na syang nagttrigger sa ating magtawa. Ang Dementia at anxiety attack ay posible ding maging dahilan ng kakaibang pagtawa.


Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo pinagpapawisan pag ninenerbyos

Bakit gustong gusto ng insekto ang liwanag