Magka-align ba ang zone of silence, pyramid of giza and bermuda triangle?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Zone of silence, Bermuda Triangle at ang Pyramid of Giza. Ang tatlong lugar kung saan isang malaking misteryo hindi lamang sa mga normal na tao sa buong mundo ngunit maging sa mga eksperto na patuloy na pinag-aaralan ang mga lugar na ito.

Bakit mag kaalign ang pyramid ng Egypt, Zone of silence at Bermuda triangle? Ang tanong na ito ay mula kay ChroNomite76 at ito ang ask bulalord.

3 Mystery:

Ang Zone of silence ay naipalawanag na sa nakaraang video ngunit para sa mga hindi pa nakakanuod nito. Ito ay isang lugar na makikita sa Mexico, kung saan lahat ng bagay na dumadaan dito ay nawawalan ng signal. Isang compass na nagloloko at patuloy lamang sa pag-ikot, isang radio, telepono at kahit anong uri ng teknolohiya ay na nawawalan ng koneksyon sa pagtapak sa lugar na ito.

Ito ay isang lugar kung saan magpaparamdam ng kakaiba sa mga taong tumatapak dito. Ayon sa ilang research patungkol sa bagay na ito ay nagkakaroon ng visual at audio hallucination ang mga taong nagtatangkang pasukin ang halos 25 miles na daan na ito. Well sa init ba naman ng tirik ng araw sa isang disyerto, ewan ko na lang kung hindi ka mag hallucinate.

Isa sa pinaka kilalang nagawa ng Zone of silence ay ang pang-aakit nito sa isang US missile na pinalipad at inaasahan na tatama sa white sand missle range na makikita sa New Mexico, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon,  ito ay tumama at lumapag sa lugar ng Zone of silence. Ayon pa sa ibang kwento patungkol lugar na ito, kung sakaling ang isang tao ay maliligaw sa loob nito. Makakatagpo ito nang tatlong tao. Base sa mga pagkakalarawan sa mga ito, maayos ,magalang at isang mukhang normal na tao ang mga ito. Ngunit ang kakaiba ditto ay ang panghihingi nito ng tubig at sinasabi na galing sila sa itaas.

Iba’t ibang mga bagay na din ang nakita sa lugar na ito, ayon sa mga eksperto ay isa itong lugar na laging binabagsakan ng mga bulalakaw at kung ano ano kung kayat ganoon na lamang ang nagagawa ng lugar. Ang mga bagay na ito ang ahilan upang mas lalong maging misteryo sa lahat ng mga tao.

Ang pangalawa ay ang Bermuda Triangle o ang kinikilalang Devils triangle na pinalilibutan nang tatlong isla na mula sa Florida, Puerto Rico at ang Bermuda island. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang tatlong isla na ito ay nakabuo ng triangulong hugis.

Hindi lamang ito ang bagay kung bakit ito kilala. Ang mga pangayayri na pagkawala ng mga malalaking  barko at malalaking  sasakyang panghipapawid na pinapatakbo ng mga batikang piloto, at pumatay sa napakaraming buhay ng mga tao. Masasabi na isa lamang itong natural na pangyayari sa gitna nang karagatan, human error, bagyo, mechanical problems at iba pa ang tinuturong dahilan sa tuwing mayroong madidisgrasya o mawawala s lugar na ito. Ngunit ang hindi normal ay hindi na nakikita ang mga biktima kasama na mismo ang sinasakyan ng mga nito. Maaring sila ay lumubog sa dagat o hindi naman kaya ay napunta sa ibang isla o baka naman napunta sa ibang dimension?

Kahit anong ebidensya upang pagsimulan ng imbestigasyon ay walang nahahanap kung kaya’t isang misteryo ito sa mga eksperto. Ang ilang mga teorya na isa itong portal papunta sa ibang lugar na aksidenteng napasok ng mga taong sakay ng barko at sa masamang pangyayri ay hindi na muli nakabalik dahil ang mga ito ay na trap na. Ngunit marami ng sumubok kung saan ang mga ito ay pumunta ng Bermuda triangle at nakabalik naman ng maayos.

Ang dalawang lugar na ito ay patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din makapagbigay ng sapat na patunay at ekplenasyon kung bakit nangyayari ang mga bagay na nangyayari dito.

Ang pinaka huli ay ang Great Pyramids of Giza na mula sa Egypt. Ang pyramid na ito ay umieksakto lang naman sa latitude at longtitude ng ekwador ng mundo. Ayon sa history, kung titignan ang coordinates base sa lokasyon kung saan ito nakatayo ay malalaman at makikita ang mga number na 29.9792458 N na kasing bilis ng speed of light na mula sa pace.

But wait theres more, ang tatlong pyramid na ito ay naka align ng maayos sa isa’t isa at nakaa align din sa star constellation na Orions Belt.

Ang loob ng pyramid ang pinaka pinagtutuunan ng pansin ng mga eksperto dahil sa ilang pagsusuri na nakita sa loob nito. Hindi lamang ito ang nakakapagtaka sa Pyramid na ito. Ang mga pyramids na ito ay mula pa noong 3000 BCE at pinaniniwalaan na nagawa sa loob nang halos walongpu’t limang taon.

Hindi na lingid sa ating kaalaman, na wala pang teknolohiya at walang mga sasakayan upang makapagbuhat ng mga malalaking bato at makagawa ng isang bagay na hindi lamang pantay ang sukat ngunit isang napakataas na pyramid. Makikita sa loob ng pyramid ang iba’t ibang sulat na nagpapatunay kung gaano na katanda ang pyramid.

Makikita kung gaano kaperpekto ang mga pagkakalagay ng bato sa loob mismo ng pyramid. Ito ay isang napakalaking misteryo ngunit nagkaroon na din ng iba’t ibang paliwanag patungkol sa bagay na ito. Para sa iilan ito ay isang libingan ng isang hari na namuno noon sa Egypt, pinagtulungan na gawin ng mga alipin at iba pang mga eksprto noong panahon na iyon.

Sa pagtutulungan ay nagawa ang isang perpekto at napaka gandang pyramid.

Totoo ba na ang tatlong misyteryosong lugar na ito ay magkakalinya nang eksakto sa mapa? Ito ba ay isang aksidente lamang o mayroong  paliwanag dito?

Align:

Ayon sa ibang paliwanag patungkol sa bagay na ito, maaring hindi naman talaga magkakapantay ang mga ito. Kung ikaw mismo ang titingin, makakagawa ka nang ilang pagliko upang mapagdikit dikit ang tatlong lugar. Maaring ang compass ay nagloloko lamang talaga dahil sa mayroong malakas na magnetic ang bermuda at ang zone ng mexico. Dahilan din upang makaramdam ng kakaiba ang mga taong nagpupunta dito.

Ayon sa nakakarami, ang pagguhit ng isang linya sa bawat lugar sa mundo ay maaring gawin kung nais mong makita na magkakalinya nga talaga ito. Ngunit hindi ibig sabihin na totoo nga ang mga ito.

Sa tagal ng panahon patungkol sa lugar at bagay na ito, marami ang naniniwala na mayroong kinalaman ang mga extra terristerial o mga alien sa mga bagay na nagagawa ng bawat lugar.

Maraming nagsasabi na ang isang pyramid ay gawa ng mga alien gamit ang mga advance na teknolohiya  nila. Ang bagay na ito ang magpapatunay na sila ay nakatapak sa mundo ng mga tao.K ung maggagala tayo sa buong mundo, madaming bagay ang pinaniniwalaang gawa ng mga aliens. Dahil sa walang sapat na paliwanag ang siyensya patungkol sa mga bagay na ito, ang nakagisnang paniniwala ay patuloy na tanong sa isipan ng mga naniniwala dito.

Conclusion:

Okay so totoo na kapag nilapag mo sa isang mapa at gumuhit ka ng line Malaki ang tsansa na tatamaan mo ang pyramid, zone of silence at Bermuda, well sa Bermuda we can scratch that off kahit lumampas ka ng 30 degrees eh tatamaan pa rin ito ng linya, lets focus sa 2, ang pyramid at ang mapimi.

Kung tayo ay kukuha ng isang  mapa at guguhit ng linya ditto, ito ay tinatawag na Mercator projection. Kahit saan ang piliin natin sa mapa, from one point to another makakabuo tayo ng straight line using this method. Mula sa pinas makakabuo tay ng straight line papunta sa ibang bansa. Does it mean anything ? no. Sa katunayan ito ang ginamit ng roma nuon dahil ang akala nila ang roma ang sentro ng mundo, turns out hindi naman.

Kung titingin tayo sa google maps at ililinya natin ang mapimi at pyramid, makikita nyo na medyo pataas ito pero habang umiikot ang globe makikita nyo na unti unting nagliline up, so does it mean na magkalinya ang dalawa? Definitely…. NO…. Dahil nga bilog ang mundo ang mga linya na ito ay naka arch o nakabent therefore hindi talaga sila straight line. Pero bulalord, pag nilapag mo yan sa mapa straight yan.

Okay sige siguro hindi ka maconvince sa paliwanag, lets go to the numbers. Pumunta kayo ng google maps at itype ang mapimi o zone of silence tapos iconnect nyo sa pyramid. Makikita nyo sa baba ang longitude at latitude. Kung talagang magkapantay ang dalawa, dapat parehas lang sila ng lattude right? Make sense dahil dapat pantay sila.

So, kung titingnan natin ang latitude ng mapimi, ito ay nasa 25.937360 at ang pyramid ay 29.981217. Therefore hindi talaga sila magkapantay, magkakaroon ng kakaunting pagangat para lamang masabing magkapantay sila sa isang straight line.

Pero kung naniniwala ka pa rin na magkapantay talaga ito then its your right ayaw kong tanggalin yan sayo.  

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss ChroNomite76.Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Kung nagustuhan ninyo ang video wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kayong updated. Madaming topics tayong ididiscuss at sigurado ako magugustuhan yon ng mga taong gustong palawakin ang isip nila.

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

9 ba talaga ang buhay ng pusa?

Nimrod