Kung magyayari ulit ang black death gaano kadami ang mamamatay?

Reading Time: 16 minutes

Topics

Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ba ang Black Death, ito ay matatawag din na Pestilence, Great Plague o hindi naman kaya ay Black Death. Ang sakit na ito ay kumalat sa bansang Europa at umabot sa bansang Asia at tumapos sa buhay ng mga tao na aabot sa bilang na 75 – 200 million.

Ang sakit na ito ay isang infectious disease kung saan maaring makaapekto sa isang daga, sa isang pusa o isang aso at maging sa isang tao. Malamang ay napanood mo ang ginawa kong video patungkol sa black death kaya mo naitanong ito.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Kung magyayari ulit ang black death gaano kadami ang mamamatay? 

Types of Plague:

Dahil sa tagal ng panahon at sobrang lalim na nang mga kaalaman ng mga eksperto patungkol sa iba’t ibang bacteria at sakit. Ang mga eksperto ay nahati ang isang plague sa tatlong uri, nariyan Bubonic plague, Septicemic plague at Pneumonic plague.

Umpisahan natin kung ano ba ang isang Bubonic plague, ayon sa research ito ang pinaka common na plague na tumatama sa isang tao. Madalas itong nakukuha sa isang kagat o hindi kaya’y nakakain ang isang tao ng infected na hayop.

Mula sa bubonic plague, maapektuhan ang ilang parte ng immune sysytem ng isang tao. Maari itong magpasimula ng ilang inflammation at ilang bukol na makikita s hita o hindi naman ay sa kili-kili ng isang tao.

Kung ang bubonic plague ay hindi na nagamot, ito ay maari mapunta sa tinatawag na Septicemic plague. Ito ay kung pumasok na sa dugo ang bacteria na mula sa napagkuhana nito. Mula dito ay patuloy na itong dadami at maninira ng ilang bahagi ng organ sa katawan ng isang tao.

Ang pinaka huli at kinikilalang pinaka malalang uri ng plague at ito ay tinatawag na pneumonic plague. Ito ay kapag ang bacteria ay nalanghap at dumaan sa ng isang tao. Dahil dito, sa tuwing uubo o hindi naman ay babahing ng malakas ang isang tao na apektado ng plague na ito ay maari niya itong maikalat at maipasa sa iba pang tao.

Black Death in 90’s:

Noong taong 1924 hanggang 1925, ang epedemyang ito ay nangyari muli sa bansa ng United States. Ang sakit na ito ay naipapasa ng mga dagang namumuhay sa siyudad papunta sa mga dagang namumuhay sa mga bahay bahay at sa mga bundok. Ang mga taong nakatira sa mga lugar katulad na lamang sa Northern New Mexico, northern Arizona, southern Colorado; California, southern Oregon, at sa far western Nevada.

Noong pumasok ang taon ng 1990’s, karamihan sa kaso ng epedemyang ito ay nangyari sa mga bansa at mga lugar na makikita sa Africa, Asia, at South America; ngunit lumabas na mas madami ang kaso na naganap sa bansang Africa.

Ayon sa research, ang mga lugar na palagi at prone sa sakit na ito ay ang mga lugar na nakatira lamang sa isang maliit na bayan, o hindi naman ay mga mapupuno at malulupa na lugar kumpara sa mga taong naktira sa siyudad.

Ayon sa research, mula noong taong 1900 hanggang taong 2012, ay umabot na sa halos 1006 na katao ang nakaranas ng sakit na ito. Kung iyong tatanungin kung ito ba ay nangyayari pa din sa panahon ngayon, ang sagot ay oo. Ayon sa World Health Organization o WHO, mayroong halos isang libo hanggang tatlong libo sa buong mundo ang nakakaranas ng sakit na ito.

Ayon sa Live science, kalat kalat ang kaso ng mga nito, at karamihan ay mula sa kagat ng isang praire dogs. Ngunit ang mabuting resulta ay magmula noong huling pag-atake ng peste na ito, wala pang tao ang nakahawa sa kanyang kapwa tao kahit na noong lumaganap ito taong 1924.’

Ayon sa foriegn policy. magmula noong 2010 hanggang 2015, halos 3,248 na kaso na ang naitala mula sa sakit na ito. Sa dami nang tao na iyon ay napabalita na halos 584 ang namatay mula dito. Noon ngang 2017 hanggang 2018, ang plague na ito ay umatake nanaman sa lugar ng Madagascar.

Kahit sa panahon ngayon ay maaari pa din itong makuha kung mayroon mang daga na nabubuhay at gumagala-gala sa loob ng iyong bahay. Ayon sa ilang research, maari itong makuha sa mga pagkagat ng mga flea o ung kuta na nakakuha ng isang plague bacteria na mula sa isang daga.

Cure / Vaccine:

Sa tagal ng panahon, ang mga doktor ay nakagawa na nang ilang gamot upang mapigilan at magamot ang mga taong nakakaranas ng ganitong sakit. Ang ilang antibiotics ay maaring gamitin upang magamot ang tao na dumadanas sa ganitong sakit. Ang mga atibiotics katulad na lamang ng isang streptomycin, gentamicin, doxycycline, o hindi naman ay ciprofloxaci ay maaring makagamot sa sakit na ito.

Ayon sa wikipedia, noong 1890, isang vaccine ang nagawa na pinaniniwalaang makakatulong upang hindi tamaan o tablan ang isang tao na dapuan ng ganitong uri ng bacteria. Ito ang tinatawag na Plague Vaccine.

Ang vaccine na ito ang ituturok sa isang tao upang maimunne ito sa kahit ano ng sakit na dala ng isang Yersinia pestis. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din itong tinatanggap ng ilang eksperto dahil kulang ang patunay na ito ay gumagana ng maayos at makaktulong talaga mula sa isang tao.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Rare Case:

Noong 2018, isang balita ang kumalat sa US, isang batang lalaki ang tinamaan ng Bubonic Plague. Ayon sa ilang report patungkol sa kaso ng 14 year-old na lalaki na namumuhay sa Elmore County, noon ay hindi pa sigurado kung ang bata ba na ito ay nakakuha talaga ng isang pinaka rare na uri ng isang plague at ito nga ang Bubonic plague.

Ayon sa ilang report, ang mga nakuha at nahuling squirrels sa lugar kung saan nakatira ang bata ay positibo sa pagkakaroon ng Yersinia pestis. Ayon sa report ng medical news, ang bata ay positibo sa pagkakaroon ng sakit. Sa loob ng halos 26 years, ang bata pa lamang ang pang limang pasyente na nakitaan ng sakit na bubonic plague mula pa noong 1940 sa bayan ng Idaho.

Ayon sa mga press, ang sintomas ng sakit na ito ay lalabas matapos ang dalawa o anim na araw matapos itong makuha. Ang pasyente ay bigla na lamang lalagnatin, manlalamig, sasakit ang ulo at manghihina.

Dagdag pa dito ang pagkakaroon ng ilang bukol sa ilalim ng kili-kili, sa leeg o hindi naman ay sa hita. Katulad na lamang nang nasabi ko kanina, maari itong magamot kung ito ay maagapan kaagad.

Noong 2017, nagkaroon ng halos apat na buwan na pagtama sa lugar ng Madagascar, tinamaan nito ang halos 2,300 na tao ay tumapos sa halos dalawang daan na katao sa lugar.

Mula noong madala sa ospital, nabigyan na ito ng ilang gamot at patuloy na nagpapagaling sa ospital na tinutuluyan nito.

Mongolia:

Noong Mayo, 2019 isang mag-asawa ang nakakain nang raw marmot meat at mga laman nito. Ayon sa paniniwala ng mag-asawang ito, ang kanilang kinakain ay mabuti at malusog para sa kanilang kalusugan. Ngunit ang kanilang akala ay isang malaking kamalian. Teka alam nyo ba ung marmot? Ito ung parang groundhog hindi nyo rin alam ang groundhog? Okay, para silang mga malalaking daga na parang squirrel, ewan ko basta ayan nasa screen yan ang marmot. Moving on…

Ayon sa report, matapos makakain ng hilaw na karne na mula sa isang marmot, reiterate ko lang ha, fresh meat ng isang marmot ang kinain nila. Ang asawang lalaki ang unang tinamaan ng masamang lagnat, at kaagad din itong namatay. Matapos ang ilang linggo ang kanyang asawang babae ay naisugod na din sa ospital dahil sa taas ng lagnat at pagsusuka nito ng dugo.

Hindi na tumagal ang buhay ng babae at namatay dahil sa isang toxic shock. Ayon sa mga eksperto na nagtest sa dugo ng mag-asawa, ang dalawa ay tinamaan ng tinatawag na septicemic plague. Mula sa isang sakit, panlalamig , panghihina, panankit ng tiyan at mga ilang pagdugo ng balat at pagdudo ng mga organs, ang balat nito ay magsisimulang mangitim at hindi kalaunan ay ito ay mamatay.

Dahil sa hindi agad naagapan ang pangyayari, at walang kaalam-alam ang mga taong ito na isang plague na pala ang tumama sa kanilang katawan. Huli na din upang ang mga ito ay mabigyan ng sapat na gamot upang maiwasan ang kanilang pagkamatay.

Ayon sa research, ang tinatirahang bayan ng mag-asawa ay isinailalim sa mabuting eksaminasyon at mabuting pag-obserba. Hindi lamang sa bahay ngunit maging sa mga tao na nakatira dito. Dahil hindi naman masamang asahan ngunit mabuti na maging handa, iniisip ng mga eksperto kung ang dalawang tao ba na ito ay nakakuha din ng isang pneumonic plague. Ang plague na ito ay ang plague na maaring maipasa sa hangin ng isang tao mula sa isa pang tao.

Ayon sa washington post, halos umabot sa 1,300 na katao ang lubos na binantayan at hindi basta-bastang pinapaalis ng mga eksperto. Lumabas sa imbistigasyon na halos 118 na katao ang nagkaroon close contact sa mag-asawa, kasama na dito ang ilang residente sa kanilang tinirahang lugar, mga doktor at nurse na gumamot at nag-alaga sa dalawa .Ang mga ito ay binigyan at pina-inom na nang ilang antibiotics upang maiwasan na kaagad ang pagkalat ng bacteria kung meron man sa kanilang katawan.

Bukod pa sa mga ito, ang mga turista na mula sa Switzerland, Sweden, Kazakhstan at South Korea ay kanila din inilagay sa isang quarantine upang maobserbahan ng anim na araw.

Mula noon ay wala nang naitalang kaso mula sa lugar at lahat ay nabigyan ng paunang gamot upang makaiwas na sakit na nito.

China:

Ayon sa research, ang plague ay lumaganap sa buong bansa ngunit sa iba’t ibang panahon. Ang malalang salot na ito ay dumapo din sa bansa ng China noong 1866 hanggang 1960. Sa loob ng napakahabang panahon na iyon, pumatay ito ng halos 2.2 million na katao. Ito ay unang tumama sa Yunnan province na matatagpuan sa China noong 1855.

Ang tumama sa China ay ang tinatawag na Bubonic Plague kung saan nagpahirap sa napakaraming buhay ng mga tao. Ang mga gamut na maaring inumin ay nagawa at inapbrubahan lamang noong 1940, kung kayat medyo huli na ang lahat upang maisalba pa ang ilan. Ngunit mula din doon ay unti-unting nagamot ang mga mamayan sa malaking bansa na ito.

Matapos ng mahabang taon, muling binalikan ng Bubonic plague ang bayan ng China.

Noong Nobyembre taong 2019 sa bayan ng China, isang uri nanaman ng plague ang umatake sa isang mamayan nito. Ayon sa health comission ng bansang china, isang 55 year-old na lalaki ang positibo sa sakit na Bubonic plague, noong ito ay kumain ng isang karne na mula sa rabbit noong din buwan ng Nobyembre.

Ang pasyente na ito ay mula sa Inner Mongolia. Noong makita at madala sa ospital ang lalaki, nadagdagan pa ito nang dalawang kaso na mula naman sa Biejing China. Ngunit ayon sa Inner Mongolia health comission, ang pasyente na nagmula sa kanilang lugar ay walang kinalaman sa dalawang pasyente na nakitaan at naging positibo sa lugar ng Beijing.

Hanggang ngayon ay patuloy na ginagamot ang pasyente na mula sa Inner Mongolia sa ospital nang Ulanqab. Ayon sa the Guardian, halos dalawangpu’t walong katao ang nakahalubilo ng pasyente. Ang mga taong iyon ay inobserbahan at ineksamina na nang mga eksperto at hindi naman nila nakitaan ng kahit anong sintomas mula sa nakakamatay na sakit.

So to answer your question, ilan ang posibleng mamatay? Depende, kung ano ang tatama, alam na natin na may tatlong klase ng plague at isa lang ditto ang medyo delikado sa atin dahil napapasa ito sa pagbahing at paghawak o physical contact at ito nga ang pneumonic plague.

Kung ang pneumonic plague ay tumama sa isang bansa, wag na bansa natin halimbawa na lang sa china. Kakaunti lang ang mamatay kumpara nuong nangyari ang great plague. Sure hindi natin maalis ang may masasawi lalo na’t kung huli na ang lahat pero hindi na ganuon kalala dahil nga merong antibiotics na pwedeng inumin, pero hindi porket may antibiotics ay safe na. It will still depend sa katawan mo kung anong magiging epekto ng gamut at ng sakit sayo. Kaya’t ang mga eksperto ay kinaquarantine agad ang mga posibleng pasyente para hindi na makapanghawa pa.

Tulad ngayon sa china, ang corona virus, dahil hindi pa natin alam ang virus na ito, wala tayong magawa ditto kundi magdasal na sana magkaroon na ng gamut, kumbaga we are at the mercy of the virus. Pero kung ito ay mangyari muli in the near future, wag naman sana, hindi na ganuon kadami ang masasawi kasi siguro naman by that time meron na tayong panlaban sa sakit na ito.

Sources

Sources

  1. https://www.healthline.com/health/plague#types
  2. https://www.cdc.gov/plague/maps/index.html
  3. https://foreignpolicy.com/2019/11/16/china-bubonic-plague-outbreak-pandemic/
  4. https://www.medicalnewstoday.com/articles/322198.php#5
  5. https://www.washingtonpost.com/nation/2019/05/08/couple-ate-raw-marmot-believed-have-health-benefits-then-they-died-plague/
  6. https://foreignpolicy.com/2019/11/16/china-bubonic-plague-outbreak-pandemic/
  7. https://www.theguardian.com/world/2019/nov/18/china-records-third-case-of-deadly-bubonic-plague

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Topic request about "Alchemy"

Bakit mas maputi ang ngipin ng aso?