Kaya ba nating gawin ang Wandering Earth?

Reading Time: 20 minutes

Topics

Nito lamang 2019, nagkaroon ng isang palabas patungkol sa malaking problema na kinaharap ng sangkatauhan sa mundo.Ito ang pinamagatang “The Wandering Earth”.Ang palabas na ito ay patungkol sa paglalakbay ng ating mundo sa solar system upang makahanap ng panibagong solar system.Base sa palabas, ang araw ay patuloy na lumalaki at malapit nang maging isang red giant na klase ng bituin.

Upang makatakas at upang hindi tuluyang makain ng araw ang ating mundo, naisip ng mga eksperto na maghanap ng panibagong solar system.Naisip ng mga eksperto na gumawa ng isang proyekto upang makahanap ng panibagong kalalagyan ng ating mundo.Nakagawa din ng paraan ang mga ito upang makagalaw ang mundo at makaandar ito papalayo sa araw.

Dahil sa paglayo ng mundo sa araw, iba’t ibang mga pangyayari ang naganap, nagkaroon ng mga tsunami, iba’t ibang mga paglindol at pagyeyelo ng buong mundo dahil wala na itong nakukuhang sapat na init.Ang mga tao ay gumawa ng mga under ground cities na pinanirahan ng mga tao upang mabuhay at hindi abutan ng lamig na nasa ibabaw.

Ayon sa palabas na “The Wandering Earth” , ang mga tao ay gumawa ng isang napakalaking thrusters upang magtulak sa ating mundo at makagalaw ito.Tinatawag nila itong “Project Wandering Earth”.

So, posible nga ba ito ?

A Red Giant Star:

Red Giant Star | Facts, Information, History & Definition

Hindi naman sa tinatakot ko kayo,ngunit ang bagay na ito ang isa sa pinaka makatotohanan na parte ng palabas.Tandaan na ang lahat ng bituin sa kalangitan ay namamatay.Ang ating araw ay isang malaking bituin na bumubuhay sa atin.Well hindi naman basta basta mamatay ang ating araw ngunit ito ay magiging malaking pulang bituin na kakain sa mga planeta katulad na na lamang ng tatlong planeta na malapit dito.Ang Mercury , Venus at syemre ang Earth.

Ayon sa live science, ang isang red giant star ay halos 100 million hanggang 1 billion kilometers sa diameter o hidni naman ay 62 million hanggang 621 million miles o sa mas lalaki ito ng halos isang daan hanggang isang libong beses na laki ng ating araw sa panahon ngayon.Dahil sa energy na kumlat sa malaking baghagi nito, ang temperatura nito sa ibabaw ay mas malamig na aabot lamang sa halos 2,200 hanggang 3,200 derees celcoius.Ayon sa ilang research, dahil sa patuloy na pagpapalit ng temperatura, ito ang dahilan upang magningning ito at tatama sa kulay na pula ng spectrum na dahilan upang ang maging pangalan nito ay Red Giant.

Ayon sa isang astronomer sa Pennsylvania State University na si Alex Wolszczan “A similar fate may await the inner planets in our solar system, when the sun becomes a red giant and expands all the way out to Earth’s orbit some five billion years from now,”

Dahil sa paglaki nito ang mundo ay magiging malaking oven toaster dahil sa init na naibibigay ng araw, at posibleng hindi na makaligtas ang buong buhay na mayroon ang mundo.Ang pagiging Red giant ng ating araw ay tatagal ng halos bilyon na tao, at bago ito maging isang white dwarft patay ang tatalong mundo na malaipit kinalalagyan nito.

Bago pa makain ng araw ang ating planeta, ang ating mundo ay nakaalis na sa kinalalagyan nito dahil sa nagawang thruster ng mga eksperto.Halos sampong libong malalaking thruster o jets na inilagay sa iba’t ibang bahagi ng ating mundo upang mapagalaw lamang ang malaking mundo ng mga tao.

So, posible bang magawa natin na mapagalaw ang ating mundo ?

Fusion technology:

This Fusion Technology Could Make Clean Energy Drastically Cheaper

So, para mapaandar ang ating mundo, kailangan ng isang napakalakas na bagay upang magbigay ng force at ang ating mundo ay gumalaw.Paano ito magagawa ?

Ang tinatawag na Fusion technology o ang isang fusion power ay isang uri ng power generation na makakagawa ng isang elektrsidad mula sa mainit na nuclear fusion reactions.Mula sa fusion reactors, ang mga hydrogen atoms ay magsasama-sama upang makabuo ng isang helium atoms, neutrons at isang napakalaking amount ng enerhiya.Mula dito ay makakagawa ng isang nuclear fusion.Ang enerhiya na magagawa ng bagay na ito ay katulad na lamang ng isang hydrogen bomb at enerhiya na nagpapagana sa araw.

Ang mga nuclear reactor o ang pinaka puso ng mga nuclear na bagay ay gumagamit ng isang nuclear fission upang makagawa ng isang enerhiya na magagamit upang mapagana ang malaking bagay na ito.Ngunit mula din sa bagay na ito, makakapaglabas ito ng mga radiation , mga radioactives waste.So, kung iniisip mo kung nakagawa na ang mga eksperto ng isang nuclear fusion; well hindi pa.Kung sakaling makagawa man ang mga eksperto ng ganitong bagay, mas magiging safe , malinis at mas madaming magagamit na enerhiya na maaring magsupply sa buong mundo.

Sa pag-aaral ng mga eksperto, upang makagawa ng isang fusion energy.Kakailanganin natin ng isang bagay o mismo ang init na nagagawa ng araw , at mula sa init nito ay mapapagana nito ang bagay na magpapagana sa isang turbine.Ang mga eksperto ay nakagawa na nang isang bagay upang magaya ang init na inilalabas ng mismong araw at upang magawa ang isang fusion reactor.

Sabihin na nating na nakagawa na nang isang bagay ang mga eksperto upang gayahin ang init ng araw ngunit, ang enerhiya na nagagawa ng bagay na ito ay hindi sapat upang makapagpagana ng isang bagay sa mundo.

Sa paunti-unting mga ekspertimento, kaalaman at mga bagay na ginagawa ng mga eksperto ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila nagakakagawa ng isang bagay na magbibigay ng enerhiya na mas malakas pa sa mismong nagpapapagana sa kaniya.Naintindihan mo ba ?Ang eksperto ay gumagawa at nagdedevelop ng isang bagay na makakapaglabas ng halos mas malakas ng sampong beses kumpara sa kuryente na pinagkukunan nito.

Ngunit ayon sa mga pag-aaral, ang bagay na ginagawa ng mga eksperto ay isa lamang demo upang maipakita na makakagawa ng malakas na enerhiya ang isang fusion energy.

So, ayon sa ilang mga paniniwala katulad na lamang ng ginawa ng mga eksperto sa palabas na wandering Earth, maaring gamitin ang fusion technology upang mapagalaw ang ating mundo at mapaandar ang mga jets na gagawin ng mga eksperto.

Ayon sa mga eksperto, gamit ang fusion technology, maaring makagawa ng isang fusion rocket na kung saan isa itong rocket na pinapagana ng fusion technology na makakapagana dito , at makakapagpagalaw ng matagal na hindi na nangangailangan ng isang fuel supply.Ngunit ang bagay na ito ay isang theoretical design pa lamang , meaning hindi pa ito nagagawa at pinag-uusapan pa lamang ng mga eksperto.

Dahil ang disenyo na ito ay maari lamang magawa base sa development ng fusion power technology at kung hanggang saan ang kakayahan nito.Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang isang rocket ay isang malaki bagay at mas magulong bagay na kailangan buuin kumpara sa iba pang mga bagay na ginagawa upang gamitin sa kalawakan.

Ayon sa ilang mga eksperto, ang isang maliit at isang mas magaan na fusion rector ay maaring maging posible sa hinaharap kung magkakaroon pa ng ilang mga makamundong method upang makontrol ang magnetic confinement at upang maiwasan ang instabilities ng plasma.So, posible ito para sa labas ng space, ngunit kung ang isang nuclear bomb ang magpapagana ng rocket na ididikit mismo sa mundo ay isang mahirap na bagay ayon sa mga eksperto.

Geo engineering:

Geoengineering Methods | Climate Central

Dahil sa paglayo natin sa araw, ang mundo natin ay hindi magiging malaking oven toaster, ngunit magiging malaking Freezer na gagawing yelo ang ilang mga bagay.Dito ay magagamit natin ang isang bagay na gawa mismo ng tao , upang mapainit ng kaunti ang kapaligiran sa mundo at mapanatili nito ang tamang temperatura sa mundo.

Dahil sa patuloy na pabago-bagong klima ng ating mundo.Minsan ay malamig , minsan ay mainit kung minsan naman ay sakto lamang.Dahil dito ay patuloy na nagaganap ang mga bagyo, mga pagkatuyo mula sa iba’t ibang bansa at ilang labis naman na pagyeyelo.Dahil sa labis na pagkatunaw ng yelo sa ibang bahagi ng mundo, ang karagatan ay patuloy din na tumataas.

Ang mga eksperto ay nakaisip ng isang paraan upang makontrol ang mga ganitong pangyayari.Ito ang Geo Engineering.Ang ideya na ito ay hindi na bago para sa mga eksperto ,dahil ito ay naisip na noong 1965 na naging presidente ng America noong 1963 hanggang 1969 na si Lyndon B. Johnsonn.

Mayroong dalawang uri ng Geo engineering, nariyan ang ideya na pagtanggal ng co2 o isang carbon sa atmosphere ng mundo.Ang pangalawa naman ay tinatawag na solar geo engineering,na kung saan gagawa ng paraan ang mga eksperto upang mas lalo pang mapaliwanag o mas mapapasok ang liwanag na nagagawa ng araw upang mabawasan ang ilang carbon dioxide na nabubuo sa loob ng ating atmosphere.

Ang mga eksperto ay nakagawa ,gumagawa at nagdedevelop ng ilang mga bagay upang mapainit ang klima ng ating mundo.Mula sa mga bagay na ito ay mapapabagal ang mga pagkatunaw ng mga yelo sa ilang bahagi ng mundo at mapabagal ang pagtaas ng katubigan sa dagat.

So, sa movie ay nakagawa ng malalaking geo engineering things sa iba’t ibang bahagi ng mundo.So, sa panahon na ngayon ay posible at nagagawa na natin ang ganitong bagay, ngunit ang malaking tanong ay ano ang apekto nito sa ating kapalilgiran sa panahon ngayon.

ang ideya na ito ay hindi sinang ayunan ng ibang eksperto at nagsabi na sa paggamit nito ay mas mapapalala nito ang kondisyon ng ating mundo.Ayon sa ilang pag-aaral, ang ginagawa ng ibang eksperto ay makaka apekto sa siyan na bounderies ng buong mundo.Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noonng 2009, apat bagay na ang lubos at patuloy na naapektuhan ng mga bagay na kanilang ginagawa.Nariyan ang climate change, biosphere integrity, kasama na din ang pagbabago biogeochemical cycles at mga ilang lugar na pinagtatayuaan nila ng kanilang pasilidad.

Ayon sa palabas na Wandering Earth, ginamit ang ganitong paraan upang makontrol ang init na mayroon ang mundo.Upang hindi tuluyan na magyelo ang buong mundo at upang mapa-init nito ang ilang bahagi ng ating mundo.Ngunit ayon sa ilang mga eksperto, ang geo engineering ay isang paraan upang mas lalaong masira ang ating mund at hindi ito makakatulong.

Gravity Tractor:

Gravity Tractor | NASA

So, ang isang gravity tractor, ito ay isang bagay na maaring makapagligtas sa ating mundo kung mayroon mang malaking asteroid na tatama dito.Ayon sa ilang pag-aaral ng NASA’s Jet Propulsion Laboratory sa Pasadena, California, ang mahinang paghatak ng gravity ng isang spacecraft ay maaring makalaban ng isang paparating na asteroid na ang laki ay halos nasa 140 metres na maaring makapagbigay ng malaking pinsala sa ating mundo.

Ang bagay na ito ay naipakita pa lamang sa pag-aaral, at hindi pa nagagawa sa aktwal na pangyayari.Ayon kay Clark Chapman na mula sa Southwest Research Institute sa Boulder, Colorado, “Although there were few, if any, substantive criticisms of these concepts, some of us had the feeling that the ideas were viewed as quaint but not-ready-for-prime-time,”

Ayon naman sa isang formes Apollo astronaut at chairman ng B612 Foundation na siya ding nagbigay ng pondo para sa pag-aaral na ito, na si Rusty Schweickart; kailangan ng isang tiyak na lakas upang maharang at mapigilan ang isang asteroid depende na din sa kung gaano katagal bago tumama ang impact nito sa ating mundo.Kailangan din malaman kung anong orbit ang gagawalan ng bagay na ito upang masundan nito pansamantala habang naghihintay ng isang asteroid.

Gravity Slinghot:

Why did Voyager 2 receive a gravitational slowdown (as opposed to ...

Ano naman itong isang Gravity Slinghot na tinatawag ? Ayon sa ilang pag-aaral, kung ikaw ay nakasakay sa isang spacecraft at nais mong makapunta o makauwi kaagad sa ating mundo, maari mo nang pabilis ang iyong sinasakyan kunfg ito ikaw ay gagamit ng tinatwag na Gravity Slinghot o mas kilala bilang gravity assist.

So, ayon sa ilang mga pag-aaral patungkol sa bagay na ito, ang isang spacecraft ay dadaan sa isang planeta upang angh gravity na mayroon ito ay kanyang magamit upang ang kanyang sasakyan ay mapabilis.Halimbawa na lamang noong nangyari sa sa Voyager na ipnadala sa kalawakan, gumamit ito ng gravity slinghot na mula sa jupiter at sa Saturn upang mapataas ang velocity ng kanilang sinasakyan dahilan upang makawala ang mga ito sa gravity na mula sa araw.

So, ayon sa ilang research , sa tuwing ang isang spacecraft ay papalapit na sa isang planeta, ang gravity na mayroon ang planetang ito ay hahatakin ang spacecraft upang makasabay ito sa pag-ikot ng planetang ito.Ang orbital momentum na mula sa planeta ang nagbibigay ng bilis sa sasakyang pangkalawakan.So, kung gaano ito kalapit sa planeta na ito, mas maraming momentum ang kanyang makukuha at mas mabilis ang kanyang pag layo mula sa planeta na ito.

What’s With Jupiter:

What's inside Jupiter? – Death Wish Coffee Company

Ayon sa ilang pag-aaral, ang planetang Jupiter ay pinalilibutan ng isang malaking magnetic field na tinatawag na magnetosphere.Ayon sa mga eksperto, ang magnetosphere na mayroon ang planetang Jupiter ay million ang volume kumpara sa ating mismong planeta.Sa loob ng magnetosphere na ito nakapaloob ang mga charge particles na nagiging dahilan upang mabuo isang malakas na radiation belt.

Ayon sa Air and Space science education, matagal nang pinag-aaralan ng mga eksperto ang planetang ito,Ang mga eksperto ay matagl ng sinusukta ang radio waves na nanggagaling mismo sa Jupiter.Ayon sa kanilang pag-aaral, ang planetang ito ay naglalabas ng mas maraming radio noise kumpara sa lahat ng bagay sa buong solar system maliban ang sa araw.

Dahil sa mga radio noise na mula dito, naniniwala ang mga eksperto na ang planetang ito ay mayroong malaking magnetic field.Lumabas din sa ilang mga pag-oobserba na ang ilang decametric radiation na mayroon ang Jupiter na mayroong wavelenght na mas mahaba pa sa halos tatlont metro o hindi bnaman ay 10feet ay maaring may kinalaman sa isang moon na mayroon ang Jupiter, ang Jovian sattelite na Io.

Sa tuwing ang Io ay dadaan sa magnetic field ng planetang ito, maaring itong magkaroon ng electrict charge na kung saan negative sa isang sided habang ang kabila naman ay positive.Dahil dito, maari itong makagawa ng halos 400,000 volts na papalibot sa bagay na ito at kung marating ng nang Io ang kanyang tiyak na posisyon dadaloy sa ionosphere ng Jupiter at Io ang electric current na halos 5 million amps.

So, kung mangyari man ang bagay na iyo, magkakaroon ng malakas na radio burst sa pagitan ng dalawang bagay na ito.

Can Wandering Earth Be REAL?

Could 'The Wandering Earth' Actually Happen? A NASA Engineer ...

Ang isa sa pinaka malaking tanong, kung sakaling ang araw ay maging isang Red Giant , mayroong nga bang kakayahan ang ating mundo aty maging ang mga tao na maglakbay sa solar system?

Ayon sa pinakita ng palabas na ito, ang Earth ay dadaan sa Jupiter upang magawa ang gravity slinghot; ngunit ayon sa mga eksperto ang malakas na radiation na nagagawa ng Jupiter ay isang malaking problema.Dahil na din sa gravity ng mayroon ang Jupiter na kailangan lagpasan ng Earth, nangangailangan ng planet size explosion na mula sa oxygen ating planeta at methane na mula naman sa Jupiter.

Ayon kay Charles Reimers, kung magagawa ito, maaring makagawa ng isang malakas na force upang maiiwas ang ating planeta at upang hindi ito mapulbos .
Ayon pa sa ilang mga eksperto na nag review patungkol sa palabas na ito, dahil sa hindi na umiikot ang mundo, ang mga malalaking tsunami , malalakas na paglindol at ang paggalaw ng mga tectonic plates ay ang kasunod na mangyayri.

Dahil nga ito ay isang science Fiction, ang mga pangyayari ay hindi maaring mangyari.Ayon kay Pierre Vigoureux, kung mayroon mang lakas na magagawa ang mga tao upang mapagalaw ang ating mundo, ito ay isang delikado at maaring hindi pa nakakalayo ay masira na nang tuluyan ang taing mundo.Dahil ang Earth ay mayroon lamang manipini na crust, alam na natin na ang magma ma mula sa ilalim ay madali lamang mapupunta sa ibabaw ng lupa.

Ayon naman kay Georgy Babukhadia, nangangailangan ng maraming fuel upang mapagana ang mga thruster na mayroon ang wandering earth, makikita din na nagmimina ang tao upang mailagay ito sa thruster ngunit.Dahil mayroong sampung libong thruster ang wandering earth, ayon sa ilang mga eksperto , ang mga minimina ng mga tao ay hindi sapat at maaring maubos na sa sandaling makarating sa panibagong solar system.

Ayon sa ilan mga eksperto, saan mapupunta ang lahat ng init na mula sa mga makina na ito ? ang paggamit ng mga malalaking makina na ito , again ay siya lamang makakasira lalo sa ating mundo.

So, ang mga tao ay nabubuhay sa ilalim ng lupa na halos 500meters deep o halos 1640.4199 ft, ngunit dahil sa magagawang mga tidal waves, mga paggalaw ng tectonic plates , at ilang malalakas na paglindol ang magiging dahilan upang gumuho ang mga pasilidad at mga kabahayan na mayroon sa ilalim ng lupa.Hindi makakatagal ang mga tao sa ilalim ng lupa.

So, posible ba na mag wander ang ating planeta?
Maari bang makagawa ng malalaking makina upang pagalawin ang ating mundo ?
Ano ang mga bagay na mangyayari kung magawa ito?
Mabubugay ba ang mga tao sa ilalim ng lupa ?
Kaya ba nating lagpasan ang Jupiter ?

Ayon sa ilang mga taong nagreview at nanuod ng Wandering Earth, ang palabas ay maganda ngunit ang mga paniniwala at mga bagay na ginawa upang maging solusyon ay hindi kapani paniwala.Well, it’s just a movie after all.Either you enjoyed it o papasakitin mo ang ulo mo dahil sa pinapakita ng mismong palabas na ito.

Sources

Sources

  1. https://www.space.com/22471-red-giant-stars.html
  2. https://en.wikipedia.org/wiki/Fusion_rocket
  3. https://www.youtube.com/watch?v=ZW_YCWLyv6A
  4. https://blogs.bsg.ox.ac.uk/2019/02/22/chinese-sci-fi-film-the-wandering-earth-reminds-us-humanity-has-common-destiny/
  5. https://www.newscientist.com/article/dn14414-gravity-tractor-could-deflect-asteroids/
  6. https://www.universetoday.com/113488/how-do-gravitational-slingshots-work/
  7. https://airandspace.si.edu/exhibitions/exploring-the-planets/online/solar-system/jupiter/environment.cfm
  8. https://www.quora.com/Was-the-movie-Wandering-Earth-scientifically-plausible
  9. https://www.quora.com/Is-moving-Earth-possible-as-shown-in-The-Wandering-Earth

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Paano nabuo ang atmosphere?

Tesla Inventions