Ito talaga ang ibig sabihin ng panaginip

Reading Time: 13 minutes

Ang panaginip ng isang tao ay nangyayari sa tuwing ito ay natutulog. Kung minsan naman ay kapag lumilipad ang utak sa umaga o yung tinatawag na Day dreaming. Kapag ang isang tao ay nanaginip sa gabi, ang mga panaginip na nararanasan nito kadalasan ay naiintindihan at kung minsan ay naikukuwento pa ito sa ilang mga kaibigan may pagkakataon naman na sobrang weird at hindi maintindihan.

Alam naman na siguro ng nakakarami na ang mga napapaniginipan ng isang tao ay mula sa kanyang mga napagdaan sa araw na yon o sa kanyang buhay. Mula sa mga nagpapasayang bagay, mula sa mga nakakatakot na pangyayari na tumatak na mismo sa kanyang utak, kasama na din ang iba’t ibang pangyayari na gustong mangyari ng isang tao. Kung minsan naman ay nangyari na ngunit dahil sa labis na naramadaman ng taong ito, ang pangyayari na ito ay sumasama kahit sa panaginip. Kung minsan hinahanapan ng ilang tao ng kahulugan ang bawat panaginip na kanilang nararnasan.

Ang topic na ito ay nirequest ni Eilish Quinzel.

Stages of Sleep:

Understanding Sleep Cycles and How to Improve Sleep | Wellness |  MyFitnessPal | Sleep health, Sleep therapy, Improve sleep

Unahin muna natin ang stages ng pagtulog ng tao, para lamang sa mga hindi nakakalam. Mayroong limang stages ng pagtulog. Nariyan ang stage 1 kung saan light sleep at mabagal na paggalaw ng mata at ang pagbawas ng mga muscle activity sa katawan. Ang stage 2 kung saan ang paggalaw ng mata ay tuluyan nang huminto at ang brain waves na nagagawa ng ating utak ay bumabagal na.

Ang stage 3, mabagal na mabgal na ang nagagawang brain waves ng utak ng isang tao at ang tinatawag na delta waves ay nagsisimula nang magpakita. Ang stage 4 , ang pagpunta sa malalim na tulog ng tao, at ang pinaka huli ay ang tinatawag na rapid eye movement o REM na kung saan ang isang tao magkakaranas ng blood pressure, at pagtaas ng rate ng puso.

What are Dreams:

Dreams: Causes, types, meaning, what they are, and more

Ang isang panaginip ay isang imahe na nabubuo sa utak ng isang tulog na tao. Kung minsan ay malinaw, kung minsan naman ay malabo. Ang isang panaginip ay nararanasan ng isang tao sa tuwing ito ay nakakarating sa REM stage.

Ang isang tao ay maaring makaranas ng halos anim na panaginip sa loob lamang ng isang gabi. Ang isang panaginip ay nararanasan ng lahat ng tao yes kahit bulag. Gumawa din pala ako ng isang video tungkol duon kung saan diniscuss ko ang napapanaginipan ng isang bulag.

Ayon sa medical news today, ang mga Neuroscientist ay interesado sa kung paano nangyayari ang isang panaginip. Mula sa kwento na mula dito, sa pagkakasunod-sunod ng panaginip at ang proseso na pumapalibot dito. Samantalang ang psychoanalysis naman ay pinag-aaralan ang panaginip kung ano ba ang gustong iparating nito.

Pinag-aaralan ng mga psychoanalysis kung ano ang mga ibig sabihin ng mga nakikita sa panaginip ng isang tao. Ang isang panaginip ay puno at binubuo ng emosyon at mga malilinaw na karanasan at to ay tumatagal ng ilang minuto lamang sa tuwing nakakapunta tayo sa REM sleep.

Science of Dream:

Why Do We Dream? The Science of Dreams: What are they and Why do we do it?  - YouTube

 

Gamit ang neural imaging, hinahanap ng mga eksperto ang relasyon ng mga pangyayari sa panaginip at ang activity pattern na nagagawa ng utak ng tao.

Mayroon isang paniniwala na kung saan ang Hippocampus na siyang kumokontrol sa memorya ng isang nilalang at nakikipagtulungan sa neocortex. Sa pagtutulungan ng dalawang ito, makokontrol ang higher-level ng utak at doon makakagawa ng isang kahulugan sa lahat ng bagay na nalaman, nakita, at nasagap ng iyong utak. Mula sa mga bagay na ito, nararanasan ng isang tao ang managinip.

Ang panaginip ay maaring nagmumula sa signal na ipinapadala sa cortex habang ang isang tao ay tulog. Ang ilang mga signal na ito ay maaring para sa memorya at sa mga bagay na natutunan sa isang araw, maari din naman na ibang bagay. Pinaniniwalaan na ang utak mismo ang gumagawa ng paraan upang magulo ang mga signal na ito.

Ang utak mismo ang gumagawa ng paraan upang magkita at magsama ang dalawang signal, dahilan upang makabuo ng isang kwento sa utak at nagreresulta ng panaginip.

Biology of dreams:

Creating Lucid Dreams Biology Bytes

Kung si Sigmund Freud ang tatanungin kung ano ang tingin niya sa isang panaginip, ito lamang ang kanyang isasagot “the royal road to the unconscious.”. Naniniwala si Sigmund na ang panaginip ay mula sa unconscious na ipinapakita ng subconscious mental turmoil o ang hirap sa pagdedesisyon. Kung pag-aaralan at pag-obserbahan ito ay maaring maintindihan ang pinagmumulan ng panaginip.

Noong 1953, ang ang sleep researcher na si Eugene Aserinsky at Nataniel Klietman ang nakadiskubre na ang panaginip na nararanasan ng isang tao ay kasama ng REM sleep. Nalaman ng mga eksperto na kung ang taong nakaranas ng panaginip na ito ay maaring maalala ang kanyang panaginip kung magigising ito ng maayos.Ang ganitong pag-aaral ay nagbigay ng inspirasyon sa iba pang mga eksperto na oberbahan at imonitor ang isang panaginip.

Sa tagal ng panahon at paggamit ng ganitong uri ng pag-aaral, ang ilang mga eksperto ay kinalaban ang paniniwala ni Freud. Ayon sa 1977 scientific paper mula sa ibang mga scientist ay nanawagan na iparevise ang nagawang teorya ng mga psychoanalytic dream theory.

Ayon kay Dr.Hobson, ang panaginip ay isang reaksyon na mula sa ilang nervous system stimuli. Ibig sabihin ang utak mismo ang gumagawa ng sariling interpretasyon dito. Nagbibigay ito ng ilang mga imahe at ilang mag sensory hallucination.
“assumes that dreams are as meaningful as they ca n be under the adverse working conditions of the brain in REM sleep. The reason that dream content often seems disoriented or bizarre is because the activated brain-mind does its best to attribute meaning to the internally generated signals of the brain.”

Noong 1983, ang isang Nobel laureate na si Francis Crick kasama ang kanyang colleague na si Graeme Mitchison ay naniniwala na ang neural memory system ng utak ay madaling mapuno at ang mga tao ay nakakaranas ng isang dream-laden REM upang maalis ang mga sobrang bagay na ito. Ayon sa dalawang ito, ang panaginip ay isa lamang mechanism na ginagawa ng nervous system upang mabura at malinis ang mga bagay na hindi naman mahalaga sa ating utak.

Ang teorya na ito ay tinawag ng dalawa bilang “Reverse learning”, naniniwala na ang isang panaginip ay isa lamang basura para sa utak at kailangan alisin upang mawala ang mga ito.
“There is no evidence to suggest that remembered dreams are anything more than an accidental by-product of this (REM) function”

Ang pag-aaral patungkol sa kung paano nga ba nanaginip ang isang tao ay hindi pa din nabibigyan ng maayos na kasagutan hanggang sa panahon na ngayon.

What are dreams really means:

9 Common Dreams and What They Supposedly Mean

Ang mga tao ay mahilig bigyan ng paliwanag ang lahat ng kanilang nararanasan sa buhay, kung kaya’t pati na ang isang panaginip ay kanilang hinanahanapan ng kahulugan. Ayon sa ilang mga pag-aaral patungkol dito, ang mga tao noong sa ancient egypt ay naniniwala na kung ang isang tao ay madalas makakita o makaranas ng isang malinaw na panaginip ay ipinanganak na mayroon spesyal na kakayahan.

Karamihan sa mga panaginip ng mga taong ito ay naisulat at natagpuan na nakasulat sa isang papyrus o ang mga papel na ginagamit ng mga nakaraang tao sa ehipto. Naniniwala ang mga taga ehipto na ang pananaginip ay isang paraan upang makakuha ng ilang impormasyon mula sa mga pinaniniwalaan nilang mga Diyos at Diyosa. Ang ilang mga tao ay natutulog pa sa isang espesyal na kama at doon mananaginip ang mga ito upang makakuha ng ilang karunungan sa kanilang mga sinasamaba.

Ayon sa psychology today, noong 19th at 20th century, karamihan sa mga scholar na taga ehipto ay iniwan at ipinagsawalang bahala na lamang ang paniniwala na ito. Ayon sa ilang mga research, ilang mga paniniwala na ang mga nagsilabasan patungkol sa pagtingin sa panaginip. Nariyan ang maari itong magsabi ng hinaharap. makipag-usap sa mga kakaibang nilalang. Gamit ang panaginip, mas makikilala pa ng isang tao ang kanyang sarili.

Ilang mga websites at ilang mga magazines na ang lumabas upang malaman ang kahulugan ng mga napapaniginipan ng isang tao. Kasama na rin dito ang mga tao na nakakaintindi ng panaginip. Ang ilang mga nilalang na kapag nakita mo ay ganito ang ibig sabihin, kapag nangyari ang ganitong bagay ay mayroong ganitong mangyayari at kung ano-ano pang mga paniniwala. Ngunit ayon sa mga eksperto, ang panaginip na nararanasan ng isang tao ay wala naman talagang ibig sabihin.

Ang mga neuroscientist ay naniniwala na ang panaginip ay isa lamang side effect na ng neurological processes na nagagawa ng utak ng tao. Dahil ang karamihan sa mga tao ay naniniwala na kung tulog sila ay hindi na gumagana ang kanilang utak, ang mga ito ay kaunti lamang ang kaalaman patungkol sa bagay na ito.

Sa tagal ng pag-aaral at pag oobserba ay nalaman ng mga eksperto na nagkakaroon ng isang malakas na neurological activity ang ating utak. Sa tuwing natutulog ang isang tao, hinahayaan niya ang kanyang utak na ayusin ang mga bagay at mga impormasyon na nalaman sa nagdaang araw. Dahil nga kailangan itong itabi upang sa oras na ito ay kakailanganin ay maalala at babalik ito muli sa ating isipan.

Lumabas na din sa mga pag-aaral na ang pagkuha ng tulog ay nakakatulong upang mas madaling maalala ang mga bagay bagay at sa tuwing ang tulog ay naabala ang mga memorya at impormasyon ang nagkakaroon ng problema. Ayon naman sa iba pang mga eksperto na nagsasagawa ng pag-aaral patungkol sa panaginip, maaring ito ay isang hindi inaasahan na pangyayari o isang consequence at ilang pang mga bagay na nakapaloob sa isang neurological processes. Ayon sa mga Harvard psychiatrists na sina J. Allan Hobson at Robert McCarley, ang ilang mga circuits na mula sa utak ay nagiging mas aktibo sa tuwing sumasapit ang gabi.

Dahil dito, gumagana ang mga iba’t ibang pakiramadam, iba’t ibang emosyon kasama na ang ilang mga memorya ng hindi magkakasunod-sunod. Dahil sa mga pangyayari na ito sa ating utak, nakakagawa ng ilang mga senaryo, ilang mga katauhan ngunit ang totoo ay ang utak mismo ang gumagawa ng mga ito. So, it’s makes sense kung ang ilang mga panaginip na iyong nararanasan ay hindi mo maintindihan at hindi mo masabi kung ano ba talaga ang kahulugan.


Ang panaginip ay ang mundo na ating napupuntahan sa tuwing pumipikit ang ating mata. Hindi man totoo ang mga ito, o sakaling mayroon talaga itong sapat na kahulugan. Huwag basta-basta maniniwala sa mga ito.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan. Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.

Paalala lang po, kapag nakapagfill up po kayo ng request, hindi po ura urada magagawa ko agad, it will take months bago ko po magawa yan, marami rin po kasing nakapilang request kaya pagpaumanhin nyo po.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/sfJb7GBhBOs

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Kapag namatay ang araw natin, ganito ang mangyayari

Ang nawawalang kontinente – Lemuria