Ito ang dahilan kung bakit mortal na magkaaway ang pusa at daga

Noon ikaw ay bata pa kinalakihan mo na sina Tom at Jerry. Ang dalawang ito ang pinaka kilalang pusa at daga sa telibisyon noon at ilan sa mga magulang ngayon ay ipinapanuod pa din ang palabas na ito sa kanilang mga anak. Ngunit ano nga ba ang laman ng istorya ng dalawang hayop na ito?

Dahil sa katalinuhan na taglay ni Jery, hindi magawa gawa ni Tom ang matagal na niyang plano.Kung ating titignan sa tunay na buhay, kung sakaling tanungin mo ang ilan kung bakit sila nag-aalaga ng pusa. Karamihan ay isasagot sa iyo “para sa mawala mga daga sa bahay”

Ito na mismo ang dahilan kung bakit sila nag-aalaga ng pusa, upang mapatay ang mga daga na nagtatakbuhan sa kanilang tahanan. Ang mga pusa ang nagsisilbing taga huli sa mga matitinik at maliliksing daga na ito. Ngunit isa sa pinaka malaking tanong, bakit nga ba galit na galit ang pusa sa isang daga? Fun fact pala, ang palabas na Tom and jerry ay magbestfriend talaga sila. Kaya sila nagaaway sa palabas para ipakita ni Tom sa amo nito na hinahunting nya si jerry dahil kung hindi, maghahanap ito ng bagong pusa para patayin talaga si jerry at ayaw ito ni tom.

Pero bakit nga ba magka-away ang pusa at daga? Ang tanong na ito ay mula kay Jerry-Samson-DeJesus at ito ang ask bulalord.

Cats Characteristic:

Male Cat Behavior Characteristics | LoveToKnow

Unahin na muna natin alamin kung ano nga ba ang ugali ng mga pusa. Kilalanin natin ng maigi ang mga natural na bagay na kahit hindi nila kinalakihan, ang ugali na ito ay nakakabit na sa kanila mula noong sila ay isilang sa mundo. Ayon sa ilang research, halos sampong libong taon na ang dumaan noong nagsimulang maging alaga ng mga hayop ang mga pusa.

Ang mga ninuno ng mga cute at makukulit na nilalang na ito ay minsan nang nabuhay sa wild noong unang panahon. Ayon na din sa mga pag-aaral, ang mga pusa at iba pang lahi ng mga hayop na ito ay pinanganak bilang natural hunters. Ang ibig sabihin ay nasa kanilang dugo na ang paghahanap at pagpatay ng kanilang makakain.

Kahit palakihin mo pa ang iyong alagang pusa sa mga masasarap na pagkain, hindi nito mapipigilan na pumatay ng ilang mga hayop, insekto at iba pang maliliit na nilalang. Lumabas sa isang pag-aaral na ang mga pusang lumaki sa wild, sa loob ng tahanan at kung saan pa ay mahilig nang manghuli at pumatay kadalasan ng mga ibon at maging daga.

Lumabas na halos bilyon ang namamatay na malilit na hayop dahil sa mga pusa.Dahil sa kanilang natural instict na mula sa kanilang ninuno, ito na mismo ang dahilan ng pagpatay at pagkain nila sa kanilang nagiging biktima.Ngunit ayon din sa ilang pag-aaral, karamihan din sa mga pusa ay hindi kinakain ang kanilang napapatay na hayop.

Kung minsan naman ay hindi talaga nila pinapatay ang mga ito, ngunit iniiwanan nila ang mga ito nang duguan. Para sa kaunting kaalaman, laganap sa america ang pagtatanggal ng kakayahan sa isang pusa upang makapagparami. Ito ung pagiging sterile, sa atin ung kinakapon pero un ung pagtanggal ng balls ng aso. Ewan ko kung ganun din ang tawag sa pusa. Sa babaeng hayop tinatanggal ang mahalagang parte sa loob ng kanilang katawan upang hindi na sila manganak pa.

Para sa pilipinas, kung ang ilan sa mga pusa ay babae at walang anak, mapapansin na ang mga ito ay mahilig din magdala ng patay na daga o ano pa sa inyong bahay. Dahil nga ang mga sinaunang pusa ay nagtuturo sa kanilang anak kung paano kumain. Kumbaga nagkakaroon sila ng simulation o instinct na dapat silang may dalhin para sa mga anak nila kahit wala naman silang anak.

Ang mga babaeng pusa na mismo ang nagdadala ng pagkain sa kanilang anak upang maturuan na nila ito kung paano kumain. Dahil ang mga pusang babae na tinanggalan ng karapatan upang magkaroon ng anak, at ilang pusang babae na hindi nagkakaanak ay dala pa din ag ugali na ito, ngunit wala na silang mapapasahan dahil nga wala silang anak.

Ang mga amo o ang nag-aalaga na mismo sa kanila ang nag-iisa nilang pamilya, ito ang dahilan kung bakit sa iyo niya iuuwi ang napatay niyang daga. Ayon sa pag-aaral, ang isang pusang babae ay natural teacher at natural mother kahit na ito ay walang anak.Ang pagdadala niya ng pagkain sa nag-iisa niyang pamilya ay isang pagpapakita na kailangan ka niyang turuan at alagaan.

The cats and the Rats:

MANAGEMENT INSIGHT - The Secret to Successful Global Expansion is to Bring  Your RATs & CATs Together

Kung gusto mong mawala ang peste sa bahay mo o isang daga, mag-alaga ka nang pusa. Saan ba nagmula ang paniniwala na ito? Sino ba ang nagpausa?

Noong unang panahon bago pa man gawing alaga ng mga tao ang pusa, nakita na nito kung ano ang relasyon na mayroon ang pusa at ang isang daga.

Mula sa ilang pag-aaral patungkol sa history ng mga pusa, ang kakayahan nito na manghuli o magpawala ng mga peste ay nagsimula noong mapansin ng isang magsasaka mula sa eastern Mediterranian ang isang pusa na nanghuhuli ng daga sa kanyang bodega na puno ng kanyang ani. Mula noon ay kumalat na ang pusa ay makakatulong upang mabawasan ang peste sa mga pananim.

Mula noon ay nagsimula na din ang mga ilang pamilya na mag-alaga at magkupkop ng isang pusa sa kanilang tahanan. Pinaniniwalaan din na ang mga Vikings at iba pang manlalayag ay nagsasama ng pusa sa kanilang barko upang manghuli ng mga daga na namemeste sa kanilang mga nakatabing pag-kain.

Dahil nga ang mga nakakain at maaring kalabanin ng mga pusa ay ang mga maliliit na nilalang, ito na mismo ang dahilan kung bakit isa ang mga daga sa madalas nilang pinag-iinitan sa tuwing ito ay kanilang nakikita. Hanggang sa panahon ngayon ay naniniwala ang mga tao na ang pusa ang sagot upang mawala ang mga peste sa tahanan.

Lumabas sa isang report na ilang siyudad sa iba’t ibang parte U.S lalo na sa Washington D.C ay kumukupkop ng mga pagala-galang mga pusa na nasa lansangan. Ang mga pusa na kanilang nakukuha ay kanilang gagamutin, pakakainin at palalakasin upang maging alaga.

Matapos nilang magamot at mapalakas ang mga pusa na ito, pakakawalan ito sa lugar kung saan maraming daga. Kilala ang Blue Collar Cats traps feral cats bilang organisasyon na nag-aalaga sa mga pagala-galang pusa. Ang ilang mga business owner at ilang mga pamilya na din ang nag aadopt ng mga pusa upang masugpo ang mga daga na pagala-gala sa kanilang tahanan.

Ngunit upang mapatunayan ang ganitong gawain, kailangan nilang subukan ang isang eksperimento. Isang pag-aaral ang isinagawa ng mga taga Fordham University mula sa Bronx, New York kung totoö ng ba ang paniniwala at bali-balita. Kanilang pinag-aaralan ang halos isang daan na daga na nabubuhay sa isang waste recycling center sa New York. Upang kanilang masubukan ang pagiging epektibo ng mga pusa. Ang mga naligtas, nagamot at naalagaan na mga pusa ay kanilang dinala sa lugar.

Ang lahat ng pusa na kanilang pinakawalan sa lugar ay nilagyan nila ng microchip, ang mga mag-aaral ay naglagay ng mga camera sa lugar upang makita kung ano mga mangyayari. Ayon kay Michael H. Parson’s Ph.D na siyang nangunguna sa pag-aaral na ito, nais nilang makita kung ano ang magagawa ng mga pusa sa halos isang daang daga na nabubuhay sa isang lugar sa dadaan na pitongpu’t siyam na araw.

Sa loob ng araw na iyon, ang mga eksperto ay nakakuha ng tatlong daang video. Ayon sa report patungkol sa pag-aaral, sa kada dadaan na araw, halos tatlong pusa lamang ang gumagalaw at nagbabantay sa pinaka kuta ng mga daga, ngunit hindi nila ginagalaw ang mga peste. Sa halos tatlong daang video, dalawampu lamang ang nakuhang footage ng mga pusa na sinusundan ang isang daga na maari nilang biktimahin. Tatlong pusa ang nagtangakang makapatay ng daga at sa loob ng pitongpu’t siyam na araw, dalawa lamang ang napatay ng mga pusang napakawalan sa lugar.

Doon ay nakita nila na napatay lamang ang daga dahil nasundan ito ng pusa sa mismong lungga na kanyang pinagtataguan. Ang isa kanilang nakuhang video ay isang pusang na hinahabol at binabantayan ang daga, ngunit di kalaunan ay nawalan din ito ng gana at pinabayaan na lamang ang daga. Ayon sa mga eksperto, sa pagapapakawala nila ng pusa sa lugar, mayroon itong nagawa sa mga daga.

Kahit na sabihin na dalawa lamang ang napatay ng mga pusa, nagawa ng mga pusa na baguhin ang ugali at pamumuhay ng mga daga. Nagawa ng mga pusa na hindi palabasin ang mga daga sa kanilang lungga at humanap ng daan upang maitago ang kanilang presensya sa hayop na gusto silang patayin. Ayon sa mga eksperto, palaging nagpapakita ang mga daga sa kahit sino dahil hindi ito takot na mahuli ng kung sino man.Ngunit noong dumating ang mga pusa, nakita at nalaman ng mga ito na delikado ang kanilang buhay dahilan upang magbago sila ng mga gawain.

Ito na mismo ang dahilan kung bakit kapag nagdala ka nang pusa sa iyong tahanan, ang mga daga ay matatakot na magpakita sa mga open area. Ngunit ang masakit na katotohanan, ang mga daga na ito ay nakagawa lang ng paraan upang makapagtago hindi talaga sila nawala. Sadyang magaling lang silang magtago.

Ayon sa mga eksperto, ang pagpapakawala ng mga pusa sa wild o sa mga lansangan ay nakakasama para sa ibang maliliit na hayop. Lumabas nga na karamihan sa mga naalagaan na pusa ay madalas nakakapatay ng mga maliliit na hayop at maging ibon kahit sisiw o manok di nila pinapatawad. Hindi lamang libo o milyon, ngunit bilyon ang kanilang napapatay kada taon. Kung ang mga pusa naman ay papakawalan lamang at pababayaan sa lansangan , ang mga ito ay delikado sa ilang mga bagay. Maaring ang mga ito ay makakuha ng sakit na maaring makahawa sa ilan pang mga hayop, maari silang masagaan sa daan o hindi naman ay mapag-initan ng ilang mga malalaking hayop o tao.

Ayon sa ilang pag-aaral sa U.S, halos 3.7 billion na ibon at halos 20.7 billion naman na mga maliliit na mammal ang napapatay ng mga pagalang-galang pusa kada taon. Ayon kay Parson, kinikilala ang mga pagpatay na ito bilang human-caused mortality para sa mga ibon at sa iba pang hayop. Lumabas na mga maliliit na daga lamang ang kayang patumbahin kaagad ng mga pusa at ang mga ito ay umiiwas sa mga malalaking daga na halos kasing laki na nang mga kuting.

Lumabas na kung ang isang pusa ay napapakain ng maiigi, hindi na nito kailangan pang maghanap ng kakainin na daga at ibon dahilan upang mabuhay ng maayos ang isang pusa at isang daga sa iisang bubong o bahay. Ito ang dahilan kung bakit minsan ay ginugutom ng ilang amo ang kanilang pusa upang mapilitan itong maghanap daga at upang mapatay ito. Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang pag-aalaga ng pusa ay hindi makakatulong upang mabawasan ang bilang ng daga na nabubuhay sa isang tahanan.

Ngunit kung ang maliliit na daga ang pag-uusapan, isang pag-aaral ang lumabas na sa loob ng walong taon, halos 4,200 na maliliit na daga ang napatay ng anim na pusa sa lugar na halos 4,840 square yards ang laki. Dahil sa ganitong resulta, masasabi na mas mananalo pa din ang isang pusa kumpara sa isang daga.

Kung minsan , ang mga pusa na ating alaga ay nagbibigay ng saya dahil sa kanilang kakulitan at mga nagagawa.Hindi sila dapat gutumin upang magawa lamang ang ipinapagawa mo sa kanila.Kung gusto mo man mahuli ang mga daga sa iyong tahanan, ugaliin na maglinis nang maglinis upang mawala ang mga ito. Maglagay din ng iba’t ibang mga trap upang mahuli ang mga ito.

Base sa video hindi magkaaway ang pusa at daga, ito ang tintatawag na prey at predator. Sabi nga Prey on the weak, feast on the strong. Dahil maliliit ang daga kaya nitong paglaruan ng pusa. Isang kalmot lang ng kuko o isang kagat nakamamatay na sa kanila. Malamang ay nakita nyo na din sa mga video ang isang gahiganteng daga na dinadaanan lang ang mga pusa. Alam kasi nila na hindi sila kakayanin nito dahil kaya din nilang lumaban. Ang pusa kagaya ng mga leon ay isang natural predator at kadalasan naghuhunt ito ng mas maliit sa kanya regardless kung daga pa yan, ibon o manok. Lahat sila iisa lang para sa pusa. Pagkain.

Sana ay nasagot naming any iiyong katanungan Jerry-Samson-DeJesus.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time. Marami po kayong nagttype ng tanong sa comment section pero again po hindi ko po makukuha yang request nyo, kaya po nagtayo ako ng website para nanduon lahat ng request.

Paalala lang po, hindi porket nakapagrequest ay magagawa agad. It will take months po dahil sa dami ng nakapila at hindi lahat ng request eh napapagbigyan lalo na ung mga out of the blue questions.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out

Sources

Sources

  • https://youtu.be/5ioQzPHoQjI

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang sakit na Alice in Wonderland?

Ang lindol na umatake ng gabi at kumitil ng maraming buhay sa pinas