Isa bang dugo ng anghel, diyos, alien o isa lamang mutation ang RH negative?

Reading Time: 18 minutes

Topics


Mula sa bible, makikita kung paano dumami at kumalat ang dugo nila Adan at Eva. Ang mga ito lang naman ang pinaka unang tao na ginawa ng Diyos. Mula sa dalawang ito, ipinganak ang dalawang magkapatid, ito ay sina Cain at Abel. Ito ay ayon sa bibliya.

To make the story short, dahil sa inggit ay pinatay ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel. Dahil sa pagkamatay ni Abel, tanging si Cain na lamang ang nagdadala ng dugo na mula sa kanyang ama at ina. Dahil na din sa kagagawan ni Cain, ito ay pinalayas ng Diyos at pinalayo mula sa kanyang tinitirahan. Mababasa sa Genesis 4, kung paano nagkaanak at dumami ang angkan ni Cain na hanggang kay Namaah.

Ngunit mababasa din sa bibliya kung paano muli nagkaanak ang mag-asawang Adan at Eva at kanilang pinangalanan na Seth. Mababasa sa bibliya na si Noah ay anak ni Lamech na siyang kaapo-apohan ni Cain.

Ngunit madami ang nakikipagtalo na ito ay mula sa angkan ni Seth. Well, isang dugo lang naman ang pinagmulan nila. Madami ang naniniwala na ang isang type ng dugo na tinatawag na RH negative ang dugo na mula mismo sa Diyos. Alamin muna natin kung ano ba ang mayroon sa dugo na ito.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

May kinalaman ba ang RH negative sa bloodline ni Cain at decendants ni Noah?
Ang tanong na ito ay mula kay c.sjlt. at ito ang Ask bulalord.

RH Factor Blood type:

Ayon sa research, nadiskubre ito ng dalawang eksperto na sina K. Landsteiner at A. S. Wiener noong 1940. Ayon sa mga eksperto, ito ay isang protein substance na kung saan makikita sa red blood cells ng isang tao. Mula sa dugo ng isang Rhesus monkey na itinurok sa isang rabbit, nakita ng mga eksperto ang pagkakaroon ng isang malakas na antigens na nabuo sa dugo ng rabbit na kanilang ginamit.

Noong iturok ito sa dugo ng isang tao mula sa iba’t ibang lahi, nakita na 85% sa mga sample na kanilang ginamit ay nakitaan ng kapareha na reaksyon mula sa dugo ng Rhesus monkey. Ang 15% sa mga dugo na kanilang tinest ay hindi nakitaan ng kahit anong reaksyon. Dahil ang parte ng dugo na ito ay nalaman mula sa isang Rhesus Monkey, pinangalanan itong RH posive at negative.

Ayan ha, alam nyo na ang ibig sabihin ng RH blood type. Hindi ibig sabihin galing sa unggoy, tinest lang ito sa unggoy. Sana clear tayo ditto.

The Blood:

Ayon sa mga eksperto, ang isang dugo ay masasabing rare kung ito ay walang tinatawag na “Antigen”. Bulalord antigen ka ng antigen, ano ba ang isang antigen?
Ang isang antigen ay isang bagay na nakakabit sa ilang antibodies na nasa ating katawan upang maging kalaban ng mga sakit na dumadapo sa ating katawan. In short, mas pinapalakas nito ang immune system ng isang tao.

Kung ang i sang tao ay mayroong RH factor sa kanilang dugo, ito ay matatawag na Rh positive. Ang mga tao na kakaunti lamang ang RH factor ay matatawag na RH negative. Kahit na anong uri pa ito ng type ng dugo, positive A, B, O, at AB ang pinaka common na blood type ng mga tao. Ang mga negative blood type naman ay kakaunti lamang ang nagkakaroon sa mga tao.

The rare Blood RH negative:

Ang pagkakaroon ng isang negative blood type ay isang mahirap na bagay. Ayon sa mga research, hindi naman masama ang magkaroon ng isang RH negative na dugo, hindi ito nakakaapekto sa kalusugan ng isang tao ngunit delikdo ito para sa isang babae na nagdadalang tao.

Ayon sa pag-aaral, kung ang isang babae ay Rh negative at ang kanyang magiging asawa ay isa din Rh negative; ang kanilang anak ay magiging maayos at lalabas sa mundo at magdadala din ng isang RH negative na dugo.

Kung ang isang babae naman ay isang negative ngunit ang kanyang asawa ay positive, dito maaring magkaroon ng isang seryosong problema. Paano nagkakaroon ng isang problema I hear you ask? Dahil ang dugo ng kanilang anak ay maaring isang RH positive, ang mismong dugo ng babae ang gagawa ng paraan upang mapatay ang dugo ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Nakakakilabot diba?

Ang dugo mismo ng babae ang maglalabas ng ilang mga bagay upang atakihin ang dugo ng walang kamuang muang na bata, dahilan upang sa loob pa lamang ng tiyan ay mamatay na ang bata. Ayon sa ilang pag-aaral, habang patuloy na sinusubukan ng isang mag-asawang negative at postive na magkaroon ng anak, ang panlaban ng dugo ng babae ay maaring lumakas na madali na lamang nitong mapapatay ang positive na dugo na dahilan ng mabilis na kamatayan ng isang sanggol.

Kung ang Pilipinas ang tatanungin kung ilan lamang katao ang nagdadala ng RH negative, sabihin na natin na 99% sa mga pinoy ay RH positive at ang natitirang 1% ay Rh negative. Ganito ka rare ang dugo na ito.

Hindi lamang ang bata sa sinapupunan ng isang RH negative ang delikado kung magsasama ang dugong RH positive at negative. Ayon sa pag-aaral, ang paghahanap ng dugo mula sa isang RH negative ay mahirap na hanapin, delikado din ang pagkuha at pagturok ng dugo ng isang rh positive mula sa isang rh negative.

Lumalabas sa mga pag-aaral na kung ang isang tao na Rh positive ay nagbigay ng dugo sa negative, ang dugo mismo nang isang negative ang maglalabas ng isang antibodies upang kumapit at palibutan ang mga positive na dugo. Ito ang magiging dahilan upang magkaroon ng isang hemolysis ang taong RH negative. Ang hemolysis ay ang pagkasira ng red blood cells.

Kung patuloy itong madagdagan ng positive na dugo, ang resulta ay maaring magbigay ng isang malalang resulta at komplikasyon mula sa katawan ng taong RH negative.

RH null Blood Type:

Sabihin na natin na rare na ang mga taong mayroong negative blood type, ngunit mayroon pang isang klase ng dugo na bilang lamang talaga ang mga taong nagkakaroon nito. Ito ang RH null o ang tinatawag na “Golden Blood”. Ayon sa pag-aaral, ang dugo na ito ay hindi lamang nawawalan ng ilang RH factor o protein, kasi diba sa rh negative kakaunti lang ang protein ditto sa null type wala talaga, 0 nada. Ang dugo na ito ay walang kahit anong antigens na makikita sa kanyang red blood cells.

Ayon sa research, ang dugo na ito ay nadiskubre lamang ng mga eksperto noong 1961, at hindi tataas sa 50 katao ang nagdadala ng ganitong dugo. Dahil nga ang isang negative blood type ay mahirap hanapan ng ilang donor, ang pagkakroon ng RH null ay isang bagay na makakatulong sa lahat ng taong mayroong negative blood type. Ito ang dahilan kung bakit kinilala ito bilang isang Golden blood type. Hindi dahil sa dugo ito ng dyos o kung sino man, ito ay dahil napakarare at napakaimportante para sa ilang may rh negative. Well that’s according to science.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Blood of the Gods:

Dahil sa kakaibang nagagawa ng ganitong uri ng dugo, madaming haka-haka, mga kwento at mga paniniwala ang mga nagsilabasan kung saan nga ba galing ang dugo na ito.

Isa na dito ang paniniwala na ang dugo na ito ay mula sa mga Annunaki na isang grupo nang mga Diyos o Diyosa na bumaba sa lupa upang tulungan ang mga tao noong ancient Sumerians, Akkadians, Assyrians, at Babylonians.

Ayon sa mga paniniwala, 400 thousand year ago, ang mga nilalang na ito ay tumulong sa mga tao. Ayon sa Sumerian lore, ang mga ito ay tumulong sa kanila upang makagawa ng mga bagay na hindi nila kayang gawin, ang mga ito ay nagpasimula din ng ilang samahan mula sa iba’t ibang tribo. Masasabi na ang mga ito ang tumulong upang ang mga tao noon ay maging sibilisido at magkaroon ng mga kaalaman.

Ngunit ang ilang paniniwala na ang mga ito ay hindi lamang pumunta sa lupa para tulungan ang mga tao, ang mga ito ay nakipagtalik din sa mga tao upang makagawa ng isang kakaibang nilalang na malalakas at matatalino. Gayunpaman ang mga ito ay hindi nila itunuring anak bagkus ay isang alipin. Noong matapos ang kanilang pagpaparami at iniwan na nang mga Annunaki ang mundo, naiwan na din ang mga kakaibang tao na pinaniniwalaan na ang dugo ay RH negative.

Dahil sa ganitong paniniwala, ang Royal British Family ay pinaniniwalaan na hindi normal dahil sa dugo ng kanilang pamilya na halos puro RH negative. Dahil dito ay tinawag din na Royal Blood ang Rh negative.

Angels Blood:

Isa pa sa pinaniniwalaan ng nakakarami na ito ay mula mismo sa mga anghel na mula sa langit. Mabalik tayo sa bibliya. Ayon sa
Genesis 6:4 “The Nephilim were in the earth in those days, and also after that, when the sons of God came in unto the daughters of men, and they bore children to them; the same were the mighty men that were of old, the men of renown.”

So, ano ang isang Nephelim? Well medyo Malabo ang isang Nephilim to be honest, meron kasing claims na sila ay mga higante, anak ng anghel at tao, meron namang nagsasabi na sila ung mga mismong fallen angels.
Pinaniniwalaan na noong panahon ni Noah ay laganap ang mga kalahating tao at kalahating anghel na nilalang. Kung babasahin ang book of Enoch, mababasa ang paglalarawan sa isang Nephelim bilang isang masamang nilalang.

Bago pa gawin ng Diyos ang tinatawag na “Great Flood”, ang mga nilalang na ito ay nakapagparami na nang kanilang lahi. Dahil dito, ang ilan ay nakaligtas mula sa malakihang baha na ginawa ng Diyos. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay nagdadala ng isang RH negative na dugo. Although walang empirical evidence ang paniniwalang ito, maraming mga religious viewers ang naniniwala sa opinion na ang mga rh negative ay dugo mula sa mga anghel.

Blood of Cain:

Malamang ay nagtataka ka kung paano nagkaroon ng asawa si Cain gayong dalawa lamang sila ni Abel ang ipinanganak ni Eva. Sa tagal na panahon na nabubuhay ang bibliya, ang mga nakasulat dito ay maaring nadagdagan na o maari namang nabawasan na. Noong itinapon ng Diyos si Cain papunta isang lugar na tinatawag na “Land of Nod”, pinaniniwalaan na ang lugar na ito ay pinamamahayan na nang mga tao.

Ayon sa ilang research patungkol sa bagay na ito, ang nawawalang kwento ay maaring mabasa sa book of Enoch. Ayon sa libro na ito, ang mga taong nakatira sa lugar na ito ay mga fallen angel na nagrebelde sa Diyos. Tinatawag itong “Spirits of reprobate” na humingi ng tulong kay Enoch na siyang anak ni Cain.

Ayon sa mga taong lubos na umiintindi at nag-aaral ng bibliya; noong panahon nila Enoch at Noah, mayroon tatlong uri ng nilalang na nabubuhay sa mundo. Nariyan ang isang normal na tao na sina Cain, ang mga Diyos at Diyosa o mga kakaibang nilalang , at ang mga Nephelim na mga fallen Angels.

Dahil nga magkakasama na ang mga nilalang na ito, hindi imposible na maghalo halo ang kanilang mga dugo at makagawa ng isang hybrid na nilalang. At ang resulta nga ditto ay si Enoch na nagdala ng isang RH negative na dugo. Mula kay Cain na isang normal na tao at mula sa isang fallen angel na nagrebelda sa Diyos. Pero hold your horses, hindi ito proven ha, ito ay speculations at hypothesis lamang dahil hindi naman talaga natest si enoch para sa kanyang bloodtype.

Dahil nga si Noah ay mula sa angkan ni Cain, ang paniniwala na ito ay hindi nawala noong matapos ang malaking baha na naganap sa mundo noong panahon ni Noah .Ang dugong RH Negative ay patuloy na nadala ni Noah hanggang sa kanyang ilang anak o maging sa ilan niyang apo.

Blood of Christ:

Ayon sa pag-aaral ang isa pang pinaka rare na dugo ay ang Type AB na dugo, negative man ito o positive. Ang dugo na ito lang naman ang pinaniniwalaan na dugo ni Kristo. Ayon sa iba’t ibang pag-aaral ng iba’t ibang bagay na nadikitan, nakitaan, o ginamit noong maghirap si kristo ay nakita na nang ilang eksperto.

Kahit na hindi sigurado kung ang mga ito ay kaniya nga bang nagamit, iisa lamang ang resulta sa tuwing inaalam kung ano ang uri ng dugo mayroon ang bagay na ito. Tandaan na malimit lamang makahanap ng isang AB + – na dugo , na sa katunayan ay halos 3.4 percent lamang ng populasyon sa buong mundo ang mayroong AB + na dugo at halos 0.6 percent lamang ang nagdadala ng AB -.

Mutation:

Okay, tapos na tayo sa bible, pumunta muli tayo sa science. Kung ang siyensya ang tatanungin kung paano nagkaroon ng ganitong uri ng dugo.Ayon sa kanila ay isa lamang itong uri ng mutation. Isang uri ng mutation na kung saan karamihan sa mga taong nagdadala nito ay mga taga Europa. Ayon sa research, ang mga taong mayroong lahing European ay maaring 40-45% chance na ang mga ito ay magkaroon ng isang RH negative na dugo.

Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng isang RH negative na dugo ay isang bagay na makakapagligtas sa isang uri ng parasite. Ito ang Toxoplasma gondii, maari itong makasira sa mata, sa utak at sa iba pang parte ng organ ng isang tao kung hindi ito magagamot.
Ito na mismo ang dahilan kung bakit napapatay at nabibigyan na nang komplikasyon ng isang RH negative ang Rh positive sa sinapupunan pa lamang nito.

Para sa lugar katulad na lamang ng mga taga west Africa na prone sa sakit na malaria na isang nakakamatay na sakit, ang pagkakaroon ng isang RH negative na dugo ay malaking tulong para sa mga taong ito.

Dahil sa kailangan ng katawan ng isang panangga para sa isang sakit, ito na mismo ang gumawa ng paraan upang malabanan ang nakakamatay na sakit.

Ayon sa bible si Adam at Eve ang unang tao, Ayon din sa paniniwala ang bloodlines ni Adam at eve ay RH negative. If so, saan galing ang RH positive? Kapag parehong RH negative ang magulang, ang anak obviously ay RH negative din, therefore dapat lahat ng anak ni Adam at Eve ay RH negative. If so, kung susundin natin ang timeline, dapat marami ang RH negative o di naman kaya dapat halos lahat ay RH negative na.

Kung ang bloodline man ng mga RH negative ay may connection kay cain at noah, we may never know dahil wala na sila, wala tayong basis para maitest ang blood type ni noah at ni cain or kahit ang mga nephilims o angels pa.

Lahat ng ito ay speculation lamang. But who knows, baka in the near future mapatunayan na ang RH negative ay galing pala sa ibang lugar kung kaya’t ganuon na lamang sila kakaunti.

Kung sakali kayang mangyari yon, magkakaroon kaya ng discrimination sa mga RH negative people? Magkakaroon kaya ng Alien Racism considering na hindi talaga sila galing dito sa mundo?

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss c.sjlt. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.infoplease.com/encyclopedia/medicine/body/anatomy-physio/rh-factor
  2. https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/rh-factor/about/pac-20394960
  3. https://www.nhs.uk/conditions/blood-groups/
  4. https://blog.world-mysteries.com/science/bloodline-of-the-gods/
  5. https://www.science.org.au/curious/people-medicine/rare-blood-types
  6. https://www.livescience.com/36559-common-blood-type-donation.html
  7. https://blog.world-mysteries.com/science/bloodline-of-the-gods/
  8. https://forbiddenarchaeology2016.weebly.com/blog-posts-about-giants/the-mystery-of-rh-negative-by-anonymous
  9. https://www.lgw.org/blog/how-can-i-give-blood
  10. http://www.mysticsofthechurch.com/2018/09/jesus-blood-type.html
  11. https://www.ancient-origins.net/human-origins-science/rh-negative-blood-exotic-bloodline-or-random-mutation-008831

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Spanish Flu

Bakit kulay green background screen karaniwang ginagamit sa mga video editing or video screen play?