Ipis lang ang makakasurvive sa sa radiation?

Reading Time: 14 minutes

Topics

Ang pinakamalakas na nilalang sa buong mundo? Ito lang naman ang nilalang na nakakapag-patiklop sa babae, lalaki at maging ang mga malalaking tao ay takot dito. Ang kaunting galaw ng nilalang na ito paniguradong mapapatigil ka, mas lalo na kapag ito ay lumapit sa iyo. Kahit gaano ka katapang, kapag ang isang ipis ay nagging butterfly at pumunta sa likod mo, ewan ko lang kung mamaintain mo pa ang composure mo.

Hindi lang yan, alam nyo ba na pinaniniwalaan na ang ipis lamang ang may kakayahan na makasurvive sa isang nuclear?

Cockroach:

Sympre bago natin sagutin ang tanong na yan, alamin muna natin ang klase ng ipis.

Ang cockroach o mas kilala natin bilang ipis. Ito ay isang maliit na nilalang na mayroong kulay na kayumanggi, minsan ay pula at makikitaan din ng kaunting kulay itim sa kanilang katawan. Flat lamang ang katawan ng nilalang na ito at lumalaki ng hanggang 2 inches. Mayroon itong dalawang mahabang antenna, anim na paa at mayroong pakpak.

Ang ipis ay mayroon ding iba’t-ibang klase, aabot ito nang halos limang libo. Ngunit ibibigay ko na lamang ang mga ipis na maaring makita sa loob ng isang bahay. Nariyan ang American, Brownbanded, German at Oriental. Ayon sa pag-aaral, kahit na parehas lamang ang bawat bahagi ng katawan ng bagay na ito, nagkakaiba sila sa pattern ng kulay na makikita sa kanilang katawan. Ang mga babaeng ipis ay mas malaki kesa sa mga lalaking ipis.

Para sa atin lahat ng klase ng ipis eh ipis. Pero meron silang pagkakaiba-iba. Ang pinaka maliit na ipis ay ang mga tinatanawag na Brownbanded at German Cockroaches. Hindi umaabot sa 1inch ang ipis na ito. Ang Brownbanded na ipis ay makikilala sa kulay dilaw na makikita sa kanilang katawan. Ang buhay ng ipis na ito ay aabot nang hanggang dalawang daang araw lamang.

Ang Oriental cockroach ay may matingkad na itim na mayroong halong kayumangi at mayroong laki na aabot sa 1-1.2 inches. Ang buhay neto ay maaring umabot hanggang isang taon at higit pang taon. Hindi na ito maaring makakaabot ng dalawang taon.

Ang American cockroach naman ay ang pinaka malaki sa kanilang lahi. Ito ang pamilya ng ipis na lumalaki ng 2 inches. Ang babaeng American cockroach ay nakakapaglabas ng halos limampung “Oothecae“; ito ang kulay itim na bagay kung saan pinaglalagyan ng mismong itlog na kanilang magiging anak. Ang bawat Oothecae ay naglalaman ng halos labing anim na itlog na kailangan alagaan sa loob ng apa’tnapu’t limang araw bago mabuo at lumabas na ang anak neto. Tulad ng isang Oriental na ipis, ang buhay ng isang American Cockroach ay hindi umaabot ng dalawang taon.

Pinaniniwalaan na ang isang ipis ay ang pinaka matandang insekto na mayroong pakpak. Ang mga eksperto ay nakahanap ng ilang fossils na nagpapakita kung gaano katagal namuhay sa mundo ang mga insektong ito. Ang pamilya ng kaipisan ay buhay na mula pa noong 300 million years ago at imaginine nyo na lang ang laki ng ipis na to tapos biglang magfefeeling butterfly.

Ang mga ipis ay namamalagi sa lugar kung saan sakto lamang ang temperatura. Mas gusto lamang nilang mabuhay sa madilim na lugar, dahilan upang makita sila sa mga bansa na mayroong klima katulad ng Pilipinas. Ngunit ang ipis na Brownbanded ay nasanay nang mabuhay sa malamig na klima, kung kaya’t natatagalan nila ang temperatura sa mga malalamig na lugar.

Kahit na mayroong mga pakpak ang mga ito, iilan lamang ang nagkakaroon ng buong pakpak kung kayat, iilan lamang din ang nakakalipad ng maayos. Hindi alam kung sino pa ang mga kamag-anak ng insektong ito, ang ibang eksperto ay naniniwalang nasa pamilya sila ng mga tipaklong at mga kuligkilig na tinatatawag na “Orthoptera“. Ang iba naman ay naniniwalang nasa pamilya sila ng mga “Dictyoptera” kung saan nabibilang ang mga mantis.

Ang mga tao ay kinikilala ang ipis bilang isang peste. Ngunit ayon sa ilang pag-aaral, hindi lahat.Ang natural na kinakain ng isang ipis ay ang mga halaman, ang mga naiilalabas na dumi ng isang hayop, mga bulok na pagkain, papel, damit at itatambak sa loob ng katawan ng isang patay na insekto .Sila ay parang langgam na marunong mag-imbak ng kanilang pagkain.

Ang mga ipis ay napupunta sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil minsan ay napapasama sila sa mga gamit na dinadala ng mga tao.Kung minsan naman ay sa mga lumang karton na ginagamit sa paglilipat, ng tirahan.Dito napatunayan din natin na hindi immortal ang mga ito; sadyang madami lamang maglabas ng mga anak ang mga ito kung kaya’t hindi umuunti at nauubos.Namamatay din ang mga insektong ito.

Radiation and Cockroach:

May ilang paniniwala na ang isang ipis ay hindi tinatablan ng Radiation. Ang mga balitang kung ang radition man ang tatapos sating mga tao, ang mundo ay pamamahayan na lamang ng mga ipis.

Isa sa mga characterisc ng ipis ay mabilis at marunong itong mabuhay para sa sarili neto. Sympre magtataka ka, papaanong nalaman ng mga eksperto ang kakayahan ng ipis, nagpasabog ba sila ng nuclear at inexpose ang ipis? More importantly kailan ito nagsimula?
Ayon sa balitang kumalat patungkol sa ipis at sa kakayahan nitong mabuhay tapos ang nuclear ay nagsimula noong naganap at matapos ang atomic bombings of Hiroshima and Nagasaki.
Noong 1945, naganap ang pagbobomba ng United States sa Japan.

Maraming tao ang namatay dahil sa radiation na kumalat sa lugar ng Japan, ngunit matapos ang lahat ng ito. Nakita sa mga lugar na madaming ipis ang nagsilabasan sa iba’t ibang lugar na inabutan ng radiation.

Dahil dito, nagsimula na ang ilang pag-aaral patungkol sa mga insektong ito. Ayon sa ilang research, ang isang ipis ay hindi radition proof. Nagsagawa din ng ilang mga test gamit ang mga German cockroaches upang malaman kung gaano ito katibay mula sa isang radiation.

Ayon sa isang research patungkol sa nangyaring eksperimento, sinimulang iexpose ang German Cockroach sa radiation na maaring makapatay ng isang tao sa loob lamang ng sampung minuto. Hanggang sa pataas ng pataas ang binibigay na radiation at umabot na ito nang halos 100,000. Ang tumamang gamma rays sa bansang japan ay aabot lamang ng 10,000 rads. Ang taas ng exposure na kayang matagalan ng isang ipis ay aabot ng halos 100,000 rad. Take note 100,000 ionizing Radition. Sympre sa mga nakuha ang attention ng topic na ito, ang susunod na tanong ninyo ay, papaanong nangyari un, anong meron sa ipis? Don’t worry, we got you covered.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang dahilan kung bakit kayang tagalan ng isang ipis ang ganito kalakas na radition ay dahil sa simpleng design ng kanilang katawan at sa mabagal na cell cycles. Dahil nga ang pagpapalit ng balat ng isang ipis ay isang beses lamang kada isang linggo, ang cells neto ay mabagal na gagalaw at matatapos lamang sa loob ng 48hrs o dalawang araw.
Mula sa apat na ipis, tatlo ang nakatagal sa radiation at ilan dito ay nagsisimulang magpalit ng kanilang balat. Dahil ang cell ng isang tao ay patuloy na nagbabago kada oras, mahina ang ating katawan sa ganitong uri ng radiation.

Ang mga ito ay nakakatagal sa radition kumpara sa mga tao. Ayon sa isang curator sa orthopteroid insects at the Natural History Museum sa London, UK na si George Beccaloni,

“It’s mostly an urban myth, Cockroaches are only about five times more resistant,”.

Dahil ang radiation ay hindi naman direktang tumatama sa katawan ng isang ipis, kaya nilang itong tagalan. Makakapagtago din sila sa ilalim ng lupa at ilang mga malalaking gusali na dahilan upang maka survive sila sa radiation na kumakalat.

Lumabas sa lahat ng pag-aaral na maari ngang makatagal ang isang ipis malakas na ionizing radiation, ngunit maari din itong mamatay dahil hindi ito isang immortal.Depende pa din kung anong klaseng ipis ang tatamaan ng isang radiation.

At dahil nasagot na naming ang tanong mo, hindi pa tayo ditto natatapos. Panigurado may iba sa inyo na magtatanong, bulalord papaano naman ang ibang insekto? We got you fam.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Radiation and Other Insect:

Ang atensyon patungkol dito ay nakatuon lamang sa isang ipis, ngunit hindi alam ng nakakarami na bukod dito; madaming nilalang pa ang maaring makatagal sa isang malakasang radiation. Ayon sa isang pananaliksik na ginawa ni Chris How, ang isang scorpion ay maaring makatagal sa direktang exposure ng ultra-violet light. Kung ang abnormal na klima naman dala ng malakihang nuclear war ay maari din nilang matagalan.

Isama na din natin ang mga langgam na masasabing matatagalan ang radiation. Ayon sa ginawang experiment na ginamit ang isang mataas na ionizing radiation, tinarget nito ang isang pugad ng European black ants. Makalipas ang ilang buwan, binalikan ng mga eksperto ang lugar at nakita nila ang resulta. Ang mga halaman sa lugar ay patay na ngunit ang mga black ants ay nakita nilang gumagalaw at buhay na buhay pa.

Dahil ang ibang insekto ay maaring makapag hukay papuntang ilalim ng lupa, maari silang mabuhay sa lugar. Maari silang lumabas kung ang radiation ay wala na sa itaas ng lupa.

Pero bulalord, kaya nilang makasurvive sa nuclear tapos isang baygon lang eh tepok ang ipis! Anong kalokohan yan? Relaks, we got that covered as well alam ko ng tatanungin mo yan kaya wag ka ng magrequests at sasagutin na natin yan ditto.

Pesticide and Nuclear:

Kung iniisip mo bakit nakakatagal ang isang ipis at isang insekto sa nuclear radiation; ang sagot ay madali lamang.
Ang isang pesticide ay binubuo ng mga chemical na sobrang nakakamatay at delikado maging sa tao. Kung ito ay ilalagay mo ng direkta sa isang maliliit na isekto; direkta din niyang ma aabsorb ang mga chemical na mayroon dito. Kaya mabilis silang namamatay.

Dahil ang radiation ay hindi naman direktang tumatama sa kanilang katawan, ito ay kanilang natatagalan. Kung ang isang ipis ay napunta sa mismong pinagmumulan ng radiation, halimbawa na lamang sa sobrang init na aabot sa 10 million degress celsius; hindi ito mabubuhay at maluluto ito dito.

So nalaman na natin ang buhay at kakayahan na mayroon ang isang ipis. Huwag ka nang matakot at huwag mo na din silang hampasin ng tsinelas bigla-bigla. Ang mga ito ay kasama nating namumuhay ng tahimik sa mundo at sinusubukang mabuhay sa araw araw.

Kung hate mo talaga ang isang ipis, simulan mo nang maglinis lagi ng iyong tahanan upang hindi ito pamahayan ng kahit anong insekto.

So in bulalords term, ang ipis ay kayang tumagal sa nuclear radition dahil sa structure nito maging sa mga cells nito at hindi naman nito kayang tagalan ang isang pesticide dahil ito ay direkta nating iniispray sa kanila dahilan upang ito ay tumama sa kanila ng buong pwersa. Sana ay nasagot naming ang iyong tanong kamote core.

Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.britannica.com/animal/cockroach-insect
  2. https://www.scienceabc.com/eyeopeners/revealed-can-cockroaches-really-survive-nuclear-explosions.html
  3. https://earthsky.org/earth/would-cockroaches-survive-nuclear-apocalypse
  4. http://www.bbc.com/earth/story/20160926-cockroaches-are-not-radiation-proof-and-most-are-not-pests
  5. https://www.livescience.com/32749-could-cockroaches-really-survive-a-nuclear-winter.html
  6. https://www.theguardian.com/notesandqueries/query/0,5753,-2251,00.html
  7. https://www.thoughtco.com/would-cockroaches-survive-nuclear-bomb-1968527

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang Nuclear Radiation?

Gaano kalakas Ang battle ship Yamato