Hindi nagkakavirus ang mac?

Reading Time: 4 minutes

Hindi makakaila na ang MAC ay sylish at minimalistic. Kadalasan makikita mo ito sa starbucks, nakaupo sa isang sulok at pabrowse browse lang tapos hindi naman umoorder ng kape, nakikiwifi lang naman.

 

Pero hindi yan ang paguusapan natin ngayon, ang tanong eh, ang mac ba ay hindi nagkakavirus? Isang matagal ng paniniwala lalo na sa mga hindi masyadong techy na ang mac ay hindi nagkakavirus, dahil nga ang mga executable viruses ay pang windows lang at halos wala pang nagpagawa ng mac na tanggalin ang virus.

 

Isang maling paniniwala mga boss na ang MAC ay immune sa mga computer viruses. Sa katunayan ang apple mismo nagsabing hindi immune ang kanilang produkto sa virus. Ang windows at ang mac ay naglalaban na nuon pa man at alam naman natin na pagdating sa budget ang windows ang panalo kaya’t ito ay naging mas popular sa masa.

 

Sa katanuyan ang Windows architecture ay mas madaling pag-aralan at maintindihan kumpara sa mac kaya’t sila ang mas nakakuha ng attention at dahil dito mas madaming nakadesign ng virus para sa windows. Hindi ibig sabihin na immune ang mac, mas marami lang maiinfect kapag sa windows ito pinakawalan dahil na din sa popularity nito sa masa.

 

Pero dahil nga mas nagiging advance na ngayon at ang ibang mga publiko ay nagkakaroon na ng macintosh, unti unti na itong nakakuha ng attention sa mga virus designers at hackers. Ang paggawa ng virus mga boss ay hindi basta basta, it requires time. Maraming oras.

 

Sa katunayan nuong 2011, 600,000 Macintosh computers ang naapektuhan ng malware na tinawag na flashback. Quick info lang, ang flashback ay iniinfect ang isang computer at gumagawa ito ng botnet, ang botnet mga boss ay isang grupo ng connected devices para sa DOS o denial of service, nagpapadala din ng spam at kumukuha ng impormasyon mula sa apektadong users.

 

Nuong 2014 nagkaroon ng vulnerability sa mac systems dahil sa isang security patch. Isang taon matapos nito 2015, nasa halos 50 million malware programs ang naidentified overall yan mga boss, sa 50, million 5,000 dito ang ginawa para atakihin ang mga apple products.

 

Ang Mac ay mas kumplekado kumpara sa windows lalo na’t ang foundation ng MAC ay unix. Maraming mga gwardya ang nakabantay sa OS na ito, hindi kagaya ng windows na gagamitin kung anong resources na available kahit na ang resources na un ay unknowingly mageexcute ng virus o malware.

 

In short mga boss, walang operating system na safe. Lahat pwedeng gawan ng virus o malware.

 

Kung merong labanan ng MAC vs Windows, meron ding Virus, malware vs Security patches. Sa katunayan ang MAC ay naglagay na ng gatekeeper sa kanilang recent patch sa OSX. Oo nga pala mga boss, ang mac ay mayroon ding anti virus, hindi lang ito ganuon kakilala, hindi katulad ng mga antivirus ng windows.

 

Ayan mga boss ang myth na hindi daw tinatablan ang mac ng virus. Sadyang kakaunti lang gumagamit ng mac dito sa pinas kahit sa ibang bansa, pang mayaman kasi yan kaya’t ang mga virus designers mas focused sa windows.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Gawa lang ba ng ating utak ang Astral Projection?

Bakit ba gustong gusto natin ng tsismis?