Ganito ang nangyayari sa utak ng baliw

Reading Time: 13 minutes

Ang mga baliw o ang mga taong naisisiraan ng bait ay nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng isang normal na tao .Kung minsan makikita mo ito na bumubulong bulong, naglalakad na parang mayroong kausap at kung minsan ito ay nagwawala. Hindi natin maintindihan ang ginagawa ng mga taong ito dahilan upang ang iba ay matakot.

Pero paano nga ba nababaliw ang isang tao at ano nga ba ang nangyayari sa loob ng kanyang utak? Ang tanong na ito ay mula kay Mike v. Kenshin Himura

Mental-illness:

Mental disorder - Wikipedia

Ang mental illness o kilala bilang mental health disorder ay hindi lamang nakafocus sa iisang sakit. Ayon sa ilang report ay mula sa iba’t ibang uri ng kondisyon ng utak ng tao. Mula sa kanyang nararamdaman, naiisip,iginagalaw, kinaadikan at maging sa paraan ng kanyang pagkain.

Ayon sa mga psychologist, ang isang mental illness ay matatawag lamang na sakit kung ito ay mayroon nang nagagawang masama sa katawan at pamumuhay ng nakakaranas nito. Ang mental illness nga ay maaring gawing miserable ang buhay ng isang tao. Ito ay makakaabala sa pag-aaral, sa trabaho, at sa iba pang gawain na iyong ginagawa araw-araw.

Kapag sinabi natin na mental illness, ito ang mga depression, anxiety at maging schizophrenia. Ito ang mga sakit kung saan magpapadanas sa isang tao ng pagkalungkot. Ang pagkawala ng focus sa isang bagay, labis na pagkatakot at pag-aalala. Ang pagkawala sa realidad at nagkakaroon na nang halusinasyon ang isang tao.

Ang mga taong may mental illness din ay minsan umaabot na sa pagkakataon na sila ay nakakaisip na mismo ng masama patungkol sa kanilang sarili. Ang pagpapakamatay nito. Kung sakaling ikaw man ay nakakaranas ng ganitong mga karamdaman,maaring makipag usap sa isang eksperto upang hindi na ito lumala pa.

Schizophrenia:

Identifying Schizophrenia in Children

Masasabi na ang pinaka malalang sakit sa utak ay ang tinatawag na Schozophrenia. Ito ang kondisyon kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng nang panibagong mundo. Ayon sa mga eksperto, ang sakit na ito ay
isang sakit kung saan papahinain ang ating utak.

Dahil dito ay labis na maapektuhan ang ugali, pag-iisip, paggalaw at maging pakiramdam. Ang mga taong nakakaranas nito ay hirap nang malaman kung ano ba ang realidad o sa isang pekeng mundo na kanilang nagawa. Ito ay hirap na din sa pagpapakita ng isang normal na emosyon at pagkakaroon ng sariling desisyon.

Ang sakit na ito ay ang tuluyang pagkawala ng utak ng isang tao sa realidad. Ito ay hindi katulad ng ibang mental disorder, dahil ang mag sintomas nito ay maaring makasakit sa mga taong makakaranas nito. Ang mga ito ay makakarinig na nang mga boses na hindi naririnig ng mga normal na tao. Ang mga taong mayroon nito ay mawawalan ng tiwala sa ibang tao, dahil sa nabuong kaisipan sa kanilang utak na ang mga ito ay may balak na gawing masama sa kanila.

Ang mga taong dumaranas ng ganitong kondisyon ay maaring makaranas ng sintomas ng pabalik balik o hindi naman ay sunod-sunod kung saan hindi na ito iniiwanan ng mga naririnig niyang boses. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi nagkakaroon ng split o multiple personalities disorder.

Ayon sa Brain and Behavior, kahit na hindi nanakit o hindi naman delikado ang mga ganitong tao, dahil sa mga sintomas na kanilang nararanasan, palagi mo itong makikita na balisa. Hindi namamansin at lumalayo sa mga tao. Ayon sa mga lumabas na survey, sampong porsyento ng mga taong nakakaranas ng ganitong karamdaman ay nagtatangkang magpakamatay o nagpapakamatay.

Karamihan sa mga batang lalaki na nagkakaroon ng Schizophrenia ay maaring makaranas ng pagpapakamatay sa unang sampong taon ng kanilang kalagayan. Ngunit ayon naman sa mga doktor, ang ganitong kondisyon ay maaring magamot kung bibigyan ng tamang medikasyn mula sa psychological at social treatments.

Naniniwala ang mga eksperto na maaring ang sakit na Schizophrenia ay mula sa iba’t ibang genes na mayroon ang isang tao. Isa din sa tinitignan na posibilidad ng mga eksperto ang pagkamana nito, kung kaya’t kailangan malaman ang background ng mga pasyente sa paunang pagtingin sa mga ito. Tinitignan din kung ano ang uri ng pamumuhay ng taong ito ang kanyang buhay upang malaman kung ito nga ba ay mayroong kinalaman sa kanyang karamdaman.

Brain:

Neuroscientist discovers hidden region in the human brain

Ayon sa survey, halos 50 million na Amerikano ay dumaranas ng mental illness o disorder. Mula sa mood disorder, bipolar, panic, dysthymic, anxiety at Schizophrenia disorder. 36 percent sa mga ito ay mga matatanda na at nasa tamang edad. Dahil ang ilan ay hindi nagpapakita ng mga malalang sintomas, ang mga ito ay hindi nagpapagamot o hindi nagpapakita sa isang doktor.

Ang ating utak ang parte ng ating organ na mahirap intindihin. Ito ay naglalaman ng halos bilyong nerve cells na siyang tinatawag na neurons. Ang neurons na din ang siyang gumagalaw upang makipag-usap sa ilang bahagi ng ating katawan upang ito ay maayos na gumalaw. Ang mga neurotransmitter ay ginagamit ng mga neurons upang makapag-bigay ng electrical signals sa isa’t isa.

Ang ating naririnig, nararamdaman, nalalasahan, nakikita at naamoy ay nadedetect ng mga receptors ng ating katawan at kanila namang ipinapadala sa utak papuntang sensory neurons. Ang utak ang magbibigay ng kahulugan sa mga nakuhang impormasyon at ito na din ang magsasabi sa katawan kung ano ang kailangang gawin.
Idagdag pa ang isang uri ng neurons na kinikilala bilang interneurons. Ito ay nakakonekta sa ilang neurons na mayroon sa utak at spinal cord ng ating katawan. Ang mga neurons na ito ang nagpapaganana ng ating nervous system. Ayon nga sa mga eksperto, ang iba’t ibang chemical ng neurotransmitter ay maaring may kinalaman sa pagkasira ng utak ng isang tao.

Ang mga eksperto ay naniniwala na mayroong kakaibang nangyayari sa ilang circuit ng ating utak. Ito na din ang nagiging dahilan upang pagsimulan ng sakit sa pag-iisip ng isang tao. Ang mga koneksyon ng mga nerve cells mula sa ilang daanan o circuit ng ating utak ay maaring makapagbigay ng problema sa utak.

Kung paano ito tumanggap ng impormasyon, pagkakaroon ng pa iba-ibang pakiramdam, pag-iisip, pagtingin sa isang bagay at maging sa ugali na ipinapakita nito. Maaring ang ilang pagbabago ng laki o hugis sa ilang parte ng utak ay maari din pagsimulan ng mental illness. Maaring ang hindi pantay-pantay na chemical na mayroon sa ating utak ay nakakaapekto dito.

Dahil sa mga chemical na ito, ang utak ay nalalate magbigay ng mensahe mula sa isang neuron papunta sa isa pang neuron at sa iba pang parte upang ang utak ay maayos na gumana. Dahil sa ganitong pangyayari, ang utak ay mahihirapang makipag-usap sa katawan ng tao at ito ay pagsisimulan na nang sakit sa utak.

Ang mga chemical sa ating utak kagaya na lamang Acetylcholiine ay importante. Kung ito ay kulang, ang tao ay maaring magkaroon ng maagang dementia at kung ito naman ay masyadong marami, ang tao ay maaring magkaroon ng depression. Kung ang isang tao naman ay nasobrahan sa Dopamine at Neropinephrine maari itong magakaroon ng schizophrenia. Kung ito naman ay kulang mula sa dalawang chemical, maari itong pagsimulan ng depression at ang tinatawag na Parkinson’s disease. Kung ang isang tao naman ay nasobrahan sa adrenaline, maari itong magkaroon ng anxiety disorder. You see kailangan tama lamang ang mga chemical sa ating utak at yan ang nangyayari sa utak ng isang taong baliw.

How did a person loses its mind:

How Everyone Lost Their Mind… Except you | by Max Stossel | Medium

Nalaman natin kung paano nababaliw ang isang tao, ngunit ano nga ba ang pinagsisimulan nito? Paano ngakakaroon ng imbalance chemical mula sa ating utak. Ayon sa research, ito ay mula din sa ginagawa o lifestyle ng isang tao. Kung ang isang tao ay nakakaranas ng stress, ang ating utak ay nagrerelease ng tinatawag na “Cortisol” o hydrocortisone. Pangalawa ay ang pagiging alcoholism ng isang tao. Ang labis na alcohol ay naglalabas ng isang chemical na nagpapabago sa structure ng utak ng tao. Ang alcohol ay naglalaman ng mga chemical at ingredients na unti-unting kumakain sa protectice coating. Sa pagkakataon na masira na ito ng tuluyan, magkakaroon na ito ng daan papunta sa ilang bahagi ng utak at sisimulang baguhin ito.

Ang mga taong adik sa cocaine na siyang magbibigay din ng kaparehong epekto na naibibigay ng alcohol ngunit mas mabilis itong umatake sa utak. Isa na din sa pinaka pinag-sisimulan ay ang pagkakaroon ng isang traumatic experience, tulad na lamang ng rape, bully, abuse at iba pang mga bagay na maaring pagsimulan ng trauma.

Dahil sa mga bagay na ito, ang mga tao ay magsisimulang magbago ang utak at magsisimula na itong mawala sa katinuan.

Is there any Cure:

Ivermectin is still not a miracle cure for COVID-19, despite what you may  have read

Tulad ng depression at anxiety, ang Schizophrenia ay walang gamot kung saan kapag ininom ay gagaling na agad ang pasyente na dumadanas dito. Ito ay nagagamot lamang mula sa mga therapy at ilang pag-inom ng ilang gamot para sa ilang sintomas. Ayon sa mga doktor, mahalagang magamot kaagad habang maaga pa ang isang tao na nakakaranas ng ganitong kondisyon.

Ang mga taong nakakaranas na nang hallucination, delusion at mga suicidal thoughts ay imimungkahi na magpa-ospital na upang mas mabantayan ng maigi. Ayon sa mga eksperto, ang tinatawag na Antipsychotic na gamot ay ipinapainom sa mga Schizophrenian patients upang mabawasan ang mga sintomas na kanilang ipinapakita. Makakatulong din ang mga cognitive at behavioral therapy upang maturuan muli ng tama ang utak kung sakaling mabawasan na ang mga sintomas na ipinapakita ng pasyente.

Ang mga baliw na tao ay hindi kailangan katakutan,ngunit kailangan itong tulungan.Dahil sa kanilang mga pinagdadaanan,ang mga ito ay nagiging lasinggero,adik at iba pa.Ang mga ito ay nangangailangan ng tamang pansin upang magamot at matulungan upang tuluyan na gumaling.

Sana ay nasagot naming any iiyong katanungan Mike v. Kenshin Himura.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time. Marami po kayong nagttype ng tanong sa comment section pero again po hindi ko po makukuha yang request nyo, kaya po nagtayo ako ng website para nanduon lahat ng request.

Paalala lang po, hindi porket nakapagrequest ay magagawa agad. It will take months po dahil sa dami ng nakapila at hindi lahat ng request eh napapagbigyan lalo na ung mga out of the blue questions.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out

Sources

Sources

  • https://youtu.be/C8z2N7z4lmk

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang kwento ng Andromeda Galaxy

Ang masaklap na karanasan ni Hisashi Ouchi – Radiation Effects