Gaano katalas ang paningin at pandinig ng paniki?

Reading Time: 15 minutes

Topics

Sa tagal ng panahon, ang isang paniki ay nakakakabit na sa mga mdaming palabas at maraming karater. Nariyan si Batman, ang isang bampira na kilala sa halos buong parte ng mundo. Isa itong nilalang na kinikilala na sumsisipsip sa dugo ng ilang hayop, kinikilala din ito bilang isang nocturnal na hayop dahil sa gabi lamang nagsisilipad ang mga nilalang na ito.

Pero minsan mapapatanong ka, alam mo na matalas ang pandinig ng paniki dahil napag-aralan mo na ito, pero gaano ito kalakas? Ang tanong na ito ay mula kay Ryan at ito ang Ask bulalord.

Echolocation:

Are Bats Blind? | Ask A Biologist

Pag-usapan muna natin kung paano ba nakakagala ang isang paniki sa napakadilim na gabi. Ang tinatawag na echolocation ay isang gawain na ginagamit hindi lamang ng isang paniki ngunit maging iba pang nilalang na nabubuhay sa dilim. Gamit ang abilidad na ito, malalaman ng isang paniki kung saan naroroon ang isang hayop na maaring kanilang pagkukunan ng pagkain, o hindi naman hayop na kinikilala nila bilang isang kaaway.

Gamit ang echolocation, magagawa ng mga hayop na ito na makagalaw ng malaya sa dilim ng hindi mababangga sa mga puno, at sa kahit ano pang bagay na kailangan nilang iwasan.

Ayon sa ilang pag-aaral, nalaman ng mga eksperto na hindi magkakasama ang mga malalaking paniki at ang mga maliliit na uri nito. Ang mga malalaking paniki ay nabubuhay sa pagkain ng ilang prutas at nagagamit ang kanilang mata upang tingnan ang paligid. Samantalang ang mga maliliit na paniki naman ang gumagamit ng echolocation upang makahanap ng pagkain. Ang bumubuhay sa mga maliliit na paniki ay mga maliliit na insekto na mula sa tunog nang pakpak nito at doon ay nalalaman nila kung nasaan ang mga ito. So hindi pala lahat ng paniki ay umaasa sa echolocation, meron din silang lahi na sa paningin umaasa.

Mula sa ingay na nagbobounce na bumabalik sa kanilang pandinig, madali na lamang gawin ang paghuli sa kanilang kakainin. Ayon sa ilang pag-aaral, ang isang paniki ay naglalabas ng isang tunog gamit ang larynx nito na makikita sa lalamunan ng nilalang na ito.

Ang tunog na kanilang nagagawa ay naririnig ng iba’t ibang insekto at iba pang mga hayop na nakakagamit ng isang echolocation. Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga nagagawang tunog ng mga maliit na insekto ay sobrang hina na lamang kapag dumating sa pandinig ng isang paniki. Well dahil na din sa lugar, at dahil sa hangin na dinadaanan ng tunog dahilan upang kaunting tunog o mahina na lamang ang marinig ng paniki.

Ngunit dahil maraming ingay ang nagmumula sa paligid, ang isang paniki ay nahihirapan makilala at mahanap ang insekto na kanyang hahanapin. Syempre nga naman hindi lamang ang insekto ang gumagawa ng tunog mula sa lugar na tinitirahan ng isang paniki, ang paghahanap sa pinagmumulan ng tunog ay isa sa pinaka malaki nilang problema. Kasama na din ang problema na ito ay kung paano nila tinatanggapin ang tunog at kung paano nila ito naririnig.

Hearing:

Scientists Create A "Bat Ear" That Lets You "See" What Bats Hear ...

Speaking of naririnig. Ayon sa ilang research, ang pandinig ng isang paniki ay napaka sensitibo. Ang mga ninuno ng mga modernong paniki ay nabuhay din sa kadiliman, ang mga sumunod na henerasyon ng mga paniki ay nagbago at nakagawa na din ng paraan upang makapamuhay ng maayos tuwing ito ay naghahanap ng pagkain sa gabi.

Ayon sa pag-aaral, ang common vampire bats ay nakakarinig ng tunog na umaabot lamang sa 716 Hz hanggang 113 kHz na nasa level na 60 dB. Ang tunog na malinaw nilang naririnig ay mula 20 kHz hanggang sa 71Khz.

Sounds:

Bats Sound - YouTube

Ang mga paniki ay nakakagawa ng tunog na aabot sa halos 80,000 hanggang 30,000 hertz na nagagawa nila sa tuwing ang mga ito ay umiiyak. Ang mga paniki ay may kakayahan ding makagawa ng isang tunog na katulad nang tunog ng isang ilaw. Ang mga ito ay nakakagawa ng flicker sound na kanilang ginagawa upang maiparinig sa tenga ng isang tao.

Ang pagamit ng flicker sounds ay isang bagay na kanilang ginagawa sa tuwing ang mga ito ay naglalakbay sa gabi at upang makaiwas sa mga bagay kanilang tatamaan o mababangga. Habang pabilis ng pabilis ang nagagawang tunog ng isang paniki, ang ibig sabihin nito ay nakadetect na ang isang paniki ng kanyang makakain.

Ayon sa ilang research, 70 percent lamang sa lahi ng mga paniki ang nakakagawa ng echolocation. Ang mga flicker sound na naririnig ng mga tao ay hindi nila ginagamit upang magawa ang echolocate.

Ayon sa ilang research, ang ultrasonic sounds na nagagawa ng mga paniki upang makapag echolocate , ay hindi naririnig ng tenga ng isang tao. Ang mga iilang insekto katulad ng mga moths, beetles at mga crickets lamang ang ilan sa mga insketo na nakakarinig nito. Ayon din sa pag-aaral, sa tuwing naririnig ito ng mga maliit na insekto, ang mga ito ay gumagawa ng sarili nilang ingay o hindi naman ay gagawa ng ilang pattern sa hangin upang makaiwas sa pagka-kain sa paniki.

Ayan ha clear tayo, hindi ang mga tunog na naririnig nyo sa paniki ang ginagamit sa echolocation.

Blind:

If bats are blind, why do they have eyes? - BBC Science Focus Magazine

Kung gumagamit ng echolocate ang isang paniki, ang ibig sabihin ba ay hindi ito nakakakita? Well, ayon sa ilang research ang isang paniki ay napapagana ang kanilang 5 senses. Ang pang-amoy, pandinig, panlasa, pandama at paningin. Ang paniniwala na ang mga ito ay bulag na nilalang ay isang maling paniniwala. Ang mga ito ay nakakakita ng maayos sa umaga, ngunit dahil nasanay ang mga ito na lumipad tuwing gabi nagkaroon tayo ng paniniwala na sila ay hindi nakakakita.

Ayon sa ilang pag-aaral, hindi umaasa ang mga paniki sa kanilang night time vision sa tuwing sila ay lumilipad sa madilim na gabi. Ang mga ito ay gumagawa ng isang matataas na tunog na tinatawag na ultrasound. Katulad nga ng sinabi ko kanina, ang tunog na ito ay hindi naririnig ng isang tao, ngunit ng iilang insekto lamang.

Ang mga eksperto ay nakagawa ng isang bagay upang marinig ang ilang mga tunog na nagagawa ng isang paniki. Gumawa sila ng ultrasonic microphones na kung saan mayroong kakayahan na malaman kung gumagamit ng echolocation ang isang paniki, at mula sa gamit na ito ay malalaman kung ang paniki ay nasa paligid lamang.

Cave:

Bats From a Single Cave in China Have All The Building Blocks of a ...

Bakit ba nakatira ang isang paniki sa loob ng kweba? Malamang yan ang susunod na tanong na nasa isip mo.
Ayon sa ilang mga pag-aaral patungkol sa nilalang na ito, ang pagtira ng mga paniki sa kweba ay upang makaiwas na panganib na mayroon sa labas at upang makapag save o makapag ipon ng enerhiya na kanilang ginagamit tuwing gabi. Ayon sa science focus, ang ilang mga nilalang na naninirahan sa loob ng kweba , well kasama na nga ang mga paniki ay upang makatulog ng maayos sa umaga.

Ang iba naman ay nagha-hibernate o naghahanda sa pagdating ng taglamig. Ang temperatura sa loob ng kweba ay nanatiling nasa mababa at hindi ito madaling pasukan ng ingay at liwanag na mula sa labas. Ang mga ito ay nagsasama-sama upang makagawa ng isang mahigpit na seguridad para sa kanilang kaligtasan at para na din sa saktong init na kanilang nakukuha.

Dahil ang mga paniki ay isang warm blooded na hayop, hinahayaan ng mga ito na bumaba ang temperatura ng kanilang katawan habang sila ay natutulog sa loob ng kweba. Ngunit ang mga paniki ay hindi tumitira ng basta basta sa loob ng isang kweba, ang mga ito ay naghahanap ng isang malamig at malaking kweba na maring nilang tuluyan sa mahabang panahon.

Isa pa sa nagagawa ng mga paniki ay ang pagsabit sa isang bagay na hindi gumagamit ng lakas, paano nila ito nagagawa? Ayon sa ilang research, ang tendon na nakapaloob mismo sa kanilang mga mahahabang kuko na nakakonekta din sa kanilanag katawan ang kanilang ginagamit.

Ang tendon ay parang tali na nagsisilbing pangkapit nila sa pagkakasabit. Ayon sa ilang mga pag-oobserba sa mga nilalalang na ito, nalaman ng mga eksperto na nagkakaroon ng malaking suporta sa isa’t isa ang mga paniki sa iisang kweba. Naobserbahan ng mga eksperto na kung ang isang paniki sa isang samahan ay nakakalabas ito ay magdadala ng pagkain para sa iba nyang kasama.

Dahil sa madalang lamang lumabas ang mga paniki mula sa kanilang tirahan o mula sa isang kweba, ang mga tao ay nagkaroon ng paniniwala na ang mga ito ay takot sa liwanag. Ngunit ayon sa ilang pag-aaral, wala itong katotohanan. Dahil sa maliit ang mga ito kahit sabihin na ang ilan ay malalaking uri ng paniki, ito ay delikado pa rin para sa mga malalaking ibon na active sa umaga.

Tulad na lamang ng mga uwak, kahit ang mga pusa, mga ahas , ilang mga hayop na madali silang mahuhuli at mapapatay. Dahil sa ganitong panganib, ang mga paniki ay nasanay na maglakbay sa gabi dahil kakaunti lamang ang mga gising na kalaban sa oras na ito. Madali itong makakagala sa iba’t ibang parte ng lugar at madali itong makakadapo sa mga sanga. So in short, survival instincts din nila kung bakit hindi sila naghahanap ng pagkain sa umaga.

Ang mga eksperto ay nakahanap ng isang kweba kung saan halos milyon ang paniki na nakatira sa loob nito. Ito ay sa Braken Cave na makikita sa labas ng San Antonio sa Texas. Ayon sa ilang mga research, ang mga paniki ang bumubuo sa 20 percernt ng populasyon ng lahat ng mammal na nabubuhay sa mundo. Malaki din pala ang grupo ng mga paniki although hindi lang natin sila nakikita dahil nga sa kweba sila at gabi na lumalabas.

Types of Bats:

Common Bats of North America Poster Print | Bat species, Poster ...

Ayon sa bat worlds, halos 1,100 na klase ng mga paniki ang nakilala ng mga eksperto. Ang ilang mga kilala at palaging nakikita lamang ang aking babanggitin sympre kung babanggitin natin lahat yan, abay goodluck sa oras.
Nariyan ang tinatawag na Fruit Bat na kung saan ito ang mga paniki na kumakain lamang ng prutas. Ang uri ng mga paniki na ito ay makikita din mula sa iba’t ibang laki.

Ang tinatawag na Indiana Bat, na isang medium size na paniki. Ang ganitong uri ng paniki ay mayroong kulay na kayumangi, itim o hindi naman kulay abo ang kanilang katawan o balahibo. Nariyan din ang tinatawag na Vampire bat na kung saan ang kinakatakutan ng ilang tao. Ngunit ayon sa mga nag-aaral ng paniki, hindi naman kailangan katakutan ang mga ganitong uri ng paniki.

Sympre dahil sa salitang vampire iniisip na natin na naninipsip ito ng dugo, at tayo bilang tao na may dugo ay target din nito. Ayon sa ilang pag-aaral, maari itong mangyari ngunit halos walang balita o kaso patungkol sa paniki na kumagat sa isang tao.
Ang sumunod ay ang kinikilala na Little Brown Bat na kung saan aabot lamang sa 3 inches ang laki ng paniki na ito.
Ang isang sa pinaka rare na paniki na nakilala ng mga eksperto, ito ang tinatawag na Giant Golden-Crowned Flying-Fox. Pangalan pa lang alam mong rare na. Ang paniki na ito ay mayroong mahabang pakpak na kaya nilang ibalot sa buong katawan kung sila ay natutulog sa umaga. Imagine seeing this sa gitna ng gabi o kaya sa madaling araw pag gising mo, ewan ko na lang kung makagalaw ka pa.

Human Head:

Why bats don't get sick from the viruses they carry, but humans can

Kung minsan, mayroong mga balitang ang mga paniki ay mahilig atakihin ang ulo ng mga tao, o to be specific ang buhok nito. Ayon sa mga bats expert, hindi nito inaatake mismo ang buhok ng isang tao, ngunit ang insekto na nakadapo mismo sa buhok ng isang tao. May mga ilang insekto na dumadapo sa ulo ng isang tao dahil pinaniniwalaan ng mga eksperto na naatract ang mga ito sa init ng katawan ng isang tao.

Ang mga nilalang na ito ay tahimik na naghahanap nang kanilang pagkain at tahimik na natutulog sa loob ng kweba. Kasalanan na lamang ng isang tao kung papasukin niya ang isang kweba na pinamamahayan ng maraming paniki.

Ang mga paniki ay mayrong matalas na pandinig at nakakita din ito. Pero merong mga paniki na umaasa sa echolocation habang ang iba naman ay umaasa sa kanilang paningin. Kaya ang sagot sa tanong mo boss Ryan ay matalas ang pandinig ng paniki na mas matalas pa sa tao dahil ito ay kayang makarinig ng ultrasounds. Habang sa paningin naman ay normal lamang ang paningin ng ibang paniki pagdating sa low light conditions. Depende pa rin sa klase ng paniki.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.
Wag din kalimutang magsubscribe at ihit ang bell notification para lagi kayong updated. Maraming topics pa tayong ididiscuss at sigurado ako magugustuhan un ng mga taong gustong palawakin ang isip nila. Maraming Salamat sa panonood! Bulalord Out!

Sources

Sources

  1. http://www.batcon.org/resources/media-education/bats-magazine/bat_article/531
  2. https://www.batworlds.com/types-of-bats/
  3. https://batslive.pwnet.org/pdf/Q&A.pdf
  4. https://www.sciencefocus.com/nature/why-do-bats-live-in-caves/
  5. https://animals.howstuffworks.com/mammals/bat3.htm
  6. https://dnr.maryland.gov/wildlife/Pages/plants_wildlife/bats/batelocu.aspx
  7. https://www.kidzone.ws/animals/bats/facts8.htm
  8. https://askabiologist.asu.edu/echolocationhttps://dnr.maryland.gov/wildlife/Pages/plants_wildlife/bats/batelocu.aspx
  9. https://en.wikipedia.org/wiki/Hearing_range
  10. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3563265/
  11. https://www.britannica.com/science/sound-reception/Echolocation-in-bats
  12. https://www.discoverwildlife.com/animal-facts/mammals/what-is-echolocation/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit Makati ang dagat?

Sino ba si Nikola Tesla?