Gaano kahalaga ang mathematics sa buhay ng tao?

Reading Time: 12 minutes

Topics

1+1 = 2
Numbers, equation, problem solving ,Angle, miles, ratio at maraming pang iba. Algebra,Calculus, Geometry at Trigonometry yan ang paksa kung saan laging hinahanap ang value ng x. Teka mayroon ka bang x ? Joke lang.
Ito ang bagay na nagpapahirap sa lahat ng mga estudyante , hindi sa mga nag-eenjoy na magsolve ng kung ano-anong problema.Mahirap aminin ngunit, aminin na natin na minsan ay nahihirapan pa din tayo sa simple math. Addition, Subtraction , Multiplication at ang Division.

Mathematics, bakit nga ba kailangan pag-aralan ang subject na ito? Hindi naman kailangang ng equation kapag bibili sa tindahan, sa palengke, kapag magbabayad sa dyip? Yung tipong mama bayad po, sasagot ang drayber ng ilan? x + y raise to 2 po yan manong. Mapapakamot na lang ang drayber sa yo. So bakit?

Gaano kahalaga ang math sa buhay ng isang tao, ang tanong na ito ay mula kay Benben13 at ito ang ask bulalord.

Math History:

History of Mathematics - Blog

Ang lahat ng bagay ay mayroong pinagmulan, hindi lamang ito lumabas sa mundo at naintindihan na lamang ng mga tao mula noong unang panahon. Kilalanin natin kung sino ba ang dapat sisihin sa pagbibigay ng maraming problema sa mundo ng mga numero. Noong ang mga tao ay nakabuo na nang kanilang sariling lengwahe, ang isinunod na nang mga ito ay matutong magbilang. Mula sa mga daliri sa kamay hanggang sa daliri na mayroon sila sa paa.

Ang bahagi na ito ng ating katawan ang nagsilbing Abacus o ang makalumang calculator ng ating mga ninuno. Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng decimal system ay hindi aksidente at ang number 10 ang naging basehan ng counting system noong unang panahon. Kung sakaling lumagpas na ito sa kanilang pagbibilang, ang mga tao noon ay gumagamit na nang mga bato at mga stick.

Ayon sa History world, ang pagkabuo at paggamit ng Arithmetic ay hindi madali, ngunit noong nakabuo na nang maayos at organisadong pagkakasunod-sunod ng mga numero ito ay kanilang madali na lamang nagamit.

Ayon sa ilang research, mayroong ebidensya na ang mga tao noon ay nakakaintindi na at nakakagamit na nang numero sa kanilang buhay. Isang buto ang natagpuan sa Swaziland, ang Lebombo bones na halos 37,000 years old ang tanda. Nakita sa buto na ito ang dalawampu’t siyam na maliliit na guhit, pinaniniwalaan na ang mga guhit na ito ay paraan upang mairecord ang mga numero o bilang ng isang bagay o tao noong panahon na iyon.

Matapos makita ito ng mga eksperto, nakakita muli ito ng isang buto na ang tanda ay nasa 20,000 years old. Ang Ishango bones na kung saan nakitaan ito ng tatlong column at ang bawat column ay nagtataglay ng bawat guhit. Ayon sa mga eksperto, ang mga pattern na makikita sa buto na ito ay nagpapakita na noon din ay naintindihan na nang mga tao ang paggamit ng simple Arithmetic at ang paggamit ng mga prime numbers. Tulad na lamang ng 2,3,5,7,11,19,23 at 29. Ngunit ayon sa ilang mga ekperto, hindi ito isang tunay na mathematics ngunit pagrerecord lamang upang mabantayan ang dami ng isang bagay.

Noong 5th millenium BCE ang Pre-dynastic ng Egyptian at nang mga Sumerian, makikita sa kanilang naiwan na kagamitan ang mga geometric design. Nakitaan din ng ilang mga desensyo ang ilang bato na naitayo noong 3rd millenium BCE na mula sa Northern Europe. Ngunit ayon sa mga eksperto, ang mga maayos na pattern, mga hugis, at ilang pang maayos na bagay ay hindi matatanggap bilang isang mathematics.Ang mga nakaguhit sa mga bato ay isa lamang maayos na decorasyon at isang napakandang sining na ginagawa ng mga tao noong unang panahon.

Ang mathematics ay lubusan lamang nagamit at naintindihan noong nagamit ito ng pinaka unang sibilisadong tao sa mundo. Ang Summerian at ang Babylonian civilization sa bayan ng Mesopotamia at ang mga ancient Egypt na nakapagtayo ng isang Pyramid. Mula sa pagsukat ng isang kalupaan upang tayuan ng tahanan, upang pagtaniman, ang pagbabayad ng buwis, pagtatayo ng isang gusali at iba pang bagay na mayroong kinalaman sa matematika ay nagawa ng maayos ng sibilisasyon na ito.

Ayon sa ilang mga eksperto at ilang pang mag-aaral patungkol sa dito, nakita sa ilang mga bato na mula sa isang Knowth o isang passage tomb at sa Newgrange burial mounds sa Ireland ang ilang mga guhit na pinaniniwalaang naging basehan ng unang Arithmetic at geometric. Ang mga ukit na ito ay pinaniniwalaan na mula pa noong 3500 at 3200 BCE.

Ang maayos at ang paulit-ulit na zig-zag glyphs na ginamit upang maging isang paraan ng pagbilang at ito ay isang sistema na ginamit ng mga taga Britain at mga taga Ireland noong 1st millennium BCE. Ayon sa mga eksperto, ang isang Stonehenge na kung saan isang Neolithic ceremonial at astronomical monument na makikita sa England ay pinaniniwalaan na naitayo pa mula noong 2300 BCE.

Pinagtatalunan ng mga eksperto kung ang malalaking bato na ito ay nagpapakita ng isang halimbawa sa paggamit ng 60 at 360 na ginamit na sukat ng isang bilog. Isa itong gawain na kung saan pinaniniwalaan na mula sa sexagesimal counting system at ginamit at nabuo noong mga Sumerian and Babylonians. So base sa history malaking tulong ang math para sa simpleng arithmetic, pagbibilang ng mga tao at sukat na rin sa pag gawa ng isang gusali o monumento. Kung ganuon bakit buong elementary hanggang college pinag-aaralan ang math? Hindi ba dapat sa college lang?

Why Mathematics is Important:

13 Reasons Why Math is Important

Ano nga ba ang importansya nito sa ating pang-araw araw na ginagawa. Ayon sa ilang research, mayroong pitong rason kung paano ito naging importanteng sa ating buhay. Una, importante ito sa araw-araw. Hindi mo man nagagamit ang mga x at y’s mga angle, ngunit bago matulog, at pagkagising sa umaga ay nagagamit mo na ito.

Paano? sa tuwing matutulog ka sa gabi, kakalkulahin mo kung ilang oras na ba ng tulog ang iyong makukuha. Pagkagising mo sa umaga, kakalkulahin mo ang oras na natitira upang maghanda sa pagpasok sa trabaho o hindi naman sa eskwelahan. Kasama na din dito ang pagkalkula ng oras na iyong magagamit bago ka makapunta sa mga lugar na ito.

So, araw-araw din ay ikaw ay nagbubudget. Binibilang mo ang perang natitira sa iyong bulsa at kakalkulahin mo na kung paano mo ito magagamit, o hindi naman ay maipangbili ng isang bagay o pagkain. Maari mo din itong magamit sa tuwing ikaw ay nagluluto, sa pagsukat ng tubig, ilang pampalasa na iyong ilalagay sa pagkain upang mas lalo itong maging masarap. Biruin mo kung hindi mo alam ang mga measurements na pinagaaralan din sa math, pagnagpabili sayo ang jowa mo ng bra, patay na, anong pangsusukat mo? Kamay mo?

Pangalawa, tulad nga nang nasabi ko kanina, Time management. Noong ikaw ay nasa elementary pa lamang o hindi naman ay kinder, tinutururan ka nang tumingin sa oras. Sa tulong ng math, naintindihan natin at nalaman natin kung paano tumingin sa orasan. Mula segundo, minuto at oras, noong nalaman at naintindihan ito ng ating isip, mas naging mahalaga ang oras para sa isang tao. Nalaman nito kung paano ipag-sunod sunod ang mga gagawin niya sa isang araw.

Money Budgeting, ayon sa mga eksperto hindi lamang kalkulasyon ang naitutulong ng math sa ating buhay. Ang pagtingin ng halaga ng pera ay base sa unit o base sa kung anong klaseng numero ang nakalagay dito. Nakakatulong din ito upang gumawa ng isang pera at nakakatulong upang maintindihan kung paano natin ito gagamitin ng maayos.

Ang math ay nakakapagbigay din ng isang exercise sa ating utak. Sa tuwing ikaw ay pinagsosolve ng isang problema ng iyong guro, matuwa ka dahil tuinuturauan ka nitong gamitin ang iyong utak pero honestly kakaunti lang ang natutuwa satin pag nagsosolve ng math problem. Paduguan ng utak eh.

Sa tuwing ang utak ay gumagana para isolved ang mga math question na ito at sa tuwing iniintindi nito ang mga equation, solving pattern, at mga formula, ang utak natin ay nahahasa sa pag-iisip ng mabilis at upang mas lalong maging magaling sa iba pang bagay.

Ang math din ang nagbibigay sa tao ng isang kaisipan na lahat ng problema ay mayroong solusyon. Hindi lamang basta-basta nagbibigay ng problema ang isang guro, ngunit alam niyang ito ay mayroong sapat na solusyon na kailangan malaman ng isang estudyante o hindi naman ng isang tao. Ang problem solving skills na naibibigay ng math ay nakakatulong upang matignan natin ang ilang bagay sa iba’t ibang paraan.

Ito ay isang subject kung saan maari mong makuha ang isang sagot sa ilang paraan. Halimbawa na lamang, _+_= 5 maaring ang maging sagot ay 3+2 , o hindi naman 4+1 kahit na magkaiba ito, ang magiging sagot ay 5 pa din.

Ang isa sa pinaka mahalagang bagay na naitutulong nito ay para sa trabaho ng isang tao. Sa kahit anong trabaho na iyong papasukan, ang pagkakaroon ng kaalaman sa math ay isang mahalagang bagay. Lumabas sa isang research, na ang mga employer o ang mga kumpanya na tumantanggap ng isang employee ay naghahanap ng isang tao na average ang makukuha sa math test.

Naniniwala ang mga ito na kung, mayroon sapat na kaalaman ang mga taong ito, magaling at mabilis itong makakaisip ng kahit anong solusyon para sa mga problema na kanyang kakaharapin sa trabaho.

Dahil sa mathematics, ang mga matatalinong tao ay nakagawa ng ilang magagandang bagay na iyong nagagmit ngayon. Dahil din sa math, ang mga gamot ay nagawa upang ipainom sa mga taong mayroong sakit.

So, hindi mo naman kailangan maging isang magaling na mathematecian upang maintindihan ang bagay na ito. You just need to understand the right formula upang hindi ka malito sa pagsosolve. Kaunting pagkaintindi upang maipasa ang kahit anong uri ng math na iyong pagdadaaanan sa iyong buhay.

Oo sa pang-araw araw nabuhay hindi natin nagagamit ang mga complexity ng math, pero ung simplicity nito kagaya ng measurements, counting at iba pa ay nagagamit natin sa pang araw araw. That is how important math is.

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pulsars and Quasars

Philidelphia Expirement