Dragons…

Reading Time: 4 minutes

Dragons here, dragons there. Pag ang pelikula may dragons, epic yan. Sympre umaandar ang ating imahinasyon patungkol sa nilalang na ito. Pero one might think, saan nagmula ang mga dragons? sila ba ay totoo o kathang isip lang kagaya ng iba pang mga nilalang o karakter ng mga mythology?

 

Iba’t iba ang nirerepresenta ng isang dragon, ang iba good luck, fortune at wisdom habang ang iba naman badluck, evil at heresy ito.

 

Mga boss, overview lang po ito. Pwede pa po tayong magkaroon ng longer videos patungkol sa iang topic especially around mythology.

 

Ang origins ng dragon lore ay hindi pa rin malinaw magpasahanggang ngayon. Ang naestablish lang ay ang mga buto ng isang hayon dating back 300 BCE na nilagyan ng label na dragons. So ang tanong, sinong nauna, ang pagidentify ng buto na naging dahilan ng pagkakaugnay sa dragon, o ang konsepto ng dragon prior sa discovery ng buto? We may never know mga boss.

 

Maraming naniniwala na ang inventor ng dragons ay ang mga chinese at kita naman natin yan sa kanilang kultura. Pero kung sila nga ang naunang nakaisip ng konsepto ng dragon, then posibleng at one point in time ang tsino ay nakapunta sa north amerika at naipasa ang mga paniniwala at kultura nila pero again, kagaya ng nauna, wala itong matibay na ibedensya.

 

Ang mga draogon ay naiuugnay sa mga reptiles dahil na din sa estraktura nito. Ang iba nakakalipad, ang iba hindi. Ang iba may paa habang ang iba ay wala. Ang isang dragon ay posibleng may isa o higat pang ulo. Kagaya ng isang reptile sila din ay nangingitliog at malalakas ang mga ito at nakakatakot.

 

Ang mga european dragons kadalasang inilalarawan bilang isang masamang nilalang, ang mga kristiano naman inuugnay ito sa demonyo o diablo. May ibang kwento na ang mga dragons ay gawa ng diyos at mababait ang mga ito pero nuong si adam at eve ay pinalayas sa garden of eden, kasama ang mga dragon dito.

 

Ang mga dragons sa europe ay hindi naman lahat malalaki may iba rin na kasing liit ng paru paro o isang oso. Hindi rin sila mga matatalinong nilalang kagaya ng paglalarawan sa literature ng beofulf.

 

Ang mga dragon naman sa china ay inuugnay sa good luck at kapangyarihan. Kasama rin sila sa chinese zodiac. Ang mga dragons ng china ay kadasalan iniuugnay sa royalty at makikita naman natin ito sa mga chinese emperor na kadasalan ay nasa mga armor nila. Ito kasi ang nagsisimbulo ng kalakasan.

 

Medyo kakaiba naman ang mga vietnamese dahil ayon sa mythology nila, lahat tayong mga tao ay mula sa isang dragon. Karamihan ng mga dragons sa asia ay mababait sympre hindi lahat kaya nga karamihan eh.

 

Dito rin sa atin meron din tayong mga dragon at kagaya ng western countries, inilalarawan natin ang dragon bilang isang masamang nilalang. Isa na nga dito si bakunawa na kumakain ng buwan.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Papaanong nagsimula ang mummification?

Ano ang Chronovisor?